Share

Kabanata 2

Penulis: noowege
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-17 06:10:16

Ilang taon ang nakararaan. Katulong ang naging programa ng Baranggay kung saan tutulong sa gastusin ang mga taga-Baranggay sa namatayan ay nagkaroon ng disenteng lamay ang Lola ko. Isa siya sa naging myembro noon. At oo, sa pinansyal ay hindi ako nahirapan pero ang kalooban ko ay hirap na hirap habang dinadama lang ang kabaong niya. Gusto ko siyang tingnan sa huling pagkakataon pero hindi ko magawa. Sa pagkakataong ito ay namalaam na nang tuloyan ang aking lola.

"Ano na ang mangyayari sa kaniya niyan?"

"Kawawa naman. Bulag pa naman. May tumatanggap pa ba ng bulag ngayon sa trabaho?"

"Wala nga, e. Pasanin nga iyan ni Manang Peli noong buhay pa iyon, e. Ngayong siya na lang—iwan ko lang!"

Naririnig ko ang pag-uusap ng mga gumagawa ng bulaklak sa patay. Pati iyon ay ang mga kaba-baryo rin ni Lola ang gumagawa basta ba myembro ng organisasyon. At mukhang tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan nila ngayon.

Napayuko na lang ako at pinipigilang maiyak na naman. Naka-upo lang ako sa upuan na malapit sa kabaong.

Malayo ang mga kamag-anak ni Lola. Ni walang dumalaw sa lamay niya. Ako lang yata ang nandoon na kadugo niya at wala nang iba. Kahit kailan hindi ko rin naman nakadaupang-palad ang mga iyon.

Pagkatapos ng tatlong araw ay inilibing si Lola. Umuulan iyon hanggang sa hapon habang tahimik lang akong naka-upo sa may bintana at dinadama ang lamig ng panahon. Panay tanong sa sarili ko kung saan na ako pupunta ngayon.

Sa pag-iisip ko ay napagpasyahan na wala na akong pagpipilian kundi ang magpunta sa bayan bukas. Maghahanap ako ng trabaho doon at magbabakasakali na mali ang mga panghuhusga nila na walang tatanggap sa'kin.

Lumingon ako sa may hagdan nang marinig ang mga pag-uusap sa baba. Siguro iyon na ang mga taong kukuha ng dekorasyon na hiniram namin para sa lamay ni Lola. Ibinalik ko ang atensyon sa labas ng bintana at ipinagpahinga ang isipan. Napakarami kong problema sa nagdaang araw simula noong nakaratay na si Lola sa higaan. Ang tanging alam ko lang ay ang gawin ang mga gawaing bahay na pinag-aralan ko simula noong onse ako. 

Napakarami kong gustong gawin pero hadlang ang mga mata ko para doon. At hindi ko nailigtas si Lola dahil sa kapansanan ko. Kung sana normal lang akong babae.

...

"Pwede naman. Panigurado! Tatanggapin ka nong amo namin." Natatawa na sabi ng lalaki may kasama rin siya na lalaki at hula ko ay matador din sa pwesto na iyon.

Abala ang lahat sa pagagayat ng mga karne na bibilhin ng mga costumers.

"T-Talaga?" Nabuhayan ako ng loob. Iyon na ang pang limang nilapitan ko para mag-apply ng trabaho. At ngayon nang marinig iyon ay bumangon ang pag-asa sa puso ko.

"Malaki ang pasweldo, sigurado!"dagdag niya pa.

Napalunok ako. Mabuti kung ganoon nakaramdam ako ng tuwa.

"Kaya lang ikaw ang gagawing panghiwa sa karne." Tapos nagtawanan sila.

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang malaman na pinagloloko lang nila ako. Napayuko ako.

"Sa tingin mo sino ang tatanggap sa'yo niyan e mukhang 'di ka naman yata mapapakinabangan... maliban sa kama."

