Share

2a

Pagkatapos nang naganap na shotgun wedding kahapon ay 'di na alam ni Mari kung ano at paano sasabihin kay Harry ang lahat, maging siya ay hindi pa rin makapaniwala na na-ikasal siya ng gan'on kadali.

Naikasal siya sa isang kilalang babaero sa buong campus, si Austin Lagdameo.

Si Austin Lagdameo ang taong walang pinapalampas na babae. Maganda, panget, payat, mataba, at lahat na yata nang uri ng babae natikman na nito, kahit pa nakapalda ng maikli o mahaba, nakapantalon o short, naka-two piece o one piece man yan, one word from him and any woman will strip clothes in front of him. Kahit may jowa yung babae pinapatos pa din ni Austin Lagdameo, like her...Mari Demia.

And if the girls want to play with Austin, sa iisang lugar lang nila pwedeng makita ito, sa Fraternity House ng TAU ALPHA PHI.

He's the leader of that fraternity where members are too rich and they are not easy to reach.

Tulala si Mari habang hinihintay ang kaibigan na si Rebi makalabas sa last subject nito para ngayong hapon, naka-upo siya ngayon sa bench na nasa ilalim ng puno, dito sila madalas magtambay ng kaibigang si Rebi.

Sa may hindi kalayuan ay may humahangos na isang babae papalapit kay Mari, ang OOTD ay pajama na pantulog at isang over size na T-shirt medyo magulo pa ang buhok nito na akala mo ay kakagising pa lang at isang malambot na kama na lang ang kulang at pwede na ulit itong bumalik sa pagtulog.

At nang makalapit na ito kay Mari ay agad itong naupo sa tabi ni Mari.

"Hoy b-babae—" pansamantalang tumigil muna ito pagsasalita dahil hinihingal pa ito dahil sa kakatakbo.

Halos dalawampung segundo na hinahabol nito ang sariling hininga bago nakapagsalita ulit nang maayos.

"Hoy babae, totoo ba?" hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Mari at ipinihit ito paharap sa kaniya.

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Mari nang makita ang pag-aalala sa mata ng bestfriend na si Rebi.

"Paano? Bakit? Sino?" sunod-sunod na tanong ni Rebi sa kaibigan. Nag-alala na ito sa kaibigan.

Ipinakita ni Mari ang singsing na nakasuot sa palasinsingan, nanlaki at napaawang ang bibig ni Rebi dahil sa singsing na ipinakita ng kaibigan.

"Owmaygawd! Mari, si Austin? Si Austin Lagdameo, 'yong founder ng fraternity na TAU ALPHA PHI? 'Yong number one player as in babaero? Siya ang taong pilit na ipinakasal sayo ng parents mo?" 'di makapaniwalang tanong ni Rebi sa kaibigan.

May nakalagay na TAU ALPHA PHI sa singsing ni Mari kaya agad na nakilala 'yon ni Rebi.

Isang marahan na tango ang naging tugon ni Mari sa kaibigan.

Napatuptop na lang si Rebi dahil hindi din ito makapaniwala, dalawang beses itong napalunok bago nakapagsalita muli.

"P-Paano nangyari 'yon?" naguguluhang tanong nito.

Ikinwento ni Mari ang lahat-lahat sa kaibigan mula sa simula hanggang sa kung paano ito nagtapos na parang romance story kung saan napaalis ang villain dahil sa bravery ni Bidang Lalaki.

"Wow, ang galing ng parents mo at parents ni Austin magdirect ng isang shotgun wedding. Ibang klase 'yun, si Groom lang ang nag-I Do tapos, you may kissed the bride na agad," hindi makapaniwala si Rebi sa ikinwento ng kaibigan. 

"Mari, anong plano mo?" seryosong tanong ng kaibigan kay Mari.

"Kakausapin ko si Austin, I want to clear everything to him and to end this circus," mabilis na tugon ni Mari.

"And?" tanong ulit ni Rebi.

