로그인
Dito sa baryo San Lazaro, may paniniwala sila na nagmula pa sa mga yumaong matatanda, na ang manananggal daw ay hindi naman talaga mukhang nakakatakot sa umaga. Sila raw ‘yung mga babaeng may mala-porselanang balat, mahabang buhok na kasing-itim ng gabi, at katawang sobrang sexy. Sa madaling salita, ubod ng ganda. At sa madaling salita ulit, ang babaeng tulad ni Marikit ay isang manananggal.
**** MARIKIT'S POV Malamig ang simoy ng hangin, pero mas malamig ang titig ng mga kapitbahay namin. Nandito kami ngayon ni Inay sa palengke para ibenta kay Mang Kanor ang mga boteng naipon sa bahay. Dapat sana ay mamayang hatinggabi pa pero kailangang-kailangan na kasi namin ng pera. May lagnat ang bunso kong kapatid at kahit isang paracetamol na muna ang maibili namin para sa kaniya. "Marikit, huwag mo na silang nililingon," bulong ni Inay habang hila-hila ako palayo sa kumpol ng mga chismosang kanina pa nagkukrus pagkakita sa amin. "Ang sasama kasi ng tingin nila sa atin. Wala naman tayong ginagawa," reklamo ko. "Hayaan mo na. Mas mabuti nang takot sila sa atin kaysa saktan pa tayo," sagot ni Inay. Tumango na lang ako at hindi na nagreklamo. Kung ako ay tawag nila sa akin ay si Miss Manananggal, si Inay naman ang Reyna ng mga Aswang. Bakit? Simple lang ang basehan nila. Una, hindi kumakain ng luya si Inay. Nagsimula iyon nang may nag-alok sa kanya ng tinola na may maraming luya, tinanggihan iyon ni Inay dahil sa malalang ulcer niya. Pero sa mata ng mga tao dito, ang pag-ayaw sa luya ay katumbas ng pagkakaroon ng mahabang dila at pagnanasa sa dugo. Pangalawa, lumalabas si Inay tuwing hatinggabi. Eh kaya lang naman lumalabas si Inay ng ganoong oras dahil para makapangalakal. Tuwing umaga kasi ay pinagbabato siya ng kung anu-ano ng mga bata. Ang iba naman ay tinatawag siyang tiktik, o ‘di kaya ay sinisigawan ng salot. Para iyon sa seguridad niya kaya mas pinipili niyang sa hatinggabi na mangalakal kung kailan tulog na ang mga tao. Buong buhay ko, iyon na ang nangyayari sa amin ni Inay. Gusto kong sabihin na nasanay ako pero hindi. Kahit gusto kong magalit sa mga tao at sa walang kwenta nilang paniniwala, pinipili ko na lang manahimik at tiisin lahat ng panghuhusga nila. Kaysa naman palayasin nila kaming tatlo. Wala kaming mapupuntahan at walang kakayahang lumipat ng ibang lugar. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat... Kakagaling lang ng bunso kong kapatid kaso si Inay naman ang nagkasakit. Nag-aalburoto na naman kasi ang ulcer niya kaya hindi siya puwedeng mangalakal. "Kaya ko naman po, Nay. Sige na ho. Magpahinga na lang kayo d’yan. Sa malapit na tambakan ng basura na lang ako mangangalakal. Kung may makita akong papalapit na tao, magtatago agad ako o ‘di kaya ay tatakbo pauwi rito," pagpipilit ko habang isinusuot ang luma kong jacket. Ayaw niya talaga akong palabasin sa kadahilanang baka raw saktan ako ng mga tao. Ilang beses na namin ito pinagtatalunan pero ngayon lang ako naglakas-loob na suwayin siya. Wala kaming kakainin bukas kung wala kaming maibenta kay Mang Kanor mamaya. "Huwag, Marikit... mapanganib. Baka kung anong gawin nila sa 'yo," hirap na sabi ni Inay. "Hatinggabi na, Nay. Tulog na ang mga tao. At sino ba ang lalapit sa isang 'manananggal' na tulad ko? Takot lang nila," biro