Share

Her Hot Billionaire Admirers
Her Hot Billionaire Admirers
Author: Odyssey

Prologue

NAGMULAT ng mga mata si Kathrina. Kasunod niyon ay pumaskil ang masiglang ngiti sa kanyang labi. Lumarawan ang magaan at magandang aura sa kanyang mukha. Itinaas niya ang mga braso sa bandang ulunan ng kanyang higaan at iniunat-unat ang buong katawan habang nakahiga.

“Aaahhh... ang sarap matulog.” Bigkas pa niya habang iniuunat-unat ang katawan.

Ang ganda ng gising niya. Pagkatapos mag-stretch-stretch ay sumulyap siya sa bintana ng kanyang kuwarto. Maliwanag na maliwanag na sa labas at kita niya iyon kahit natatakpan pa ng kurtina ang mga bintana.

“Good morning self!” masiglang bati pa niya sa sarili saka tila kinilig. Ilang sandali pa siyang tumitig sa kisame habang hindi nawawala ang ngiti sa labi saka siya masiglang bumangon. Pakanta-kanta pa siya ng isang maindak na kanta noong 90’s. Hindi siya dancer at hindi magandang tingnan ang katawan niya kapag sumasayaw siya pero habang kumakanta ay napapaindak pa siya.

Magaan ang pakiramdam na inayos niya ang kanyang higaan habang patuloy pa rin siya sa pagkanta. Nang maayos na iyon ay tumapat siya sa full-length mirror. Nakita kaagad niya ang magandang pagkakangiti niya. Medyo sabog pa ang kanyang mahabang buhok pero wapakels siya dahil feeling niya ngayon ay blooming siya. Kumukuti-kutitap pa nga ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang sariling repleksiyon.

“Ang ganda-ganda mo talaga Kathrina. At ang landi-landi mo pa!” kausap niya sa sarili saka bumungisngis. Bungisngis na napunta sa mahinang pagtawa. Umiiral nanaman ang pagiging lukaret niya. Isang ngiti pa sa sarili at umalis na siya sa tapat ng salamin.

Muli siyang napasulyap sa bintana. Napangiti nanaman siya. Humakbang siya palapit sa tapat niyon at marahang hinawi ang kurtina. At gaya ng inaasahan niya, naroroon ang isang lalaking halos araw-araw na niyang nakikita.

It was Dandreb. Abala nanaman ito sa paglilinis ng kanilang kotse. Na hindi naman nito kailangang gawin talaga. At gaya ng dati, hubad-baro nanaman ito habang nakasuot ng pantalong maong sa pang-ibaba. Kitang-kita nanaman niya ang perpektong abs ng guwapong binata. Perpekto dahil hindi OA ang mga pandesal nito sa tiyan. Lalong hindi drawing. Ang dibdib nitong kaysarap sandalan at mga balikat at braso nitong kaysarap haplusin. Napaglapat niya ang mga labi.

“Yummy.” Pilyang usal niya sa sarili. “Kung ganito palagi ang bubungad sa umaga ko ay talagang kumpleto na palagi ang araw ko.” Aniya sa sarili. Hindi siya naririnig ni Dandreb dahil sarado pa ang salamin ng bintana. Nangislap ang kanyang mga mata habang nakatutok sa mukhang photo shopped nitong tiyan. “Parang gusto ko nang damhin ang abs ng lalaking ito ah. Sagutin ko na kaya siya? Natatakam na ako sa pandesal eh.”. Lumuwang lalo ang pagkakangiti niya.

Simula ng makilala mo ang lalaking iyan ay naging pilya ka na Kathrina. Ang alam ko ay mga characters mo sa lang sa libro ang namimilya. Pero ngayon ay pati na rin ikaw. Tsk. Tsk. Kantiyaw ng isip niya.

