Naging abala ang mga unang araw ni Helaena sa Hayes Company. Nakahulihan agad niya ng loob si Keith, ang executive secretary ng personnel manager Ito ang nagbigay sa kanya ng briefing sa mga gagawin niya. Sa personnel siya na-assign bilang assistant nito.
"Kailan ba ang labas niyang nasa tiyan mo?" tanong niya rito.
"Three months pa. Kaya nga nagpa-advertised agad si Sir Mauro para ma-train ka sa sandaling mag-leave ako," sagot ni Keith habang itinuturo ang filing system ng employees' records. "At ano ang malay mo?" patuloy nito. "Baka ma-impress mo si Sir Mauro sa trabaho at i-permanent ka kaya pagbutihin mo, Helaena. " aagad, Nilinga niya ang dalawang personnel clerk, Sina Fauna at Ashley. "Bakit hindi ang isa sa kanila ang mag-relieve sa iyo?"
"May sari-sarili silang trabaho. At karaniwan na ay malimit utusan ang dalawa sa field. Pero kung talagang walang qualified na na-hire, si Fauna muna ang sekretarya ni Sir Mauro."
"Sana ay hindi ka magsawang turuan ako. Alam mo na, first timer ako sa opisina. At saka tulad na lang ng typing speed ko, alam ko namang bagsak ako roon. "
"Tama ka. Pero iyon lang naman ang minus factor mo. Atsaka pag nahasa ka sa pagta-type, mapapabilis mo rin ang speed mo. Kaya marahil hindi gaanong binigyan ngpansin ni Sir Mauro iyon. Besides, hindi mo naman kailangan ng mabilis na speed sa computer."
"Sana nga," may pag-asam niyang sagot.
Six months ang probationary period niya at maaaring bumaba ito sa three months, depende sa ipakikita niyang sigasig sa trabaho. At ipinangako niya sa sariling hindi niya aabutin ang anim na buwan para ma-permanent. Ngayon pa lang ay gusto na niya ang atmosphere sa Hayes Company.
Sa unang linggo ni Helaena sa trabaho ny dalawang beses pa lang bumaba sa puwesto niya si Harley. Ang una ay kunwari at itinanong ito kay Keith. Natural na ipakilala siya ni Keith rito. At sa ikalawang pagkakataon naman ay tila isa lamang siyang ordinaryong officemate nito.
Hindi malaman ng dalaga kung matutuwa o maiinis siya sa ikinikilos ng biyfriend. Kung sa bagay ay hindi talaga sila magkikita ni Harley kung hindi sasadyain ng bawat isa na puntahan ang kani-kanilang puwesto o hindi kaya ay utusan siya papanhik sa fifth floor.
Nasa ikalimang palapag ng building ang administrative, accounting at ang enginering department kung saan naroroon si Harley. Nasa ikaapat na palapag naman ang personnel, sales at ang purchasing deptu•tment.
Nang sumunod na linggo ay dalawang beses ding kaswal na burnaba sa puwesto niya si Harley—na hindi naman nagtatagal ng sobra pa sa dalawang minuto, Subulit tinutukso na si Sandra ng mga kasamahan.
"Mukhang masama ang tama ni lover boy sa iyo, Helaena," si Wencel, ang filing clerk ng purchasing.
"Sinong lover boy?" baling niya rito.
"Sino pa kundi si Mr. Draftsman," sagot ni fauna, ang typist-messenger sa personnel. "Nako, Helaena. Huwag mong patulan ang pagpapa-impress niyan sa iyo," warning nito na gustong ikabulalas ng tawa ni Harley kung hindi niya napigil ang sarili.
Ano kaya ang sasabihin ng mga ito kung malamang magkasintahan sila ni Harley?
"Bakit naman?" Nakisakay siya. "Nakikipagkaibigan lang naman iyong tao. At saka guwapo, 'di ba?" Sinabayan pa niya iyon ng hagikhik.
"Kung sa bagay ay talagang guwapo si Harley. Sino ba naman ang hindi maa-attract sa kanya?" si Wencel uli. "Kaya lang..." Hindi nito itinuloy ang sinasabi at nagkibit ng mga balikat.
Nag-angat ng ulo si Helaena. "Kaya lang ay ano?"
"Ay naku, Wencel," si Keith. "Bumalik ka na nga sa puwesto mo. Ang aga-agang tsismis naman niyan, ha," saway nito. Si Fauna agad na binalikan ang trabaho sa puwesto nito.
Nagkibit ng mga balikat si Fauna at bumalik sa puwesto nito na ilang hakbang lang ang layo mula sa personnel. At ang pagitan ng dalawang department bagaman parehong malaki ay isang pantay-taong divider na may lagayan ng plastic na halaman sa ibabaw.
"Curious lang naman ako," ani Helaena at nilingon si Keith. "Ano ba ang ibig sabihin ni Fauna?"
