مشاركة

INIT NG KASALANAN
INIT NG KASALANAN
مؤلف: Mireya

SIMULA

مؤلف: Mireya
last update تاريخ النشر: 2026-05-13 13:56:37

I’m on my way home from work, hindi ako sinundo ni Sevi as always. He has a lot of excuses—meetings, calls, things that always seem more important than me.

Sanay na ako.

Or at least, iyon ang gusto kong paniwalaan sa sarili ko.

Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Sevi, hindi naman nagtagal nakarating agad ako. Malawak, tahimik, at parang laging may kulang. Parang bahay na hindi marunong tumibok.

Pagpasok ko, sinalubong ako ng malamig na hangin at mas malamig na katahimikan.

“Ma’am Eury, good evening,” bati ng kasambahay.

“Good evening,” mahina kong sagot, pilit na ngumiti. “Is Sebastian home?”

Bahagya siyang nag-alangan bago sumagot. “Wala pa po, ma’am. May meeting pa raw po.”

Of course.

“ Si Tito at Tita nasa loob naba?” tanong ko.

Umiling siya. “ Wala pa po, ma'am.” sagot niya

“ Eh, sila mommy?”

“ Wala pa rin po.” sagot niya ulit.

It's past 6:30 pm pero wala pa rin sila sabi nila we will be having a dinner here, tonight.

Hindi na ako nagtanong pa ulit. Tumango na lang ako at dumiretso sa hagdan. Bawat hakbang ko paakyat, pakiramdam ko mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung dahil pagod ako… o dahil sa paulit-ulit na pakiramdam na ako lang ang nandito sa relasyong ‘to.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong hinubad ang heels ko at hinayaan ang sarili kong mapaupo sa gilid ng kama. Tahimik. Sobrang tahimik.

Hanggang sa—

“You came home alone. He didn't fetch you?”

Napapikit ako sandali bago dahan-dahang tumingin sa direksyon ng boses.

Nakatayo siya sa may pintuan. Nakapulupot ang dilim sa kanya, pero hindi natatakpan ang pamilyar na titig na para bang diretso akong hinuhubaran ng mga lihim ko.

Lucien.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. “Hindi kaba marunong kumatok?” malamig kong tanong, pilit na pinapantay ang boses ko.

Bahagya siyang ngumiti. Hindi masaya. Hindi rin biro.

“If I knock,” dahan-dahan siyang naglakad papasok, “you'll be pretending that you're okay.”

Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. “I am okay.”

“Liar.”

Isang salita lang, pero parang may kung anong kumalas sa loob ko.

Tumigil siya sa harap ko, sapat ang lapit para maramdaman ko ang init ng katawan niya… at sapat din para maalala ko kung gaano ito ka-mali.

“ Bakit ka ba nandito?” kinakabahan kong tanong ng makalapit na siya sa akin.

“ Why not? I'm visiting my brother….” sabi niya. “ My brother's fiancee.”

Halos lumabas ang mata ko dahil sa sinabi niya. He's crazy.

“For God sake, Lucien. Sevi is your brother.” paalala ko, halos pabulong.

“I know.” sagot niya agad, walang pag-aalinlangan.

Napalunok ako.

“Stop it already, kalimutan na natin yung nangyari.” dagdag ko, pero mas mahina na ang boses ko ngayon. Mas hindi sigurado.

Bahagya siyang yumuko, sapat para magtama ang mga mata namin.

“Like what?” bulong niya.

Hindi ako nakasagot.

Dahil alam ko ang sagot.

At alam ko rin na hindi ko kayang sabihin.

Huminga siya nang malalim, saka bahagyang ngumiti yung tipong alam niyang may laban na siya kahit hindi pa nagsisimula.

“He had you first…” marahan niyang sabi, halos pabulong sa pagitan naming dalawa.

Napalunok ako habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

“But you don’t look at him the way you look at me.”

Parang biglang uminit ang hangin sa pagitan namin.

“Lucien…Stop it.” babala ko, pero mahina. Halos pakiusap na.

Hindi siya umatras.

Sa halip, mas lalo siyang lumapit.

“Tell me I’m wrong, Eury.”

Hindi ako sumagot.

Kasi sa totoo lang…hindi ko na alam kung saan nagsisimula ang mali at kung saan ako tuluyang nadadala ng init na pilit kong tinatakasan.

Humigpit ang kapit ko sa bedsheet habang dahan-dahang umaakyat ang tingin ko sa kanya.

Napakalapit na niya.

Sobrang lapit na halos maghalo na ang hininga namin.

“Say something,” bulong niya, mas mababa, mas delikado.

Napapikit ako sandali, pilit kinokontrol ang sarili ko. “You’re wrong.”

