Share

Chapter 8

Makalipas ang mahabang minuto ng pag ku- kwentuhan nila dyke ay hindi na nila namalayan ang kapeng inihanda ng ginang. Masyado kasing seryoso ang naging usapan ng dalawa lalo pa’t ngayon lang nakatagpo si dyke ng ganitong klase ng tao na katulad ni tatay alpring. Alam niyang mapagkakatiwalaan ito kaya ganun na lang ka- gaan ang loob niya sa matanda. Isa pa ay parang isang regalo na rin ito na makatagpo niya ang matalik na kaibigan ng kaniyang lolo nuon, sa pamamagitan nun ay nalaman niya ang pinagdaanang hirap ng kaniyang lolo at tunay na nakapagbigay motibasyon para sa mga gagawin niyang mabubuting bagay sa hinaharap

Hindi na natin nainom ang ating kape, anak. Higupin mo na yan, mukhang lumamig na rin, hahaha!

Kaya nga po, tay” Napatawa na lang din si dyke at nag- ayos sa pagkaka- upo

Kasabay naman ng mga lumipas na oras na iyon sa kuwentuhan ng matanda at ni dyke ay tapos na ring magluto ang ginang. Mukhang mataas ang kompiyansa nito sa nilutong sea food upang ihain sa kaniyang asawa at kila dyke na kanilang bisita. Nagluto ang ginang ng ginataang hipon at adobong isda na paborito ng kaniyang mahal na asawa. Nasasabik na ang ginang na ipatikim ang mga niluto sa kanila. Lahat ay naihanda na ng ginang sa hapag kainan, kaya’t tumungo na ito sa kanilang salas upang tawagin ang dalawa.

Mahal ko!

Anak! Luto na ang agahan, hali na kayo dito. Kumain na tayo” Pagtatawag ng ginang kila dyke, agad namang rumesponde ang dalawa at tumayo saka naglakad papunta sa kusina kung nasaan ang hapag kainan

Nako! mukhang napakasarap ng niluto ng mahal kong asawa” Papuri ni tatay alpring sa ginang, bakas sa mga itsura ng mga ito ang kagalakan sa isa’t- isa

Mukha ngang masarap ang mga ito, nay!

Ay shempre, anak, para sa inyo lahat ng mga iyan kaya’t sinigurado kong bawat subo niyo nanunuot ang sarap at linamnam ng bawat putahe na yan!

Tuwang- tuwa ang binata sa mga hinain ng ginang, napaka- spesyal talaga ng mga niluto nito, kahit isang tingin pa lang ay parang gusto mo na agad tikman. Sumagi sa isip ni dyke kung gaano ka- buti ang dalawang mag- asawa sa kanilang dalawa ni karrie kahit isa lamang silang hamak na bisita at hindi lubos kakilala ng mag- asawang ito. Sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa silang asikasuhin ng maayos at tratuhin ng parang tunay na silang mga anak ng mga ito.

Tulog pa pala ang iyong kasintahan, anak” Untad ng ginang kay dyke

Uhm, opo, pagod po iyon kagabi pa

Ikaw, wala kang tulog, ayos lang ba ang pakiramdam mo?” Tanong ng ginang, halatang may pag- aalala sa mukha nito

I’m okay po, sanay po ako sa ganito, nag te- take naman po ako ng vitamins to stay active and mababawi ko rin po yung tulog ko kapag naka- uwi na kami, don’t worry, nay

Buti naman kung ganoon, anak. Pero pwede naman na magpahinga ka mamaya kapag tapos na tayong kumain, ako nang bahala mag- asikaso sa magiging nobya mo pag nagising siya “ Malugod na pagkakasabi ng matada habang naglalagay ng kanin sa kani- kanilang mga plato. Si tatay alpring naman ay abala sa pag pipisa ng sili sa patis na kanilang sawsawan habang nakikinig.

Tumango si dyke sa ginang at saka nanguha na ng ulam na nakahain, kahit sa ngayon sitwasyon lang ay nararamdaman niyang kasintahan na niya ang dalaga, dahil sa mag- asawang ito na ang tingin sa kanila ay totoong  magkasintahan

Sige po, nay. Maraming salamat po talaga sap ag aasikaso at pagpapatuloy sa amin ni karrie dito a bahay niyo

Walang ano man anak!” Sabay na tugon ng mag- asawa kay dyke. Parehong may bahid ng ngiti ang mukha ng mag- asawa, kitang- kita ang totoong pagiging mabuting tao ng dalawa. Ngunit may mga sitwasyon din na mahirap pairalin ang ganitong kabutihan sa iba. Dahil napakaraming magsasamantala sa mga ganitong tao, hanggang sa mamihasa na ang iba at hindi marunong tumanaw ng utang- loob. Parang sa ginawa ba ng mga Espanyol sa ating bansa, sa pagiging mabuti at pagiging hospitable ng mga pilipinong ninuno natin ay nagawa tayong sakupin ng mga banyagang ito na nagdala sa malaking pagbabago ng ating kultura’t tradisyon. Hindi masamang magpatuloy ng kapwa ngunit ang mahirap ay ang pagiging sobrang mabuti sa kanila, na ginagawang pagkakataon upang makapaminsala.

Masayang kumain si dyke kasama ang mag- asawa habang hinayaan si karrie na makakuha ng sapat na pahinga.

’Ang sarap po ng ginataang hipon niyo, nay!” Papuri ni dyke sa ginang

Ay salamat, anak

Ikaw pa mahal ko, nako anakkong, dyke. Ang nanay mo na yata ang pinaka masarap magluto dito sa buong distrito ng San Narciso. At kahit sa buong mundo pa” Napatawa ang binata sa sinabi ni tatay alpring habang sumusubo

Hahaha, tama naman po kayo diyan sa sinasabi niyo, tay

Kaya mas lalo akong nahulog sa asawa kong ito eh, bukod sa maganda na, masarap pang magluto at napaka- maasikaso” Napangiti si dyke habang patuloy na pinupuri ni tatay alpring ang kaniyang asawa. Sana ay may pagkakataon ding magawa ko ang mga ito sayo karrie. Takbo ng isip ni dyke

Ay nako, mahal ko. Kumain ka nalang upang mabusog ka! Ikaw din anakkong, dyke. Maya- maya ay magigising na rin ang iyong kasintahan. Ano na ngaba ang pangalan ng napakagandang dalaga na iyon?”

Karrie po, Karrie villegas” Matanda na nga talaga ang ginang na ito, kanina lang ay pinag- uusapan nila si karrie, bigla na lang nawala agad sa isip ng matanda ang pangalan ng dalaga. Pero mas maigi na iyon at nasabi niya na rin ang buong pangalan ng dalaga, kaysa naman aalis sila dito ng hindi nalalaman ng matanda

Ah, sige anak, ako na ang bahala sa kaniya

Salamat po ulit” Tumango ng may ngiti sa labi ang matanda at nagpatuloy muli sa pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga nakahain sa hapag habang hinihintay si karrie na magising. Ang depinisyon ng pamilya para sa mga ito ay ang maayos na pag trato sa kapwa, at pakikisama ng may pagmamahalan hindi lamang sa kadugo, kundi sa kapwa tao, pati na rin ang mga nabubuhay sa mundo.    

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status