"Anong and? End na as in tapos na," inis na saad ni Mari.

"Kelan mo kakausapin si Austin?" daming tanong ni Rebi.

"Ngayon, kaya samahan mo ako," sabay tayo at suot ng bag ni Mari, akmang hahakbang na ito paalis nang pigilan ito ni Rebi.

"Teka! Sandali! Mag-isip ka nga muna, alam mo na ba kung saan mahahanap ang instant husband mo?" napatayo na din si Rebi at biglang hinarang nito ang kaibigan.

"Eh 'di saan pa? Syempre sa sikat niyang fraternity house na mukhang bar, araw-araw may inuman at araw-araw may mga babaeng labas-masok," seryoso at mariin na saad ni Mari.

"Maghunos-dili ka muna friend, kilala mo naman ang karakas at ugali ng mga babaeng umaali-aligid diyan sa instant husband mo, mahirap na ikaw pa ang mapasama. Isa pa, alam na ba ito ni Harry?" nag-aalalang saad ni Rebi.

Biglang natigilan si Mari nang mabanggit ng kaibigan ang pangalan ng boyfriend niya. Muling napatitig na lang ito sa kaibigang si Rebi dahil hindi niya alam kung paano at saan sisimulan ang pagpapaliwanag kay Harry tungkol sa marital status niya ngayon.

"H-Hindi ko alam, pero ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya. Basta samahan mo muna ako ngayon, gusto ko lang makausap si Austin para—" hindi pa tapos magsalita si Mari nang biglang may nagsalita sa likuran ni Rebi.

"Para ano?" matigas at may diin ang mga salitang 'yon ng taong nagmamay-ari ng pamilyar na boses sa kanilang dalawa.

Kapwa natulos sa kinatatayuan ang magkaibigan, biglang nanlamig ang buong sistema ni Mari dahil ang lalaking nagmamay-ari ng boses na 'yon ay walang iba kundi si Harry.

Madilim ang anyo nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Mari.

Dahan-dahang pumihit ang katawan ni Rebi paharap sa taong pamilyar din sa kaniya.

Magsasalita sana si Rebi pero agad na naunahan siya ni Harry.

"Pwede ba na maka-usap ko ang girlfriend ko?" seryoso at galit na saad ni Harry.

Napatingin na lang si Rebi kay Mari, tumango lang si Mari ibig sabihin ok lang na iwanan muna nito silang dalawa.

Umalis muna si Rebi at pumwesto sa may 'di kalayuan para kung sakaling kakailanganin siya ng kaibigan ay nasa malapit lang siya at madaling masasaklolohan ito.

"Totoo ba?" galit na saad ni Harry kay Mari.

"L-Let me explain, it's not what you think." nagmamakaawang paliwanag ni Mari.

Nasa likod sila ng isang malaking puno at medyo malayo sa ibang estudyante na nagpapahinga din.

"Anong it's not what I think? Mari pumayag ka na makasal sa Austin na 'yon dahil lang sa sinasabi mong Dante na nanggulo sa lintik na kasal ninyo? Ni hindi man lang sumagi sa isip mo na kinagat mo lang ang pain nila?" sisi nito kay Mari.

Kapatid pa mismo ni Mari ang nagbalita kay Harry para tigilan na niya ang kapatid nito.

"And sa lahat pa ng lalaki na ipapakasal sa iyo, bakit sa isang Austin Lagdameo pa?" puno ng galit at hinanakit ngayon si Harry dahil hindi niya akalain na magagawa ito ng pamilya ng kaniyang nobya.

"Look hindi ako pumayag, and most of all hindi ko alam na si Austin Lagdameo pala ang nakatakdang lalaki na ipapakasal sa akin. Both of us already agreed na ayaw namin matuloy ang kasal na 'yon. Sa sobrang bilis nang papangyayari, we get married but—" magsasalita pa sana si Mari pero agad na itinaas ni Harry kamay at ibig sabihin n'on ay tumigil na siya sa pagsasalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status