Pasimpleng sinenyasan ni Anthony si Karl na ilabas na si Analyn. Tahimik na sumunod naman si Analyn nang alalayan siyang itayo ni Karl at igiya palabas doon. “Galit na galit si Boss ng nalaman niya ito,” sabi ni Karl habang naka-alalay at dahan-dahan silang naglalakad palabas ni Analyn.Hindi umimik si Analyn, pakiramdam niya ay wala siyang lakas. Paglabas nila sa pintuan ay nakatumba na ang lahat ng mga tauhan ni Andres, at nasa paligid ang security group ni Anthony. Agad namang sinalubong si Analyn at Karl ng sekretarya ni Anthony at pinagtulungan nilang maipasok sa loob ng sasakyan ang babae. Pagkapasok ni Analyn sa loob ng sasakyan ni Anthony agad siyang inabutan ng tubig ng sekretarya. Tinanggap naman iyon ni Analyn at uminom mula sa lalagyan. Kanina pa nga parang tuyong-tuyo ang lalamunan niya.“May kailangan ka pa, Mam?” tanong ng sekretarya pagkatapos maka-inom ni Analyn.Walang kibo na umiling si Analyn. “Paano nalaman ni Anthony na nandito ako?” bigla niyang naalalang i
Kakatapos lang uli ng tawag ni Anthony kay Julius. Pumasok na siya sa kuwarto. Nabungaran niya ang tulog ng si Analyn. Mukhang effective nga yata ‘yung mixture ng alak at tubig na advise ni Julius. Nakatulog na siya. Samantalang kanina ay halos mamilipit na siya sa sakit ng puson niya. Napangiti si Anthony. Pero agad ding napawi ang ngiti na ‘yun ng maalala niya ang sinabi kanina ni Julius sa telepono. [“Eh di, buntisin mo na para hindi na siya nagkakaroon ng menstrual pain.”]“Ha? What’s the relation?”[“Fyi lang ano… eh di kapag buntis, walang monthly period!”]Iyon nga ba ang solusyon? Tanong ni Anthony sa sarili niya. Nang biglang umiyak si Analyn. Pero mukhang tulog pa rin ito, marahil ay nananaginip. Agad na nilapitan ni Anthony ang asawa at saka hinaplos-haplos ang braso nito. Naupo siya sa gilid ng kama sa tabi ni Analyn.“Hey… Analyn. Ssshhh… nandito ako. It’s alright…” Yumakap si Analyn sa katawan ni Anthony habang umiiyak pa rin ito. Kaya ang ginawa ni Anthony ay tulu
Matamang pinagmasdan ni Analyn ang buhok na nakaikot sa ponytail. Sobrang haba nun, may kulay at kulot. Malayong-malayo sa buhok niya. “May problema ba?” tanong ni Edna.Umiling si Analyn. “W-Wala po,” pagkatapos ay ibinalik ang ponytail sa matanda.“Sige po, paki-tapon na lang.”Nakalabas na ang matandang kasambahay ay nag-iisip pa rin si Analyn. Iniisip niya kung kanino ang ponytail. Malakas ang kutob niya na sa isang malapit na tao iyon kay Anthony. Ganun kalapit para maiwan nito ang ponytail niya sa kuwarto nila sa hotel kung saan sila lumagi ng ilang araw ng asawa.Napagpasyahan ni Analyn na ituloy na ang balak kanina na hanapin si Anthony. Pero dahil sinabi ni Edna na nasa garden ang asawa kaya doon na siya dumiretso. Nakita nga niya roon ang lalaki habang nakayukong nagdidilig sa mga namumulaklak na halaman doon. Sandaling huminto si Analyn sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaki. Kapag sumasagi sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw, hindi niya alam kung ano ang iisi
“Boss… sorry, ha… pero sa mga usap-usapan ngayon sa business world tungkol kay Miss Analyn, hindi siya makakatulong sa muli mong pagbabalik sa merkado. In my opinion, mas makakatulong sa iyo ngayon si Miss Brittany.”Nagbuga ng hangin si Edward. “Ikuha mo ako ng appointment kay Brittany ngayong gabi. Dinner sa Nightingale.”“Yes, boss.” Tatalikod na sana ang sekretarya nang may naalalang itanong si Edward. “Pumunta ba si Analyn sa job interview niya?”“Hindi siya natuloy, boss dahil nga sa insidenteng sangkot si Miss Kaye. Although, tumawag siya at nag-request ng re-sched.”Tumango si Edward. “Keep an eye on it.”Wala sa hinagap ni Analyn na kay Edward din ang design company na nag-aalok sa kanya ng mataas na posisyon. Hindi siya nakarating sa interview dahil sa pagbigay ng pabor kay Anthony na siya ang um-attend sa bidding ng pendulum clock, at idagdag pa ang nangyaring insidente. Ayaw niya munang maglalabas ng bahay ni Anthony mula noon. Pero mukhang mas lalong lumabo na tanggap
“Ehh? N-Nakakahiya…” mahinang reklamo ni Analyn, sabay hinawakan ang kamay ni Anthony na nasa buhok niya para sana alisin ito. “Bakit ka mahihiya?” Naalis na ni Anthony ang sinasabi niyang dumi, at ngayon ay nakatingin siya sa mukha ni Analyn. “Si Elle lang naman ang nandito. Hindi na ‘yan iba sa atin.”“Ibang klase ka talaga, Kuya Anthony! Kaya naiinggit ang ibang tao kay Analyn, eh…” sabat naman ni Elle.“Ooops! Dapat yata Ate Analyn na ang itawag ko sa ‘yo,” patungkol niya kay Analyn. Biglang namilog ang mga mata ni Analyn. “Bakit mo ko tatawagin ng ganun?”“Siyempre. Kuya ang tawag ko kay Kuya Anthony. Eh, asawa ka niya. Eh di, dapat Ate Analyn ang itawag ko sa ‘yo.”Bahagyang napaubo si Analyn. “Alam mo, ikaw… ang dami mong alam sa buhay. Tara na! Ihahatid na kita sa labas. Baka gabihin ka pa sa daan,” sabi ni Analyn habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Elle, sabay hila sa babae ng nasa tapat na siya nito.“Bye, Kuya!” pahabol ni Elle bago tuluyang sumara ang pintuan.
