로그인Eksaktong alas-kwatro ay nasa tapat na kami ng gate. Isang puting van ang huminto sa harap namin, at kahit labag sa loob ko, sumakay ako. Tahimik lang ako sa tabi ng bintana habang ang apat kong kasama ay excited na nag-uusap tungkol sa kung anong pagkain ang ihahain bukas.
"Sigurado ako, steak ang handa bukas! Mayaman ang mga Alonzo, eh," sabi ni Rico, isa sa mga scholar. "Sana makapagbalot tayo, 'no?" biro naman ni Sarah. Hindi ako nakisali. Ang isip ko ay nasa Mansion na. Pagpasok ng van sa matayog at eleganteng gate ng mga Alonzo, agad namin napansin ang dami ng tao—may mga nagkakabit ng garden lights, may mga nag-aayos ng mahahabang mesa, at meron namang kakapasok pa lang para siguro tumulong din. Pagbaba namin, sinalubong kami ng isang matandang babae na nakasuot ng maayos na uniporme. "Kayo ang mga scholar? Sumunod kayo sa akin." Dinala ang apat sa garden, pero gaya ng utos ni Ms. Reyes, inihiwalay ako. "Dito ka, Marikit. Sa loob ka mag-aayos ng mga kubyertos. Siguraduhin mong walang bahid ng daliri ang mga kutsara at tinidor, maliwanag?" "Opo," maikli kong sagot. Dinala ako sa isang malawak na dining area. Nagsimula akong magpunas ng mga silverwares. Focus lang ako sa ginagawa ko, sinusubukang huwag isipin na nasa iisang bubong lang kami ni Joaquin, nang biglang mabasag ang katahimikan dahil sa isang malakas na kalabog mula sa ikalawang palapag. "I told you, Lauren! Stop making excuses!" Napatigil ako. Boses ni Joaquin 'yun. Pero hindi ito ang natatandaan kong malumanay niyang boses . Galit siya. Galit na galit. "Oh my God, Wacky! Can you please lower your voice? You’re being so dramatic!" sagot ng isang babae, marahil ang fiancée niya. Dahan-dahang lumabas ang ibang mga maids mula sa kusina, maging ang mga kasamahan kong scholar na nasa malapit ay napasilip sa grand staircase. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at bahagya akong lumapit sa ilalim ng hagdanan at dito ay natanaw ko sila sa veranda ng second floor. "Dramatic? I saw the notifications, Lauren! Why are you still texting him? Why is your ex-boyfriend still calling you at 2:00 AM?" bulyaw ni Joaquin. "He's just a friend, okay? We grew up together in London! It’s not like I'm cheating on you!" singhal ni Lauren. Nakita ko ang hitsura niya. Ubod nga siya ng ganda kahit galit, pero matalim siyang nakatingin sa galit pa rin na mukha ni Joaquin. "A friend? After everything my family has done for our engagement? You're still hooked on that guy!" "You’re just overreacting! This is exactly why I hate staying in this boring province! Everyone is so sensitive!" Naglakad palayo si Lauren at padabog na isinara ang pinto ng isang kwarto. Naiwan si Joaquin na nakahawak sa kaniyang sentido, bakas ang matinding inis sa mukha. Huminga siya nang malalim bago mabilis na bumaba ng hagdan. Nagpulasan ang mga maids at scholars pabalik sa kani-kanilang trabaho. Ako naman ay agad na yumuko at kinuha ang basahan, kunwari ay abalang-abala sa pagpupunas ng isang flower vase sa gilid. Palapit na ang mga yabag niya dahil ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya. Halos hindi ako huminga nang dumaan na siya sa mismong likuran ko. "Badtrip," rinig ko pang bulong niya. Pero bago pa siya makalampas nang tuluyan, isang baritono at awtoritanyong boses ang umalingawngaw mula sa main entrance. "Joaquin, son. Calm down. Dinig na dinig sa labas ang sigawan niyo.” Si Mayor. Ang ama ni Joaquin. Nasulyapan ko ang agad na pagtigil ni Joaquin at lumingon sa kaniyang ama. "I'm fine, Dad," maikling sagot niya, kahit halatang hindi siya okay. Napunta ang tingin ni Mayor sa akin. Lumakad siya palapit, kaya natigil ako sa ginagawa at napaayos na ako ng tayo. "And who is this lovely young lady?" tanong ni Mayor. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha na para bang may kung anong nakita siya sa akin na hindi ko mawari. "Scholar niyo siguro, Dad. Tutulong sa party," sagot ni Joaquin, hindi man lang ako tinitingnan nang diretso. Lumapit pa si Mayor sa akin. "Wait... what's your name, hija?" "M-Marikit po, Mayor," halos pabulong kong sagot habang nakayuko. Napatigil si Mayor. "Marikit?" Hinawakan niya ang balikat ko, sapat lang para mapatingin ako sa kaniya. "You must be Marikit. Ang tagal kitang gustong makilala. You really look like your mother, hija. Sobrang ganda niyo talagang dalawa." Nanlaki ang mga mata ko. Teka, si Inay? Dahil sa sinabi ng ama, biglang napalingon nang mabilis si Joaquin sa akin. Sa pagkakataong ito ay nanigas na ako sa kinatatayuan nang lumapit siya sa akin at mariing tumitig sa mukha ko nang matagal. Ang kaninang galit sa mukha niya ay napalitan ng gulat at pagkalito. "Marikit?" pag-uulit niya, sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko. "You mean... Marikit na..