Share

Chapter 5

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-05-05 17:53:00

Alas-nuwebe na ng gabi nang ihatid kaming mga scholar ng puting van pabalik sa school bago kami tuluyang nakauwi sa kani-kaniya naming bahay. Sa buong biyahe, hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Kung kanina ay pasan ko ang mundo, ngayon ay parang lumilipad na ako sa ulap sa sobrang saya.

“At… ang ganda mo lalo…”

Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang boses ni Joaquin. Hindi ko akalain na pagkatapos ng tatlong taon, iyon ang unang sasabihin niya sa akin. Parang lahat ng pangungutya nina Jace sa school ay biglang nabura ng limang salitang iyon.

“Nay! Inay, nandito na po ako!” masigla kong tawag pagpasok ng pinto.

Sinalubong ako ni Inay na nag-aayos ng mga plastik na bote sa gilid. “O, Marikit, mukhang maganda ang mood natin, ah? Kumusta ang pagtulong sa Mansion?”

Agad akong tumabi kay Inay at kinuwento ang nangyari. Mula sa pagtawag sa akin ni Mayor hanggang sa paglapit ni Joaquin at ang biro nito tungkol sa pakpak ko. Hindi ko rin nakalimutang sabihin ang sinabi ni Mayor na magkamukha kaming mag-ina, na parehas magaganda.

“Talaga? Sinabi ni Mayor ‘yun?” Bakas ang gulat at isang hindi maipaliwanag na saya sa mukha ni Inay. “Nakakataba naman ng puso.”

“At si Joaquin, Nay… ang gwapo-gwapo niya na po lalo. Pero ganoon pa rin siya, palabiro pa rin,” dagdag ko, ramdam ang pamumula ng pisngi.

“Mabuti naman kung ganoon, anak. Ikinatutuwa ko na naging maayos ang pagkikita niyo,” nakangiting sabi ni Inay. Tumayo siya at kinuha ang kaniyang lumang jacket at sako. “O siya, aalis na muna ako. Aagahan ko lang mangalakal ngayon sa may kabisera. Parang uulan kasi, mahirap na kapag nabasa ang mga karton, bumibigat pero mababa naman ang presyo.”

“’Sama na po ako,” prisinta ko.

“Huwag na, anak. Napagod ka sa Mansion. Magpahinga ka na lang at may pasok ka pa bukas,” pagtanggi niya.

Naglalakad na siya patungo sa pintuan kaso agad din siyang napahinto. Mahigpit siyang napahawak sa hamba ng pinto at unti-unting napa-upo habang sapo ang kaniyang tiyan.

“Nay! Anong nangyayari?” mabilis akong lumapit sa kaniya.

“A-ang tiyan ko… Marikit… parang hinihiwa sa sakit,” hirap na sagot niya.

Sumikbo ang matinding kaba sa dibdib ko nang makita ang pamumutla ng mukha niya habang may namumuo ng pawis sa noo niya.

Ang ulcer na naman siguro niya. Nitong nakaraang mga linggo, palagi na lang siya inaatake nito.

“Nay, humiga na po kayo. Ako na ang lalabas. Kaya ko naman po, e,” sabi ko at inalalayan na siya sa kaniyang higaan.

“P-pero Marikit, ayos lang ako…”

“Huwag na po matigas ang ulo, sige na po."

Binitbit ko na ang dadalhin sana niyang sako saka lumabas na ng bahay. Tama si Inay na parang uulan dahil sa lamig ng hangin na sumalubong sa akin, pero dala ang maliit na flashlight, nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa gilid ng highway. Pinili ko sa malaking tambakan ng basurahan malapit sa mga kainan kung saan maraming tinatapon na lata at bote.

Focus lang ako sa paghalungkat. Nakayuko ako, ang kalahati ng katawan ko ay halos nasa loob na ng malaking drum ng basura para lang maabot ang isang tumpok ng mga lata ng soda sa ilalim.

“Konti na lang… makaka-isang sako rin ako,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa halos mapuno ko nang sako.

Nang biglang nagliwanag ang paligid ko. Akala ko ay kung ano na. Pagtingin ko sa harap ay nagmumula ito sa dalawang headlight ng isang sasakyang paparating. Huminto ang sasakyan sa mismong tapat ko. Dahil sa silaw na dulot nito, bahagya akong napapikit at hinarangan ng kamay ang mga mata.

Isang itim na Hilux. Bumukas ang pinto ng driver’s seat at isang matangkad na pigura ang bumaba. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko kung sino ito. Si Joaquin…

Agad umakyat ang hiya sa mukha ko nang magkatinginan kami. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong sako, sunod ay sa madungis ko nang damit bago niya ibinalik sa mukha ko.

“Marikit?” nagdadalawang-isip niyang tawag sa akin. Lumapit pa lalo siya hanggang sa tuluyang makita ang buong mukha ko. “Ikaw nga! Sabi ko na nga ba, e! Pero… anong ginagawa mo rito? Mag-a-alas dyes na ah?”

