登入“Nicole, it's bouquet toss! Come on, maybe you'll be the next bride!” Tawag iyon ng bride na si Wendy mula sa gitna ng venue.Napalingon si Nicole.Dahil doon, hindi nito naituloy ang tangkang paghablot sa wig ni Cassandra.Napahinga nang maluwag si Cassandra.Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na umalis sa lugar.Pagbalik niya sa service area, agad siyang sinalubong ni Divina.“Cassandra, ayos ka lang?”Tumango siya. Ngunit sapo pa rin niya ang dibdib habang pilit pinapakalma ang sarili."Muntik na akong mabuko ni Nicole.” mahina niyang sagot.Napalunok si Divina.“Kailangan nating makagawa ng paraan para makaalis na tayo rito,” sabi ni Divina, nag-iisip.Napalingon si Cassandra sa direksyon ng venue. Mula roon ay tanaw pa rin niya ang mga bisita, ang kasiyahan ng okasyon...at si Ismael na tila nakamasid pa rin sa kanya.“Cassandra, nagalit si Rey sa pagtakasnatin,” nag-aalalang sabi ni Divina.“Ano?” napakurap siya at bahagyang napayuko.“Tapos sabi niya…” Nahinto si Div
Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain. May mga waiter na naghahain ng inumin, may nag-aayos ng mga mesa, at may mga coordinator na paikot-ikot upang tiyaking maayos ang takbo ng program. Kasabay ng ibang staff, binigyan sina Cassandra at Divina ng tig-isang tray na may lamang mga wine glass. “Cassandra, kaya mo ba?” mahinang bulong ni Divina habang naglalakad sila sa gilid ng venue. “Oo, Divina,” sagot niya. Ngunit kahit kalmado ang boses niya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa tray. “Hayaan mo. Hahanap lang tayo ng pagkakataon na hindi nakatingin ang supervisor, tapos aalis na tayo agad. Hindi naman talaga tayo staff,” bulong ni Divina. “Sige,” mahinang sagot ni Cassandra. Ngunit hindi naging ganoon kadali ang plano nila. Maya-maya ay nagsimula na ang programa. Isa-isang pinaupo ng coordinator ang mga bisita sa kani-kanilang mesa habang tumutugtog ang mahinang instrumental music sa paligid. Unti-unting napuno ang mga upuan. Halos lahat ay abalang bumabati sa bride at g
Sa bahay na kanilang tinutuluyan at pansamantalang pinagtataguan…Sa sala, abala si Cassandra sa laptop.Payapa ang paligid, simple at maaliwalas ang maliit na sala—nasa harap niya ang maliit na coffee table kung saan nakalatag ang kanyang sketchpad, mga lapis, at ilang design notes. Katabi rin ang isang tasa ng malamig na kape at nakapatong na cellphone na paminsan-minsan lang niyang tinitingnan.Ilang araw na rin ang lumipas.Unti-unti, pilit na sinusubukan ni Cassandra na masanay sa mga nangyayari. Sa kabilang sofa, abala naman si Divina sa pag-scroll sa cellphone niya.Maya-maya ay bigla itong napatigil. Napatingin muna kay Cassandra, tila nag-alangan, bago muling ibinalik ang tingin sa screen.Napakunot-noo si Cassandra nang mapansin ito.“Totoo ba 'to…” mahina ngunit iritang bulong ni Divina. Agad niyang ibinaba ang brightness ng cellphone.“Bakit, ano ‘yan Divina?” tanong ni Cassandra, hindi inaalis ang tingin sa laptop.“W-Wala…” mabilis na sagot ni Divina, umiwas ng tingin.
