Share

Hide and Seek
Hide and Seek
Author: Kami-oshi

1

"Hindi s'ya nararapat sa 'yo, kaya huwag mo nang ipilit kung ano man ang mayroon kayo," matigas na saad ng Daddy ni Mari.

"Fix yourself, may pupuntahan tayo," anang Mommy naman nito.

"Little sis, stop being so stubborn, at makinig ka sa amin, he is no good for you," anang Kuya Miguel nya. Bihis na bihis na ito maging ang Kuya Beni n'ya, tanging si Mari na lang ang hindi pa bihis.

"Harry is a good man, 'wag n'yo naman maliitin 'yung tao," galit na saad ni Mari.

Her father hissed.

"Not now Mari! Never mention that bastard's name, I'm warning you," galit na saad ng Daddy n'ya.

"Magbihis ka na kasi, napagalitan ka pa tuloy," sisi sa kan'ya ng Kuya Beni n'ya.

Inis na tumalima si Mari, kahit kailan hindi talaga nila binibigyan nang mga ito ng pagkakataon ang nobyo ni Mari na makilala ito at makadaupang-palad. 

Pinabackground check daw ng Daddy n'ya si Harry, at napag-alaman daw nito na isang masamang tao ang nobyo n'ya, pero hindi naniniwala si Mari sa mga pinagsasabi ng pamilya n'ya dahil mas kilala n'ya si Harry more than anyone.

Mabilis na nakapa-ayos ng sarili si Mari at nakapagbihis nang magandang damit.

Agad na pinasakay na s'ya ng Mommy nya sa loob ng van. Halos isang oras lang ang binyahe nila papunta sa isang rest house. 

Pagkababa na pagkababa nila ay agad na sinalubong sila ng isang mag-anak, tahimik lang sa isang tabi si Mari habang nakikipag-kumustahan pa ang pamilya n'ya at sa mag-anak na sumalubong sa kanila.

Pinakilala s'ya ng kan'yang mga magulang sa mag-asawang Lagdameo, kasunod ay ipinakilala na s'ya sa bunsong anak ng mga ito na si...si Austin Lagdameo.

Napakuyom ang isang kamay ni Mari, dahil sa dinami-dami pa ng lalaki sa mundo, kay Austin Lagdameo pa talaga s'ya nakatakdang ikasal, kilalang playboy ito at araw-araw kung magpalit ng babae, halos lahat babae sa campus natikman na nito, well except Mari.

Pansamantalang iniwan silang dalawa ni Austin para makilala ang isa't isa.

"Austin Lagdameo," sabay abot ng kamay nito, iba ang titig nito kay Mari at hindi maalis ang ngisi nito.

"Drop the formality, I don't want to get married with you, may boyfriend ako at s'ya ang gusto kong pakasalan," matapang na saad ni Mari.

Napangiti si Austin dahil sa tinuran ng dalagang kausap.

"Good! Hoooo! I don't wanna get married with you, too. Already settled then," masayang saad ni Austin. Parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan dahil sa pagiging pranka ni Mari.

Ilang minuto lang ay kinausap nila ang pamilya nila para ipaalam sa mga ito na pareho silang tutol sa kagustuhan ng kanilang magulang na ipakasal silang dalawa.

"Nakapagdesisyon na po kami, sana respetuhin n'yo 'yon," magalang na saad ni Mari.

"I second the motion," support ni Austin.

"Sabi ko na nga ba at mangyayari ito," anang Daddy ni Austin, pinatawag na nito ang pari. 

Lumabas ang pari mula sa isang silid, naka-ready na ito.

"Medyo bilisan lang natin at magbabyahe pa po ako pa-Manila," anang pari.

Parehong nanlaki ang mga mata nina Austin at Mari, di nila akalain na gagawin sa kanila ng pamilya nila ang ganitong ka-desperadong bagay.

"What the hell is this?" galit na saad ni Austin.

Isang pagkasa ng isang shotgun ang nagpalamig sa buong sistema ni Mari, ang Kuya Beni at Kuya Miguel n'ya may mga hawak na shotgun at nakatutok ang mga 'yon kay Austin.

"Kuya Miguel! Kuya Beni! Ano ba? Ibaba n'yo yan!" galit na saad ni Mari sa mga kapatid n'ya.

"Just shut up, Mari! Makipag-cooperate ka na lang!" inis na saad ng Kuya Miguel n'ya.

Nagsimula na ang seremonya ng isang simpleng kasalan.

Hanggang dumako ang tanong sa—

"Austin Lagdameo, do you take Mari Demia to be your lawfully wedded wife?" dalawang beses na inulit ng pari ang katanungan na 'yon pero walang naging tugon si Austin.

Naubos ang pasensya ng kapatid ni Mari na si Miguel kaya itinutok nito ang hawak na shotgun sa sentido ni Austin.

"Just say, I do, para hindi agad matapos ang maliligayang araw mo," mahinahong saad ni Miguel.

Pero ang tanging sagot na natanggap ni Miguel mula rito.

"No."

Ramdam ni Mari ang tensyon akmang magsasalita sana s'ya pero may isang estranghero ang umepal.

Isang matandang lalaki na halos kaedad lang Daddy ni Mari ang umeksena may mga kasama itong armadong lalaki.

"Renato! Ano 'to? Bakit ipinapakasal mo ang anak mo sa iba? Hindi ba't sa akin s'ya dapat makasal?" galit na saad ng matandang lalaki.

"Umalis ka na Dante!" Agad na nilapitan ito ng Daddy ni Mari at ipinagtulakan ito palabas ng bahay ng mga Lagdameo.

"Kukunin ko ang anak mo! Hindi s'ya maaaring ikasal sa ibang lalaki, sa akin lang!" hindi napigil ng Daddy ni Mari ang matandang lalaki na nagngangalang Dante, dahil inundayan ito ng suntok ng mga tauhan nung Dante.

Nakipagsuntukan na ang mga kapatid ni Mari para lang hindi makalapit si Dante at ang mga tauhan nito kay Mari. Tumulong na din ang Daddy ni Austin at ang isa pa nitong kapatid na lalaki ngunit sadyang madami at malalakas ang mga tauhan ni Dante.

Hanggang sa makalapit si Dante kina Mari at Austin.

Walang sabi-sabi na hinawakan nito si Mari sa braso at pwersahang hinila palayo kay Austin.

"Matagal akong naghintay hanggang sa mahinog ka, tapos ngayon ipapakasal ka lang ng magulang mo sa isang totoy? Mari ikaw ang kabayaran ng pamilya mo sa pamilya ko, hindi ba nasabi sa iyo ng mga magulang mo?" nakangising tanong ni Dante.

Gulat at naguguluhang napatingin si Mari sa Daddy niya na ngayon ay duguan, naunang ibinaba nito ang tingin, at dahil doon ay nakuha na niya ang sagot na hinihingi mula dito.

"No, mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kesa mapunta o makasal sa isang tulad mo!" matapang na saad ni Mari.

"Gan'on?" mas lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso ng dalaga dahilan para mapangiwi ito sa sobrang sakit.

Napa-igik si Mari dahil sa ginawa ni Dante, at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.

"Ano ba? Bitiwan mo ako you old geezer!" singhal ni Mari sa matanda.

Nagtagis ang bagang ni Austin dahil sa ginawang pananakit ng Dante na 'yon kay Mari. Kinuha ni Austin ang mga singsing na nakalatag sa maliit na table at sinuot n'ya ang isa sa kan'yang palasingsingan.

'Di na nakapagpigil pa si Austin hinawakan nito ang braso ni Mari at pasimpleng isinuot ang singsing sa pala-singsingan nito.

"Get off your filthy hand out of my wife's precious arm," kalmadong saad ni Austin pero bakas ang galit sa mga mata nito.

Kapwa natigilan sina Dante at Mari dahil sa tinuran ni Austin.

Napatitig si Mari kay Austin habang nakikipagsukatan ito ng tingin kay Dante.

Isang nakaka-insultong tawa ang pinakawalan ni Dante.

"Your wife? In your dreams, I heard that you already said no, kaya wala kang karapatan na angkinin si Mari!" galit na saad ni Dante.

"Really? You're late, our wedding was coming to an end when you arrived," napangisi si Austin at sabay pakita ng wedding ring nila ni Mari na nakalagay na sa mga daliri nila.

Hindi pinansin ni Austin ang bumangon na galit sa mga mata ni Dante.

"Father, what's the last part of the ceremony again?" tanong dito ni Austin.

Agad na nakuha ng pari ang ibig sabihin ni Austin.

"You may now kissed the bride," deklara ng pari.

Hindi pa rin binibitawan ni Dante ang braso ni Mari kaya ubod lakas na hinila ni Austin ang braso ni Mari na hawak n'ya, 'di naman nabigo si Austin agad na hinapit nito ang beywang ni Mari palapit sa kan'ya.

Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi makasabay si Mari sa mga eksena para s'yang dahon ng punong kahoy na sumasabay lang sa ihip ng hangin. 

Hindi maialis ni Mari ang tingin kay Austin, umaalon sa kaba kaniyang dibdib at palakas nang malakas ang pagkabog ng kaniyang puso, nais niyang tumutol ngunit mas naunang nahigit niya ang paghinga nang biglang bumagal ang pag-inog ng kaniyang mundo nang sumunod na pangyayari.

"Mari Demia, I do." 

And Austin sealed it with a kiss.

Mari is now married to a man she only met today.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status