Share

Chapter 3

Author: HANIFAH
last update publish date: 2026-05-04 08:42:23

"Huy, Miss Manananggal! Baka gusto mong bilisan ang paglalakad!"

Isang malakas na tawanan ang sumunod sa sigaw na iyon ni Jace, ang kaklase kong babae na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang buhay ko simula nang pumasok ako rito sa San Lazaro National High School.

Grade 10 na ako, at sa loob ng dalawang taon na pagiging scholar ni Mayor, hindi man lang nabawasan ang pangungutya nila sa akin.

Hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso ako sa paglalakad habang yakap ang mga libro ko. Sanay na ako. Sanay na ako sa pag-uugali nilang ito. Iniisip ko na lang na hindi sila love ni God kaya ganito sila sa akin.

Pero ang hindi ko napaghandaan ay ang ingay sa loob ng classroom. Halos lahat ay abala sa iisang topic lang.

"Nakita niyo ba 'yung kasama ni Sir Wacky kahapon? Ang ganda, 'di ba? Parang artista!" tili ni Sofia, ang muse ng klase namin.

"Balita ko, doon sila nagkakilala sa London. Business partner daw ni Mayor ang tatay nung babae. Bagay na bagay sila, parehas may itsura!" dagdag pa ng isa.

Umupo ako sa pinakalikod, sa sulok kung saan walang gustong tumabi sa akin. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat salitang naririnig ko. Hindi na kasi natigil ang usaping iyon kahit nakadalawang subject na kami.

Buong umaga, para akong nakalutang. Wala akong masyadong naintindihan sa mga lecture namin dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang imahe ni Joaquin na inaalalayan ang babaeng iyon sa Hilux. Iyong paraan ng pagtingin niya sa babae, sobrang layo kung paano niya ako tingnan noong gabing tinulungan niya ako sa basurahan.

"Marikit, ayos ka lang? Ang pula-pula kasi ng mata mo. Umiyak ka ba?"

Napatingin ako sa katabi ko. Si Laila, ang tanging kaklase ko na hindi natatakot makipag-usap sa akin. Hindi siya naniniwala sa mga kwento-kwento tungkol sa akin, marahil dahil bago lang din ang pamilya nila rito sa San Lazaro.

"Ayos lang, Laila. Medyo kulang lang sa tulog," pagsisinungaling ko.

"Dahil ba sa pangungutya na naman nila sa'yo sa gate?" mahina niyang tanong. "Nandoon kasi ako kaya narinig ko. Huwag mo na silang pansinin."

Nginitian ko siya. “Ayos lang talaga ako. Salamat."

Pagkatapos ng ikatlong subject, biglang tumunog ang speaker sa hallway.

"Calling all Mayor's Scholars from Grade 10. Please proceed to the Faculty Office immediately. I repeat, all Grade 10 Mayor's Scholars, proceed to the Faculty Office now."

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Ito na 'yun. Alam ko na kung para saan ito. Bawat taon, ang mga scholar ni Mayor ay tinatawag para magbigay ng serbisyo bilang pasasalamat sa libreng matrikula at allowance. At narinig ko kanina kay Jace na magpapa-welcome party ang pamilya Alonzo para sa pagdating ni Joaquin. Tingin ko ay doon kami isasabak.

"O, hayan na. Tawag na ang mga alipin!" parinig ni Jace nang tumayo ako. "Marikit, galingan mo ang paglilingkod ha? Baka mamaya, mahati katawan mo doon."

Muling nagtawanan ang mga kaklase ko. At katulad ng lagi kong ginagawa, hindi ko na lang ito pinansin at agad na akong nagtungo sa labas.

Naglakad ako patungo sa Faculty Office kasama ang apat pang scholar mula sa ibang section. Pagdating namin doon, bumungad sa amin si Ms. Reyes, ang head ng scholarship committee. Seryoso ang mukha nito habang may hawak na listahan.

"Good morning, students," bati niya sa amin. "Alam niyo naman kung bakit kayo naririto. Bilang mga scholar ng ating butihing Mayor, inaasahan namin ang inyong buong suporta para sa gagawing pagtitipon sa Mansion ng mga Alonzo bukas ng gabi."

Napatuwid ako ng tayo, pero ang mga kamay ko ay nanginginig sa gilid ng palda ko. Sabi ko na nga ba.

"Dahil malaki ang inihandang party para sa pagbabalik ni Sir Joaquin, kailangan namin ng extra hands para sa preparasyon. May kutob ang buong staff na hindi lang welcome party ang gaganapin. Baka doon na rin ianunsyo ang magiging kasal nila ng fiancée niya. Mamayang hapon, pagkatapos ng huling klase niyo, diretso kayo sa Mansion. Kayo ang tutulong sa pag-aayos ng garden, paglalatag ng mga lamesa, at pagtulong sa catering staff."