"Kung binibigyang-pansin mo ang paglapit-lapit sa iyo ni Harley ay sundin mo ang sinabi sa iyo ni Fauna." Sinulyapan nito si Fauna na kunwari ay inaabala na ang sarili sa pagta-type. "Noong araw ay may binibiro at tinutukso-tukso si Harley na bagong pasok na sekretarya sa sales. Nagpapakita si Harley na interested siya kay Angel. At si Angel naman ay nahulog agad ang loob kay Harley..."
Kumunot ang noo ni Helaena sa kuryusidad. It could have happened before she met Harley.
"So?"
"Minsan lang dinaanan ni Nicole si Angel sa puwesto nito at nagbigay ng babala subalit hindi nakinig si Angel. Matindi marahil ang pagkakagusto kay Harley. Kaya hayun, ni hindi umabot sa tatlong buwang probationary ang pobre."
"A-ano ang ibig mong sabihin?"
"Mahirap kalaban si Nicole, Helaena. Kaya kung gusto mong ma-permanent dito, iwasan mo si Harley," payo ni Keith.
Kinabahan na si Helaena subalit hindi nagpahalata. Kaswal na naglagay ng papel sa printer at nag-print.
"Sinong Nicole? "
Nagkibit ng mga balikat si Keith. "Ang accountant natin at anak din ng finance vice-president. At napabalita ring naging girlfriend ni David si Nicole. Kung sa bagay ay tsismis lang naman iyong nagkaroon ito ng kaugnayan kay Boss. Pero iyong tungkol kay Harley ay tila hindi naman nila nililihim. Laging magkasama ang dalawa." Nagbukas ito ng filing cabinet. "Huwag na nga nating pagusapan iyon. Hindi naman importante. Basta iwasan mo na lang si Harley."
Marami pa sanang-gustong itanong si Helaena kay Keith pero hindi niya magawa nang hindi siya mahahalatang nag-uusisa kaya hindi na niya dinagdagan ang usapan.
Mula noon ay hindi niya ninais niya na tanungin si Harley tungkol dito kapag umuuwi ito nang gabi na, pero hindi siya magkalakas ng loob. Baka sabihin nitong kay bagu-bago niya sa kompanya ay tsismis agad ang inatupag niya.
Mahigit na ring isang buwang hindi siya niyayaya nitong kumain sa labas. Kung sa bagay ay pabor sa kanya iyon dahil sa lagi na lang na magdi-date sila ay nauuwi sa pagtatalo dahil iisa lagi ang gustong mangyari ng binata—ang magtungo sila sa isang pribadong lugar na lagi naman niyang pinakatanggi-tanggihan.
Tuluyan na niyang nakalimutan ang naging usapan nilang iyon ni Keith tungkol kay Harley at sa accountant nila. Marahil nga ay tsismis lang iyon. Likas na lapitin ng mga babae ang boyfrienr at maaaring binigyang-kahulugan lang ng ibang tao.
Tatlong linggong mahigit na si Helaena sa kompanya nang yayain siya ni Keuth na kumain sa labas,
"Ano ang okasyon?" nakangiting tanong niya rito. Sa loob ng tatlong linggo niya sa Hayes Company ay totoong naging magkaibigan sila ni Keith. Naging malapit sila sa isa't isa at magkasama lagi sa pagkain at break-time. Higit na mas malapit siya rito kaysa sa mga naging boardmates na matagal na rin niyang nakasama.
"Wala naman. Hindi kasi ako nakapagbaon dahil nagpaalam iyong maid namin kahapon na dadalaw sa kamag-anak nito. At ayoko naman ng pagkain sa canteen. Pare-pareho na lang," ani Keith. Binuksan nito ang passenger seat ng Honda Civic model nitong sasajyan at pumasok si Helaena.
"Ano ang kakainin natin, pizza o hamburger?"
"Naku, eh 'di lalo nang ayoko niyan," mariing tanggi ni Keith na nagmamaniobra papalabas ng parking area. "May malapit na kainan dito two blocks away. Maraming executives ang kumakain doon. Cozy iyong lugar at mura na ang pagkain ay masarap pa."
Natawa si Helaena. "You sounded like an advertisement of that restaurant."
Nakitawa na rin si Keith. Hindi nagtagal ay ipinarada na nito ang sasakyan sa tapat ng hindi kalakihang restaurant.
"O, nandito rin pala sila, eh,” ani Keith nang makababa na sila ni Helaena ng kotse. "Sinong sila?”
"Sino pa ba? Edi sina Harley at Nicole. Kotse ni Nicole ang puting iyon.” inginuso nito ang isang kumikintab na CRV na dalawang sasakyan ang pagitan sa kotse ni Keith.
Agad ang pagtahip ng dibdib ni Helaena. Gusto na niyang sabihin kay Keith na humanap na lang sila ng ibang makakainan kung hindi lang siya mahahalata nito. At habang papasok ay umaasam siyang walang bakanteng mesa dahil oras ng tanghalian at puno ang restaurant ng mga tao.