Noon lumingon si Dreb sa gawi niya na tila na-radar nitong nakatitig siya rito. At huling-huli nito ang pagtitig niya sa katawan nito. Noo siya nag-angat ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. Kahit ilang metro ang pagitan nila ay kitang-kita niya ang pagkislap ng magaganda nitong mga mata. Bagamat namula ang kanyang mga pisngi ay hindi niya inalis ang pagkakangiti. E ano kung makita nitong nakatitig siya sa abs nito? E trip nga niya, bakit ba? Lihim nanaman siyang bumungisngis sa kapilyahan.

Good morning...namuwating mga salita sa labi nito bagamat walang tunog. Saka kumindat sa kanya at ngumiti ng makalaglag panty na ngiti.

Nalaglag nanaman ang kanyang puso sa pagkindat at pagngiti palang nito. Mapupunit na yata ang bunganga niya sa tindi ng pagkakangiti nito.

Shaks! Ang guwapo talaga ng nilalang na ito. Ang suwerte mo naman Kathrina at ikaw ang nakursunadahan ng tila nabuhay na Greek God na ito. Wapak na wapak! Yummylicious ng bongga!

Good morning...” ganting-usal ng bibig niya.

Ang guwapo ulit ng ginawa nitong pagngiti sa kanya.

Putek! Kilig na kilig nanaman siya. Para nanaman siyang inaalihan ng hindi kung ano dahil kumibot-kibot pa ang katawan niya. Ganito palagi ang hatid ng binata sa kanya. At isa iyong masarap na pakiramdam para kay Kathrina.

Ilang sandali pa silang natititigan at nagngingitian na tila ba pareho na nilang nakalimutan ang mga dapat nilang gawin hanggang sa siya ang unang nagbawi ng tingin. Sumenyas siyang ituloy na nito ang ginagawa. Parang alanganin pa itong tumalima pero sa huli ay ipinagpatuloy na nito ang ginagawa.

Hay naku! Makalabas na nga rin. Nakakatikim ako ngayon ng pandesal.

Umalis na siya sa binata at nagpasyang lumabas na ng kanyang silid. Bago iyon ay dinampot muna niya ang kanyang salamin sa ibabaw ng kabinet at saka lumabas na. Ayaw pa niyang magsuot ng kanyang contact lens.

Plano niyang dumiretso na sa labas at napadaan siya sa sala. Naroroon si Mameng na abala sa paglilinis na ginagawa. Naamoy din niya ang masarap na agahan mula sa kusina. Sigurado niyang ang kanyang ina ang nagluluto roon dahil naririto si Mameng sa sala. Nasulyapan niya kanina sa wall clock sa kanyang silid na wala pang alas siyete kaya alam niyang maaga pa.

“Magandang umaga, Kathrina.” Masiglang bungad nito sa kanya habang patuloy ito sa pagwawalis sa sahig.

“Magandang umaga rin, Mameng.” Ganting-bati rin niya rito.

“Aba... ang ganda ng umaga natin ngayon ah. Anong meron?” puna pa nito sa kanya.

“May mantikilya pa ba tayo riyan?” sa halip ay tanong niya.

Nagtaka si Mameng sa pag-iiba ng tanong niya. “Meron. Bakit?”

“Isunod mo naman sa labas, pasuyo please. May malalaki at mukhang masasarap na pandesal akong nakita sa labas. Mas lalong sasarap iyon kapag pinalamanan ng mantikilya. Isunod mo ha.” Sagot niya.

“Ha? Nasa kusina ang pandesal na pinabili kanina. Wala sa labas.”

Pinigilan niya ang mapangiti ng maluwang. “E may nakita ako sa labas eh. Tsaka mukhang mas masarap ang mga iyon keysa sa binibili nating pandesal sa panaderya.” Aniya. Dire-diretso na niyang tinungo ang pinto at lumabas ng bahay.

Naiwang iiling-iling si Mameng sa sala.

Paglabas niya sa harap ng bakuran nila ay agad niyang nakita si Dandreb. Abala pa rin ito sa paglilinis ng kotse nila malapit sa garahe. Palagi na iyong makintab dahil sa araw araw nitong ginagawa. At nabawasan ng gawain ang kanyang kapatid dahil doon. Walang pagmamadaling naglakad siya upang lapitan ito.

