Kinabukasan ay nagising si Roan na naghahanap ng minatamis na mangga. Ginising naman niya ang mahimbing na natutulog na si Jared.
"Hmm?" Saad nito naka sarado pa ang mga mata habang nakahiga parin. "Gising na, maghanap ka ng minatamis na mangga." Pagkasabi nun ni Roan ay agad nanlaki ang mata ni Jared. "Ha?" Gulantang na saad nito. "Gusto ni baby eh," saad ni Roan saka hinimas-himas ang tiyan niya. Wala namang nagawa si Jared kundi bumangon na at pumunta ng palengke. Alas kwatro palang ng madaling araw at hindi niya alam kung may tao na ba sa mga palengke. Pagkapunta nga niya sa palengke ay nakahanap din siya ng manggang hilaw saka bumili lang siya ng brown suga. Saka niya ito minatamis pagkabalik niya sa condo ni Roan. "Ito na po madam," saad nito. "Yey!" Parang batang saad ni Roan. Agad naman nitong pinapak ang minatamis na mangga. Napangiwi nalang si Jared. "Sure kang hindi sasakit sikmura mo niyan? Alas kwatro palang oh." Sabi nito. Nakangiti namang umiling si Roan. At dahil inaantok pa nga si Jared ay bumalik na rin siya sa pagtulog habang si Roan ay abala sa pagpapak ng minatamis niyang mangga. Pagkatapos kumain ni Roan ay bumalik na rin siya sa pagtulog at tanghali na nga sila ng gumising. Nag prepare naman agad ng brunch si Jared. Pasta saka chicken breast lang ang niluto niya. Favorite kasi ito ni Roan. "Nasaan si Zafiya?" Tanong ni Roan saka inilibot ang paningin sa buong condo. "Maagang pumasok. Exam kasi nila ngayon kaya hindi na tayo inantay." Saad ni Jared habang nagluluto parin ng pasta. "Paano mo nalaman?" "Nag chat siya sakin kanina lang." "Anong oras ka pala pupunta sa office?" "Siguro after natin kumain. Marami rin kasi akong gagawin eh. Bakit?" "Pweding sumama?" Nag puppy eyes pa ito. "Aani lang tayo ng issue doon." "I don't care." Saad nito saka yumakap mula sa likod ni Jared. "I'm proud to be your mistress my ex husband." Saad nito. Napangiti nalang si Jared. Wala na siyang nagawa kundi pumayag nalang. Habang kumakain ay biglang nagpasubo si Roan at sinunod naman ito ni Jared. Sweet lang sila habang kumakain. Pagkatapos nilang kumain ay nag ready na rin sila papuntang office. Pinagtitinginan nga sila ng mga tao doon pagkapasok nila ng building pero dedma lang si Roan. "Si Miss Roan yan diba? Yung ex wife ni sir Jared?" Bulong nung isang babae. "Oo, balita ko may affair daw silang dalawa." Saad pa nung isa at napasinghap naman yung iba sa narinig. Nagpatay malisya nalang sina Jared at Roan saka nagpatuloy sa pagpasok ng office ni Jared. "Mukhang magiging famous ako dito ah?" Natatawang saad ni Roan. Tiningnan naman siya ng nag aalalang si Jared. "Sure kang okay ka lang?" Tanong nito. Halata ang pag aalala sa boses at mukha nito. "Oo naman. Wala lang sa akin iyon." Nakangiting saad ni Roan. Gusto niyang ma assure si Jared na okay lang talaga siya. Maya-maya lang ay pumasok sa banyo si Roan para mag retouch. Pagkalabas niya ay nagulat siya ng makitang nakaupo na sa swivel chair si Jared at nakapatong sa lap niya si Freya at naghahalikan sila. Umiiyak na tumakbo palabas ng office si Roan at sinundan naman siya ni Jared. Napahinto si Roan ng hawakan ni Jared ang pulsuhan niya. "Roan, let me explain." Pigil niya dito. Ngunit nakatanggap lang siya ng malakas na sampal. Napasinghap naman ang mga tao sa nasaksihan nila. "Now listen everyone! I am Roan, Jared's ex wife. Now I become his mistress, then he's betraying his current wife Freya, and now his betraying me again!" Malakas saad ni Roan para marinig ng lahat na naroon. "Wala kang pinagbago Jared, unfaithful ka parin. Magkaka anak na tawo ng pangalawa pero ganyan ka parin. Manlololo!" Saka niya sinampal ulit ng mag asawang sampal si Jared saka nagmamadaling umalis sa building na iyon. Umiiyak na umuwi si Roan. Ang tanga niya para maniwalang nagbago na ito. Sabagay wala naman itong sinabi na nagbago na siya o magbabago na ito para sa kanya at mga anak nila. Pagkauwi ni Roan ay kumuha agad siya ng wine at naglasing. Gabi na nung umuwi si Zafiya at nadatnan niya sa sala ang mommy niya na nakaupo sa sahig at lasing na lasing na. "Mommy, ba't ka naglasing bawal sa baby 'yan!" Sigaw ni Zafiya. Pilit niyang itinayo ang mommy niya ngunit pareho lang silang natumba sa sofa. Tinawagan ni Zafiya si Jared at dali-dali naman itong pumunta roon. Pagkarating ni Jared ay agad niyang binuhat si Roan at dinala sa kwarto nito. "I'm