Pag-asam na agad ding naglaho dahil kahit maraming tao sa restaurant ay may bakanteng mesa pa silangnakita. Tinayuan lang ng dalawang customer.
Pagkatapos maibigay sa waiter ang order ay inikot ni Keith ang paningin sa loob ng restaurant. Huminto ang mga mata nito sa isang sulok na mesa sa bandang kanan
"Ayun sila, o." inginuso nito ang kinauupuan ng dalawa.
Halos hindi humihinga si Helaena na sinundan ng tingin ang hinayon ng kaibigan.
Sa isang sulok ng restaurant ay naroon si Harley kasama ang isang magandang babae na marahil ay matanda pa rito ng apat na taon. Nagsusubuan ng pagkain at halos magkadikit ang rnga katawan sa pagkakaupo sa dalawahang upuan.
"Oh!" Nawalan ng kulay ang rnukha ng dalaga. Hindi na nakuhang itago kay Keith ang naging reaksiyon sa kataksilan ni Harley.
Nagtatakang napatitig sa kanya si Keith. "Helaena, what's wrong?''
Mabilis siyang umiling at inalis ang tingin sa dalawa. "W-wala... wala naman..."
"Anong wala, eh, ayan at maputla ka pa sa suka habang tinitingnan mo sila." Muli nitong nilingon ang dalawa sa sulok. Pagkatapos ay si Helaena. "Nabihag na ba ni Harley ang puso mo sa sandaling panahon?" naghihinalang tanong nito.
Umiling muli si Helaena. Pero kumikislap na ang mga mata niya sa Iuhang naghahanap na ng daan sa pagpatak.
"I can keep a secret naman, Helaena," banayad na patuloy ni Keith.
Isang mahabang bubtong hininga ang pinakawalan ng dalaga. Pilit kinakalma ang sarili.
Gusto niyang magpakita sa harap ni Harley sa sandaling iyon. Subalit nagpapakatimpi siya.
"May... relasyon kami ni... ni Harley, keith," aniya sa nanginginig na tinig.
"Agad?!" marahang bulalas ni Keith. At agad ring itinikom ang bibig nang ilapag ng waiter ang pagkain nila.
"Magkasintahan na kami ni Harley anim na buwan na halos ngayon," pagtatapat ng dalaga. Walang dahilan para patuloy pang maglihim. Hindi niya nagawang itago ang pagdaramdam at pait.
"Hindi lang namin ipinahahalata dahil iyon ang gusto ni Harley." Now she knew why.
Matalim ang mga matang sinulyapang muli ni Keith ang dalawang patuloy sa paglalambingan. Walang pakialam kung maraming tao.
"Now you know why. Sobra ang tanga niyang si Harley kung ipinagpalit ka niya kay Nicole. Hindi maganda ang intensyon ni Nicole. Sarili niya lang naman ang iniisip niya. Akala niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo."
"T-totoo namang maganda siya..." sangayon niya kasabay ng paghikbi at muling pagsulyap sa dalawa.
"Panlabas lang ang ganda niya. While you are young and twice as much beautiful, inside out. Walang gusto kay Harley iyan. Mula nang mapunta ako sa kompanyang ito three years ago ay wala nang ginawa si Nicole kundi ang kunin nang husto ang atensiyon ni Boss David. Malimit silang makitang magkasama noon. But lately, ay mukhang iniiwasan na siya ni David at gusto niyang kunin muli ang atensiyon ng Big Boss sa pamamagitan ni Harley," mahabang paliwanag ni Keith.
"But it... it seemed that they're so in love, Keith..." pagaralgal niyang sabi.
"They are using each other. Si Nicole upang pagselosen si David. Si Harley ay ginagamit si Nicole sa promosyon. At ngayong alam mo na kung anong uri ng lalaki si Harley, Helaena, hindi mo siya dapat pagmukmukan. You deserve someone better."
Suminghot siya, "Nasasaktan ako, Keith. Iniisip ko na ang buong akala ko ay ako long ang girlfriend niya."
"Umiyak ka lang, that is normal hanggang sa mapagod ka. Lilipas din iyon. I know it is easier to said than done, Helaena. Pero still, ipinapayo kong kalimutan mo na siya. You don't deserve someone like him... unless otherwise..." Hindi nito itinuloy ang balak sabihin. Makahulugang tinitigan ang dalaga.
"Hindi pa naman kami live in, Keith. Kung iyon ang gusto mong sabihin," agad niyang depensa.
"Good. Then you can easily forget him. Lalo na kung pride lang naman ang nasasangkot." Itinuon nito ang pansin sa pagkain. "Kumain na tayo at lumalamig ang mga ito," masiglang anyaya nito.
She didn't think she could eat. She felt like bursting into tears. Nag-angat siya ng mukha at sinulyapan ang dalawa sa sulok na noo'y patapos na sa pagkain. Itinaas ni Harley ang kamay upang tawagin ang waiter.
Sa pag-ikot ng paningin nito ay mukha ni Helaena ang nakita.
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin