Share

3a

Sinundo si Mari ng kaniyang Kuya Miguel sa university, hindi na lang siya nagtanong pa kung saan sila pupunta, dahil wala din siya sa mood na makipagbangayan sa Kuya niya ngayon.

Tahimik lang ang magkapatid, sa labas nakatuon ang buong atensyon ni Mari, at sa kalsada naman ang focus ng Kuya Miguel niya.

Muli na naman sumagi sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw sa TAU House.

(Flashback)

Nakatayo pa din siya at hindi niya makuhang gumalaw dahil sa sobrang gulat.

Biglang pumasok ang lalaking nagpapasok sa kanila kanina.

"Bakit—?" namutla ang lalaking umestima kina Mari at Rebi at nanlaki ang mga mata nito nang masaksihan din nito ang nangyayari sa loob ng office ng kanilang founder.

Parehong natulos sa kinatatayuan sina Mari at ang lalaki dahil sa nasasaksihan nila.

"L-Let's go and just wait outside, please," pakiusap at pabulong na saad nito, nanginginig ang boses ng lalaki.

Halata dito ang pagkataranta at takot.

Both of them watching a live porn, kaya iniwas ng lalaki ang tingin, at hinawakan sa braso si Mari ngunit hindi man lang ito gumalaw mula sa kinatatayuan nito.

"You can go," mahinang saad ni Mari sa lalaki.

"Pero—" angal ng lalaki.

"You can go now, Ned. I will talk to you later," ani Austin na nakasuot na ngayon ng robe at matiim na nakatingin sa babaeng kasama niya.

Ang babaeng kaulayaw ni Austin ay nakalabas na ng comfort room. At nagpaalam na ito kay Austin at binati pa nito si Mari na parang walang nangyari.

Hindi naman pinansin ni Mari ang babaeng foreigner, at matiim na nakatitig ito kay Austin.

Walang nagawa ang lalaking nagngangalang Ned kundi ang lumabas ng office at agad na sinarahan nito ang pinto.

Umupo sa sofa si Austin at naka-de kwarto pa ang upo habang nagsasalin ng wine sa wine glass.

"Please be seated," anito.

Naupo si Mari sa upuan na katapat nang kinauupuan ni Austin.

Walang makikitang pagkabalisa o pagkagulat sa mga mata ni Austin kahit na pagkadisgusto ang nakikita nito sa mga mata ni Mari.

"Let's cut the chase, why are you here?" seryosong tanong ni Austin kay Mari.

Nilapag ni Austin ang may laman na wine glass sa harap ni Mari.

Kumuyom ang mga palad ni Mari at diretsong nakatitig sa mga mata ni Austin.

"I want an annulment, since you're the one who made us in this f*cking situation, make it possible." pinal na saad ni Mari.

Tumikhim si Austin at seryosong tiningnan ang magandang babae na nasa harap niya ngayon.

"Sure, but not now. For the mean time, just be my wife," umangat ang gilid ng labi nito tanda na hindi ito seryoso sa mga sinabi nito.

"I'm sorry pero hindi ko kayang maging asawa ang isang katulad mo kaya pakawalan mo na ako," diretsang saad ni Mari.

Tila wala naman epekto kay Austin ang pang-iinsulto ni Mari dito dahil mas lalo pa itong napangiti dahilan para mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito.

"Ms. Demia— oh sorry Mrs. Lagdameo ka na nga pala." pagdidiinan nito sa bagong apelyido ni Mari.

Mas lalong bumangon ang galit sa dibdib ni Mari para kay Austin, hindi naman niya ugali ang magtanim ng galit o inis, pero pagdating kay Austin 'di niya kayang itago ang pagkadisgusto dito.

"Bakit ba ayaw mo sa akin? I can make you feel good like what you saw earlier," confident na saad ni Austin at hindi nito alintana ang galit sa mga mata ni Mari.

"Bastos!" hindi na nakapagpigil pa si Mari at kinuha nito ang wine glass na nasa harap at isinaboy ang laman n'on sa pagmumukha ni Austin.

Pinunasan ni Austin ang wine na nasa kaniyang mukha at umigting ang panga nito.

"You came here uninvited, you trespassed my safest haven in this f*cking mansion, you saw me having s*x, you insulted me! Now tell me, sino sa ating dalawa ang bastos? Look, I'm trying to keep my cool because I respect your f*cking presence!" mababa ngunit galit na saad ni Austin.

"We're even then, since you invade my life," sisi ni Mari dito.

"What?" Austin chuckled.

"Then learn to be my wife, tapos ang usapan." tumayo na si Austin at naglakad papuntang comfort room ng office niya pero bago pa siya makapasok doon ay—

"I will never be your wife, i*****k mo 'yan sa kukote mo!" matapang na saad ni Mari.

Napahawak sa sentido si Austin at mabilis na pumihit pabalik sa kinaroroonan ni Mari.

Naupo ito sa table na nasa tapat ni Mari, yumukod si Austin hanggang sa magpantay ang kanilang mga mata.

Hindi nagpasindak at hindi makikitaan ng takot ang mga mata ni Mari.

"If you don't want to be my wife, then let me be your husband," seryosong saad ni Austin.

Isang mahina at nakakainsultong tawa ang pinakawalan ni Mari.

"Ikaw? Isang Austin Lagdameo, kayang panindigan ang maging asawa ko? Kung ibang babae ako puwede akong maniwala sa pinapakita mo, pero sa karakas mo? Austin Lagdameo, hindi kita matatanggap bilang asawa ko, dahil hindi kita mahal," prankang saad ni Mari.

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Austin.

"I don't care if you already love someone, what's more important right now is that you're already a Lagdameo." pinangunahan na ni Austin si Mari. 

The reality hit Mari really hard.

"You!" galit na saad ni Mari.

"Of all people, bakit ikaw pa? Kung alam ko lang dapat noon pa pala nakipagtanan na lang ako kesa ang makasal sa isang tulad mo!" nagpupuyos sa galit si Mari habang binibitiwan ang mga kataga na iyon.

Hindi na lang umimik si Austin at matamang nakatitig lang ito kay Mari.

"You think gusto kong makasal sa iyo?" biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Kung kanina mahinahon ang Austin na kaharap niya, ngayon kita niya ang pagbangon ng galit sa mga mata nito.

"It's your family who keep on insisting na pakasalan kita! Wala akong planong pakasalan ka, dahil alam ko kung ano ang tingin ng mga babaeng katulad mo sa isang katulad ko!" hindi na nakapagpigil pa si Austin.

"Then bakit mo ako pinakasalan? Ano ang reason—?" hindi pa tapos magsalita si Mari dahil agad na pinutol ito ni Austin.

Mas lalong inilapit ni Austin ang mukha kay Mari, ilang inch na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa.

"If you're curious enough to know, then try to find out what are those reasons? My reasons."

(End of flashback)

Kami-oshi

Hello my dear readers. Comment po kayo para ma-shout out ko kayo every update ko. Salamat po

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status