Share

2b

"That's enough, I can't take it anymore, how dare you let that thing happen? Gusto kong unawain ka pero ikaw mismo hindi mo nagawang tumutol sa oras na 'yon?" bakas ang sakit na nakabalatay sa mga mata ni Harry.

"Please Harry, hayaan mo muna ako makapagpaliwanag. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit mo, pero gusto kong malaman mo na ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba," tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Mari.

"Alam kong mahal mo ako, pero iba na ngayon Mari, kahit anong gawin ko hindi na mababago n'on ang katotohanan na kasal ka na sa ibang lalaki. Sabihin mo sa akin, paano na? Paano na tayo? Ang singsing na nakasuot diyan sa daliri mo ang nagpapatunay na wala na akong karapatan sa iyo!" napatingala si Harry habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad. 

Pinipigilan niya ang sarili na makapagsalita pa ng kung anu-ano dahil hindi na niya mababawi pa ang mga iyon.

Nanikip ang dibdib ni Mari sa sobrang sakit na nararamdaman habang nakikita niya kung paano nasasaktan ang taong pinakamamahal niya ng dahil sa kaniya.

She breakdown at agad na nilapitan nito ang nobyong si Harry, niyakap niya ito at paulit-ulit na humihingi ng sorry. 

Ito na ang pinaka-matinding pagsubok na dumaan sa kanilang dalawa.

And this time it's Mari's fault.

Kinulong niya ng kaniyang dalawang kamay ang mukha ni Harry, marahan na ipinihit niya ito paharap sa kaniya hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.

"Listen my love, I will do everything para ibalik ang lahat sa dati, just give me a little bit of time. Kasal lang kami sa papel at wala ng iba pa." 

Tinanggal ni Harry ang mga kamay ni Mari, at hindi pa rin maalis ang galit sa mga mata nito.

"I don't know what to say anymore," tuluyan nang bumagsak ang mga luhang nangilid sa mga mata ni Harry. Marahan itong umiling at bagsak ang balikat na naglakad palayo.

Sinubukan pa ni Mari na pigilan si Harry pero nabigo lang siya. 

Sa may 'di kalayuan ay nasaksihan ang lahat ni Rebi, agad na nilapitan nito ang kaibigan at inalo ito.

Nang mahimasmasan si Mari.

"I will settle everything to him, right now," pagkatapos pahidin ni Mari ang natirang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, agad na tumayo ito at naglakad na patungo sa lugar kung saan matatagpuan ang lalaking 'yon.

Ilang beses na pinigilan ni Rebi ang kaibigan pero desisyunado na ito, kaya wala siyang nagawa kundi samahan, suportahan, at higit sa lahat ang protektahan ang kaibigan sa mga taong 'yon.

Mabilis nilang narating ang TAU ALPHA PHI House, nakatayo silang dalawa ngayon sa tapat nito at matamang pinagmamasdan ang pangalan ng fraternity na nakalagay sa itaas ng grand entrance nito. Mala-mansyon ang fraternity house kaya madalas na napagkakamalan itong pagmamay-ari ng mga Montreal, pero dahil may pangalan na TAU ALPHA PHI House, automatic na si Austin Lagdameo agad ang kilalang nagmamay-ari n'on.

Kung abot-abot ang kaba ni Rebi, ang kaibigan naman nitong si Mari ay desidido na kakausapin ang isang Austin Lagdameo.

"Mari, pwede ka pa umatras. Alam mo naman kung anong mangyayari sa atin kapag pinasok natin ang kweba ng mga leon, 'di ba?" paalala ni Rebi sa kaibigan.

Ngunit.

"I don't care, and so be it." Pinal na saad ni Mari. Ngayon pa ba siya matatakot? Eh 'yong kinatatakutan niya nangyari na, nasaktan na niya ang pinakamamahal niyang nobyo dahil sa lintik na Austin na 'yon.

At katulad nang pagkakakilala ni Rebi sa kaibigan, hindi na ito mapipigil pa.

Kaya nang humakbang ang mga paa ni Mari papasok sa bakuran ng fraternity house ay wala nang atrasan ang lahat.

Nasa likod lang ni Mari si Rebi nang marating nila ang pintuan ng mansyon.

Tatlong katok ang ginawa ni Mari at isang gwapong lalaki ang nagbukas sa kanila ng pinto, pero hindi sila agad pinapasok nito. 

"Yes?" seryosong tanong nito kina Mari at Rebi.

"Gusto kong makausap si Austin Lagdameo," seryosong saad ni Mari.