ko. Ayaw man niya pero wala na siyang nagawa nang lumabas na ako ng bahay. Tahimik na kalsada ng San Lazaro ang sumalubong sa akin. Bitbit ang maliit na flashlight na halos pundi na, nagtungo ako sa malapit na tambakan sa tabi ng plasa. Habang naghahalungkat ako sa basura, isang maliwanag na headlight ng motor ang tumama sa akin. Huli na nang sinubukan kong magtago sa giid dahil isang baritono at awtoritibong boses ang nagsalita mula sa likuran ko. "Sino 'yan?" Agad kong pinangtakip sa mukha ko ang dala kong sako saka niyuko ang ulo para hindi ako makilala, kaso… "Marikit?" Nanigas ako. Nakilala niya ako! Diyos ko, nakilala ako! "Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras?" tanong ng kung sinumang lalaki na nasa likuran ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ng sako sa mukha ko at nilingon na ang lalaki. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Si Joaquin Samuel Alonzo. Nakasakay siya sa kaniyang big bike pero agad bumaba sa paglingon ko sa kaniya. “Akala ko kung sino na. Ikaw lang pala!” ani pa niya nang nasa harapan ko na siya. Siya ang nag-iisang anak ng Mayor. Kilala siya sa tawag na Wacky. Gwapo, matalino, at siya ang laging nangunguna sa pagronda para panatilihing ligtas ang baryo laban sa mga masasamang tao. "Na… nangalakal lang," maikli ngunit nauutal kong sagot sabay hila sa sako ko. "Gabi na. Delikado para sa isang babae ang mag-isa rito. Lalo na't..." Tumigil siya, tila nag-iisip ng sasabihin. "Lalo na't ano? Lalo na't baka mamaya ay mahati ang katawan ko at iwan ko rito ang binti ko?" Pagkatapos ko sa sabihin niyan ay inirapan ko siya. "Huwag ka po mag-alala, wala akong planong kumain ng tao ngayon. Busog pa ako." Aalis na sana ako kaso bigla siyang tumawa ng malakas. "Hindi 'yan ang sasabihin ko. Ang sabi ko, delikado dahil baka may mga lasing o masasamang loob sa paligid. At saka, bakit ikaw ang gumagawa nito? Nasaan ang nanay mo?" "Ma… may sakit siya," halos pabulong ko nang sagot dahil bigla akong nahiya. Sandali siyang natahimik kaya yumuko na ako biglang paghingi ng paumanhin. "Pasensya na po sa inasal ko. Sige po, aalis na ako." Patalikod pa lang ako nang hawakan niya bigla ang dala kong sako, dahilan para mapatigil ako. “A-anong… anong gagawin mo? Huhulihin mo ba ko?” kinakabahan ko nang tanong. Pero imbes na sagutin niya ako ay inagaw niya sa akin ang sako sabay lapit sa basurahan. "Alin dito ang kukunin?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa mga nakatambak na sako at plastik. "A-ano?” halos mabulol ako. "Wala kasi akong dalang cash kaya tutulungan na lang kita. Alin ba dito ang bote? Ang lata?" Akmang dadamputin niya ang maruming bote nang harangan ko siya. "S-Sir, huwag na ho! Baka madumihan ka!" Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "Marikit, ayos lang naman sa’kin. Sige na, ituro mo na lang sa’kin ang dapat at hindi dapat na damputin para alam ko." Mariin akong napakagat-labi. “P-pero nakakahiya po… baka may makakita sa’yo at pag-isipan ka pa nila ng… masama.” “Ako nga dapat ang mahiya, e. Si Papa kasi, ayaw pakinggan mga reklamo ko. Oh siya, asan na ba dito ang puwede?” akmang dadampot ulit siya ng bote kaya sinipa ko na iyon para hindi niya mahawakan. Nagulat siya sa ginawa ko pero mayamaya ay natawa na