“Good morning beautiful.” Simpatikong salubong ni Dreb sa kanya nang tuluyan siyang makalapit dito.

Tumikhim si Kathrina. “G-Good morning Dreb.” Nasamid pa rin siya. Pinipigilan niyang ituon ang tingin sa katawan nito. Baka isipin nitong pinagpapantasyahan niya ito na totoo naman. Pero hindi talaga niya mapigilan ang mga mata kaya sinulyapan pa rin niya ang katawan ng binata. “Diba sabi ko sa iyo, huwag kang tatambay dito sa harap ng n*******d? Lalo na sa ganito kaaga. Oras ng pagpasok sa eskuwela. Maraming nagdaraang tao sa kalsada lalo ang mga estudyante. Nakabalandra iyang katawan mo oh.” Mahabang pahayag niya rito. Inginuso pa niya ang impis nitong tiyan. May urge na gusto na niyang damhin ang mga abs nito pero pinipigilan lang niya ang sariling mga kamay.

Ngumisi si Dreb habang nangingislap ang mga mata. “Why? Gusto mo bang ikaw lang ang nakakakita ng katawan ko?”

Namula ang mukha niya. Inikutan niya ito ng mata. “Hind noh! Iniisip ko lang iyong mga nagdadaan.” Ingos niya rito.

Napapalunok siya dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang katawan. Papaano ay magkalapit lang siya. Mamasa-masa pa ang balat nito dahil sa tubig na ginagamit nito sa paglilinis at nakadagdag iyon tindi ng sex appeal ng binata. Kung nagpapasexy at kinukuha ni Dreb ang atensiyon niya ay nagtagumpay ito.

Hinaplos nito ang baba niya. “Don’t worry, love. Iyo lang ang katawan ko kahit hindi mo pa ako sinasagot.” Saka ito muling kumindat sa kanya.

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil natameme na siya sa katawan nito. Yummy talaga. Sobra... pahawak naman kahit isa lang.

“Good morning Kathrina!”

Nawala ang atensiyon ni Kathrina ng marinig niya ang isang tinig na nagtawag sa kanyang pangalan. Lumingon siya sa bandang gilid ng kanilang bahay sa gawing kanan nila. Nakita niya si Chad ilang metro ang layo sa kinatatayuan nila ni Dreb. May hawak itong palakol at nasa harap nito ang malaking katawan ng puno. Sa ibabaw niyon ay may isang kahoy na papalakulin palang nito.

Oh my gosh! N*******d-baro rin ito at nakasuot ng maong shorts na tasta-tastas sa ibaba. At namumutiktik din ang muscles nito sa mga braso at binti. Maging ang balikat nito ay parang ang tibay-tibay at napakasarap sandalan. At ang tiyan nito --- my gosh! May labanan ba ng macho man sa kanilang bahay sa araw na iyon? At hindi naman panaderya sa kanila pero bakit nagkalat ang mga pandesal ngayon sa bakuran nila?

Pamatay din ang impis na tiyan ni Chad at makalaglag panga rin ang sex appeal nito.

Lord...bakit ka po nagpapaulan ng mga pandesal ngayon? May handa po ba?

Hindi siya naging aware na napanganga siya habang nakatitig sa kababata.

Kumaway pa si Chad sa kanya saka simpatikong ngumiti. Hindi ito patatalo sa katakam-takam na katawan na taglay ni Dreb.

OMG! Nagsabay talaga ang dalawang ito na pumaroon sa bahay nila? At sa ganoon kaaga! At parehong n*******d-baro. Good Lord! Hindi siya handa!

“G-Good morning Chad!” malakas niyang bati rito.

Lumuwang ang pagkakangiti ni Chad sabay wasiwas ng palakol sa ere pabagsak sa puntirya nitong kahoy. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paggagalawan ng mga muscles nito sa braso. Agad na nabiyak ang kahoy. Umawang ang bibig niya. Ang hot ni Chad sa totoo lang.

