Beranda / Romance / His Obsession, My Ruin / Chapter 6 – The Accidental Sleepover

Share

Chapter 6 – The Accidental Sleepover

Penulis: Makathalaya
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-31 11:41:48

Tahimik ang buong opisina ng Montefalco Group nang gabing iyon.

Ang mga ilaw sa hallway, isa-isa nang pinapatay. Ang mga tunog ng mga keyboard at tawanan sa kabilang department, matagal nang tumigil.

Pero ako, nandito pa rin — mag-isa sa maliit kong cubicle, tinatapos ang presentation slides na ipapasa bukas ng umaga kay Sir Luther.

Hindi puwedeng magkamali.

Alam kong perfectionist siya. Kahit maliit na typo, kaya niyang pansinin. At to be honest… ayokong biguin siya.

Tumingin ako sa relo. 11:48 PM.

Napahinga ako nang malalim. “Konti na lang,” bulong ko sa sarili ko.

---

Maya-maya, napansin kong bukas pa ang ilaw sa loob ng opisina ni Sir Luther.

Naisip kong baka naiwan lang. Pero nang lumapit ako, napansin kong may mga dokumentong nakakalat sa mesa niya.

“Baka gusto niyang ipasunod ko ‘to bukas,” sabi ko, sabay tulak sa pinto.

Mahina ang tunog ng pagbukas.

Ang amoy ng coffee at leather ay agad kong nakilala — amoy na lagi niyang iniiwan sa kwarto.

Pagpasok ko, niligpit ko ang mga papel. Tapos, naupo ako sandali sa sofa sa gilid.

Isang minuto lang, pahinga lang sana…

Pero habang nakasandal ako, unti-unting bumibigat ang mga mata ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na ako.

---

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog.

Pero nagising ako nang marinig ko ang tunog ng elevator sa labas.

Ding.

Isa lang ‘yan ang tunog na maririnig kapag may pumasok.

Napabangon ako agad. Pero bago pa ako makatayo, bumukas ang pinto.

Si Luther.

Naka-itim pa rin siyang coat, galing yata sa meeting. Basa pa ang buhok, parang kagagaling lang sa ulan.

Tumingin siya sa akin, nagulat din siguro.

“Celene?”

“Sir!” Halos tumalon ako sa gulat. “Pasensya na po! Hindi ko sinasadya—”

“What are you doing here this late?”

“Tinapos ko lang po ‘yung report—pero napahinga lang ako saglit—hindi ko po sinasadyang—”

“Relax,” putol niya, mababa ang tono. “You fell asleep here?”

Tumango ako, nahihiya. “Sorry po, Sir.”

Lumapit siya, mabagal. Nakatitig lang.

Ang mga hakbang niya, tahimik pero mabigat.

“Do you always overwork yourself like this?” tanong niya.

“Gusto ko lang pong magawa nang tama, Sir.”

He sighed, then glanced at the papers I arranged. “You did more than enough.”

---

Tahimik kami sandali.

Tanging maririnig lang ay ang mahina niyang paghinga at ang patak ng ulan sa salamin ng bintana.

“You should go home,” sabi niya sa wakas.

“Wala na po kasing bus ngayon. Mag-aantay na lang po ako ng umaga.”

Napatigil siya. “You mean… you’ll stay here overnight?”

“Sandali lang po. Sa lobby lang naman—”

“No.”

Diretsong sagot.

“You’re not sleeping in the lobby.”

“Sir, ayos lang po—”

“I said no.”

Tumingin siya sa akin nang seryoso. “Stay here. On the couch.”

Nabigla ako. “Sir, hindi po tama ‘yan—”

“Why not? It’s safer.”

“But—”

“Celene,” sabay tawag niya sa pangalan ko, mababa at mabagal. “Stop arguing. You’ll stay.”

Wala na akong nagawa kundi tumango.

---

Lumapit siya sa table, tinanggal ang coat niya, at inilagay sa upuan.

Pagkatapos, kinuha niya ang blanket na nasa cabinet at iniabot sa akin.

“Use this,” sabi niya.

“Sir, hindi na po—”

“Do you always refuse kindness?” tanong niya, may halong inis at lambing.

“Hindi po…”

“Then take it.”

Kinuha ko ang kumot, at nang magtagpo ang mga daliri namin, naramdaman ko ulit ‘yung kuryente sa pagitan naming dalawa.

Parang ‘yung hangin sa paligid, biglang naging mas mabigat.

“Thank you, Sir,” sabi ko, mahina.

He stared at me for a moment. “You really need to stop calling me that when it’s just us.”

“Pero—”

“Luther,” aniya, halos bulong. “Say it.”

“L-Luther.”

Ngumiti siya ng bahagya. “Good.”

---

Umupo siya sa kabilang sofa, sa tapat ko.

Tahimik lang.

Tinitingnan niya ako habang ako, pilit umiwas ng tingin.

“You’re shivering,” sabi niya, tumayo ulit at inilapit ang jacket niya.

“Sir—este, Luther—hindi na po kailangan—”

“Celene.”

“Po?”