Narinig ko ang mahinang reklamo ng isang kasama ko, pero ako, nanatiling tahimik kahit nagsisimula na naman kumirot ang puso ko.

"And specifically for you, Marikit," tumingin sa akin si Ms. Reyes. "Pinapa-assign ka ni Mayor sa loob ng mansion. Ikaw ang inatasan na tumulong sa pag-aayos ng mga kubyertos at pag-aasikaso sa mga VIP guests dahil ikaw ang pinaka-presentableng tingnan sa inyong lahat."

"Ma'am, bakit po ako?" mahina kong tanong.

"Direct instructions 'yan mula sa opisina ni Mayor. Huwag ka nang magtanong. Isipin mo na lang na ito ang kabayaran para sa dalawang taon na libreng pag-aaral mo," madiing sagot ni Ms. Reyes.

Gusto ko pa sanang umapila kahit wala naman akong karapatan pero sa huli ay tumango ako.

Kung doon nga ako maa-assign, malaki ang posibilidad na magkita kami ni Joaquin kung sakaling ichi-check niya ang takbo ng preparasyon. Ayos na sana sa akin iyon… pero kasi iniisip ko pa lang na kasama niya ang fiancée niya habang nakaangkla sa kaniya ang babae, para na akong hihimatayin sa sakit.

Tatlong taon akong umasa na magkikita kami. At sa tatlong taon na ’yun, lagi kong ini-imagine na ako ang nasa lagay ng babaeng ’yun.

"Oh sha, sige. Pagdating ng alas-kwatro, may susundo sa inyong van sa gate ng school. Huwag kayong mali-late."

Lumabas ako ng Faculty Office na tila pasan ang buong mundo. Ang pangarap kong makita ulit si Joaquin ay parang naging isang bangungot na lang sa akin. Wala naman akong planong mang-agaw kasi kahit lagi kong nai-imagine na magiging kami, alam ko naman na imposible iyon mangyari. Nasasaktan lang ako dahil sinampal na ako ng katotohanan ngayon.

Bumalik ako sa classroom na mas matamlay pa kaysa kanina. Nadagdagan pa iyon dahil silang mag-fiancée na naman ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

Hayy. Ano kaya ang nararamdaman ng fiancée niya ngayon? Masaya? Sobrang saya? Walang mapaglalagyan ang saya?

Isang Joaquin Samuel Alonzo ang mapapangasawa niya. Bukod sa sobrang guwapo, sobrang bait pa, at higit sa lahat… mahal na mahal pa ng mga tao dito. Ang swerte ng babae! Sana ako na lang siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 16

    Simula nang mangyari ang insidente sa opisina ng Principal, literal na wala na talagang nagtangkang mambully sa akin. Siguro ay kumalat na sa buong San Lazaro National High School ang tungkol sa pagpoprotekta sa akin ni Joaquin. Kahit ang mga dating tinitingnan ako na parang dumi sa kalsada, ngayon ay umiiwas na rin ng tingin o kaya naman ay napipilitang ngitian ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway. "Marikit, oh! Sandwich, baka magutom ka sa susunod na subject," abot sa akin ni Jace habang naglalakad kami patungo sa susunod naming subject. "S-salamat, Jace. Pero nakakahiya na, halos araw-araw mo na akong nililibre," sagot ko. "Sus, maliit na bagay! At saka, reward ko rin ito sa sarili ko dahil ako na ang unofficial bodyguard mo kapag wala si Sir Wacky," pagmamalaki niya. Ganito na siya sa akin ngayon. Kung minsan ay naririnig ko pa siyang pinagsasabihan ni Brent sa gilid dahil sa pagiging malapit na namin, pero wala lang iyon sa kaniya. Ang nakakagulat pa, dahil sa pagigin

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 15

    Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong opisina ng Principal. Ang kaniyang boses na seryoso at ang mga mata niya ay tila nag-aapoy sa galit, sapat na para manginig sa takot sina Celeste. Kahit ako ay hindi na rin makatingin nang diretso sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga palad sa balikat ko, indikasyon na matindi na talaga ang galit niya."Sir Joaquin... a-ano po kasi, nagkakabiruan lang naman po ang mga bata," pilit na pagpapakalma ng Principal, pero isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Joaquin. "Nagkakabiruan? Ma'am, look at her hair. Look at her blouse. Biruan pa ba ang sinapit niya? Dati ko nang nababalitaan na lagi siyang binubully pero bakit parang wala pa ring aksyon?" bulyaw ni Joaquin. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong babae na ngayo’y nakayuko na. "Sino sa inyo ang unang humawak sa kaniya?"Walang nakasagot. Pati si Jace ay tila natakot din dahil dahan-dahan siyang napaatras nang kaunti, pero agad din nakabawi at tinuro na si Celes

