Share

KABANATA 21

NAKAHINGA NANG MALUWAG si Laura nang bahagyang bumaba ang lagnat ni Rave. Mabuti na lang. Maayos na rin ang paghinga nito at mukhang mahimbing nang natutulog. Tinitigan niya ang mukha ni Rave. Gusto niyang kaawaan ito pero naiinis siya. Masyado nitong pinagod ang sarili. Hindi ito kumakain sa tamang oras at kulang din lagi ang tulog.

Naiintindihan niya na trabaho nito ‘yon pero hindi tamang isakripisyo nito ang kalusugan para lang doon. Sino na lang ang mag–aalalaga kay Rave kung wala siya? Bata pa si Ross kaya hindi pa nito maaalagaan nang maayos ang daddy nito. Kilala niya si Rave, sigurado siyang sasarilihin lang nito ang nararamdaman.

Hindi niya maiwasang mapabuntonghininga.

“Hindi naman habang buhay na nandito ako,” aniya, habang tinitignan si Rave. “Dapat alagaan mo rin ang sarili mo.”

Iniligpit na niya ang mga ginamit niyang pampunas dito. Ibababa na muna niya ‘yon at kukunin ‘yong naiwan niyang thermos ng mainit na tubig sa kusina. Malakas pa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status