"Oo nga, maganda, magandang katawan, ikot ka nga!"

Maiiyak na akong nakayuko sa harapan nila. Dahan-dahan kong kinuha ang kahoy kong tungkod. Hindi na tali ni Sham ang hawak ko ngayon. Dahil gaya ni Lola iniwan niya na rin ako. At ngayo'y mag-isa na lang ako.

"Ikot ka muna, hoy!"

Naririnig ko pa rin ang tawa nila. Tinalikuran ko sila dahan-dahan habang kinakapa ng tungkod ko ang daan. At ilang saglit ay pinahid ko na ang luha na naramdaman kong dumaloy sa pisngi ko.

"Hoy! Kayong dalawa ang bababoy niyo!"

Narinig kong saway ng isang babae.

"Bulag na nga iyong tao ginaganiyan niyo pa. Hala! Magtrabaho na kayo, iyong isang kostumer doon asikasuhin mo iyon!"

Nagpatuloy na ako sa paglayo. Maraming kainan doon siguro iyon naman ang susubukan kong lapitan. Marunong naman ako sa gawaing bahay kaya ko naman yata iyong mga hugasin nila.

Napasinghap ako nang may humawak ng braso ko.

"Ineng?"

Bumaling ako sa kaniya kahit hindi ko siya nakikita. 

"P-Po?"

"G-Gusto mo ba ng trabaho?"

Napalunok ako at agad tumango. Babae ang kaharap ko ngayon base sa tuno ng boses niya pero iba ang boses niya kumpara doon sa babaeng nanaway sa mga nambastos sa akin. 

"Akala ko matatanggap ka na kanina kaya hindi kita nilapitan. Pero ngayon..."

May alanganin sa bawat salita niya. Nakapagtataka pero mas nakatuon ang atensyon ko sa binanggit niyang trabaho. 

"A-Ano po bang trabaho? Dito po ba sa palengke?"

Matagal bago siya nagsalita.

"Sa mga Rojo."

Natigilan ako. Iyong sobrang yaman na pamilyang iyon? Doon siya nagtatrabaho? Sila ang pamilyang nagmamay-ari ng pinaka malaking lupain sa buong lugar.

"M-May kontranta ako doon, penermahan ko na. Gusto kong umalis at..."

"Bakit gusto niyo umalis? Mukhang maganda naman doon."

Matagal na naman siyang nakasagot at mukhang nag-iisip pa. Kilalang mayayaman ang mga Rojo paniguradong maganda ang pasahod doon.

"N-Nanganak ang anak ko w-walang mag-aalaga kung hindi ako uuwi. A-At, makakaalis lang ako kapag may sasalo ng kontrata na pinermahan ko. K-Kaya kung gusto mo..."

Hindi na rin ako nagdalawang isip. Hindi rin ako pamilyar sa kontrata na sinasabi niya pero gusto ko talaga ng trabaho. Wala na akong matakbuhan ngayon kaya kahit ano papatusin ko mabuhay lang.

"Mabuti, dadalhin kita bukas doon. Magkita ulit tayo dito sa palengke."

...

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Ito ang kauna-unahang beses na magtatrabaho ako. At ang nakakamangha ay ang malaman na isang kilala na mayamang taga-rito ang papasokan ko. 

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nakaraan. Iyong batang lalaki na nakilala ko dati sa batis. Kumusta na kaya iyon ngayon? Hindi ko naman alam kung anak ba iyon ng katulong ng mansyon o 'di kaya'y anak ng hardenero. Kung nangyaring umalis na ang magulang no'n ay paniguradong wala na rin siya doon sa Mansyon ngayon. 

Napabuntong hininga ako. Sana magkita ulit kami. Maliban sa kababata kong si Greg na anak ng kaibigan ni Lola ay na-miss ko rin ang batang nasa mansyon. 

Pinilit kong matulog sa gabing iyon. 

....

"Be mine." 

