登入Emilyn's POV Mabilis na lumapit sa akin si sir Gabrielle habang tawang-tawa parin ako sa ginagawa niya. " Tinatawanan mo ba ako,Emilyn?" Nakasimangot niyang tanong. " Eh, kayo kasi sir Gab, eh...bigla nalang kayong sumasayaw tapos totoy bibo pa. " " Sino na ang gusto mo sa amin ni Larry? Ako o siya?" Hala siya...nakakahiya talaga itomg pinagsasabi niya ang lakas ng amats nito. Nakakahiya kay sir Larry kung marinig niya ang pinagsasabi ni sir Gabrielle. " Pareho ko naman kayong gusto po sir Gabrielle. Dahil pareho ko po kayong boss at mabait. Dahil hindi n'yo akong tinuring na ibang tao kahit nanny lang ako kay baby Luca,"seryoso kong wika. Nagsimula na akong magligpit dahil malalim na din ang gabi. Baka nga kami nalang dalawa ang gising pa. Nalugi na yata ako ngayon sa mga kasamahan ko dahil panigurado naghihilik na sila ngayon. Samantalang ako heto nakipag-usap pa sa gwapong lasing. " Tulungan na kita..." " Okay lang po, sir Gabrielle. Magpahinga na po kayo a
Emilyn's POV Sabay-sabay na kaming lumabas ng kusina. Diretso na din kami sa labas ng bahay at doon daw sa gazebo mag-iinuman. Tinanong ko pa si ate Tanya kung okay lang ba na uminom ako eh mag-alaga ako kay baby Luca. Paano kung malasing ako. " Huwag kang mag-alala, Emilyn. May nakausap na ako na siya muna mag-alaga kay,baby Luca. Halika ka na..." " Iyong sahod ko po ba ngayon mapunta din sa kanya,Ate?" Biro ko sa kanya. " Haha... mapagbiro ka talaga, Emilyn. Pwede naman kung gusto mo..." tawang-tawa pa din si ate Tanya. Kuha ko talaga ang kiliti niya bentang-benta kay ate Tanya mga jokes ko sa kanya. Nagtama naman ang aming paningin ni sir Gabrielle. Pero agd akong umiwas dahil pakiramdam ko hinuhubaran na niya ako. Naisip kaya niya ang nakita kanina? Ngumiti ako kay sir Larry,nang ngumiti din siya sa akin. Gwapo talaga ni sir Larry pero mas yummy sa akin si sir Gabrielle. May tatlong mga kaibigan pa silang gwapo at hot din pero hindi ko sila kilala pa. Hala siya... b
Emilyn's POVPumasok agad ako sa loob ng kwarto pagkaalis ni ate Tanya. Pinuntahan ko kaagad si sir Gabrielle na nasa loob pa ng banyo nagtatago. " Sir Gabrielle... umalis na po si ate Tanya." Malakas na wika ko sa labas ng pintuan ng banyo. Nilingon ko pa nga si baby Luca baka nagising ito sa lakas ng boses ko. " Sir Gabrielle!" gulat kong bulalas. Nanlaki pa ang dalawang mata ko sa nabungaran. Hindi ko alam kung anong maging reaksiyon ko kung maiilang ba ako o matutuwa. Paano ba naman kasi nakatopless siyang lumabas ng banyo. Ang ganda ng katawan niya, sarap yakapin. " Pwede na ba akong maging Modelo?" tanong niya sa akin, bigla siyang humarap kaya nahuli niya akong nakatitig sa likuran niya. Mabilis akong kumurap at napalunok ng laway. Gi atay man oy, nakakahiya Kay sir Gabrielle baka isipin talaga nito pinagnanasaan ko siya. " Bakit po kayo nakahubad,sir Gabrielle? Hindi mo ba naisip baka babalik si ate Tanya at maabutan ka niyang walang damit pang-itaas?" Nanunuksong ngit