“Don’t make me repeat myself.”

Ilang segundo lang, at isinuot na niya mismo ang jacket sa balikat ko.

Ang init ng tela, amoy ng pabango niya — halong sandalwood at something darker, masculine.

“Better?”

Tumango ako. “Opo.”

---

“Do you always take care of everyone but yourself?”

Napatitig ako sa kanya. “Hindi ko po alam ibig n’yong sabihin.”

“You work so hard, you skip meals, you fall asleep at your desk… Why?”

“Siguro kasi sanay na akong wala namang ibang gagawa para sa’kin,” sagot ko, diretso pero mahina.

Napayuko siya, tapos tumingin ulit sa akin.

“You shouldn’t be used to that,” sabi niya, halos pabulong.

---

Tahimik ulit.

Tumingin ako sa labas — patuloy pa rin ang ulan.

Tiningnan ko siya, at doon ko lang napansin kung gaano siya pagod.

“Sir—Luther, hindi pa ba kayo uuwi?”

“No point,” sagot niya. “May flight ako early morning.”

“So, dito rin kayo matutulog?”

“Seems like it.”

Ngumiti ako ng mahina. “Mukhang accidental sleepover nga po ‘to.”

Ngumiti rin siya. “Could be worse.”

“Like what?”

“Like you deciding to leave and making me worry again.”

Natawa ako nang mahina, pero sa loob ko, may kakaibang kilig at kaba.

Bakit parang sa bawat salita niya, may halong pag-aari?

---

Lumipas ang ilang minuto.

Tahimik lang kami, pero ‘yung tahimik na ‘yon, hindi awkward. Kalmado. Warm.

Hanggang sa napansin ko na halos pumikit na siya sa upuan niya.

“Luther, matulog na po kayo. Ako na lang po bahala dito.”

“Hmm,” mahina niyang tugon, halos pabulong. “You sound like my conscience.”

“Maybe I am.”

“Then you’re a dangerous one.”

“Bakit naman po?”

“Because I actually listen to you.”

---

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero kinuha ko ‘yung kumot at nilagay sa balikat niya.

Nagmulat siya ng mata, nagulat. “What are you doing?”

“Equal po tayo. Ayokong ako lang ang may blanket.”

Napangiti siya, bahagya lang. “You really have no idea what you do to me, do you?”

“Po?”

“Nothing,” sabay iwas ng tingin. “Sleep, Celene.”

Tumango ako.

Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, narinig ko siyang mahina na nagsalita.

“Next time you fall asleep in my office…”

“Po?”

“I’ll make sure you wake up in my arms instead.”

Hindi ko alam kung totoo bang sinabi niya ‘yon o guni-guni lang ng antok ko.

Pero sa sandaling ‘yon, bago ako tuluyang nakatulog, isang bagay lang ang sigurado —

kapag si Luther Montefalco ang nagsimula ng laro, walang ligtas na makakatakas.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 22 – The Unfinished Thread

    Baguio’s mornings never fail to calm me down. Madalas pa rin akong gumising nang maaga—hindi dahil may kailangan akong habulin, kundi dahil gusto ko lang maramdaman kung paano sumikat ang araw habang unti-unting binabasa ng hamog ang mga dahon. Tahimik. Mapayapa. Parang ang lungsod mismo ay humihinga kasama ko. Lumipas na halos tatlong buwan mula nang dumating ako rito. Akala ko sandaling pahinga lang, pero ngayon, parang dito ko na rin natagpuan ang sarili kong hindi ko kilala noon. May bagong ritmo ang buhay ko—simple, mabagal, pero totoo. Sa café, mas kabisado ko na ang mga regular na customer. Si Ate Mila na laging nag-o-order ng cappuccino tuwing 9AM. Si Kuya Ben na mahilig magbasa ng dyaryo sa sulok. At ‘yung mga estudyanteng dumadaan lang para sa mabilis na kape bago magklase. Lahat sila, parte na ng araw ko. At sa bawat “good morning” na binibigay nila, nararamdaman kong unti-unti kong nabubuo ulit. Pero kahit gano’n, may mga sandaling napapatigil pa rin ako. Kapa

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 21 – The Return

    Ilang buwan na mula nang iwan ko ang Maynila, pero minsan parang kahapon lang ang lahat. Ang mga alaala, hindi naman talaga nawawala — humihina lang, tapos biglang babalik kapag tahimik na ulit ang gabi. Dito sa Baguio, nasanay na ako sa simpleng takbo ng araw. Gumigising ako bago sumikat ang araw, nagtitimpla ng kape, at tinitingnan kung paano nagiging ginto ang langit habang unti-unting bumababa ang hamog sa mga puno. Kung dati, bawat umaga ay umpisa ng panibagong stress, ngayon isa na lang itong mahinahong paghinga. Pero kahit anong gawin ko, may mga oras pa rin na nadidinig ko ang boses niya sa isip ko — kalmado, mababa, at pamilyar. “Focus, Celene.” “Relax.” “Look at me.” Napapailing ako tuwing naaalala ko ‘yon. Kasi kahit gusto ko na siyang burahin sa utak ko, parang kabisado na ng katawan ko kung paano siya pakinggan. “Celene!” tawag ni Tita Nora mula sa ibaba. “May delivery, baka gusto mong ikaw na mag-asikaso.” “Okay po, pababa na!” Bago ako bumaba, sinilip ko m