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 14

    Kinabukasan, maaga na naman ang pagparada ng Hilux ni Joaquin sa tapat ng bahay namin. Pero sa pagkakataong ito, may dala na siyang pang-almusal naming pamilya. Tatlong kape at isang balot ng pandesal. Pero saglit lang siyang nag-stay dahil dadaan daw muna siya sa munisipyo bago ako ihatid. Saktong tapos na kaming mag-almusal nina Inay at bihis na bihis na rin ako nang bumalik din siya. "’Yan na ba ’yung bagong sapatos? Bagay sa'yo," puna niya habang nagmamaneho."Opo, salamat po ulit," tipid kong sagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Hangganan. Ngayon pa lang ay dapat itatak ko na talaga sa utak ko na hanggang kuya lang dapat ang tingin ko sa kaniya at hindi na pwedeng lumampas pa doon.Pagbaba ko sa school, hindi na ako nagulat nang nasa amin ang mga tingin ng estudyante. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis nang nagtungo sa room ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ni Celeste sa mismong bukana ng room namin. Kasama niya ang dalawa niyang mga al

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 13

    Parang gusto ko na lang talaga maging totoong manananggal sa oras na ito para lang makalipad ako palayo at maglaho sa paningin ng lahat. Maganda kong kapatid? Nakakahiya! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Hala, Marikit! Kapatid ka pala talaga ni Sir Wacky?" hindi makapaniwalang tanong ng isa kong kaklase na kanina pa nakatayo sa tabi ko. "A-ah... h-hindi... k-kapatid-kapatiran lang," halos pabulong kong sagot bago ako napilitang humakbang palabas ng room. Sinalubong ako ni Jace sa may pinto at tinapik ang balikat ko. "O, kapatid pala turing sa'yo, e. Huwag mong kakalimutan 'yung sa assistant ha? Una na ako, best friend!" Hindi ko na siya nasagot dahil diretso na ang tingin sa akin ni Joaquin. Naglakad ako pababa ng hagdan habang nakayuko, ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw sa bawat corridor ng building. "Bakit hindi ka agad lumabas? Akala ko tuloy kanina tinakbuhan mo na naman ako,” bungad ni Joaquin nang makalapit ako

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 12

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ’yung kindat ni Joaquin at ’yung pangako niyang susunduin niya ako. Kaya naman alas-singko pa lang ng umaga ay nag-ayos na ako. Sinigurado kong maayos na maayos ang pagkakasuot ko ng uniform para naman presentable ako tingnan mamaya sa harap niya. Eksaktong alas-sais y medya nang marinig ko ang busina sa labas. "Marikit! Nandiyan na ata si Sir Joaquin!" sigaw ni Inay mula sa kusina. Mabilis kong kinuha ang luma kong bag na nakuha pala ni Inay kagabi sa school (pinaalam niya raw sa guard na nakalimutan ko ito). Paglabas ko, nakaparada na sa tapat ang itim na Hilux ni Joaquin. Nakasandal siya sa pinto n'un, suot ang isang simpleng puting t-shirt na lalong nagpalitaw ng kaniyang kakisigan. "Good morning," bati niya sabay bukas ng pinto sa passenger seat. "Ready for school?" "G-good morning din po. Nakakahiya po talaga pero maraming salamat. Sana po ay ayos lang sa'yo na pinagtitinginan na tayo ng mga kapitba

  • Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)   Chapter 11

    Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto ng kuwarto ko, hindi alam kung saan itatago ang mga kamay ko. Nakakahiya. Nandito na nga siya sa pinagtagpi-tagpi naming dampa. At totoo ito. Totoong nandito na nga siya! "Pasensya na kayo, Sir... medyo magulo ang bahay namin," nahihiyang sabi ni Inay at pasimpleng inilipat ang lagi niyang dala sa pangangalakal na sako sa isang tabi. "Naku, wala po 'yun. Joaquin na lang po, huwag na pong Sir," nakangiting sagot ni Joaquin bago ibalik sa akin ang tingin. "At ikaw, Marikit. Bakit mo ako tinakbuhan kanina? Hinabol talaga kita pero ang bilis mo masyado. Muntik pa nga akong madapa kaya tumigil na ako." "E... k-kasi po... nahihiya po ako," mahina kong sagot at nakayuko na. "Nahihiya? Sa kuya mo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero may halong biro ang mga mata niya. "Akala ko ba close na tayo? Nag-text pa nga ako sa'yo noong nakaraan—ay, wala ka nga palang cellphone. Basta, hinanap kita sa school kanina dahil gusto sana kitang yayain mag-meryenda, ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status