Nagising ako nang marinig ang boses na iyon. Natigilan ako nang makapa ang hinihigaan. 

Hindi ito ang higaan ko. Kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Nangapa ako sa paligid. Makintab na lamesa ang nakapa ko at hindi ko namalayan na may mga gamit na nakapatong sa ibabaw niyon. Nahulog iyon at hindi ko alam kung may mga nabasag pa. Nagulat ako at napaatras.

"P-Pasensya na, pasensya na po!" Nahintakotan akong napatakip ng bibig.

Sa pag atras ko ay may nabangga ako. Agad akong napabaling doon. Sa pagkakataong ito ay hindi na bagay iyong nabangga ko. Naramdaman ko ang init ng katawan niya noong dumaiti ang likuran ko sa kaniya.

Manghihingi na naman sana ako ng tawad nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya at bumangga ang dibdib ko sa matigas niyang dibdib. Naubo ako sa lakas ng impact. Gusto kong kumawala pero malakas siya.

"You're mine, Yenah."

Nagpumiglas ako dahil halos hindi ako makahinga sa higpit ng yapos niya. 

"Mine."

Barituno ang boses niya at halos pabulong na lang ang huling kataga na binanggit niya. 

"H-Huwag!"

Pero hindi pa rin siya bumibitiw sa pagkakayapos. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay tila wala lang sa kaniya. Tila mas nag-ibayo pa ang lakas niya sa bawat palag ko.

"Huwag!"

Nagising ako at habol ang hininga. Napahawak ako sa dibdib habang hinihingal. Anong klaseng panaginip 'yon? Bakit ko napanaginipan 'yon? 

Saglit lang ang pag-iisip ko sa naging panaginip nang maalala ang usapan namin ng babaeng makikipagkita sa'kin sa palengke ngayon.

Umaga na. Walang manok para manggising sa'kin pero nandiyan ang ibon na pang-umaga na nakasanayan ko nang pakinggan upang malaman kung umaga na. Boses ng insekto at ibang maliliit na hayop ang ginagawa kong orasan sa bundok. 

"Ay naku!" Bulalas ko at agad bumangon para makapagbihis na. Kagabi pa ako handa.

Nandiyan ang maliit kong bag na gawa sa banig at iilang damit. Kukunti lang ang damit na mayroon ako. Iyong ipambibili ng damit ay pambili na lamang ng pagkain at iba pang kakailanganin sa bahay. Hindi rin naman ako masiyadong nalabas noon. Ngayon lang naman ako nakita ulit ng mga tao ngayong wala na ang Lola ko.

Simula noong sinama ako ng bata sa loob ng mansyon ay kinabukasan mahigpit na si Lola sa pagbabawal sa'kin na maglalalabas. Nakasanayan ko na rin at hanggang sa magdalaga ako. Ayoko rin na mas bigyan pa siya ng problema. Pasanin na nga ako, magbibigay pa ng dagdag problema. Kaya sinusunod ko siya kahit hindi ko alam kung bakit.

Sinuot ko ang pinaka-maayos kong damit. Iyong bulaklakin na damit na hanggang tuhod ayon sa diskripsiyon ni Lola noong iregalo niya ito sa akin. Hindi ko tinali ang buhok ko at hinayaan lang na nakalugay. Mas mukha raw akong maayos tingnan kapag nakalugay sabi ni Lola. Kaya para siguradong hindi ako tatanggihan ng mga Rojo ay kailangan kong maging presentable kahit papaano.

Mabilis akong nakarating sa tagpuan namin dahil pinakyaw ko ang trysikel para ihatid ako sa lokasyon niya. Ginamit ko iyong huling barya na naiwan ni Lola sa bulsa ng luma niyang palda. Ayaw ko rin na paghintayin ng matagal ang babaeng tutulong sa'kin dahil baka mainip at magbago ang isip.

