Share

What if

Hindi ko na matandaan kung ano ang mga naunang nangyari, basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng kotse niya. Abala itong nag-drive habang sinasabayan ang kanta sa radio, mas lalo tuloy akong napapatitig sa kaniya.

Parang gusto ko nalang na patayin ang radio at sya ang pakinggan ko.

“Balak mo ba na butasin ang pisngi ko gamit ang titig mo?” Biro niya ng hindi tumitingin sa akin.

“H-hindi ah, nagulat lang ako na marunong ka rin kumanta. Hindi naman halata na masyado kang paborito ng lumikha,” bitter kong sabi na hindi ko naman ginusto.

Ito na naman ako, nagsisimula na namang magsalita ang bibig ko basta-basta dahil sa alak!

“Anong akala mo sakin, hindi ko naman kasalanan na masyado akong nabiyayaan.” Kibit balikat niyang saad at tumawa ng mahina. “Isn’t it better like this? I mean, we talk like without awkwardness between us.”

Paano ako sasang-ayon sa sinabi niya, kung pag nawala na ang epekto ng alak sa Sistema ko ay paniguradong hindi ko na naman magagawang tumingin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status