Mariin akong napakagat sa labi. Nakakahiya! Parang kanina lang ay sinabihan akong maganda tapos ngayon ay nakita akong… sobrang dungis na.

Yumuko ako nang husto, pilit na itinatago ang mukha ko. “Nangalakal lang po, Sir Joaquin. Umatake po kasi ang sakit ng Inay.”

Matagal bago siya nagsalita muli. Pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay nakita kong mariin na siyang nakatitig sa akin.

“Tapos ka na ba rito? Puwede kitang ihatid?" seryoso ngunit may bahid ng ngiti niyang tanong.

Umiling agad ako. "Huwag na po, Sir! Marumi po ako, b-baka… baka madumihan ang sasakyan niyo…”

“Marikit,” seryoso niyang tawag sa akin at seryoso ulit na tumitig sa mukha ko. “Akala ko ba close na tayo? Sige na, ihatid na kita.”

Bahagyang napaawang ang bibig ko. Close? Close daw kami?

“Halika na," aniya at walang alinlangang inagaw sa akin ang sako sabay dinala sa likod ng kaniyang Hilux.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa pigura niya habang inaayos niya ang pagkakalagay ng sako sa kaniyang sasakyan.

Ang bait talaga niya…

Ang puso ko… sobrang bilis na naman ng tibok. Gustong gusto ko talaga siya!

"Bakit nand'yan ka pa? Pasok ka na dito!”

Agad akong umalis sa kinatatayuan at lumapit na sa kaniya. Tuluyan na akong napangiti nang pagbuksan pa niya ako ng pintuan sa likuran, kaso...

“Wacky, who is she?"

Natigil ako sa pagpasok sabay napawi ang ngiti nang makita si Lauren sa loob ng sasakyan. Nakaupo siya sa mismong front seat habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

“Ah, si Marikit… kaibigan ko—”

“I don’t care. She stinks! Bakit ba kung sinu-sino na lang ang pinapasakay mo?! Are you seriously their driver?!”

Napalunok ako at tila nanigas sa pwesto bago dahan-dahang umatras para bumaba ulit, kaso…

"Lauren!” sigaw bigla ni Joaquin sa kaniyang fiancée. “I told you she's a friend! Ngayon kung ayaw mo pala na may sinasakay ako—"

“Are you sick?! You’re seriously yelling at me in front of a… beggar?!”

Bago pa lumala ang sigawan nila ay tinalikuran ko na sila at kusa kong kinuha mula sa likuran ang sako ko.

“Mauna na po ako sa inyo, Sir Joaquin at… Ma'am Lauren. Salamat po sa pag-alok,” paalam ko na.

Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Joaquin pero hindi na ako lumingon. Pag-uwi ko ay iyak lang ako nang iyak. Kaso kinabukasan ay nabalitaan ko na lang na nag-break na ang dalawa at wala nang kasal na mangyayari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 16

    Simula nang mangyari ang insidente sa opisina ng Principal, literal na wala na talagang nagtangkang mambully sa akin. Siguro ay kumalat na sa buong San Lazaro National High School ang tungkol sa pagpoprotekta sa akin ni Joaquin. Kahit ang mga dating tinitingnan ako na parang dumi sa kalsada, ngayon ay umiiwas na rin ng tingin o kaya naman ay napipilitang ngitian ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway. "Marikit, oh! Sandwich, baka magutom ka sa susunod na subject," abot sa akin ni Jace habang naglalakad kami patungo sa susunod naming subject. "S-salamat, Jace. Pero nakakahiya na, halos araw-araw mo na akong nililibre," sagot ko. "Sus, maliit na bagay! At saka, reward ko rin ito sa sarili ko dahil ako na ang unofficial bodyguard mo kapag wala si Sir Wacky," pagmamalaki niya. Ganito na siya sa akin ngayon. Kung minsan ay naririnig ko pa siyang pinagsasabihan ni Brent sa gilid dahil sa pagiging malapit na namin, pero wala lang iyon sa kaniya. Ang nakakagulat pa, dahil sa pagigin

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 15

    Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong opisina ng Principal. Ang kaniyang boses na seryoso at ang mga mata niya ay tila nag-aapoy sa galit, sapat na para manginig sa takot sina Celeste. Kahit ako ay hindi na rin makatingin nang diretso sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga palad sa balikat ko, indikasyon na matindi na talaga ang galit niya."Sir Joaquin... a-ano po kasi, nagkakabiruan lang naman po ang mga bata," pilit na pagpapakalma ng Principal, pero isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Joaquin. "Nagkakabiruan? Ma'am, look at her hair. Look at her blouse. Biruan pa ba ang sinapit niya? Dati ko nang nababalitaan na lagi siyang binubully pero bakit parang wala pa ring aksyon?" bulyaw ni Joaquin. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong babae na ngayo’y nakayuko na. "Sino sa inyo ang unang humawak sa kaniya?"Walang nakasagot. Pati si Jace ay tila natakot din dahil dahan-dahan siyang napaatras nang kaunti, pero agad din nakabawi at tinuro na si Celes