Malakas na tumikhim si Dreb na nasa tabi niya. Napalingon siya rito. Kung kanina ay ang ganda-ganda at maaliwalas ang mukha nito, ngayon ay parang may delubyong parating. Nakasimagot si Dreb at salubong na salubong ang mga kilay. Wala sa sariling nginitian lang niya ito saka naglakad papunta kay Chad. Hindi na niya napansin ang pagtigas ng panga ni Dreb sa iginawi niya.

“Hi there gorgeous.” Ani Chad sa kanya. Nasa accent na ang american accent dahil sa ilang taon nitong pananatili sa abroad.

Nginitian niya ito. “Hi. Anong ginagawa mo?” namuwating tanong niya ng magtapat sila. Napansin aagad niya ang mamasa-masa rin nitong balat na marahil at dulot naman ng pawis dahil sa pagsisibak nito. Mas lalo pa iyong nakadagdag sa sex appeal ng binata.

“Nagsisibak ng kahoy?” itinaas nito ang hawak na palakol.

Tumango siya at sumulyap sa mga kahoy na nasibak na nito na nasa isang tabi. “Nakikita ko nga.” Ibinalik niya ang tingin dito. “Pero bakit mo ginagawa iyan?”

Sumeryoso ang mukha ni Chad at diretsong tinitigan siya sa mga mata. “I told you, liligawan kita. I don’t care kahit ilang lalaki pang kagaya niyan ang makasabay ko.” Saglit itong sumulyap kay Dreb saka ibinalik ulit ang tingin sa kanya. “I will pursue you Kathrina. And I will make sure na madudugtungan ang naudlot nating nakaraan. And that’s why I came back from the states.  Because I want you Kathrina.”

Napatitig siya sa kababata. Mukhang sereyoso nga talaga ito. Kung hindi ay hindi ito magsisibak ng kahoy at tila makikipagpaligsahan kay Dreb para makuha ang atensiyon niya.

Nag-iisip pa siya ng isasagot dito ng marinig nila ang boses ni Dandreb.

“Love, can you go back here? I need to show you something.” Malakas na sabi ni Dandreb. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

Noon niya natanto ang naging asta. Halatang-halata sa mukha ang pagseselos sa ginawa niyang paglapit kay Chad. Pero kasi ay kababata niya ito – kanina. Pero ngayon ay talagang manliligaw na niya ito.

“Hey! Don’t call her that. You’re not even her boyfriend.” Sa halip ay si Chad ang sumagot dito. Napalingon siya sa katabi.

Dahil doon ay lalong kumulimlim ang mukha ni Dandreb. “Well, I’m going to be her boyfriend soon. So better leave now and go back to where you from. Kathrina won’t be yours!” mariin nitong sabi. Kay Dreb nanaman siya nakatingin.

Napangiwi si Kathrina. Nakaramdam siya na tila magkakaroon ng malakas na delubyo sa loob ng bakuran nila. Pero ha. Iba ang banat ng dalawang lalaki. Pak! Labanan ng ingles itong mga manliligaw niya. Duduguin yata ang teynga niya sa pakikinig sa mga ito. Ibinalik niya ang tingin kay Chad nang muli itong magsalita. Ang siste ay napapatingin siya kung sino ang magsasalita.

Kumulimlim na rin ang mukha ni Chad. “Oh yeah?! Sorry bro, but that won’t happen. Because Kathrina here, is going to be mine. Just like the old times.” Makumpiyansang turan naman ni Chad. Umakbay ito sa kanya na ikinagulat niya.

Patay na. Siguradong magwawala si Dandreb sa ginawang pag-akbay sa kanya ni Chad.

