Share

CHAPTER 9

Napaawang ang bibig ni Hexy nang makitang dumudugo ang ibabang bahagi ng labi ni Brix sa lakas ng pagkakasuntok ni Maverick. Napahawak naman sa parteng 'yon si Brix.

"You better stay away, or else—"

"Or else, what? Don't threaten us. You're the one who's wrong here, " pamumutol ni Maverick sa sasabihin ni Brix. Hinawakan agad ni Hexy ang kaliwang braso ni Maverick upang pigilan sa ano pang gagawin nito.

"Umalis ka na," wika ni Hexy kaya napalingon ito sa kaniya.

"No, Hexy—"

"Ayaw kitang makita. Ayaw kitang makausap," sambit ni Hexy habang pinipigilan ang kaniyang pag-iyak.

Lumapit naman nang bahagya si Brix kahit nasa tabi lang ni Hexy si Maverick.

"Hexy, I'm sorry. Ayaw kitang saktan. I just don't have a choice," sabi nito at aabutin sana ang kamay ni Hexy ngunit iniharang naman ni Maverick ang kaniyang kanang kamay sa harapan niya kaya napatingin na naman ito kay Maverick.

"Napakasinungaling mo. Para saan lahat ng 'yon, ha? Gusto mo lang bang saktan ang fiancee mo?" Namumulang saad ni Hexy habang nagpipigil ng galit.

"No! I really like you, Hexy," sagot ni Brix.

"Like? Walang-wala 'yon sa pagmamahal mo kay Joyce. Itigil mo na 'to dahil hindi na ako natutuwa. Eh, 'di ba nga wala kang time humanap ng ibang babae?" 

Hindi naman nakasagot si Brix.

Tumalikod na si Hexy at iniwasan ang titig ng mga taong nanunuod sa kanila, ang iba pa ay may hawak na cellphone at kinukunan sila.

"Don't step into this restaurant anymore," pagbabanta naman ni Maverick habang nakapamulsa saka sumunod kay Hexy at inakbayan ito habang papasok sila.

"Thank you," pagpapasalamat ni Hexy nang makapasok sila sa loob ng restaurant.

"I just can't stand his arrogance," sagot naman ni Maverick habang nagpupunas sila ng mga table bago pumasok ang mga guest.

"Nahihiya ako kasi maraming nakakita sa'tin," mahinang saad ni Hexy.

Umayos naman sa pagkakatayo si Maverick bago nagtungo sa kanilang puwesto sa harap ng counter.

Hindi naiwasang tumingin ng mga kasama nilang server kay Hexy dahil sa nangyari kanina kaya pinilit na lang ni Hexy na umiwas sa mga tingin nila.

"You better focus on your work," sabi ni Maverick sa isang babae nang mahuli nitong nakatingin kay Hexy.

"'Yong nangyari kanina, it's—"

"Ganiyan ka ba ka-unprofessional?" Walang-ganang tanong ni Maverick sa babae. Nagulat naman ito saka sila umusog ng kasama niya.

Napalunok si Hexy at napakagat sa loob ng kaniyang bibig.

Sa buong duty nila ay hindi siya pinag-usapan ng mga kasama nila ngunit hindi nila maiwasang mapatingin sa kaniya.

"Oh," wika ni Maverick saka inabot ang helmet kay Hexy habang nasa parking lot sila.

"Salamat," saad ni Hexy saka iyon kinuha at isinuot.

Naunang sumakay si Maverick saka pinaandar ang kaniyang motor bago sumakay si Hexy.

Napahawak na lang si Hexy sa lagayan ng box sa kaniyang likod bago sila nagtungo sa kanilang tambayan.

"Pinuntahan ka niya?" Tanong ni Vanessa nang makarating sila roon at nadatnang lumuluha na naman si Hexy.

Tumango siya at lumingon sa gawi ni Maverick na nakatayo sa 'di kalayuan at naninigarilyo.

"Don't give him a chance again, Hex. Pinupush ka namin sa kaniya dati, and that's our mistake. I'm sorry, Hex," saad ni Shantal saka lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Tinapik naman niya ang likod ni Shantal upang iparating na okay lang siya.

"Ang gusto ko lang ay matapos na 'to," sambit niya saka nagpunas ng kaniyang luha.

"It's okay now. Hindi ka na niya siguro guguluhin pa. I mean, what's the point para guluhin ka pa niya? He's protecting his image now after the interview," sabi naman ni Vanessa saka tinanggal ang kaniyang salamin at isinabit sa kaniyang damit.