Hapon na nang dumating si Ismael sa ospital.Tahimik niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking bago pinatay ang makina.Agad na bumalot ang katahimikan sa loob.Ilang segundo siyang nanatiling nakaupo, parehong nakahawak ang mga kamay sa manibela.Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.Ngunit nang bahagya siyang lumingon sa passenger seat—naroon ang itim na hoodie.Ang parehong hoodie na ilang oras pa lang ang nakalipas ay suot niya.Nanatili ang tingin niya roon.Parang may alaalang pilit na bumabalik sa isip niya.Maya-maya ay napasandal siya sa headrest at mariing ipinikit ang mga mata.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.Pagkatapos ay muli niyang iminulat ang mga mata at iniwas ang tingin sa hoodie.Binuksan niya ang pinto at bumaba ng sasakyan.Pagpasok ni Ismael sa loob ng ospital, agad siyang sinalubong ng mahigpit na seguridad.May mga bantay sa bawat pasilyo at kanto, ngunit nang makilala siya ng mga ito, mabilis silang tumabi at nagbigay-da
Napatuwid ng tayo si Rey nang marinig ang boses ni Cassandra sa likuran niya.“Ayusin n’yo muna ang problema sa rancho,” seryoso niyang sabi sa kausap. “May ilang delivery pa tayong kailangang asikasuhin at pakitingnan din ang bakod sa silangang bahagi. Tawagan n’yo na lang ako kapag maayos na.” bahagyang lumayo si Rey sa veranda.“Rey…” muli siyang tinawag ni Cassandra.Saka lamang siya kunwaring lumingon.“C-Cassandra?” nagulat na sabi niya. “May kailangan ka ba?”Napakurap si Cassandra.Nagkamali lang ba siya ng narinig?Kanina ay tila malinaw niyang narinig ang pangalang Indira.Ngunit ngayon, tungkol naman sa rancho ang pinag-uusapan nina Rey at ng kausap nito.“Ah… w-wala,” mahinang sagot niya.Sandaling pinagmasdan siya ni Rey bago ibinaba ang cellphone.“Ayos ka lang ba?”Tumango si Cassandra.Pero sa loob-loob niya, hindi pa rin maalis ang pagdududa.Sigurado ba siyang mali lang ang narinig niya? O may bagay na hindi sinasabi sa kanya si Rey?“May itatanong lang sana ako pero
“Cassandra, how are you holding up?”Natigilan si Cassandra nang marinig ang boses ni Nicole sa kabilang linya.“Bakit nasa'yo ang cellphone ni Ismael?”Mahinang natawa si Nicole.“Let's just say... he gave it to me.”Halos matabig ni Cassandra ang laptop sa harap niya.“Bakit?”“Because he's busy right now.”May bahid ng panunukso ang boses nito.“Besides, I thought it would be better if I called you myself.”Natahimik si Cassandra.At parang lalo lang nasiyahan si Nicole.Saglit itong tumigil bago sinadyang idiin ang susunod na mga salita."You really didn't think he'd choose you over his own mother, did you?"Hindi agad nakasagot si Cassandra. Masakit marinig ang mga salitang iyon, lalo na dahil iyon mismo ang pilit niyang iniiwasang isipin. At ang pinakamasakit sa lahat—hindi niya masabing mali si Nicole. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone bago tuluyang nagsalita.“Bakit ka tumawag, Nicole?”“'I just thought you deserved to know,’ sabi ni Nicole sa tono na kunwaring malambing
Ang nagngangalit na mga mata ni Ismael ay unti-unting lumamlam, tila may init na biglang tumagos sa laman ng kanyang mga titig. Sa Isang hakbang, mabilis nitong natawid ang pagitan nila at agad na nahawakan ang likod ng ulo niya. Ibinaba ang mukha at sinakop ang mga labi Cassandra.. Malalim at sa
Napaatras si Cassandra, at sa sobrang taranta, dumulas mula sa kanyang katawan ang tuwalya. Tumambad kay Ismael ang hubo't hubad niyang katawan. Nakita niyang lumunok si Ismael, at sa takot na baka siya ay sungaban, kusang pumikit ang kanyang mga mata nang lumapit ito. Ngunit sa halip na gawin an
"Namatay yong mga alagang manok, nakawala sa kulungan, napagdiskitahan ni Bulldog, nakapasok pa sila dito sa bahay kaya nagkalat ang dugo, para hindi mamaho kinatay na ni Ismael kagabi ang mga manok at ayun, pinamigay sa mga tao dun sa sakahan." paliwanag ni Manang Saning ang sinasabing Bulldog ay
Ika-limampu't walong kaarawan ni Arsenio Vergara. Idinaos ang selebrasyon sa harap ng mansion nito sa Cavite. Dumalo ang mga kakilala, kamag-anak at kasosyo ng mga ito sa negosyo. Maging si Cassandra, bilang fiancée ni Janus. Kalagitnaan ng kasiyahan, natahimik ang lahat. Dumating ang hindi inaa







