Share

KABANATA 14

Napabuga ako ng hangin at lumibot na lamang ang tingin sa malawak niyang lupain. Maybe, there are thousands of coconut trees here. Nakalulula ang dami at tila walang hangganan. Hitik din sa bunga at nagtataasan. May buko naman sa probinsya namin pero hindi ganito karami.

Ngunit kahit yata malamig sa mata ang paligid ay hindi niyon kayang pawiin ang kanina pang inis at insultong nararamdaman ko para kay West.

How dare he talk to me so boldly? Nakalimutan niya yatang may atraso siya sa akin!

"Ahm Ma'am, damit po."

Nalingunan ko ang babaeng maaaring nasa trenta pataas ang edad. Maliit at malaman. Maliit din ang buhok at may pagkachinita. Siya siguro si Ate Fe.

Nakalahad sa harap ko ang hawak niyang mga nakatuping damit. Nanginginig pa nang bahagya ang kamay niya at mukhang nahihiya. Umiiwas din minsan ng tingin.

"Salamat po." Ngumiti ako at kinuha ang damit na inaabot niya.

Kung sa kanya ito, duda ako kung kakasya sa akin. I am a bit tal

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lai ALcantara
Ang Ganda Po Ng story nia tapos ko na Ang Isang gabing pagsasalo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status