Share

Chapter 3

ILANG MINUTO na lang at alas-siete na at si Helaena na lang ang tao sa bahaging iyon ng building. Pero hindi iyon alintana ng dalaga at patuloy sa tahimik na pag-iyak.

Hindi niya matiyak kung pride nga lang ba ang nasaktan sa kanya o pati na puso. Matagal na siyang niloloko ni Harley at wala siyang kamalay-malay. And if there was one consolation for her, ay iyong hindi niya pagpayag sa gustong mangyari nito na mag-sex sila.

At kaya siya narito pa sa opisina hanggang sa mga sandaling iyon ay dahil hindi niya gustong umuwi at makipag-komprontasyon dito. At wala naman siyang mapupuntahang iba.

Kanina sa restaurant nang magkasalubong ang mga tingin nilang dalawa ni Harley ay kitang-kita niya ang biglang pagkailang nito. Guilt were written all over his face. Siguro ay marahil hindi gaanong mahalata ay tinanguan pa sila ni Keith. But he couldn't have waited to get out of the place as fast as he could.

Kinse minutos pagdating nila ni Keith sa opisina ay agad na tumawag si Harley sa kanya sa pamamagitan ng interphone.

"Helaena," tawag ni Keith na hawak ang receiver at isenenyas sa kanya.

Hindi man sabihin ay alam niyang si Harley ang nasa kabilang linya. Hindi sana niya ito gustong kausapin subalit naunahan siya ni Keith.

"Kausapin mo at tapusin mo ang dapat tapusin."

Mabigat ang mga hakbang na lumapit siya sa mesa ng kaibigan at kinuha ang interphone mula rito.

"Hello..."

"Helaena, let's talk tonight. I will explain," si Harley sa kabilang linya.

"What is there to explain, Harley?" sagot niya sa mahinang boses upang hindi marinig ng ibang mga empleyadong nasa malapit lang. "Maliwanag pa sa sikat ng araw ang panloloko mo sa akin."

Si Keith ay mataktikang tumayo at tinungo ang filing cabinet at kunwari ay may hinahanap.

"Helaena, please..."

"Walang dapat na pag-usapan pa. Wala ka na ring dapat pang ipaliwanag. At ayokong makipag-usap sa iyo..."

Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya ay ibinaba na ni Helaena ang telepono. Kung magtatagal pa siyang makipag-usap sa lalaki ay baka maiyak siya. She had been trying to compose herself because of Keith.

Hindi niya gustong ipakita sa kaibigan na labis siyang naapektuhan sa nangyari.

At ngayon nga ay heto siya sa opisina at ibinubuhos ang matinding sama ng loob. Ni hindi niya napupunang pinatay na ng janitor bago ito umalis ang ibang ilaw sa floor na iyon maliban sa ilaw na nasa malapit sa tapat niya at isang nasa may pintuan palabas.

Kasabay ng paghikbi ay muli niyang tinitigan ang ginawang resignation letter kani-kanina lang. She really liked her job pero walang kabuluhang manatili pa. Hindi niya gustong magkikita pa sila ni Harley, sinasadya man o hindi. Niloko siya nito. Kaya pala ganoon na lang ang tanggi nito na sa Hayes Company siya pumasok.

SA FIFTH FLOOR ay nag-iinat na tumayo mula sa pagkakaupo sa high-backed swivel chair niya si David Samonte. Sinulyapan ang relo sa braso. Hindi niya namalayang inabot siya ng ganoong oras sa pag-aaral sa kontrata para sa susunod na project.

Kung sa bagay, hindi na niya kailangang dalhin pa sa bahay ang dokumento. Dito pa lang sa opisina ay naguhitan na niya ang mga clause and paragraphs na dapat niyang ipakipag-usap sa abogado ng kompanya bukas.

Dinampot niya ang attaché case sa mesa at ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Kasalukuyan niyang inila-lock ang silid nang mapansin ang guwardiya na nagra-round sa building.

"Good evening, Sir," magalang nitong bati.

Isang tango ang isinagot niya. "Ako na lang ba ang natitira sa building, Vince?" tanong niya na ang ibig sabihin ay ang mga palapag na okupado ng Hayes Company, Inc. Sampung palapag ang building na ito sa may Ortigas at dalawang buong palapag ang okupado ng Hayes Company, Inc.

"May isa pa ho sa personnel, Sir. Nag-o-overtime yata."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Overtime? Ano ang ipinao-overtime ni Mauro? Karaniwan na ay ang personnel and hindi gumagawa ng OT sa mga departments ng Hayes. Kapag may bidding na sinasalihan ang kompanya ay lagi nang overtime ang engineering department, a couple from the accounting people, sales at purchasing. Pero hindi ang personnel.