Napakunot ang noo ng lalaki at may hiningi ito kina Mari.

"Let me see your appointment card," anang lalaki.

"Is this enough to present as my appointment card?" 

Agad na itinaas ni Mari ang kamay at ipinakita dito ang suot na wedding ring na may nakatatak na name na TAU ALPHA PHI. Gulat ang unang rumehistro sa mukha ng lalaki at hindi agad ito nakapagsalita.

"Siguro naman alam mo na kung ano ang ibig sabihin nito?" matapang na saad ni Mari.

Napalunok at isang tango lang ang naging sagot ng lalaki.

"Papapasukin mo na ba kami?" nakataas ang isang kilay ni Mari habang nakikipagsukatan ng tingin sa mestisong lalaki.

Tumango lang ang lalaki at pinagbuksan na sila nito ng pinto.

Agad na pumasok sina Mari at Rebi ngunit natigilan sila dahil nakatuon ang atensyon ng lahat ng taong naroroon sa kanilang dalawa. 

Para bang nakakita ang mga ito ng bagong salta, kahit na sa iisang university lang sila nag-aaral.

Ang ilan pa sa mga babae dito ay napataas ang kilay dahil sa presensya nina Rebi at Mari.

Kung si Rebi abot-abot na ang kaba, si Mari naman ay hindi makikitaan ng kahit anong emosyon, in short deadma lang ito sa mga taong naroroon.

Agad na iginiya sila ng lalaki papunta sa kinaroroonan ni Austin Lagdameo, tumigil sila sa pintuan ng isang opisina.

Nahalata ni Mari ang pagkabalisa ng lalaking naghatid sa kanila, pinagpapawisan ito ng butil-butil at 'di alam kung ano ang sasabihin.

"M-Ma'am pwede po maghintay muna kayo ng fifteen minutes? May kausap pa po kasing bisita si Supremo," pakiusap nito, at isang alanganing ngiti ang sumungaw sa labi nito.

Tila mapupugto ang hininga ng lalaki habang hinihintay ang magiging sagot ni Mari.

"Five minutes," pinal na saad ni Mari.

Ilang segundo na napatitig ang lalaki kay Mari, para bang hindi sapat ang five minutes na binigay niyang ditong palugit para sa paghihintay.

"S-Sige po," muli silang iginiya ng lalaki sa isang bakanteng table na medyo malapit sa isa pang table kung saan naka-pwesto ang iba pang myembro ng fraternity at may kasama babae ang bawat isa sa kanila.

Estimang-estima sina Mari at Rebi ng lalaki, halos nagmukha na itong waiter na naghihintay ng oorderin ng mga customer.

Humingi lang sila ng tubig, at binigyan naman sila nito, pansamantalang iniwan muna sila nito dahil may aasikasuhin lang daw ito.

Ramdam nilang dalawa na hindi sila welcome sa lugar na ito dahil halos matunaw na sila sa mga tingin at titig ng mga babaeng naroroon.

Tatlong minuto na silang naghihintay at inip na inip na si Mari kaya pasimpleng kinuha nito ang hairpin sa kaniyang buhok at nagpaalam kay Rebi na iihi lang at pinaunlakan naman siya nito.

Isang lalaki ang agad na lumapit kay Mari, tinanong siya kung saan siya pupunta, sinabi niya na iihi lang siya kaya itinuro nito sa kaniya ang direksyon kung nasaan ang comfort room.

Sakto naman na ang itinurong direksyon sa kaniya ay ang daan din patungo sa office ni Austin.

Binagtas na ni Mari ang direksyon papuntang comfort room pero hindi ito tumungo doon dahil agad na tumigil ito sa tapat ng pinto ng office ni Austin.

Mabilis na lumapit siya sa pinto at agad na sinuksok ang hairpin, ilang pihit pa at agad na narinig niya ang pag-click, ibig sabihin n'on ay na-unlock na niya pintuan.

She didn't bother to knock 'cause this is her way to get back at him.

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng office, pero hindi niya inaasahan ang kaniyang nadatnan.

Natulos siya sa kinatatayuan, at hindi niya makuhang kumurap.

Austin is having a s*x with a foreigner woman, and he's on top of her, keep on pumping.

Nanlamig ang buong katawan ni Mari nang mapansin ni Austin ang presensya niya, at nahigit niya ang kaniyang paghinga nang magtama ang kanilang paningin.

"Two more minutes," nakangising saad ni Austin habang nakatitig kay Mari.

Kitang-kita nito ang gulat at pagkadisgusto sa mga mata ni Mari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status