Pagpasok sa loob ng bahay, tulala si Analyn. Nakatunghay si Anthony sa laptop niya ng napansin niya ang naglalakad na asawa. Ng nakita niya ang itsura nito, napahinto siya sa binabasa at saka tumayo, hinarang si Analyn. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa babae. Sinalat pa nito ang noo nito. Pinilit ni Analyn ngumiti at saka ipinakita kay Anthony ang hawak na telepono. “Wala lang ‘to. May nabasa lang kasi akong balita na hinuli raw si Kaye kahapon dahil nagda-drugs daw siya.”Pansin ni Analyn na tila dumilim ang mukha ni Anthony, pero agad ding umaliwalas ang mukha nito. “Alam mo namang matindi ang kampanya ng Tierra Nueva tungkol sa droga. Kung talagang gumagamit siya ng droga, malamang na makukulong talaga siya,” sabi pa ni Anthony. “Pero hindi ba parang napala-coincidence?” tanong ni Analyn.Nahulaan ni Anthony ang ibig sabihin ng tanong ni Analyn. “It’s not me.” Agad namang na-guilty si Analyn, pilit niyang binabale-wala ang nasa isip niya kanina pa. “Sorry…” sabi niya at saka
Pinaningkitan ni Anthony ng mga mata si Analyn. Takot na umiling si Analyn at saka muling humakbang paatras. “Ayoko, Anthony. Hindi ako papasok diyan, uuwi na ko.”“Analyn, huwag kang makulit.” Pagkasabi nun ni Anthony ay inisang hakbang niya si Analyn at saka sinaklit ang babae sa beywang at saka walang hirap na binuhat paalis doon. Karga-karga ni Anthony si Analyn habang naglalakad sa pinaka loob ng shop.“Anthony! Ibaba mo ako! Ayoko! Ayokong magpa-tattoo!”Pagdating sa isang kuwarto, agad na isinara ni Anthony ang pintuan nun at saka mahinang ibinalibag si Analyn sa kama. Pinilit bumangon ni Analyn pero hinawakan agad ni Anthony ang braso ni Analyn at saka itinali iyon sa kama.“Anthony? Ano’ng ginagawa mo?!” Hindi sumagot si Anthony hanggang sa maitali niya pa ang isa pang kamay ni Analyn at ang dalawa pang binti nito. “Anthony!” Pero hindi pa rin siya pinansin ng lalaki, sa halip ay hinila nito ang kurtina roon kaya dumilim sa loob ng kuwarto. “Anthony… maawa ka, please…” k
“Anthony, tapos na ba kayo?” Biglang tumuwid ng tayo si Anthony at saka humiwalay kay Analyn. Naglakad ito papunta sa kurtinang nagsisilbing tabing ng kuwarto. Nakatayo roon ang matandang sumalubong sa kanila kanina. “Maraming salamat sa pagpapagamit ng lugar at mga tools, Uncle Hans.”Iwinasiwas ng matanda ang kamay niya, na parang sinasabi nito na ‘walang anuman’. Saka lang niya napansin si Analyn. Itinuro niya ang babae. “Kaano-ano mo ang magandang babaeng ito?”Biglang nakaramdam ng hiya si Analyn. Napaatras siya, alam niya na ang isasagot ni Anthony kahit hindi pa niya naririnig. Paano siya ide-deny ni Anthony? Ano’ng sasabihin nito? Na kaibigan lang siya? Girlfriend? Malabo ‘yun. Pero biglang hinawakan ni Anthony ang kamay niya at saka siya hinila palapit sa kanya. “I am married, Uncle Hans. And this is my wife.”Napamaang si Analyn. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Anthony kaya napatingala siya sa lalaki. “Talaga ba? Nagpakasal ka na?” masayang tanong ni Hans, pagkat
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni