Share

Chapter 2

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-05-04 06:31:33

“Marikit! Marikit, bumalik na ang anak ng Mayor! Si Joaquin, bumalik na!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang mga sigaw ni Inay mula sa labas.

Dali-dali akong lumabas mula sa kusina, bitbit pa ang basang basahan nang salubungan ko siya sa bandang sala namin.

“Ano ba'ng nangyari at bakit—"

“Kagagaling ko lang sa palengke at sabi ni Mang Kanor ay bumalik na raw si Joaquin! Anak, nandito na siya!" putol niya sa akin na nagpalaglag ng panga ko.

“Inay… totoo po ba ‘yan?”

"Hindi ako nagbibiro, anak! Bumalik na siya! Baka ikaw ang binalikan!"

Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig. Tatlong taon. Tatlong taon ko siyang hindi nakita. Tatlong taon na ang bawat gabi ko ay parang kulang dahil hindi ko na siya nakasalamuha ulit sa basurahang iyon.

“Sigurado ho ba kayo, Nay? Baka ho iba ang narinig niyo at—”

“Siguradong sigurado ako, anak!” putol na naman niya sa akin.

Sakto namang may narinig kaming malalakas na tunog ng mga turutot na sinasabayan ng masisiglang tambol. Nagmumula iyon sa labas. Kasunod niyon ay mga hiyawan ng mga tao na para bang may pistang nagaganap.

“MALIGAYANG PAGBABALIK, JOAQUIN ALONZO!”

“WELCOME HOME, WACKY!”

Paulit-ulit ang sigawang iyon na unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ng bahay namin.

Nagkatinginan kami ni Inay. Siya, namimilog ang mga mata, habang ako nama'y malapad nang napangiti.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang gabing iyon sa basurahan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, ang dami nang nangyari. Hindi pa rin ako tanggap ng mga tao pero isang milagro ang nangyari. Ang mismong ama ni Joaquin na kasalukuyang Mayor pa rin namin ay inalukan niya ako ng scholarship para makapagpatuloy sa highschool.

At kahit hindi sabihin ni Mayor, ramdam ko sa kaibuturan ng puso ko na may kinalaman si Joaquin doon. Siya lang naman ang nakikita kong dahilan kaya ako nabigyan ng scholarship. Siya lang ang bukod tanging hindi ako tinuring na manananggal.

Dali-dali akong lumabas ng bahay, hindi inalintana kung may madadatnan akong mga tao sa labas. Ang bahay namin ay nakatayo malapit sa pangunahing kalsada, dikit-dikit ang kabahayan dito kaya paglabas ko pa lang ay marami nang tao ang nakalabas sa kani-kanilang mga bakuran, nakiki-usyoso at nakikihiyaw.

“WELCOME BACK, WACKY BOY!" sigaw ng karamihan.

At doon, nakita ko siya.

Isang itim na Hilux ang padaan na sa harap ng bahay namin. Dahan-dahan ito kaya kitang kita ko ang pagkakatayo ni Joaquin sa likod ng sasakyan. Kumakaway siya sa mga tao.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ang malaking pagbabago sa itsura niya.

Kung dati ay guwapo na siya, ngayon ay mas lalo ito nadagdagan dahil lumaki ang pangangatawan niya. Halata iyon sa suot niyang simpleng puting t-shirt at maong na pantalon. Malalapad ang balikat niya at mas matikas ang tindig niya ngayon. Para siyang isang prinsipe na kababalik lang sa sariling kaharian.

Tila tumigil ang mundo ko nang sumakto ang pagtigil ng sasakyan sa tapat mismo ng bahay namin. Nagkatinginan kami. Kakaway na sana ako sa kaniya at tatawagin siya sa kaniyang pangalan nang bigla siyang nag-iwas ng tingin.

Pero muli akong nabuhayan nang makita kong pababa na siya sa sasakyan. Sa mabilis na galaw ay napaayos ako sa medyo nagulo kong buhok dahil sa hangin, sunod ay sinulyapan ko ang kasuotan ko.

Kaso nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko ay tuluyan na akong natigilan.

Kaya lang pala siya bumaba ng sasakyan ay dahil may isa pang puting Hilux na kararating lang mula sa kabilang direksyon.

Bumukas ang pinto ng puting sasakyan na iyon at isang babae ang bumaba. Ubod ito ng ganda. Nakasuot ito ng mamahaling damit at shades, at base sa ayos niya ay mukhang galing din ito sa ibang bansa. Lumapit ang babae sa kabababa lang din sa sasakyan na si Joaquin.

Ganoon na lang ang paninikip ng dibdib ko nang makita kong inilahad ni Joaquin ang kaniyang kamay. Inalalayan niya ang babae na umakyat sa likod ng Hilux kung saan siya nanggaling. Pagkaakyat ng babae, agad itong kumapit sa braso ni Joaquin, at sabay silang kumaway sa mga tao habang muling umandar ang sasakyan.

“Bagay na bagay sila, ’no?” rinig kong bulong ng isang kapitbahay na nasa likuran ko. “Balita ko, anak din ’yan ng isang mayamang pamilya sa Maynila. Malapit na raw silang ikasal.”

Malapit na raw silang ikasal…

Malapit na raw silang ikasal…

Malapit na raw silang ikasal…

Tila nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko habang pinapanood ko ang sasakyan nilang papalayo na sa kinatatayuan ko.

Ang saya na naramdaman ko kanina nang marinig ang balita na bumalik siya ay biglang napalitan ng isang malamig na reyalidad. Namalayan ko na lang na sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko.

Suminghap ako at dahan-dahang bumalik sa loob ng bahay. Sinalubong agad ako ni Inay at ng bunso kong kapatid, parehas nakangiti pero agad din napawi nang makita ang itsura ko.

Bumalik na nga talaga si Joaquin... pero kasama naman niya ang babaeng papakasalan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 16

    Simula nang mangyari ang insidente sa opisina ng Principal, literal na wala na talagang nagtangkang mambully sa akin. Siguro ay kumalat na sa buong San Lazaro National High School ang tungkol sa pagpoprotekta sa akin ni Joaquin. Kahit ang mga dating tinitingnan ako na parang dumi sa kalsada, ngayon ay umiiwas na rin ng tingin o kaya naman ay napipilitang ngitian ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway. "Marikit, oh! Sandwich, baka magutom ka sa susunod na subject," abot sa akin ni Jace habang naglalakad kami patungo sa susunod naming subject. "S-salamat, Jace. Pero nakakahiya na, halos araw-araw mo na akong nililibre," sagot ko. "Sus, maliit na bagay! At saka, reward ko rin ito sa sarili ko dahil ako na ang unofficial bodyguard mo kapag wala si Sir Wacky," pagmamalaki niya. Ganito na siya sa akin ngayon. Kung minsan ay naririnig ko pa siyang pinagsasabihan ni Brent sa gilid dahil sa pagiging malapit na namin, pero wala lang iyon sa kaniya. Ang nakakagulat pa, dahil sa pagigin

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 15

    Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong opisina ng Principal. Ang kaniyang boses na seryoso at ang mga mata niya ay tila nag-aapoy sa galit, sapat na para manginig sa takot sina Celeste. Kahit ako ay hindi na rin makatingin nang diretso sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga palad sa balikat ko, indikasyon na matindi na talaga ang galit niya."Sir Joaquin... a-ano po kasi, nagkakabiruan lang naman po ang mga bata," pilit na pagpapakalma ng Principal, pero isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Joaquin. "Nagkakabiruan? Ma'am, look at her hair. Look at her blouse. Biruan pa ba ang sinapit niya? Dati ko nang nababalitaan na lagi siyang binubully pero bakit parang wala pa ring aksyon?" bulyaw ni Joaquin. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong babae na ngayo’y nakayuko na. "Sino sa inyo ang unang humawak sa kaniya?"Walang nakasagot. Pati si Jace ay tila natakot din dahil dahan-dahan siyang napaatras nang kaunti, pero agad din nakabawi at tinuro na si Celes