Pero kahit ako, hindi ko pinaniwalaan ang sarili kong sinabi.

Narinig ko ang mahina niyang tawa hindi masaya, hindi rin galit. Para bang alam na alam niya kung gaano ako kadaling basahin.

“Look at me and say that again.”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

At doon ko nakita.

Yung titig niya diretso, mabigat, parang may hinihinging sagot na hindi ko kayang ibigay.

“You’re wrong,” ulit ko, pero mas mahina na.

Mas matigas.

Pero hindi sigurado.

Saglit siyang natahimik. Pinagmasdan niya lang ako, parang may kung anong binabasa sa mukha ko na hindi ko maitago.

Hanggang sa marahan niyang itinaas ang kamay niya.

Natigilan ako.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako umiwas.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko… hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng mga daliri niya sa baba ko.

Mainit.

Napakainit.

Para bang isang simpleng haplos lang, pero diretso sa dibdib ko ang tama.

“Then why are you shaking?” mahina niyang tanong.

Doon ko lang napansin.

Tama siya.

Bahagya akong nanginginig.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa kanya.

“Stop,” bulong ko ulit, pero hindi ko na alam kung para sa kanya ba ‘yon… o para sa sarili ko.

Hindi niya ako pinakinggan.

Sa halip, mas lalo niyang tinaas ang mukha ko para mapilitan akong tumingin sa kanya.

“No,” mahina niyang sagot. “You don’t get to tell me to stop when you’re the one pulling me in.”

Parang may kung anong kumawala sa dibdib ko.

“Hindi kita pinipilit,” sagot ko agad, halos pabulong, halos depensa.

“Hindi mo kailangan,” putol niya. “You just look at me like that… and you expect me to stay away?”

Napalunok ako.

Kasi totoo.

Kahit hindi ko aminin… may mga tingin akong hindi ko na kayang bawiin.

“Lucien…” banggit ko sa pangalan niya, mas maingat na ngayon.

Pero mas lalong lumalim ang tingin niya.

“Say my name again like that,” bulong niya, halos dumadampi na ang labi niya sa tenga ko, “and tell me there’s nothing between us.”

Napahigpit ang hawak ko sa damit niya nang hindi ko namamalayan.

Doon siya napatingin.

Sa kamay ko.

Sa pagkakahawak ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang ngumiti.

“See?” mahinang sabi niya. “You don’t push me away… you pull me closer.”

Bigla kong binitawan ang damit niya na para bang napaso ako.

“This is wrong,” mabilis kong sabi, mas buo na ang boses ko this time. “Engaged ako sa kapatid mo.”

“Then why does it feel like you’re lying to yourself?” agad niyang sagot.

Natahimik ako.

At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.

Dahil sa katahimikan na ‘yon, parang mas lalo lang lumakas ang loob niya.

Mas lalo siyang lumapit.

Hanggang sa wala nang espasyo sa pagitan namin.

“Tell me to leave,” bulong niya, diretso sa mata ko. “And mean it.”

Binuka ko ang bibig ko.

Handa na sana akong sabihin.

Leave.

Umalis ka.

Tama na ‘to.

Pero walang lumabas.

Kahit isang salita.

Kahit isang pagtutol.

Napapikit na lang ako, pilit iniiwas ang sarili ko sa kanya sa init niya, sa presensya niya, sa lahat ng nararamdaman ko na hindi ko dapat maramdaman.

Hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghinga malapit sa labi ko.

Hindi pa niya ako hinahawakan ulit.

Pero sapat na ang lapit.

Sapat para mawala ang kontrol ko.

“Eury…” bulong niya, mas mahinahon, pero mas mapanganib.

At doon ko tuluyang naramdaman kung gaano kadaling mawala ang lahat ng prinsipyo ko…sa isang maling hakbang lang.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • INIT NG KASALANAN    KABANATA IV

    “ Eury.” Hindi ko na kailangan pang tumingin kung sino iyon dahil boses ni Sevi yun….pero kailangan ko siyang harapin. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti. “ Sev.” tanging sambit ko lang. Tiningnan niya ako ng may nakaguhit na pagtataka sa mukha pero pilit kung hindi pansinin iyon at umakto ng normal. Tumayo ako. “ I thought…” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit. “ I came back to pick you up here.” sabi niya Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin kay Lucien na nakatingin din pala sa akin habang nakasandal sa may counter. Walang reaksiyon ang kanyang mukha, kasing lamig ng yelo ang mga mata. “ How's the business, Sev?” biglang tanong ni Lucien sa kapatid. Tiningnan ni Sev ang kapatid kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng iniwas nito ang tingin sa akin. Parang sasabok na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. “ The company’s doing good, Kuya.” sagot niya. “ Hindi ko alam na umuwi ka pala ng Pilipinas, kailan ka

