Lahat po ng story ko ay iisahin ko sa title na ito. Dito niyo na lang basahin ang lahat ng story ko. Thank you!
Asmodeus Rojo"Sir, nandito ang ama niyo." My men called me. I open my laptop at tiningnan ang cctv na naka-connect sa laptop ko. Nandoon nga siya, looks like he's so impatient waiting to get inside. May dalawang tauhan sa likuran niya na may bitbit na box ng cake at supot ng pagkain sa kabila. Feeding his baby.Natatawa, I caress my chin at bahagyang pinapatagal ang paghihintay niya sa labas ng bilangguan ng 'mahal' niya. "Damn that—let me in!" Naririnig ko ang boses niya sa kabila."S...Sir!" Alanganin na ang boses ng tauhan ko.Mukhang nagwawala na ang matanda doon. I arched my brow and suminghap."Let him in,"I commanded at last.At maririnig ang mahinang paghugot ng hininga ng tauhan ko sa kabilang linya. Mukhang takot na takot na sa matanda at nang marinig ang pagsang-ayon ko ay tila nabunutan ng tinik."P-Pwede na—" Namatay ang linya at nang tingnan ko sa laptop ay tinapon pala niya ang cellphone ng tauhan ko. How harsh. At pumasok na nga sila sa loo
"You can wait outside, Ma'am,"aning nurse na assistant ng surgeon. Nakarating agad kami sa hospital. Hindi naman malubha ang tama niya sabi ng doktor. Pero sa nakikita ko parang imposibleng hindi malubha samantalang napakaraming dugo ang lumalabas mula sa sugat niya."No she will wait until it was finished,"sansala naman ni Asmodeus dahilan para matigilan ako sa pagtayo.Kanina pa ako kinakabahan habang tinitingnan ang dugo sa damit niya. Kanina pa ako nag-iisip na ikamamatay niya talaga iyon. Tumingin ako sa kaniya nang mapansin ang titig niya. Mapapansin ang multo ng ngisi sa labi niya. Mukhang kanina pa gustong pagtawanan ang reaksyon ko. Natutuliro na kasi ako. Natatakot ako sa mga ganito. Habang tila naaaliw lang siya diyan na pinagmamasdan ako.May itinurok ang doktor bago nito sinimulang kuhanin ang bala na bumaon sa may balikat nito. Malapit iyon sa batok at kitang-kita ko kung papaano dinaklot ng doktor ang bala mula sa sugat niya. Siguradong kapag nanalamin ako ay nakangiw
Pinagmasdan ko ang buong katawan sa salamin. Nakababa na si Asmodeus kanina tulog pa ako at matapos akong maligo ay hindi na muna ako nagbihis. Tanging tuwalya lang ang pinambalot ko sa katawan ngunit napagdesisyonan na ibaba ng kaunti ang tuwalya at pagmasdan ang lumalaking tiyan sa harapan ng salamin. Parang kailan lang pinagmasdan ko lang ang sarili ko. Ngayon ay pinagmasdan ko na pati ang batang lumalaki sa loob ng katawan ko. Nag-iba na rin ang hulma ng dibdib ko. Napa-isip ako bigla. Magkakagatas kaya ako? Gaya no'ng ibang mga nanay? At ano kaya ang pakiramdam ng kalong mo sa braso mo ang anak mo? Ano kaya'ng pakiramdam matapos manganak? Napasinghap ako at muntik nang mapatalon nang may brasong pumaikot sa baywang ko. Sunod na bumungad sa'kin ay ang mukha ni Asmodeus na may mapaglarong ngisi sa labi."Beautiful." At hinawi ang hibla ng buhok ko tungo sa likod ng tainga.Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko namalayan ang paglapit niya. Kung may sakit lang ako sa puso ay mata
May fiancee na nga pala siya. Bakit hindi ko man lang iyon naisip noong pumayag akong sumama sa kaniya? Dahil sa pag-iisip kong kailangan siya ng anak ko ay nawala na sa isip ko ang totoong lugar ko sa buhay ni Asmodeus. Kailangan niya ng ama pero hindi siya pwedeng maging bastardo ng mga Rojo. Naisip kong bawiin ang sinabi kong anak niya ang dinadala ko pero naisip ko rin na baka mabigyan ko siya ng dahilan na saktan ang bata. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ngayon. Ngayong nakabalik na ako sa poder niya ay baka mahihirapan na akong kumawala. Nakita ko na lahat ng kayang gawin ni Asmodeus at natatakot akong baka maranasan ko ulit iyon.Bumukas na ang pintuan ng banyo. At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa presensya niya. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama at hinihintay ang pagkakataong makapagsalita. Para akong naba-blangko ngayong nandito na siya.Unang naisip ko talaga ay lumayo. Hanggang ngayon gusto ko na talagang lumayo. Isang pagkakamali ang naging desisyon
Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan siyang tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nagpakalasing muna bago nasabi sa akin iyon kagabi. O baka hindi niya naman talaga balak iyon siguro dahil nagugulohan lang siya kaya niya nasabi iyon.Bumuntong-hininga ako at inilagay sa maliit na batya ang towel na pinamunas ko sa kaniya kagabi. Tapos naalala ko pang naghubad na lang siya bigla kagabi ni wala man lang tinira kahit isa. Ako pa tuloy ang tila nahiya sa ginawa niya at tinabunan siya ng kumot bago ako humiga. Sa sofa ako natulog at magpapatuloy ako sa tulog ko ngayon dahil hating-gabi na ako nakatulog dahil sa kagagawan niya.Humiga ako sa sofa at nagpatuloy sa pagtulog ko. Kaya lang nagising ako nang maramdaman na may braso na bumubuhat sa'kin. Nagulat ako at napahawak sa batok niya. Nagpapasalamat akong nailapag niya na ako sa kama. Sumalubong sa'kin ang seryosong titig ni Asmodeus. Nakayuko pa rin siya sa'kin at sobrang lapit ng mukha namin. Naaamoy ko pa ang in
Nakasuot ako ng pambuntis na dress kulay puti at flat shoes. Maganda ang panahon ngayon saktong-sakto sa mismong lakad. Karamihan sa nabili ni Kuya na gamit sa baby ay mga pambabae. Dahil gusto niya ng babae. Pero lalaki kasi ang susuot at noong sinabi ko kay Asmodeus na pwede pa naman magamit iyon kahit pambabae."I'm not a fairy to revive the ash into it's old form."Umaga na nang malaman ko na nawala na lahat ng mga binili Kuya para sa anak ko. Talagang may laman iyong sinabi ni Asmodeus. Huli na nang malaman kong sinunog niya lahat. At kagabi naisip niyang mamimili kami ngayon. Kaya ko nga hinalungkat dahil ayoko sana bumili muna dahil mayroon na naman na. Tapos malaman laman ko pa, nasunog na.Sinunog niya tapos bibili ulit? Anong kabaliwan ang naisip niya? Mas makakatipid kami kung 'di niya ginalaw ang mga iyon. "That pathetic jealous asshole,"bungad ni Kuya nitong umaga nang tumawag siya. Sino ang nagseselos?Ikinuwento ko kasi kay Kuya iyong tungkol sa mga damit ng bata na bi
Pagkahapo, sakit na hindi matutumbasan. Sabay-sabay ko na nararamdaman iyan habang hindi malaman kung saan tutungo. Napahawak ako sa baywang at napayuko nang sumigid na naman ang sakit. "Damn it,"mahinang mura niya. Kanina pa siya panay sunod sa'kin. Gusto ko siyang pumirme sa kinauupuan niya para mabawasan ang stress ko. Iyong pagsunod-sunod niya at ang nakikita kong iritasyon sa kaniyang mukha ay dumadagdag sa problema ko.Kaya lang hindi ko masabi dahil mas naibubuhos ko ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman. Tila pinipiga na parang may bukol na sumasakit sa puson ko na iwan. Hindi ko maintindihan parang gusto ko na lang umiyak sa sakit. "How is it?" Hinawakan niya ang braso ko."Masakit,"nanghihina ang boses ko.Kagabi pa nagsisimulang sumakit ang tiyan ko. Pero dahil matigas pa ang cervix ko kaya't kailangan ko muna mag-stay hanggang sa handa na iyon at open na para sa delivery.Lampas tatlong araw mula noong kabuwanan ko saka lang nangyari ito. Normal lang naman daw ito la
Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Naramdaman ng driver iyon kaya't kalaunan ay panay na ang sulyap niya sa'kin sa rearview mirror. Mariin akong napapikit nang maalala ang pagsabog at ang huling pangyayari sa pagitan namin ni Asmodeus bago nangyari ang lahat. Kayo lang ang uuwi. Take care of yourself and our childTumulo ang luha ko na hindi ko na napigilan. Tumingin ako sa labas at sinisikap na 'wag umalpas ang hagulhol. Nahihirapan akong huminga ng maayos dahil sa sikip at sakit ng dibdib ko. Sinabi ko sa kaniya na huwag niyang hayaan masaktan ang sarili niya. Pero sa laki ng pagsabog na iyon ay imposibleng makaligtas siya. Payapa pa rin na natutulog ang bata. Hinayaan niya akong istemahin ang nararamdaman. Hinayaan niya muna ako hanggang sa kumalma ako.Kahit noong nakarating na kami at naisakay na ako sa wheelchair papasok sa isang napakalaking bahay ay tahimik pa rin ako. Dumaan kami sa harden na napupuno ng mga rosas pero wala sa isip ko ang tingnan iyon at mamangha.