Share

Kabanata 17: Preparation

Iris

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay basta ko na lamang nilayasan ulit si Sebastian at iniwan na lang basta sa lugar ni Alfred De Vega. Mas lalo niya lamang dinadagdagan ang galit ko sa ginawa niyang pagpigil at paglayo sa lugar ni Alfred De Vega.

Nang itinigil ko ang motor sa tapat ng apartment ko ay napahinga na lamang ako ng malalim dahil talagang hinintay ako ni Devron kahit hindi naman kailangan.

Nang makababa na ako ay saka ko lamang naramdaman ang matinding pagod at halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga nangyari ngayon araw.

Marahan kong isinuklay ang buhok gamit ang kamay ko at marahang kumatok sa pintuan ng apartment ko. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa labas bago ito mabuksan ni Devron na ngayon ay parang kagigising lang.

Nang makita ko siya sa ganoong ayos ay napakagat labi na lang ako at sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na nakayanan ang bigat na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay sa ganitong paraan ay mahimasmasan ako sa nangyari ngayong araw. Sa buon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status