Emilyn's POV Nandito na kami ngayon sa malaking sala sa bagong bahay na pinapagawa ni sir Luke . Dream house daw ito ni ate Tanya. Ang swerte talaga ni ate Tanya, bukod sa gwapo, mayaman ay mahal na mahal siya ng amo kong lalaki. Minsan din talaga hindi rin maganda kapag pride ang pinairal. Isipin mo iyon tatlong taon din ang nakalipas bago sila sir Luke at ate Tanya na nagkaayos. Nakakaiyak man ang story nila pero atleast sa wakas sila parin ang endgame. Ako kaya? May endgame din kaya akong katulad kay ate Tanya na kahit hindi na mayaman basta gwapo naman siyempre at responsable. Gusto ko din na hindi din masyadong mahilig sa kama baka kasi sunod-sunod ang magiging anak namin. " Emilyn...okay ka lang? Kanina ka pa diyan tahimik tapos kumikibot din iyang labi mo.May sinasabi ka ba?" Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sunod-sunod din ang tanong sa akin ni ate Michelle, Na kay sir Larry kasi si baby Luca kaya nandito lang ako sa medyo gilid na hindi masyadong pansinin. Kas
Emilyn's POV Tapik sa balikat ang nakapagpagising sa akin. Agad akong napadilat ng mata nabungaran ko agad ang gwapong mukha ni sir Larry. " Ang cute mo palang matulog, Emilyn. Kahit naglalaway ka." Humagalpak pa ito ng tawa. Mabilis ko naman pinunasan ang bibig ko sa pag-akalang baka nga may laway ako. Kaya mas lalong natawa si sir Larry. Kainis! Pinagtripan lang pala ako nito. Sarap piktusan kung hindi lang sana gwapo makatikim sana siya ng sapak galing sa akin. Pero siyempre joke lang 'yon baka makauwi ako sa probinsya namin ng wala sa oras. " Nandito na tayo sa Tagaytay." Aniya. Nilingon ko si Luca wala na siya sa baby car seat. Kinuha na pala si baby Luca sa mag-asawang Sebastian. Nakakahiya naman akala mo naman talaga pagod na pagod ako. Well, sabagay pagod talaga ako kagabi at medyo puyat may iniisip lang kasi ako kagabi. Lalo na kaninang madaling araw bago ako tuluyan nagising nandiri lang naman ako sa panaginip ko. Kaloka talaga! " Emilyn...kumusta?" masa
Emilyn's POV Ilang minuto lang ang nakalipas bumalik na si sir Luke sa sala para siya naman ang magbantay kay baby Luca. Pero hindi na niya kasama si sir Gabrielle. Bigla naman akong nalungkot sa isipin na baka umalis na ito na hindi ko namalayan. " Thank you, Amanda... kumain ka na." Amanda ang ang tawag ni sir Luke sa akin minsan naman Emilyn wala naman problema 'yon dahil kahit dalawa ang pangalan ko atleast wala naman akong kapareho na pangalan dito sa mansyon. " Sige po, sir Luke." Mabilis na akong umahon sa playpen. Agad na din akong pumunta sa kusina para sasabay nang kumain sa kanila ate Jolly. Pero nagulat nalang ako dahil nandito si sir Gabrielle nakaupo na sa mesa ng mga kasambahay. Anong ginagawa niya dito? " Ayan, nandito na si, Emilyn. Halika na kumain na tayo at sasabay daw si, sir Gab, sa atin." Wika ni ate Jolly na may nakaloko pang ngiti na binigay sa akin. Agad naman tumikhim si sir Gabrielle," Okay lang ba na sasabay ako sa inyo? Parang ayaw yata
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman
Emilyn's POV Napaawang ang aking bibig nang pinapapasok na ang sasakyan ni sir Gabrielle sa guard ng mansyon. Akala ko sa mga palabas sa tv ko lang makikita ang totoong mansyon. Ngunit heto na ako masilayan ko na talaga ng personal ang totoong mansyon. Hindi ko akalain na may ganito pala talaga
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. "
Emilyn's POV " Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yay