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 14

    Kinabukasan, maaga na naman ang pagparada ng Hilux ni Joaquin sa tapat ng bahay namin. Pero sa pagkakataong ito, may dala na siyang pang-almusal naming pamilya. Tatlong kape at isang balot ng pandesal. Pero saglit lang siyang nag-stay dahil dadaan daw muna siya sa munisipyo bago ako ihatid. Saktong tapos na kaming mag-almusal nina Inay at bihis na bihis na rin ako nang bumalik din siya. "’Yan na ba ’yung bagong sapatos? Bagay sa'yo," puna niya habang nagmamaneho."Opo, salamat po ulit," tipid kong sagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Hangganan. Ngayon pa lang ay dapat itatak ko na talaga sa utak ko na hanggang kuya lang dapat ang tingin ko sa kaniya at hindi na pwedeng lumampas pa doon.Pagbaba ko sa school, hindi na ako nagulat nang nasa amin ang mga tingin ng estudyante. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis nang nagtungo sa room ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ni Celeste sa mismong bukana ng room namin. Kasama niya ang dalawa niyang mga al

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 13

    Parang gusto ko na lang talaga maging totoong manananggal sa oras na ito para lang makalipad ako palayo at maglaho sa paningin ng lahat. Maganda kong kapatid? Nakakahiya! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Hala, Marikit! Kapatid ka pala talaga ni Sir Wacky?" hindi makapaniwalang tanong ng isa kong kaklase na kanina pa nakatayo sa tabi ko. "A-ah... h-hindi... k-kapatid-kapatiran lang," halos pabulong kong sagot bago ako napilitang humakbang palabas ng room. Sinalubong ako ni Jace sa may pinto at tinapik ang balikat ko. "O, kapatid pala turing sa'yo, e. Huwag mong kakalimutan 'yung sa assistant ha? Una na ako, best friend!" Hindi ko na siya nasagot dahil diretso na ang tingin sa akin ni Joaquin. Naglakad ako pababa ng hagdan habang nakayuko, ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw sa bawat corridor ng building. "Bakit hindi ka agad lumabas? Akala ko tuloy kanina tinakbuhan mo na naman ako,” bungad ni Joaquin nang makalapit ako

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 12

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ’yung kindat ni Joaquin at ’yung pangako niyang susunduin niya ako. Kaya naman alas-singko pa lang ng umaga ay nag-ayos na ako. Sinigurado kong maayos na maayos ang pagkakasuot ko ng uniform para naman presentable ako tingnan mamaya sa harap niya. Eksaktong alas-sais y medya nang marinig ko ang busina sa labas. "Marikit! Nandiyan na ata si Sir Joaquin!" sigaw ni Inay mula sa kusina. Mabilis kong kinuha ang luma kong bag na nakuha pala ni Inay kagabi sa school (pinaalam niya raw sa guard na nakalimutan ko ito). Paglabas ko, nakaparada na sa tapat ang itim na Hilux ni Joaquin. Nakasandal siya sa pinto n'un, suot ang isang simpleng puting t-shirt na lalong nagpalitaw ng kaniyang kakisigan. "Good morning," bati niya sabay bukas ng pinto sa passenger seat. "Ready for school?" "G-good morning din po. Nakakahiya po talaga pero maraming salamat. Sana po ay ayos lang sa'yo na pinagtitinginan na tayo ng mga kapitba

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 11

    Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto ng kuwarto ko, hindi alam kung saan itatago ang mga kamay ko. Nakakahiya. Nandito na nga siya sa pinagtagpi-tagpi naming dampa. At totoo ito. Totoong nandito na nga siya! "Pasensya na kayo, Sir... medyo magulo ang bahay namin," nahihiyang sabi ni Inay at pasimpleng inilipat ang lagi niyang dala sa pangangalakal na sako sa isang tabi. "Naku, wala po 'yun. Joaquin na lang po, huwag na pong Sir," nakangiting sagot ni Joaquin bago ibalik sa akin ang tingin. "At ikaw, Marikit. Bakit mo ako tinakbuhan kanina? Hinabol talaga kita pero ang bilis mo masyado. Muntik pa nga akong madapa kaya tumigil na ako." "E... k-kasi po... nahihiya po ako," mahina kong sagot at nakayuko na. "Nahihiya? Sa kuya mo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero may halong biro ang mga mata niya. "Akala ko ba close na tayo? Nag-text pa nga ako sa'yo noong nakaraan—ay, wala ka nga palang cellphone. Basta, hinanap kita sa school kanina dahil gusto sana kitang yayain mag-meryenda, ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status