  • INIT NG KASALANAN    KABANATA III

    Paggising ko kinaumagahan may mabibigat na braso akong naramdaman na nakapalupot sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, kinusot-kusot ko pa ito para makasigurado akong hindi ako nanaginip. Saglit akong napatitig sa kisame. Hindi ito kwarto ko. Hindi rin ito kwarto ni Sevi. Napakunot ang noo ko habang pilit inaalala ang nangyari kagabi yung sa club, yung alak, yung lalaki… Nanlaki ang mata ko. Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko. At doon ko siya nakita. Mahimbing ang tulog. Nakahiga sa tabi ko, isang braso nakapulupot pa rin sa bewang ko na parang ayaw akong pakawalan kahit tulog. Napaupo ako bigla. Kinusot ko ulit ang mata ko, baka sakaling magbago yung makikita ko. Hindi pa rin nagbago. “WHAT THE FUCK, LUCIEN?!” sigaw ko, halos mapatalon sa gulat. Agad siyang napamulat, bahagyang napakunot ang noo habang inaabot ang sentido niya na parang naiistorbo. “Isn’t it too early for you to yell like that?” paos niyang reklamo, hindi pa tuluyang gising. “ Too loud.”

  • INIT NG KASALANAN    KABANATA II

    “Ohhh… ” I moan, when his mouth runs down to my neck. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala ang tanging alam ko lang ay iniwan ko ang mga kaibigan ko at sumakay sa kotse niya. Ang tanging alam ko lang nandito na kami sa isang kwarto kung saan naghahalikan na kami. Pumasok ang kamay niya sa suot kong maikling dress. Hindi ko alam kung pano niya nagawa iyon dahil masyadong masikip ang suot ko pero wala akong panahong magtanong ngayon. Ramdam ko ang kamay niyang tumataas ang haplos sa may dibdib ko. Hinawakan niya ang isa kong bundok at bahagya itong pinisil na nag pa-ungol sa akin. “ Ohhh..shit.” ungol ko dahil may kakaibang kuryenteng dumaloy sa likod ng ginawa niya iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko ang ulo niya pabalik sa mga labi ko, hinahalikan ko siya nang sobrang pang-gigigil habang ang mga kamay ko ay gumagala na sa likod niya, habang hinuhubad ang shirt niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya, matigas at mainit laban sa akin. “You like this?” tanong

  • INIT NG KASALANAN    KABANATA I

    EURY'S POV 1 YEAR AGO…. Nandito kami ng mga kaibigan ko sa isang club, wala si Sevi nasa business trip sa ibang bansa kaya naman nagliwaliw muna ako. Matagal na akong hindi nakakagala simula nung ma-engage ako sa pangalawang anak ng mga Monteverde. I like Sebastian, he likes me too before I rejected him because I choose my career over our relationship kaya nung nalaman kong ipinagkasundo pala kami ng mga lolo namin nagkabalikan kami pero parang wala na yung dati, parang napipilitan lang siya sa nangyaring engagement namin. We've been together for almost 7 years simula nung mga college pa kami. I'm busy with my modeling career while he was busy with their family business. “ Alam mo, girl. Kalimutan mo muna yang Fiancee mo’ng walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho.” sabi sa akin ni Fons ang kaibigan kong bakla. I sigh heavily. “ Sevi is still my fiance.” tanging sambit ko lang. “ Hindi ka namin ma-gets, girl. Mahal mo pa rin ba si Sevi?” tanong ni Fons. Nakatingin silang da

  • INIT NG KASALANAN    SIMULA

    I’m on my way home from work, hindi ako sinundo ni Sevi as always. He has a lot of excuses—meetings, calls, things that always seem more important than me.Sanay na ako.Or at least, iyon ang gusto kong paniwalaan sa sarili ko.Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Sevi, hindi naman nagtagal nakarating agad ako. Malawak, tahimik, at parang laging may kulang. Parang bahay na hindi marunong tumibok.Pagpasok ko, sinalubong ako ng malamig na hangin at mas malamig na katahimikan.“Ma’am Eury, good evening,” bati ng kasambahay.“Good evening,” mahina kong sagot, pilit na ngumiti. “Is Sebastian home?”Bahagya siyang nag-alangan bago sumagot. “Wala pa po, ma’am. May meeting pa raw po.”Of course.“ Si Tito at Tita nasa loob naba?” tanong ko.Umiling siya. “ Wala pa po, ma'am.” sagot niya“ Eh, sila mommy?” “ Wala pa rin po.” sagot niya ulit.It's past 6:30 pm pero wala pa rin sila sabi nila we will be having a dinner here, tonight. Hindi na ako na

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status