lang. “Ganito na lang, hintayin na lang kita matapos, tapos ihatid na kita sa pagbebentahan mo. Kay Mang Kanor, ‘di ba?” Hilaw na akong napangiti sa kadahilanang hindi ko alam kung paano ayawan ang alok niya. Gusto lang naman niya tumulong pero heto ako’t aayawan na naman siya. “Uh… ano kasi—” “Sige na, pumayag ka na. O baka naman gusto mong gamitin ang mga pakpak mo kaysa magpahatid sa akin?” aniya at humalakhak. Imbes na mainsulto ako sa tanong niya ay natawa na lang ako, pero mahina lang. Halata naman kasing binibiro niya lang ako. “Sige…” nagdadalawamg isip kong sagot. “Sige na ano? Sige na ihahatid kita o sige na gagamitin mo pakpak mo?” At pareho na nga kaming napahalakhak. Iyon ang unang beses na makausap ko siya. Sa buong buhay kong nakatira dito sa lugar kung saan laganap ang panghuhusga, siya lang ang kaisa-isang tao na hindi turing sa akin ay isang manananggal, kundi isang tao. Simula noong araw na iyon, walang araw na hindi ko siya iniisip. At simula rin sa araw na iyon, ang bata kong puso ay sa kaniya lang tumibok—kahit pa halos sampung taon ang tanda niya sa akin Kaso iyon din pala ang una at huli naming pagkikita. Gabi-gabi akong bumalik sa parehong lugar ng basurahan kung saan niya ako naabutan. Halos araw-araw na akong naghintay doon sa kaniya sa parehong oras, umaasang makikita at makakausap ko siya ulit. Pero hindi na siya muli nagronda doon. Hanggang sa narinig ko na lang kay Inay na nag-ibang bansa na pala siya para doon na mag-aaral ng kolehiyo.Alas-nuwebe na ng gabi nang ihatid kaming mga scholar ng puting van pabalik sa school bago kami tuluyang nakauwi sa kani-kaniya naming bahay. Sa buong biyahe, hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Kung kanina ay pasan ko ang mundo, ngayon ay parang lumilipad na ako sa ulap sa sobrang saya. “At… ang ganda mo lalo…” Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang boses ni Joaquin. Hindi ko akalain na pagkatapos ng tatlong taon, iyon ang unang sasabihin niya sa akin. Parang lahat ng pangungutya nina Jace sa school ay biglang nabura ng limang salitang iyon. “Nay! Inay, nandito na po ako!” masigla kong tawag pagpasok ng pinto. Sinalubong ako ni Inay na nag-aayos ng mga plastik na bote sa gilid. “O, Marikit, mukhang maganda ang mood natin, ah? Kumusta ang pagtulong sa Mansion?” Agad akong tumabi kay Inay at kinuwento ang nangyari. Mula sa pagtawag sa akin ni Mayor hanggang sa paglapit ni Joaquin at ang biro nito tungkol sa pakpak ko. Hindi ko rin nakalimutang sabihin ang sinabi ni Mayor
Eksaktong alas-kwatro ay nasa tapat na kami ng gate. Isang puting van ang huminto sa harap namin, at kahit labag sa loob ko, sumakay ako. Tahimik lang ako sa tabi ng bintana habang ang apat kong kasama ay excited na nag-uusap tungkol sa kung anong pagkain ang ihahain bukas. "Sigurado ako, steak ang handa bukas! Mayaman ang mga Alonzo, eh," sabi ni Rico, isa sa mga scholar. "Sana makapagbalot tayo, 'no?" biro naman ni Sarah. Hindi ako nakisali. Ang isip ko ay nasa Mansion na. Pagpasok ng van sa matayog at eleganteng gate ng mga Alonzo, agad namin napansin ang dami ng tao—may mga nagkakabit ng garden lights, may mga nag-aayos ng mahahabang mesa, at meron namang kakapasok pa lang para siguro tumulong din. Pagbaba namin, sinalubong kami ng isang matandang babae na nakasuot ng maayos na uniporme. "Kayo ang mga scholar? Sumunod kayo sa akin." Dinala ang apat sa garden, pero gaya ng utos ni Ms. Reyes, inihiwalay ako. "Dito ka, Marikit. Sa loob ka mag-aayos ng mga kubyertos. Siguraduhin
