Share

Kabanata 94: Push

Author: Purplexxen
last update Huling Na-update: 2025-08-16 00:55:41

That's the only way Old David will not suspect me. Bulong ng kaniyang isip.

Kung babalik siya sa villa, iyon ay para lang kunin ang kaniyang mga gamit na naiwan, ngunit ang kukunin niya lamang ay 'yong mga importante lamang at talagang sa kaniya.

Gusto niya rin personal na makausap ang matandang si Lucio para maunawaan nito ang kaniyang sitwasyon. Kahit paano, sumunod naman siya sa kasunduan nila ng matanda. Pinangako niyang pagkatapos ng kaarawan nito ay saka lamang siya makikipaghiwalay kay Silvestre.

Ngayon na tapos na ang kaarawan nito, malaya na siyang magfile ng divorce.

Hindi niya gustong ipahamak ang Abuelo, ngunit sa ginawa niya at sa mga nalaman ni David tungkol sa kaniya at sa naging karanasan niya sa pamilyang Galwynn, siguradong napopoot ito sa mga Galwynn. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang ama, matagal niyang inilihim ang pagsasama nila ni Silvestre at marami siyang hinarap na paghihirap para lang makasama ang lalaking iyon.

Para kay David, hindi tamang nagdusa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (20)
goodnovel comment avatar
Wewet Zarep
nahabol ko din yung update hehe 4 na acc ba naman gamit ko eh
goodnovel comment avatar
Rhea Godoy Bathan
thank you sa update hindi nakakasawa ang story nito ang ganda
goodnovel comment avatar
Lilibeth Panlaque
update more po...tnx
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 94.2: Push

    Madalas, pormal ang suot ni Silvestre. Kung hindi ito naka-suit ay nakaputing long sleeve naman. Pinaparesan iyon palagi ng trouser pants at leather na sapatos. Sa bahay, kapag nagkakasama sila ni Silvestre ay hindi niya ito gaanong nakikita na nakasuot ng pambahay. Dahil magkaiba sila ng kuwarto simula ng ikasal sila, hindi niya pa nakitang nakasuot ito ng pantulog. Hindi niya alam kung may pajama ba ito. At dahil maselan ito sa damit, may labandera sila na siyang nagha-handwash sa mga damit ng lalaki. Oo, kamay lamang ang ginagamit sa paglalaba ng mga damit nito dahil ayaw nitong masira ang mga mamahaling damit. Kaya hindi mapigilan ni Aeverie na hagurin ng tingin ang kabuuan ni Silvestre habang iginigiya sila papasok ng bahay. Sakto lamang ang laki ng cotton shirt nito, ngunit medyo manipis iyon. Ang suot naman nitong pants ay cotton din, ngunit makapal. He looks fresh and comfortable with his clothes now. Nang makapasok sila sa mismong bahay, bumagal ang kaniyang lakad at

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 94: Push

    That's the only way Old David will not suspect me. Bulong ng kaniyang isip.Kung babalik siya sa villa, iyon ay para lang kunin ang kaniyang mga gamit na naiwan, ngunit ang kukunin niya lamang ay 'yong mga importante lamang at talagang sa kaniya.Gusto niya rin personal na makausap ang matandang si Lucio para maunawaan nito ang kaniyang sitwasyon. Kahit paano, sumunod naman siya sa kasunduan nila ng matanda. Pinangako niyang pagkatapos ng kaarawan nito ay saka lamang siya makikipaghiwalay kay Silvestre.Ngayon na tapos na ang kaarawan nito, malaya na siyang magfile ng divorce.Hindi niya gustong ipahamak ang Abuelo, ngunit sa ginawa niya at sa mga nalaman ni David tungkol sa kaniya at sa naging karanasan niya sa pamilyang Galwynn, siguradong napopoot ito sa mga Galwynn. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang ama, matagal niyang inilihim ang pagsasama nila ni Silvestre at marami siyang hinarap na paghihirap para lang makasama ang lalaking iyon.Para kay David, hindi tamang nagdusa