"Nandito na ako." Hawak ko ang kahoy na tungkod at ngumiti.

"B-Buti naman at dumating ka. Kinabahan ako baka hindi mo ako siputin." Base sa pananalita niya ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita ako.

"Kailangan ko talaga ang trabaho kaya..." Nahihiya akong ngumiti.

"Tara na. 'Wag mo na alalahanin ang trysikel dahil ako na ang magbabayad." At mabilis niya akong naigiya sa isang sasakyan na dumaan. 

Para siyang mauunahan sa pagkain kapag hindi niya agad nasunggaban. Nagtaka lang ako dahil doon. Pero naalala ko iyong naikwento niya tungkol sa anak niyang nanganak. Kaya siguro ganoon.

Bumuntong hininga ako. Sana hindi ako mabigo sa pagkakataong ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Metal Cage   Epilogue

    Everyday life in Washington is like a dream. Asmodeus using another name, ganoon din ako. As Anna is like living in other's body. Dahil ibang buhay na ni Anna ang namumulatan ko dito sa ibang bansa, unlike noong time na ako si Yenah. Asmodeus confess that he love to name me Anna. And yes, that name is given me by him. Hindi madaling patumbahin ang Russian mafia na nakabangga ng mga Rojo. It's already twenty years now when the last time na umapak ako sa lupa ng Pinas. Nakaka-miss ang summer sa Pinas. The freezing tempature in Washington is not really great over the years. Maybe noong unang apak namin ay medyo nakakamangha pa pero kalaunan hindi na rin ako masiyadong nag-enjoy. But knowing that my family is safe, it's all worth it.Binaba ko ang coffee mug ko. Makapal na ang jacket pero nanunoot pa rin ang lamig ng pang-umagang hangin. At last the sun show up. The so called summer is coming soon. Hindi nga lang iyon sapat upang tunawin ang yelo sa paligid. Ilang buwan din na yakap kami

  • His Metal Cage   Kabanata 37

    Kanina pa ako tulala nakasalampak sa sahig. Mugto ang mata kakaiyak kanina. Napagod akong dambahin ang pinto upang buksan nila at tinangka ko na rin sirain ang doorknob pero sobrang nahirapan ako. Ngunit nang mag-click ang doorknob at namataan kong may papasok ay agad akong umalis sa pinto.Namilog ang mata ko nang makita si Alethra. Ano na naman ang kailangan niya at nandito siya? May sumunod na dalawang lalaking naka all black suit sa likuran niya.“Get her,”utos niya sa dalawa. Pumasok ang dalawa at lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?!” “It is just a simple reunion my dear.” Nilakipan niya pa ng tawa. “Because after this. He's all mine.”Namimilog ang mata nang sundan ko ng tingin ang nakangisi na si Alethra. Hawak ako ng isang tauhan na alam kong hindi ko kayang labanan sa laki. All of their men are tall and bulky. Hindi mga Pinoy at mukhang taga-Russia rin. Wala na rin akong balak na magpumiglas pa dahil balak ko rin na alamin ang sinasabi ni A

  • His Metal Cage   Kabanata 36

    Tirik ang araw kinabukasan noong magsimula kaming umalis. Pabalik na kami sa mansion. Napansin ko kung gaano katahimik si Greg habang minamaneho ang sinasakyan namin ngayon. Naisip ko, siguro dahil sa naging sagot ko sa kaniya kagabi.Hindi mo alam ang sinasabi mo, Greg. Sinasabi mo lang 'yan dahil gaya ko nagugulohan ka rin. Tapos no'n ay iniwan ko na agad siya sa labas. Sa kabilang silid siya natulog. At kahit magkahiwalay kami ng silid ay hindi pa rin ako makatulog.Pagkarating namin sa wharf ay agad kong kinuha ang cellphone sa mga gamit. Ngayo'y may signal na hindi tulad noong nasa laot pa lamang kami. Agad namilog ang mata ko nang makitang nakailang video call si Kuya sa akin. Magcha-chat sana ako sa kaniya at sasabihing ngayon ko lang nabuksan ang phone pero ilang saglit ay sumunod na ang tawag niya doon. Napangiti ako. Ang tagal-tagal na rin noong huli kaming nakapag-usap. Akala ko nga masiyado na siyang abala at palalampasin niya ang taon na ito na hindi ako nakakausap."Ku