"Huy, Miss Manananggal! Baka gusto mong bilisan ang paglalakad!" Isang malakas na tawanan ang sumunod sa sigaw na iyon ni Jace, ang kaklase kong babae na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang buhay ko simula nang pumasok ako rito sa San Lazaro National High School. Grade 10 na ako, at sa loob ng dalawang taon na pagiging scholar ni Mayor, hindi man lang nabawasan ang pangungutya nila sa akin. Hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso ako sa paglalakad habang yakap ang mga libro ko. Sanay na ako. Sanay na ako sa pag-uugali nilang ito. Iniisip ko na lang na hindi sila love ni God kaya ganito sila sa akin. Pero ang hindi ko napaghandaan ay ang ingay sa loob ng classroom. Halos lahat ay abala sa iisang topic lang. "Nakita niyo ba 'yung kasama ni Sir Wacky kahapon? Ang ganda, 'di ba? Parang artista!" tili ni Sofia, ang muse ng klase namin. "Balita ko, doon sila nagkakilala sa London. Business partner daw ni Mayor ang tatay nung babae. Bagay na bagay sila, parehas may itsura!"
“Marikit! Marikit, bumalik na ang anak ng Mayor! Si Joaquin, bumalik na!” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang mga sigaw ni Inay mula sa labas. Dali-dali akong lumabas mula sa kusina, bitbit pa ang basang basahan nang salubungan ko siya sa bandang sala namin. “Ano ba'ng nangyari at bakit—" “Kagagaling ko lang sa palengke at sabi ni Mang Kanor ay bumalik na raw si Joaquin! Anak, nandito na siya!" putol niya sa akin na nagpalaglag ng panga ko. “Inay… totoo po ba ‘yan?” "Hindi ako nagbibiro, anak! Bumalik na siya! Baka ikaw ang binalikan!" Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig. Tatlong taon. Tatlong taon ko siyang hindi nakita. Tatlong taon na ang bawat gabi ko ay parang kulang dahil hindi ko na siya nakasalamuha ulit sa basurahang iyon. “Sigurado ho ba kayo, Nay? Baka ho iba ang narinig niyo at—” “Siguradong sigurado ako, anak!” putol na naman niya sa akin. Sakto namang may narinig kaming malalakas na tunog ng mga turutot na sinasabayan ng m
Dito sa baryo San Lazaro, may paniniwala sila na nagmula pa sa mga yumaong matatanda, na ang manananggal daw ay hindi naman talaga mukhang nakakatakot sa umaga. Sila raw ‘yung mga babaeng may mala-porselanang balat, mahabang buhok na kasing-itim ng gabi, at katawang sobrang sexy. Sa madaling salita, ubod ng ganda. At sa madaling salita ulit, ang babaeng tulad ni Marikit ay isang manananggal. **** MARIKIT'S POV Malamig ang simoy ng hangin, pero mas malamig ang titig ng mga kapitbahay namin. Nandito kami ngayon ni Inay sa palengke para ibenta kay Mang Kanor ang mga boteng naipon sa bahay. Dapat sana ay mamayang hatinggabi pa pero kailangang-kailangan na kasi namin ng pera. May lagnat ang bunso kong kapatid at kahit isang paracetamol na muna ang maibili namin para sa kaniya. "Marikit, huwag mo na silang nililingon," bulong ni Inay habang hila-hila ako palayo sa kumpol ng mga chismosang kanina pa nagkukrus pagkakita sa amin. "Ang sasama kasi ng tingin nila sa atin. Wala naman tayon