"Totoo 'yan. Iiwasan ka na ng lalakeng 'yon kasi exposed na siya. Ginamit pa ang yaman para mapalapit sa'yo," komento naman ni Aldrin.

Lumapit naman si Maverick sa kaniya nang maubos ang kaniyang sigarilyo saka naupo sa tabi ni Hexy.

"I actually made a research last night kung sino ba 'yong Joyce na 'yon," sambit ni Shantal saka kumuha ng upuan at pumuwesto sa harap ni Hexy at ganoon don ang ginawa nina Vanessa.

"So, what did you find out?" Tanong ni Aldrin.

"She's also a billionaire like Brix. Mayaman ang pamilya niya, at ganoon din siya. She has a several business dito sa Philippines, and may restaurant siya sa Australia. May business ang family niya, together with Brix' family. Nalaman ko rin na matagal na sila ni Brix," wika ni Shantal at napatingin sa kaniya si Hexy.

"8 years of on and off relationship," dagdag pa ni Shantal.

Napahilamos naman si Hexy sa kaniyang mukha.

"Ibig sabihin, may dahilan siya para gawin niya 'yon sa'yo, Hex," komento naman ni Aldrin.

"A-Ano'ng dahilan?" Baling ni Hexy sa kaniya.

"I mean, 8 years? Committed na sila sa isa't isa. They're engaged. Pero bakit niya nagawa 'yon sa'yo? Nag-away sila ni Joyce, or maybe hindi sila okay kaya ikaw ang nilapitan niya," sagot nito.

Napailing naman si Hexy.

"That as*hole," wika ni Shantal.

"Or he really likes Hex," sabi ni Vanessa. Napatingin naman si Hexy sa kaniya.

"No. Kung gusto niya si Hexy, bakit niya dineny?" Sambit naman ni Shantal.

"Paano siya aamin kung hindi maayos ang kalagayan ng fiancee niya?" Sagot naman ni Aldrin.

"Ano ba? Kaibigan ba kayo ni Hexy, o ano? You're just making it worse," irap ni Shantal at sinamaan ng tingin ang mga kasama.

"Hindi mangyayari lahat ng 'to if hindi kayo nalasing dati. Where are you noong nalasing si Hexy?" Tanong bigla ni Maverick. Natahimik naman sila at napalingon si Hexy sa kaniya.

"We're also wasted, and hindi namin alam kung paano sumulpot si Sir Brix," sagot naman ni Vanessa.

Nang makauwi si Hexy ay hindi siya mapalagay. Naupo siya sa sofa at tinawagan si Shantal ngunit hindi ito sumasagot. Bahagya siyang napahawak sa kaniyang ulo at napapikit.

Bumuntong-hininga siya saka tumayo at kinuha ang cellphone at ang wallet niya bago lumabas.

Pumara agad siya ng traysikel at binanggit ang condominium na pupuntahan niya.

Nang makarating ay agad siyang kumatok sa isang unit at nagbakasakaling bumukas ito.

Bumukas ang pinto at hindi napigilan ni Hexy ang maluha.

"Hexy," wika ni Vanessa at pinapasok siya sa loob.

"Nasasaktan pa rin ako, Van. Normal ba 'to? 'Yong isang linggo mo siyang nakasama pero ang sakit," sambit ni Hexy nang makaupo sila.

"You really liked him," saad naman niya saka hinaplos ang likod ni Hexy.

Tumango si Hexy at bumuntong-hininga.

"Umasa kasi ako na baka sa kaniya, magiging masaya ako. Na baka makuha ko na 'yong deserve kong treatment."

"Naniwala rin akong baka siya na rin talaga ang para sa'yo. Because he treated you like a special someone. He treated you like a princess, unlike Maverick," wika naman ni Vanessa.

"Alam ko namang ayaw niyo si Mavs para sa'kin, eh. Kaso pati si Brix, hindi para sa'kin," sabi ni Hexy saka lumingon kay Vanessa.

"Atleast nandito kami. Hindi ka namin iiwan, Hex."

Ngumiti naman si Hexy sa kaniya.

"Puwede ba akong matulog dito?" Tanong niya.

"Of course. Alam ko namang mag-ooverthink ka na naman kapag mag-isa ka sa apartment mo. You'll always welcome here. Atleast dito, hindi ka magugulat paggising mo na nandito ka na," pang-aasar ni Vanessa sa kaniya.