  • His Metal Cage   Kabanata 35

    Marami akong gustong itanong lalo na kung paano siya nagkaroon ng mayamang kakilala. Naalala ko kasi dati ay kasa-kasama na siya ng kaibigan ni Lola. Dati pa alam kong naghihirap din talaga sila sa buhay kaya hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay niya sa nagdaang mga taon.Pinagmasdan ko ang unahan at hinihintay na lamang na lumubog nang tuluyan ang haring araw. Sa ganda ng mga nakikita ko sa paligid iniisip kong sa ganoong paraan ay makakalimutan ko saglit ang mga nangyari sa pagitan namin ni Asmodeus. Pero hindi. Akupado niya pa rin ang utak ko. Hanggang dito ba naman?Ilang saglit ay sumulpot na kamay na may hawak na juice in can. Sumalubong ang mukha ni Greg nang tumingala ako."Salamat."Wala siyang ibang sinabi at umupo malapit sa akin. Bitbit niya sa kabila ang beer in can. "Anong dahilan ng biglaan mong desisyon? Siya ba?"Napakurap-kurap ako at hindi inakalang iyon agad ang magiging topic niya. Pero si Asmodeus ba ang tinutukoy niya? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko

  • His Metal Cage   Kabanata 34

    Yenah Arabella'Stay here. Huwag ka na munang magpunta sa mansion. I'll fix everything.'-AIto ang iniwan niyang sulat sa ibabaw ng mesa. Tahimik ang kapaligiran. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis at bumalik sa mansion. Agad nagbalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Problemado na hinawi ko ang buhok at nagtungo sa bintana. Parang kinakain ko na ngayon ang mga sinabi ko dati. Sabi ko lalayo ako kay Asmodeus pero ano ito? Hinahayaan ko siya na gawin ang mga gusto niyang gawin. Sabi ko ayoko nang magtiwala sa mga sasabihin niya at susuko na ako. Pero noong magsalita siya, parang gusto ko agad paniwalaan lahat ng sinasabi niya.Parang gusto ko ulit sumugal para sa kaniya. Sa totoo lang, ano ba ang nagawa niyang mabuti sa buhay ko maliban sa anak ko? Wala naman, 'di ba? Simula pa noong makilala ko siya wala na siyang mabuting naidudulot sa akin. "Nababaliw ka na,"usal ko sa sarili.Nagdilig na lang ako ng halaman sa labas. Dahil kahit gusto ng utak kong pumasok ngayon lalo

  • His Metal Cage   Kabanata 33

    Asmodeus Rojo"Kukunin ko ang pamangkin ko, Asmodeus. Kung ayaw mong madamay ang mag-ina mo sa kagulohang ito ay hayaan mo silang makalayo sa'yo," She barked. Gusto kong pasabugin ang bungo niya dahil sa binanggit niya. Ilalayo niya sa akin ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko? "What did you say?" Kumuyom ang kamao ko. Nakipagtagisan ako ng titig kay Ofelia na alam kong iritado rin."Kahit pa itaya mo ang buhay mo ay hindi sapat iyon. 'Wag kang magpakabobo dahil lang gusto mong sundin ang emosyon mo." Binagsak niya ang kalibre 45 sa harapan ko. "Pumapayag si Bael sa plano ko at kung gusto mong patayin ang mag-iina mo, sige magpakatanga ka at ilagay mo sila sa pilegro sa tabi mo."Nagtatagis ang bagang ko at nangingitngit ang kalooban ko dahil alam kong kaya kong tapatan ang kabila pero hindi ako nakakasiguro sa magiging kaligtasan ng sarili kong pamilya. At naiinis din ako sa kaalamang tama siya at kailangan ko nga na makalayo sa mag-ina ko. Dahil may posibilidad nga na pabor s

