Share

Kabanata 15

MAAGANG GUMISING si Aiha. Lahat ng mga tao sa mansion ay nakapansin ng kaniyang kasiyahan. Mas lalo pa itong gumada ngayon dahil sa tuwa na bakas sa kaniyang mukha. Maigi niyang tinanggap ang katotohanan na hindi nila puwedeng ilantad ang relasyon nila ng amo niya dahil sa mga taong magiging balakid sa kanilang pagmamahalan kapag mabunyag ang totoo tungkol sa kanila, gayunpaman ay masaya siya at kontento siya rito.

"Eneng, ang saya natin ngayon ah!"

"Wala lang, Aling Belen. Masaya lang ako dahil—"

"Bati na talaga kayo ng amo mo."

"O-Oo po. Ganoon na nga po," pag-sang-ayon niya sa wika ng ale.

Hindi alam ni Aling Belen na higit pa sa pagkakabati ang naganap sa pagitan ni Aiha at Weiss. May kiss nga na nangyari at mag-nobyo't nobya na ang dalawa.

"Mabuti naman kung ganoon, Aiha. Alam mo ba na pati kami ay nalulungkot kapag hindi kayo okay ng amo mo?" sabat ni Manong Kanor.

"Huwag na kayong malungkot, Manong Kanor. Hindi na kami mag-aaway ni Lord Weiss," nakangiting sabi ni Aiha at n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status