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 93.2: Late Call

    Isa pa, bakit hindi nila agad nalaman na nagpakasal na pala ito? At ngayon… makikipaghiwalay na. Huli na naman sila sa balita. Lumunok si Anizza bago maingat na nagtanong. “Is it possible to divorce him? May divorce na ba sa Pilipinas? Hindi ba kayo nagkakasundo kaya kailangan niyong maghiwalay?” Parang may kaunting kurot sa puso ni Aeverie habang tinatanong siya ni Anizza. Hindi kagaya ng mga kapatid niyang lalaki, hindi nagtatanong o nag-uusyuso ang sinuman sa tatlo. Rafael ask, but only the important matters. Si Uriel kapag magtanong, may halong legal na diskusyon. Si Sage, matatakot siya siguro kapag tinanong siya ng kapatid niyang iyon. Si Anizza, alam niyang kuryuso lamang ito. At bilang babae na rin, gusto siyang damayan sa bagay na ito. Marahan siyang tumango. “Yes, we’re not just suitable for each other.” “I heard that he's the president of Galwynn Corporation. Bilang presidente ng sariling kompanya, siguradong abala siya sa maraming bagay kaya hindi na niya nag

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 93: Late Call

    Isang katok ang pumukaw kay Aeverie mula sa malalim na pag-iisip. Nilingon niya ang pinto. Hindi niya alam kung kanina pa ba kumakatok ang taong nasa labas, dahil nakatulala siya't malalim ang iniisip. Sinundan ng dalawang katok ang nauna kaya sumagot na siya. “Come in.” Tumigil ang pagkatok, at alam niyang nag-aalangan pang pumasok ang taong nasa labas. Ngunit pagkaraan, unti-unting bumukas ang pinto. Inaasahan na niya kung sino ang naroon. Sumungaw ang ulo ni Anizza at hinagilap siya nito. Nang makita siyang nakaupo malapit sa bintana ay itinulak nito ang sarili papasok ng silid. Maliit na ngiti ang iginawad sa kaniya ng babae. Anizza is already wearing her pajamas. She looks fresh from her half-bath. Akala ni Aeverie ay nagpapahinga na ito dahil gabi na rin masyado. Ngayong gabi, sumama sa mansion si Anizza. Gusto nitong matulog sa mansion kung saan nakatira ang magkakapatid. Aeverie willingly took her sister in. Ayos lang din naman kayna Rafael na dito natutulog ang ib

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 92.3: Wrath

    Madilim ang ekspresyon ng mukha ni David. Mas kalmado ang tono nito ngayon, ngunit mas lalo iyong nagiging delikado dahil kontrolado na nito ang galit ngunit hindi nila alam kung paano iyon huhupa. Sa tuwing naiisip niya ang kaniyang mga nalaman tungkol kay Silvestre at sa pamilya nito, mas lalo lamang na sumisikip ang kaniyang dibdib dahil sa galit. Gusto niya sugurin ang bahay ni Bernard at Bartolome para ipakita sa magkapatid kung ano ang kaya niyang gawin para maipaghiganti ang kaniyang anak. Gusto niyang magkita rin sila ulit ni Silvestre nang makatikim ito ng kaniyang kamao. "Old Man, can we just forget it? I’m trying to pacify everything. You don’t have to worry about it anymore.” “Pacify?” Sarkastikong tanong ni David. “Lucio’s secretary shameless brought your marriage contract to my office this morning!” Dumagundong ang malakulog na boses ni David. Walang nagsalita pagkatapos ng pagsigaw nito. Maging si Aeverie ay kinagat na lamang ang kaniyang dila. Parang sasabog na

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 92.2: Wrath

    “I guess she was busy,” mahinang sagot ni Anizza. "But she emailed us after two weeks that we’ve contacted her management. Pumayag naman po siya at naging intresado rin.” Umayos ng upo si David Cuesta. Sa harap ng kaniyang mga anak, kapag tungkol sa negosyo ay nananatili pa rin siyang seryoso at propesyunal. “You have an international brand, Anizza. Next time, you should get someone who’s already famous and known in the country. Mas madaling makikilala ang mga produkto mo at marami ang maiinganyo.” Ngumiti si Anizza. “Thanks for the advice, Dad… But I really want Honey Rivera to be my first embassadress. She has a big potential. Malay natin, a year or two, she became the most influential and known personality in the showbiz industry.” “Kung maganda at talentado naman ang newbie na ‘yan, she will survive in the industry. Iyon naman talaga ang puhunan sa showbiz; face, beauty, and a little bit of talent.” Nangingiting sabi ni Larissa na isa na rin sa naging sikat na personalidad

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status