  • His Metal Cage   Kabanata 32

    Nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya't iyon ang dahilan kaya nagmulat ako ng mata. Namimigat pa ang mga talukap ko nang tingnan siya. Ngiti niya ang sumalubong sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala."Hindi na kita ginising kanina sarap ng tulog mo, e."Nang lingunin ko ang garden ay wala na ang mga trabahante at hula ko ay nasa bandang four PM na ngayon. Gulat na napatayo ako at pahiya na tumingin kay Greg."Pasensya na,"ani ko sabay punas ng mukha ko sa ng palad baka may laway pa ako o ano."Ayos lang. Tapos na rin naman iyong sa'yo doon wala nang ibang gagawin."Nagyaya na rin siyang umuwi at sabay na raw kami. May motor siya kaya't iyon ulit ang maghahatid sa akin pauwi. Napapikit ako at dinadama ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Kung pwede lang akong pumili ng mamahalin, pipiliin ko si Greg. Hindi tulad ni Asmodeus, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nararamdaman kong totoo iyon. Alam kong ano mang oras ay pwede ko siyang lapitan at maari

  • His Metal Cage   Kabanata 31

    Napansin ko ang mga tingin na ipinupukol nila habang palapit ako sa umpokan nila. Alam kong gusto nilang itanong ang tungkol sa nangyari kani-kanina lang ang totoo niyan ayaw ko na rin pag-usapan pa. Paniguradong hindi rin nila magugustuhanang ang maririnig lalo pa kung ikukwento ko pa ang tungkol sa naging desisyon ni Alethra Cassidy sa outcome ng garden. Lahat kami naghirap sa naging project na iyon at mas malaki ang responsibility na nakaatang sa'kin dahil ako ang responsable kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon ngayon. Napansin ko ang kakaibang tingin ni Greg. Bahagya lang akong nagbitiw ng ngiti sa kanilla. Patuloy pa rin ang party hindi pa rin nababakante ang dance floor. Ilang saglit ay napansin ko ang pagbaba ni Asmodeus sa engrandeng hagdan. Napalunok ako nang agad niyang nahanap ang mga tingin ko sa dagat ng tao. Gumalaw ang panga niya at ako agad ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Nasaan na kaya ang asawa niya bakit hindi niya kasama itong bumaba? ayoko nama

  • His Metal Cage   Kabanata 30

    Hindi ako magtatanong, hindi ako magsasalita. Hihintayin ko na siya ang maunang magsalita. Kapag nagtanong ako at hindi pa siya handang sagutin ang lahat maaring magsinungaling lang siya o baka ang mas masakit ay iwan niya lang ako na hindi pa rin binibigay sa'kin ang kasagutan na gusto kong marinig. Gusto kong siya ang magsabi at makipag-usap dahil paniguradong iyon na ang tamang panahon kung saan handa na siya at maaring kasabay na rin doon ang desisyon niya para sa sarili niya at para sa amin ng anak niya. Araw-araw kong hinahanda ang sarili ko oras na dumating ang pagkakataong iyon. Dahil hindi ko masasabi na ano mang oras ay pabor sa akin ang desisyon niya. Ngunit ano't-ano man ay tatanggapin ko."Ayos ka na ba talaga, Greg?"Isang linggo siyang nagpahinga at isang araw lang na namalagi sa hospital. Nag-abot ako ng kaunting tulong kay Aleng Bebang para kahit papaano ay may magastos sila sa gamot ni Greg."Maayos na ako, at ito, oh." Tapos may inabot siya sa akin na sobre. "Ano '

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status