Nagkibit siya ng mga balikat at nagtuluytuloy na sa elevator. Didiinan na lang niya ang buton ng ground floor nang magbago ang isip at sa halip ay ang 4th floor ang napindot. Aalamin niya kung ano ang ginagawa ni Keith. Malamang na si Keith ang naroon dahil karaniwan na ay ito ang nagpapaiwan nang matagal.

SI HELAENA ay nakayupyop pa rin sa mesa niya at patuloy sa marahang paghikbi.

Okupado ang isip at darndarnin nangyari kaninang hapon. Ni hindi niya namamalayan ang marahang paglapit ni David.

Nang tumikhirn ito'y agad ang pag-angat ng ulo niya. At kung hindi niya natakpan agad ang bibig ay baka napasigaw siya sa gulat.

"Hindi kita intensiyong gulatin," pormal na wika ni David. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng empleyado. Hindi nito inaasahang hindi si Keith ang nadatnan. Hindi nito kilala ang nasa harap na empleyado. Well, he wasn't actually familiar with the rank and file employees unless they had been with the company for years.

Ang nasa harap niya ay isang dalaga at magandang babae. Unusually pretty with her upturned nose, na namumula na. Sa kaiiyak marahil. Basa pa rin ng luha ang dulo ng mahahabang pilik mata sa kabila ng pagrnamadali nitong punasan ng panyo ang mukha.

Si Helaena ay hinahagod din ng tingin ang lalaki sa harap niya. He could be somebody from another department. He wasn't as tall as Harley who was a six footer. But still, he looked tall dahil tuwid na tuwid kung tumayo. Matipuno ang pangangatawan sa suot na light yellow designer's shirt at soft brown slacks.

Handsome? Lihim na umiling ang dalaga. Hindi iyon ang description na gusto niyang iakrna sa mukhang iyon.

He was too male and too musculine that 'handsome' would sound inappropriate. Parang nililok ng iskultor ang mga anggulo ng mukha. Ang klase ng mukhang imposibleng hindi mo lilingunin at titigan. Dark and prodding eyes. And a very... sensual mouth.

Sensual?

Goodness, Helaena! saway niya sa kanyang sarili. Kaya siya narito sa opisina hanggang ngayon ay dahil ipinaghihimutok niya ang kataksilan ni Harley. Pagkatapos sasabihin niyang sensual ang mga labi ng lalaking ito?

At kailan pa siya nagbigay ng ganoong description sa kanino mang lalaki?

"S-sino ka?" nauutal niyang tanong makalipas ang ilang sandali.

Bahagyang napaangat ang mga kilay ni Daavid sa tanong na iyon. Hindi siya kilala ng empleyadong ito? Imposible. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa sariling kompanya lalo at babae— dangerous and predator women for that matter. They were all alike. Mahirap man o may sinasabi sa buhay. He thought cynically.

Hindi siya mayabang pero alam niya ang atraksiyon niya sa opposite sex. Huwag nang idagdag pa ang katayuan niya sa buhay. At hindi niya mapaniwalaang ang babaeng nasa harap niya ay hindi siya kilala?

Alin na lang sa dalawa? Kahapon lang ito na-hire o nagkukunwari upang hindi mapahiya dahil dinatnan niya sa isang hindi komportableng sitwasyon?

"How long have you been in this company?" he asked in his no nonsense tone. Pilit na itinatago ang iritasyon sa tinig dahil sa naiisip na maaaring nagkukunwari ang babaeng hindi siya nakikilala.

"A—a month ago," sagot ni Helaena na nakatingala pa rin sa lalaki.

His brows furrowed. She was his employee for a month at hindi pa rin ito kilala. Hindi makapaniwala ang lalaki. Sino ang babaeng ito at hindi man lang pinagkaabalahang kilalanin ang pinaka-boss ng kompanyang pinagtratrabahuan niya?

Si Helaena ay wala sa loob na dinala sa ilong ang panyo and delicately blew her nose, upang pagluwagin ang paghinga.

Lumalim ang kunot sa noo ni David sa ginawa ng dalaga. Ang iritasyon ay napalitan ng amusement. How could this woman afford to look so unaffected and natural?

Kung ibang babae pa iyon ay natitiyak nitong hindi hihinto sa kagagalaw ng buhok patalikod and would try so hard to look very pretty. Ang isang ito ay mugto pa ang mga mata at nakuha pang suminga.

She didn't probably notice, too, that her hair was dishevelled. Though it only added attraction to the already beautiful face.

He cleared his throat. "Why are you here in this semi-darkened room crying your heart out?" muli nitong tanong. "Alam mo bang maliban sa akin ay nag-iisa ka na lang sa buong building. "

Hindi sumagot si Helaena. Paano niyang sasabihin sa estrangherong itong hindi niya napansin ang oras? Isa pa ay saan siya pupunta ngayon? Hindi niya gustong umuwi at harapin si Harley. At sana ay nakiusap na lang siya kay Keith na doon muna sa kanila kahit ngayong gabi lang. Natitiyak niyang hindi siya tatanggihan ng kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status