sorry." Mahinang sambit ni Jared saka hinalikan sa noo ang mahimbing ng natutulog na si Roan. Lasing na lasing talaga ito. Tinabihin rin ni Jared si Roan sa pagtulog. Kinaumagahan ay nahulog si Jared sa kama dahil sinipa siya ni Roan. "Anong ginagawa mo dito?!" Galit na sigaw nito. "Please let me explain." Pagmamakaawa ni Jared. "Explain mo mukha mo, umalis ka dito! Layas!" Saka nito ipinagbabato kay Jared ang mga unan pati lamp shade naibato na rin ni Roan buti nalang nakailag si Jared. "Umalis ka sabi dito a-aray!" Bigla nalang sumakit ang tiyan ni Roan at namilipit na siya sa sakit. Pagtingin ni sa shorts niya ay may dugo na ito. "Jared, yung baby ko." Naiiyak na saad nito. "Ayaw ko nang mawalan ng anak." Nagpapanick na saad nito. Dinala naman agad siya ni Jared sa hospital. "The baby is fine. Malakas ang kapit ng bata. Pero iwas stress lang misis baka kasi sa susunod na maulit ito ay mag swim away palabas ang bata. Excuse me," saad ng doctor. Napabuntong hininga naman si Roan. "Lumayo ka muna sa akin. Ayaw kitang makita sa loob ng isang buwan." "Ang tagal naman." Angal ni Jared. "Para rin ito sa bata. Maki cooperate ka nalang kung gusto mo pang makitang buhay ang anak mo." Saad nito. Labag man sa loob ni Jared ay wala siyang nagawa kundi sundin nalang ang kagustuhan ni Roan. Total kasalanan niya naman kung bakit ito galit sa kanya ngayon.Inis na inis si Vivian ng makarating sa bahay ni Ash. Dumiretso siya sa kwarto niya saka dun sumigaw."Argh! I hate you! Sana hindi ka na nagpakita." Sigaw ni Ash. Narinig naman iyon ni Ash kaya napaakyat ito sa kwarto niya saka kumatok."Viv, okay ka lang?" Tanong ni Ash. Karga-karga pa nito si Arabelle.Natigil sa pagwawala si Vivian ng marinig niya ang boses ni Ash. Inayos niya muna ang sarili saka ngumiti at binuksan na ang pinto. Sinalubong niya ng matamis na ngiti sina Ash at Arabelle. Pero nakunot ang noo ni Ash kasi alam niyang pinepeke lang ni Vivian ang ngiti nito."Tell me, what's wrong?" Tanong ni Ash."Wala naman." Pagdedeny ni Vivian."Matagal na rin tayong magkaibigan, Viv. Alam ko na kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. And by now, I can say nagsisinungaling ka. Alam kong may problema, kaya ano yun?" Saad pa ni Ash.Napabuntong hininga si Vivian saka umupo sa kama niya."Gustong-gustoko siyang bumalik pero hindi ko naman inaasahan na mas maiinis ako sa kanya nung makita
Habang nag uusap pa sina Vivian at yung mommy ni Lance ay may tumawag kay Lance."Mommy, mauuna na kami ni love. Dumating na kasi si Deni, para ma meet niya na rin ang future wife ko." Paalam ni Lance."Sure, anak. Say hi to Deni for me." Saad naman ng mommy ni Lance.Nagpaalam na rin si Vivian at umalis na nga sila.Pumara ang sasakyan ni Lance sa isang boutique na hindi familiar kay Vivian.Deni's Boutique ang nakasulat sa business logo nila.Pumasok na nga sina Lance at Vivian.Sumalubong naman sa kanila ang isang magandang babae. Marahil ay staff dito."Sir Lance, nandito po si miss Deni, hinihintay kayo." Iginiya sila ng babae sa isang silid at bumungad sa kanila ang pigura ng lalaking nakatalikod.Napakunot ang noo ni Vivian. Nagtataka siya kung si Deni na ba iyan or ibang tao lang.Inilibot ni Vivian ang paningin sa loob ng kwarto at wala ng ibang tao run maliban sa lalaking nakatalikod at sila."Deni." Tawag ni Lance. Bigla namang humarap yung Deni at nagulat si Vivian ng maki
Nag aayos si Vivian sa harap ng salamin ng biglang tumunog ang cellphone niya.Napangiti siya ng makitang si Lance ang tumatawag. Sinagot naman niya ito."Yes love?" Tabong ni Vivian."Nandito na ako sa baba. Hintayin kita." Saad ni Lance."Okay, pababa na rin ako." Tiningnan ulit ni Vivian ang sarili sa harap ng salamin at nung ma satisfy na siya sa nakikita ay tumayo na rin siya para bumaba na.Habang pababa ng hagdan si Vivian ay napatayo si Lance. Parang nag slow motion ang kilos ni Vivian sa paningin niya.Napaka ganda nito sa white dress na suot. Simple pero malakas ang dating.Hanggang sa makalapit na si Vivian ay nakatulala parin si Lance, medyo nakaawang pa ang bibig. Kaya natatawang itinikom ni Vivian ang bibig ni Lance."Baka may pumasok na langaw." Natatawang saad ni Vivian. Natauhan naman si Lance."Let's go?" Tanong ni Lance."Magpaalam muna tayo kay Ash at Arabelle." Kaya pumunta sila sa kitchen at nakita nila si Ash at karga-karga si Arabelle habang may niluluto ito.
