LOGINDAVE’S POVPinoproseso ko sa utak ko ang mga sinabi niya. Nasa pintuan pa rin ako ng kusina at kitang-kita ko siya sa living room. Nakatingin sa kawalan. Bakit hindi nagtutugma ang sinasabi namin sa isa’t isa?Kung tinatawagan niya ako noon bakit hindi ko narereceive? Kung nagmemessage siya sa akin, bakit wala akong nakikita? Sino ba talaga sa aming dalawa ang nagsasabi ng totoo?Alam ko sa sarili ko na paulit-ulit kong chinecheck ang cellphone ko para tingnan kung may message na ba siya pero walang dumating. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala.Umigting ang panga ko at naikuyom ko ang kamao ko. Kung alam ni mom ang tungkol sa nangyari sa mga magulang ni Neah, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit siya nagsinungaling sa akin?Nilapitan ko si Neah, napaangat siya ng tingin para tingnan ako. Salubong pa rin ang kilay niya at bakas pa ang inis sa mukha niya.“Tell me you’re not lying.” Seryoso kong sambit sa kaniya dahil kung planado ang lahat para masira ang relasyon naming dalawa, m
NEAH’S POVLumabas na kaming dalawa ng kwarto para makapagluto ng kakainin at para malaman na rin ang kalagayan sa labas. Umuulan pa rin pero hindi na kasing lakas kagabi. Hindi na rin kumukulog at kidlat.“Bakit wala pa ring signal?” usal ko habang nakatingin sa cellphone ko. Hindi ko na alam kung kumusta na ba ang anak ko. Alam ko namang hindi pababayaan ni Claire ang anak ko pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala. I’m sure hinahanap niya na ako.“Good morning ma’am, good morning sir.” Napaangat ako ng tingin para tingnan ang isang staff ng villa na dumating.“I came here to let you know that no staff will be able to come today. I only stopped by to inform you. The storm last night caused too much damage. Your car, sir, is still stuck on the road because more than one tree fell. The vehicle is fine, though, just a few scratches in the front. We need the rain to stop before cleanup can begin. You still won’t be able to cross the bridge because the water got too high last night, and
NEAH’S POVHindi ako makatulog ng maayos dahil sa lakas ng kulog at ulan sa labas. Nakabalot na sa buong katawan ko ang kumot. Sa tuwing sinusubukan kong matulog, lumalakas naman ang kulog. Sa bawat kulog ay gumagalaw naman ang bahay.Bumangon ako at sumandal sa headrest saka ko niyakap ang mga tuhod ko. Tiningnan ko si Dave na mukhang tulog na. Mabuti pa siya at mahimbing na ang tulog. Akala ko ay kakausapin niya pa ako kanina. Marami siyang pagkakataon na kausapin ako pero hindi niya ginawa. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makapasok na kami rito sa kwarto.Tinitigan ko siyang mabuti dahil para bang nakita ko siyang nanginginig. Kulang ba ang kumot niya?Dahan-dahan akong bumaba sa kama para dagdagan ang kumot niya dahil baka nilalamig siya nang bigla siyang umungol habang nanginginig. Okay lang ba siya? Dahan-dahan kong hinawakan ang noo niya at naramdaman kong mainit siya.“Nilalagnat ka.” Usal ko pero mahimbing siyang natutulog. Tiningnan ko ang pwesto niya. Masyadong maliit a
DAVE’S POVBahing ako nang bahing nang makapagbihis ako. Masyadong malamig kanina nang mabasa ako ng ulan. Tinitiis ko lang na hindi manginig para hindi makita ni Neah. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako sa bathroom. Nakapagbihis na rin si Neah. Nakaupo siya sa single sofa, yakap-yakap ang mga tuhod niya. Para siyang batang takot na takot. Nagbago man siya pero yung mga bagay na kinatatakutan niya, hindi niya pa rin naalis. Mukhang takot pa rin siya sa dilim lalo na kapag malalakas na kulog at matatalim na kidlat.“Stay here, magtitingin ako ng pwede kong lutuin sa kusina.” Saad ko sa kaniya pero mabilis siyang tumayo.“Sasama ako sayo.” Like what I thought, takot siyang maiwan dito ng mag-isa. Nauna na akong lumabas ng kwarto habang nakasunod siya sa likod ko. Nang tumigil ako sa paglalakad ay bumangga siya sa likod ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.“I’m sorry,” usal niya. Hinarap ko siya at hinawakan ang isang kamay niya. “Ano bang ginagawa mo?” inis niya na namang tanong
NEAH’S POVPagdating namin sa tulay ay may humarang sa daanan namin na isang lalaki na nakasuot ng kapote. Binuksan ni Dave ang bintana niya."Sir, you can't pass through anymore because the water is already too high. The road has also been damaged because of the sudden storm. It's better if you turn back," Malakas na wika ng lalaki dahil sa sobrang lakas ng ingay ng ulan at kulog ay halos hindi na siya marinig.“Hindi tayo makakauwi?” kinakabahan kong tanong kay Dave.“Narinig mo kung anong sinabi niya.” masungit na sagot ni Dave. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Kailangan kong umuwi dahil siguradong hihintayin ako ng anak ko pero kung ipipilit ko naman ang gusto ko baka may mangyari pa sa amin ni Dave.Iniatras ni Dave ang sasakyan para makabalik kami ng hotel. Habang tumatagal lalong lumalakas ang ulan. Madilim na rin ang kalangitan na para bang gabi na kahit na mag-aalas kwatro pa lang ng hapon.Tinahak na namin ang daan, hindi magawang bilisan ni Dave ang sasakyan dahil sa s
NEAH’S POVNakatulala akong nag-aayos ng mga gamit ko. Wala na bang ibang paraan para hindi ko makasama si Dave? Ilang beses ko nang hinihiling na sana ay magkaroon siya ng emergency sa iba niyang project para iba na lang ang makasama ko pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari.Dalawang oras na lang ay aalis na kami pero wala pa rin akong naririnig na balita na may emergency siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pakiramdam ko, ito ang magiging pinakamatagal na araw para sa akin.“Mommy, are you okay?” napatingin ako sa anak ko nang magsalita ito. “Kanina mo pa mahigpit na hinahawakan ang gamit mo.” Dagdag ng anak ko. Napatingin ko sa folder na hawak ko. Lukot lukot na ito dahil sa pagkakahawak ko.“Magpapakabait ka kay Auntie Claire, okay?” habilin ko sa anak ko kahit na araw-araw ko nang sinasabi sa kaniya yun.“Opo mommy, don’t worry po.” Nakangiti niyang sagot.Nagpaalam na ako sa anak ko at umalis na para pumunta ng Sy Elite dahil dun kami magkikita ni Da
NEAH’S POVHindi ko magawang makawala sa pagkakasabunot sa akin dahil hawak ko ang anak ko. Dahil sa takot ng anak ko ay mas lalo itong umiyak.“What the hell are you doing?!” galit na sigaw ni Liam kay Victoria. Pilit na inalis ni Liam ang kamay ni Victoria sa mga buhok ko. Nang matagumpay niyang
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the s