Na totoo nga dahil kumuyom ang mga kamao nito. Akmang susugod na ito pero mukhang pinipigilan lang ang sarili. Mukhang malakas ang kontrol nito sa katawan. Maya-maya ay nakakalokong tumawa na labas sa ilong si Dreb. “Really? And what makes you think I will allow that? No pare,. It’s a big-big no!” umiling-iling ito. “Just like you said, old times bro. Old times. It’s different now. I am her present before you came. Your her past.  And I will surely be her future.”

Umiling-iling din si Chad. Sumulyap ito sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Dandreb. “Nah. Let’s see. Matira ang matibay.”

Mapanganib na ngumisi si Dandreb. “Matira ang matibay.”

Sa wakas ay nagtagalog din ang dalawa. Halos hindi na makahinga si Kathrina sa batuhan ng salita ng dalawa. Kung ganoon ay talagang pag-aagawan siya ng dalawang lalaking ito? Pos jos por santo! Ngayon palang ay parang gusto na niyang himatayin.  

“Kathrina! Nandito na ang mantekilya! Nasaan ang pandesal?” Biglang umalingangaw ang malakas na boses ni Mameng. Napatingin silang tatlo rito. Naglalakad na ito palapit sa kanila.

Kumawala siya sa pagkakaakbay mula kay Chad. Nadaan niya si Dandreb na makulimlim pa rin ang mukha. Matamis lang niya itong nginitian pero wala siyang sinabi. Saka dali-dali na niyang nilapitan si Mameng. Hinila niya ito palayo sa dalawa.

“Marami ba iyang dala mo?” mahina niyang tanong. Nakatingin sa lagayan ng mantekilya.

“Oo. Bakit?” mahina rin nitong sagot. Ang siste ay nagbubulungan na sila.

“Mabuti. Kasi kanina pa talaga ako naglalaway sa pandesal eh. Tsaka mas madami pala sa akala ko.” Sa kabila ng namuong tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki ay nanumbalik ang kapilyahan sa isip niya ng marinig ang pandesal at mantekilya kay Mameng.

“Ha? Nasaan ba ang pandesal na sinasabi mo?” nagtatakang tanong nito sa kanya.

Inginuso niya si Dreb na siyang mas malapit sa kanila.

“S-Si Sir Dreb?” napamaang ito.

Tumango-tango siya. “Diba pandesal iyang nasa tiyan niya? Sarap no?” saka siya ngumisi.

“Kathrina!” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Mameng.

“Hayun pa oh.” Inginuso naman niya si Chad na sinundan ulit nito ng tingin.

Napanganga nanaman ito. “OMG, Kathrina. Pulos pandesal nga. Mabuti nalang hindi pa ako kumakain ng pandesal na nasa loob.” Sabi nitong hindi iniaalis ang tingin sa dalawang lalaki. Palitan na ang tingin nito sa katawan ng dalawa.

Tumikhim siya. “Diba? Pero akin lang iyan ha.”

Nilingon siya nito. “Ay ang damot! Huwag ganon. Bad ‘yun.”

Tumikwas ang isang kilay niya. “Hindi puwede sa iyo iyan, sira. Tsaka hindi ka rin nila bibigyan. Sa akin lang ang mga iyan.”

Sumimangot ito. “Huwag kang buwakaw Kathrina. Masyado kang makasarili ha. Hindi porke ikaw ang nililigawan ng dalawang iyan ay iyo nalang. Mag-share ka naman. Ang dami niyan oh!”

“Ayaw ko nga!”

“Ang damot mo ha! Mamili ka. Pandesal ni Sir Dreb o pandesal ni Sir Chad?”

Hindi kaagad nakasagot si Kathrina. Natigilan siya sa naging tanong ni Mameng. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaking kanina pa nakatingin sa kanila. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

“Sumagot ka na. Mamili ka na!” untag pa sa kanya nito nang hindi kaagad siya makasagot.

Saka niya napaisip. Kaninong pandesal ba talaga ang pipiliin niya. Kay Dandreb? O kay Chad?

Paktay na Kathrina. Kailangan mong mamili. At hindi puwedeng lahat! Mahirap yun!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status