Nag work from home na muna si Vivian para makapag focus siya sa pag aalaga sa anak niya.Gusto niyang sulutin ang mga araw na baby pa ang anak niya. Dahil ang sabi ng karamihan mabilis lang lumipas ang panahon. Hindi mo mamamalayan na malalaki na pala ang mga bata.Habang nagbabasa ng mga emails si Vivian ay biglang umiyak si Arabelle kaya nilapitan ito ni Vivian at kinarga.Isinayaw niya ito pero hindi parin tumitigil sa pag iyak. Namumula na nga rin ito kakaiyak. Unti-unti ng nababahala si Vivian. "Anak, bakit ka ba umiiyak? Nagugutom ka ba?" Tanong ni Vivian.Pinadede niya naman ito pero hindi ito dumede bagkus mas lumakas pa ang iyak nito kaya nataranta na si Vivian."Naku naman anak, may masakit ba sayo?" Pagkausap nito sa anak na animoy sasagot ito sa kanya.Binalot niya ng tela yung katawan ni Arabelle baka kasi nilalamig ito pero ayaw parin nitong tumahan kaya bumaba na si Vivian at hinanap si aling Nena."Aling Nena, tulong naman po. Ayaw tumahan ni baby." Saad ni Vivian.Lu
Nagkaroon ng mental illness si Ash dahil nga sa hindi niya matanggap ang pagkamatay ni Felix ay gumawa ng scene ang utak niya kung saan para sa kanya ay buhay pa ang asawa niya.Naipagamot naman si Ash sa psychiatrist ay paglipas ng isang buwa ay nakitaan ito ng malaking improvement.Nging normal na ulit ang pag iisip nito at unti-unti niya ma ring natatanggap na wala na talaga si Felix."I miss you na, hon." Saad ni Ash. Nandito siya ngayon sa puntod ni Felix.Isang buwan na rin ng mailibing si Felix. Nalaman nila mula sa doctor nito na may sakit pala itong lung cancer. Itinago nito ang sakit dahil ayaw niyang mag alala ang mga mahal niya sa buhay.Sinubukan nitong magpatagamot pero malala na raw talaga at hindi na kaya."Ang daya mo naman. Kung kailan nagka ayos na tayo saka mo naman ako iniwan." May pait sa mga ngiti ni Ash na sinabi iyon."Pero hayaan mo magiging okay lang ako kasama ng mga anak natin. Aalagaan at mamahalin ko sila ng tama." Pagkatapos niyang kausapin ang puntod n
Kinabukasan ay maagang nagising si Ash para maghanda dahil anniversary na nga nila ni Felix.Pumunta siya sa salon para magpa hair treatment, facial, at kung ano-ano pa na pagpaganda.Sobrang ganda ng mood niya ngayon. Inaasahan niya na may surprise si Felix sa kanya ngayon kaya maghahanda talaga siya.Tanghali na nung makauwi siya galing sa salon. Blooming na blooming siya. Bago na rin ang hairstyle niya. Yung dating straight ay may pagka wavy na rin ito ngayon.Pagsapit ng 6 pm ay nagbihis na si Ash.Isinuot niya yung pink na cocktail dress at pink glittered na high heels.Napatitig sa kanya sina Vivian at ang mga bata ng bumaba ng hagdan si Ash na sobrang ganda at malawak ang ngiti sa mga labi.Pati yung mga nakikiburol ay nagbulong-bulungan na."Bakit ganyan ang ayos niya? Parang hindi siya namatayan ng asawa?" Tanong nung isa."Mukhang masaya pa siya na patay na ang asawa niya." Sabat din nung isa."Mukhang may lakad pa."Sinamaan ng tingin ni Vivian yung mga nagbubulong-bulungan