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 20 – Unspoken Letters

    Baguio mornings always start with a chill that seeps through the skin. Kapag binubuksan ko ang bintana sa umaga, bumabati sa’kin ang hamog at amoy ng pine trees — malamig pero mapayapa. Sinasabi ng mga tao, ang lamig daw ay nakaka-linis ng isip. Pero sa totoo lang, kahit ilang araw na akong nandito, mainit pa rin sa loob ng dibdib ko. Kasi doon nakatira lahat ng alaala niya. Tatlong linggo na akong malayo sa Maynila. Sa una, masaya akong umalis. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to. Magpapahinga lang, hihinga lang sandali. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi pala madaling takasan ang mga bagay na hindi naman nakikita — tulad ng boses niya, o ng paraan niyang tumingin na parang siya lang ang nakakaintindi sa’kin. “Celene, kain ka na,” tawag ni Tita Nora mula sa kusina. “Susunod po,” sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagbaba ko, may mainit na sinangag, longganisa, at kape. Simple lang, pero sapat para mapangiti ako. “Ang tahimik mo pa rin ah,” sabi ni T

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 19 – The Distance Grows

    Pagising ko kinabukasan, parang ang bigat-bigat ng hangin. Parang bawat paghinga ko may kasamang tanong na walang sagot. Kagabi, sinabi niyang “Go home, Celene”, at kahit ilang ulit ko nang binabalikan ‘yung boses na ‘yon, hindi ko pa rin alam kung paalam ba o pakiusap. Nag-shower ako, nagsuot ng damit na pinakapormal ko, pero kahit anong ayos, halata pa rin ‘yung lungkot. Pagharap ko sa salamin, hindi ko na makita ‘yung babaeng nakangiti habang nagta-trabaho sa ilalim ng isang demanding na boss. Ngayon, babae na akong natutong magmahal sa maling oras. Sa opisina. Tahimik. Lahat abala sa kani-kanilang report. Pagdating ko, ilang segundo lang, narinig ko ang tunog ng elevator. Si Luther. Nakasuot ng navy suit, seryoso, pero maputla. Parang hindi rin nakatulog. Hindi siya tumingin sa akin, at ako naman, pinilit kong huwag mag-react. Parang dalawa kaming estranghero na nagkakilala lang sa panaginip. “Celene, prepare the draft for the board,” sabi niya. “Noted, sir.” Porma

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 18 – The Breaking Point

    The next morning, pagmulat ng mata ko, bigla kong na-realize kung gaano kabigat ‘yung gabi kahapon. Ang hangin sa paligid ko parang puno ng mga salitang hindi namin nasabi. Kahapon, halos magtagpo na ulit ‘yung mga labi namin, pero pareho kaming umatras — takot, pagod, at marahil ay parehong sugatan. Pag-alis ko sa condo, dala ko pa rin ‘yung bigat ng gabi. Yung lamig ng boses niya, yung titig na halos sabay humihingi ng tawad at nagpapaalam. Bakit ba kasi gano’n? Kapag malapit na, saka siya lumalayo. At kapag gusto kong lumayo, saka siya lumalapit. Pagpasok ko sa opisina, parang normal ang lahat. Mga empleyado abala sa kanya-kanyang trabaho, may tumatawa, may nagkakape. Ako lang ‘yung tahimik, pilit na normal, pero ang totoo—hindi na ako ‘yung dati. Pag-upo ko sa desk ko, nakita kong sarado pa ang blinds ng office ni Luther. Alam kong andun siya. Ramdam ko. Pero wala na ‘yung dati niyang presensiya—‘yung lakas ng aura niya na dati kong kinakatakutan pero ngayon ay hinaha

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 17 – The Distance Between Us

    The morning after felt colder than the night we shared. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Kagabi, mainit, totoo, puno ng mga salitang hindi namin kayang sabihin. Pero ngayong umaga, puro katahimikan na lang. Pagpasok ko sa office, tahimik ang buong floor. Nandoon siya—Luther, the man who made my heart forget reason. Suot niya ang paborito niyang itim na suit. Walang bakas ng emosyon, walang ngiti. Parang ibang tao siya. “Good morning, sir,” sabi ko, halos pabulong. “Morning.” Dalawang pantig lang, pero parang libong tunog ng basag na salamin sa loob ko. Naupo ako at binuksan ang laptop. Pinilit kong magpaka-busy, kahit ang totoo, bawat tunog ng keyboard ay paalala ng boses niya kagabi. ‘You’re mine tonight.’ Ngayon, parang hindi na ako umiiral sa mundo niya. “Celene, my office,” sabi ng intercom. Kumalabog agad ang dibdib ko. Pagpasok ko, nakatalikod siya, nakatingin sa city view. “Sir?” “Sit,” utos niya. Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan bago s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status