เข้าสู่ระบบHawak ni Adamson ang kahon ng kanyang gamit ng lumabas ng High Vibe Radio Station. Nang maipasok sa sasakyan ay muli siyang pumihit paharap.Napako ang mga paa niya nang masilayan si Bini sa entrada ng istasyon. Ngumiti ito sa kanya habang nagbabadya ang mga luha."Kailan ang flight ninyo?" tanong nito nang makalapit siya."Midnight."Tumango si Bini, pinagmamasdan niya lamang ang mukhang siguradong hanap-hanapin niya.Hinawakan ni Adamson ang mga kamay niya. Malungkot na ngumiti ito bago muling sinalubong ang mata niya."Hindi pa man tayo nagsisimula, aalis na agad ako," Ngumiti man ay napakapait no'n."I'm sorry, Bini. Alam ko na nangako ako sa iyo pero-""Maghihintay ako."Kumurap ang mga mata ni Adamson.Dadalhin nito ang inang maysakit sa America para doon ituloy ang pag gagamot. At hindi siya tutol, buhay ng ina nito ang nakasalalay. Hindi rin niya gugustuhing mawalan ito at masaktan."Hihintayin kita, pangako 'yan, Adamson," siguradong dagdag ni Bini habang may tumutulong luha.
"Gusto mong pumasok?" tanong ni Malcolm nang lumabas mula sa kwarto ni Harriet."Hindi na, salamat.""Kung ganoon, ihahatid na kita.""Huwag na-""Ibinilin ka ni Adamson."Napalunok si Bini ng laway. Kanina nang lumabas ang doktor ay hinayaan niyang pumasok ang binata.Umuwi siya sa bahay nila ng tulala. Sa terrace na siya napaupo at napaiyak. Ang bigat-bigat ng damdamin niya dahil sa mga nangyayari.Kani-kanilang ay ang saya niya dahil sa pananatili ng kanilang show. Ngayon naman ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.Hindi niya maiwasang hindi maapektuhan sa pinagdadaanan ni Adamson at Harriet."Anak, okay ka lang?""Ma!" Basta na lamang siya yumakap sa tiyan ni Susan. Tila lahat ng kinikimkim at itinatago niyang sakit, galit at pait ay inilabas niya.At mas lalo lamang niya nadama ang lahat sa bawat haplos sa likod niya ang palad ng kaniyang ina.Nagbabalik ang lahat ng nakaraan at dahilan kung bakit siya nabuhay sa galit.Ang pagkawala ng tiwala at paniniwala sa mga lala
"Tara.""Bumitaw ka na," impit na aniya ni Bini habang hawak ni Adamson ang kamay niya pababa ng kanilang bahay."Inalalayan lang kita," sagot nito habang nakangiti. Kumaway pa nga ang binata kay Butuin at sa mga anak nito na inihahatid sila ng tingin palabas ng gate."Bye, Tita Bini and Tito Adamson!"Umakbay naman sa kaniya ang binata nang muling humarap sa kanilang bahay nang makarating sa tapat ng sasakyan.Isang napipilitang ngiti ang ipinakita niya sa mga pamangkin. Bago mahinang siniko ang tiyan ng nakaakbay pa rin na si Adamson."Iyong sugat mo, kumusta na?" usisa niya habang lulan sila ng sasakyan."Okay na."Tumango siya, bago huminga nang malalim. At uumpisahan ang pagtatanong tungkol sa ina nito."Adamson, si Mrs. Harriet, okay ba siya?"Natawa ito."Kahapon mo pa 'yan tinatanong, nagpapalakas ka yata sa magiging mother-in-law mo," biro ni Adamson.Umikot ang mga mata ni Bini. Pigil niya ang sariling batukan ito. Kanina pa siya nag-iipon ng lakas ng loob para magsimula mag
"Stop it, Chum. Walang nangyari."Kasalukuyan silang nasa hallway, sa labas ng booth. Inilalagay na niya ang gamit sa bag para umuwi."E, bakit kayo magkasama sa bodega? Ano'ng ginawa ninyo ro'n?" pangungulit ng intern.Huminto si Bini sa ginagawa at bumuntong-hininga. Sinalubong niya ang tingin ni Chum."Walang nangyari. Iyang iniisip mo, walang ganiyan. Isa pa, ano ko walang delikadesa atsaka kahihiyan. Talagang bodega, papatusin ko?" "E, bakit kayo nasa loob ni Mr. Ledesma?"Kumurap ang mga mata niya nang maalala ang nangyaring paghalik nito sa kaniya. At ang ilang ipinangako ng binata."O, tingnan mo! Tameme ka, may nangyari nga!" Nilapitan at niyugyog pa siya ng binabae."Bini."Sabay silang napalingon, naroon si Adamson at Malcolm. Ngiting-ngiti pa nga ang mga ito."Tara na?" tanong ng kaniyang boss."Yiheee," itinulak ni Chum dahil sa kilig ang dalaga."Kaya ko nang umuwi mag-isa."Sinakbit ni Bini ang bag. Mabilis naman na lumapit sa kaniya si Adamson at kinuha ang bag niya.
Mula sa pagkakapikit ng mga mata ni Bini ay nadama niya ang paglapat ng labi ni Adamson. Ang kamay nilang magkahawak ay mas naging mariin.May luhang pumatak sa kaniya. Ang pagkakahalik sa kaniya ng binata ay nagdala sa kaniya sa ibang lugar. At hindi mailalarawang pakiramdam.Nang imulat niya ang mata at nagtama ang paningin nila ni Adamson ay nagising siya sa kahibangan."No!" Malakas niyang itinulak sa dibdib ang kaharap. May ilang dangkal ang inilayo ng kaniyang boss.Agad niyang hinawakan ang labi habang hinahabol ang hininga. Hindi siya makapaniwala habang magkadugtong ngayon ang tingin nila ni Adamson."Bi-bini, I'm sorry-""Huwag kang lalapit!" banta niya nang akmang magtutungo sa kaniya ang binata na tila ba nagulat din sa ginawa nito.Mabilis na tumalikod ang dalaga. Hinawakan niya ang doorknob at mabilis na iniikot."Bwisit, bakit ayaw bumukas?" inis niyang usal."Bini-"Napahinto muli si Adamson nang lingain siya ni Bini na may nakamamatay na tingin."I will just help you
"Hello, caller?" malambing ang tono ng boses ni Bini nang sagutin ang tawag."H-hello po, DJ Bini?"Nagkatinginan sila ni Chum dahil bakas sa himig ng babae ang pag-iyak. Huminga siya nang malalim bago lumapit sa mikropono."Puwedeng malaman ang pangalan mo, Caller?""Ako po si Eloisa."Nagtanguan sila ng kaniyang intern."Ma'am Eloisa, sa tono ho ng pananalita ninyo ay parang may mabigat na kayong pinagdadaanan. Narito ho kami at handang makinig sa inyo," malamyos niyang tinig na pahayag.Suminghot pa ang caller sa kabilang linya bago muling sumagot."Iyong asawa ko ho kasi," naiiyak nitong sumbong."Ang asawa ninyo ho ay?" Nakahilig ang ulong usisa ni Bini."Ano kayang problema niya?" tanong naman ni Malcolm sa katabing si Adamson.Naroon pa rin sa labas nakikinig at pinanonood ang dalawa sa loob ng booth."Parang mabigat," tugon niya."Iyong asawa ko ho kasi sinasaktan ako."Kasunod no'n ang malakas na paghagulgol ng babae. Nagmamadaling inalis ni Bini ang headphone. Dahil sa iyak







