Share

KABANATA 9

Sa pangalawang araw ko ay sinubukan kong maging normal ang trabaho ko kahit alam kong hindi iyon legal. Hindi normal na tarabho. At paniguradong hindi lahat ng nandito ay gusto ang ganitong trabaho.

Kahit ilang pa rin ay sinubukan kong mag-ayos. Marahan ko pang  linagyan ng lipgloss ang mga labi ko upang magkaroon iyon ng kinang mamaya. Huling hagod pa ng lipgloss bago napukaw ang atensyon ko sa cellphone kong umiilaw.

Karl calling....

"Bakit, Karl?" bungad na tanong ko.

Pinapatayan ako ng cellphone ni Mama at mabuti na lang ay tinawagan ako ngayon ni Karl, ang nakababatang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin.

"Ate," mahina ang boses nito at dinig ko rin ang mahinang iyak ni Letlet.

"Bakit?"

Kinabahan ako at napatayo. Napakapit pa ako sa upuan at doon kumuha ng lakas. Sa tono niya ay paniguradong hindi magandang balita ang hatid niya.

"Ano, galit si Tatay," halos bulong na sabi niya.

Napabuntong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status