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 14

    Kinabukasan, maaga na naman ang pagparada ng Hilux ni Joaquin sa tapat ng bahay namin. Pero sa pagkakataong ito, may dala na siyang pang-almusal naming pamilya. Tatlong kape at isang balot ng pandesal. Pero saglit lang siyang nag-stay dahil dadaan daw muna siya sa munisipyo bago ako ihatid. Saktong tapos na kaming mag-almusal nina Inay at bihis na bihis na rin ako nang bumalik din siya. "’Yan na ba ’yung bagong sapatos? Bagay sa'yo," puna niya habang nagmamaneho."Opo, salamat po ulit," tipid kong sagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Hangganan. Ngayon pa lang ay dapat itatak ko na talaga sa utak ko na hanggang kuya lang dapat ang tingin ko sa kaniya at hindi na pwedeng lumampas pa doon.Pagbaba ko sa school, hindi na ako nagulat nang nasa amin ang mga tingin ng estudyante. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis nang nagtungo sa room ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ni Celeste sa mismong bukana ng room namin. Kasama niya ang dalawa niyang mga al

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 13

    Parang gusto ko na lang talaga maging totoong manananggal sa oras na ito para lang makalipad ako palayo at maglaho sa paningin ng lahat. Maganda kong kapatid? Nakakahiya! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Hala, Marikit! Kapatid ka pala talaga ni Sir Wacky?" hindi makapaniwalang tanong ng isa kong kaklase na kanina pa nakatayo sa tabi ko. "A-ah... h-hindi... k-kapatid-kapatiran lang," halos pabulong kong sagot bago ako napilitang humakbang palabas ng room. Sinalubong ako ni Jace sa may pinto at tinapik ang balikat ko. "O, kapatid pala turing sa'yo, e. Huwag mong kakalimutan 'yung sa assistant ha? Una na ako, best friend!" Hindi ko na siya nasagot dahil diretso na ang tingin sa akin ni Joaquin. Naglakad ako pababa ng hagdan habang nakayuko, ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw sa bawat corridor ng building. "Bakit hindi ka agad lumabas? Akala ko tuloy kanina tinakbuhan mo na naman ako,” bungad ni Joaquin nang makalapit ako

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 12

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ’yung kindat ni Joaquin at ’yung pangako niyang susunduin niya ako. Kaya naman alas-singko pa lang ng umaga ay nag-ayos na ako. Sinigurado kong maayos na maayos ang pagkakasuot ko ng uniform para naman presentable ako tingnan mamaya sa harap niya. Eksaktong alas-sais y medya nang marinig ko ang busina sa labas. "Marikit! Nandiyan na ata si Sir Joaquin!" sigaw ni Inay mula sa kusina. Mabilis kong kinuha ang luma kong bag na nakuha pala ni Inay kagabi sa school (pinaalam niya raw sa guard na nakalimutan ko ito). Paglabas ko, nakaparada na sa tapat ang itim na Hilux ni Joaquin. Nakasandal siya sa pinto n'un, suot ang isang simpleng puting t-shirt na lalong nagpalitaw ng kaniyang kakisigan. "Good morning," bati niya sabay bukas ng pinto sa passenger seat. "Ready for school?" "G-good morning din po. Nakakahiya po talaga pero maraming salamat. Sana po ay ayos lang sa'yo na pinagtitinginan na tayo ng mga kapitba

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 11

    Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto ng kuwarto ko, hindi alam kung saan itatago ang mga kamay ko. Nakakahiya. Nandito na nga siya sa pinagtagpi-tagpi naming dampa. At totoo ito. Totoong nandito na nga siya! "Pasensya na kayo, Sir... medyo magulo ang bahay namin," nahihiyang sabi ni Inay at pasimpleng inilipat ang lagi niyang dala sa pangangalakal na sako sa isang tabi. "Naku, wala po 'yun. Joaquin na lang po, huwag na pong Sir," nakangiting sagot ni Joaquin bago ibalik sa akin ang tingin. "At ikaw, Marikit. Bakit mo ako tinakbuhan kanina? Hinabol talaga kita pero ang bilis mo masyado. Muntik pa nga akong madapa kaya tumigil na ako." "E... k-kasi po... nahihiya po ako," mahina kong sagot at nakayuko na. "Nahihiya? Sa kuya mo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero may halong biro ang mga mata niya. "Akala ko ba close na tayo? Nag-text pa nga ako sa'yo noong nakaraan—ay, wala ka nga palang cellphone. Basta, hinanap kita sa school kanina dahil gusto sana kitang yayain mag-meryenda, ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status