"Van naman, eh," sambit naman ni Hexy saka bahagyang itinulak si Vanessa saka lumabi. Natawa naman si Vanessa sa kaniya saka siya niyakap.

"Thank you. Ikaw na ang pinakamabait kong friend. Ikaw ang prinsesa sa ating dalawa," mahinang sabi ni Hexy saka tinapik ang likod ni Vanessa habang magkayakap sila.

"Feeling ko nga dati akong royal princess, eh," natatawang wika naman nito. Natawa na lang din si Hexy at mas hinigpitan ang yakap nito sa kaniya.

Kinabukasan ay maagang pumasok sa trabaho si Hexy upang iwasang makasabay ang mga katrabaho sa kanilang locker.

"This is not what I ordered," wika ng isang babaeng guest na may edad na.

"Ma'am, nag-repeat order po ako kanina, and you said it was correct," nakangiting sagot naman ni Hexy.

"So, you're telling me na ako ang mali?" Galit na tanong ng babae. Napatingin naman ang ibang tao sa kanila kaya napalunok si Hexy sa kaba.

"N-No, Ma'am."

"Alisin mo sa harapan ko 'to, at palitan mo. Palitan mo lahat," utos nito sa kaniya. Napaawang naman ang bibig ni Hexy dahil iisang dish lang ang nai-serve niyang mali.

"B-But, Ma'am—"

Hindi na natapos sa pagsasalita si Hexy nang tapunan siya ng sabaw ng babae. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaatras sa table.

"Umalis ka na sa harapan ko!" Sigaw nito sa kaniya. Hindi naman nakaimik si Hexy at naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan.

"Ako na lang po ang magpapalit, Ma'am."

Napalingon naman si Hexy nang dumating si Maverick.

Agad nitong kinuha ang lahat ng dish at nilagay sa food cart. Nabigla naman si Hexy nang pati siya ay hinatak ni Maverick palayo.

Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya papunta sa dispatching area.

"Go change your clothes. May extra silang uniform sa office," kalmadong wika ni Maverick at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ni Hexy.

Dahan-dahan namang tumango si Hexy at nagtungo muna sa kaniyang locker.

Hindi niya napigilang pumatak ang kaniyang luha habang binubuksan niya ang kaniyang bag.

Napatungo siya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Sunod-sunod na lang," mahinang sambit niya habang pinipigilan ang paghikbi.

"Is this really her?" Rinig niyang sambit ng paparating niyang kasamang server sa locker kaya napatingin siya sa kanila habang nagpupunas ng kaniyang mga luha.

"Ang weird ng mukha niya diyan, pero halatang siya 'yan," wika naman ng isa.

"I can't imagine na magagawa niya 'to. Napakabait niya sa'tin—"

Natigil sila sa pag-uusap nang mapansin nila si Hexy. Nanlaki naman ang kanilang mga mata na parang gulat na gulat kung bakit siya nandoon.

Habang sumisinghot ay napatingin siya sa hawak ng babae na cellphone at doon nakatuon ang atensyon nila kanina.

Nagtaka si Hexy kung ano ang pinag-uusapan nila. Kaya kunot-noo siyang lumapit sa kanila.

"Ano 'yan?" Tanong niya.

"Hexy, magpahinga ka muna," sagot naman ng babaeng server din.

"Ipakita niyo sa'kin," kalmadong sabi niya saka inilahad ang kaniyang kanang palad sa harap nila.

"Hexy, magpalit ka muna ng damit. Nangangamoy ka na—"

"Ano nga 'yan?!" Inis niyang turo sa cellphone na hawak nila.

"W-Wala 'to, Hexy," wika ng isa saka bahagyanh inilayo ang cellphone.

"Bakit ba ayaw niyong ipakita sa'kin? Tungkol sa'kin na naman ba 'yan?" Halos nagmamakaawang tanong niya habang naiiyak.

"Hindi, Hexy."

"Ipakita niyo na, bago pa ako mawalan ng pasensya," pagbabanta niya at sinamaan sila ng tingin habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.

"M-May kumakalat kasing—"

Hindi na natapos ng babae ang kaniyang sasabihin nang hablutin ni Hexy ang cellphone mula sa kaniyang kamay.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang ang kaniyang bibig. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya at napailing nang ilang beses dahil sa pagkabigla at galit.

"H-Hindi. Hindi ako 'yan," sambit niya at tumulo ang kaniyang luha dahil sa kaniyang nakita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status