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya. Siguro ay naalala niya ay 'yung batang dugyot at amoy-basura na tinulungan niya noon. Kung hindi iyon ay ang bansag sa akin na Miss Manananggal. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili ko pa ring maging pormal. "Magandang hapon po, Sir Joaquin," bati ko sa kaniya. Isang malapad na ngiti ang biglang gumuhit sa labi niya. Nakalimutan niya yata bigla na kakagaling lang niya sa pakikipag-away kay Lauren. "Whoa. Marikit, ikaw nga!" bulalas niya, at sa pagkakataong ito, tila narinig ko ang natatandaan kong boses niya, malayo sa kaninang galit niyang boses. "Dalagang-dalaga ka na, ah! At… ang ganda mo lalo…” Pakiramdam ko ay nabingi ako sa huli niyang sinabi… o baka totoong nabingi lang ako? "Po?” hindi ko na naitago ang gulat sa boses ko. "Ah…" marahan siyang tumawa. “Sabi ko, ang ganda mo lalo. Namayagpag na ang maliit mong pakpak noon,” biro niya pagkatapos ay tumawa na nang malakas. Ako nama'y natameme na, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ganitong ganito siya noon… palabiro.Alas-nuwebe na ng gabi nang ihatid kaming mga scholar ng puting van pabalik sa school bago kami tuluyang nakauwi sa kani-kaniya naming bahay. Sa buong biyahe, hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Kung kanina ay pasan ko ang mundo, ngayon ay parang lumilipad na ako sa ulap sa sobrang saya. “At… ang ganda mo lalo…” Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang boses ni Joaquin. Hindi ko akalain na pagkatapos ng tatlong taon, iyon ang unang sasabihin niya sa akin. Parang lahat ng pangungutya nina Jace sa school ay biglang nabura ng limang salitang iyon. “Nay! Inay, nandito na po ako!” masigla kong tawag pagpasok ng pinto. Sinalubong ako ni Inay na nag-aayos ng mga plastik na bote sa gilid. “O, Marikit, mukhang maganda ang mood natin, ah? Kumusta ang pagtulong sa Mansion?” Agad akong tumabi kay Inay at kinuwento ang nangyari. Mula sa pagtawag sa akin ni Mayor hanggang sa paglapit ni Joaquin at ang biro nito tungkol sa pakpak ko. Hindi ko rin nakalimutang sabihin ang sinabi ni Mayor
Eksaktong alas-kwatro ay nasa tapat na kami ng gate. Isang puting van ang huminto sa harap namin, at kahit labag sa loob ko, sumakay ako. Tahimik lang ako sa tabi ng bintana habang ang apat kong kasama ay excited na nag-uusap tungkol sa kung anong pagkain ang ihahain bukas. "Sigurado ako, steak ang handa bukas! Mayaman ang mga Alonzo, eh," sabi ni Rico, isa sa mga scholar. "Sana makapagbalot tayo, 'no?" biro naman ni Sarah. Hindi ako nakisali. Ang isip ko ay nasa Mansion na. Pagpasok ng van sa matayog at eleganteng gate ng mga Alonzo, agad namin napansin ang dami ng tao—may mga nagkakabit ng garden lights, may mga nag-aayos ng mahahabang mesa, at meron namang kakapasok pa lang para siguro tumulong din. Pagbaba namin, sinalubong kami ng isang matandang babae na nakasuot ng maayos na uniporme. "Kayo ang mga scholar? Sumunod kayo sa akin." Dinala ang apat sa garden, pero gaya ng utos ni Ms. Reyes, inihiwalay ako. "Dito ka, Marikit. Sa loob ka mag-aayos ng mga kubyertos. Siguraduhin
"Huy, Miss Manananggal! Baka gusto mong bilisan ang paglalakad!" Isang malakas na tawanan ang sumunod sa sigaw na iyon ni Jace, ang kaklase kong babae na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang buhay ko simula nang pumasok ako rito sa San Lazaro National High School. Grade 10 na ako, at sa loob ng dalawang taon na pagiging scholar ni Mayor, hindi man lang nabawasan ang pangungutya nila sa akin. Hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso ako sa paglalakad habang yakap ang mga libro ko. Sanay na ako. Sanay na ako sa pag-uugali nilang ito. Iniisip ko na lang na hindi sila love ni God kaya ganito sila sa akin. Pero ang hindi ko napaghandaan ay ang ingay sa loob ng classroom. Halos lahat ay abala sa iisang topic lang. "Nakita niyo ba 'yung kasama ni Sir Wacky kahapon? Ang ganda, 'di ba? Parang artista!" tili ni Sofia, ang muse ng klase namin. "Balita ko, doon sila nagkakilala sa London. Business partner daw ni Mayor ang tatay nung babae. Bagay na bagay sila, parehas may itsura!"
“Marikit! Marikit, bumalik na ang anak ng Mayor! Si Joaquin, bumalik na!” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang mga sigaw ni Inay mula sa labas. Dali-dali akong lumabas mula sa kusina, bitbit pa ang basang basahan nang salubungan ko siya sa bandang sala namin. “Ano ba'ng nangyari at bakit—" “Kagagaling ko lang sa palengke at sabi ni Mang Kanor ay bumalik na raw si Joaquin! Anak, nandito na siya!" putol niya sa akin na nagpalaglag ng panga ko. “Inay… totoo po ba ‘yan?” "Hindi ako nagbibiro, anak! Bumalik na siya! Baka ikaw ang binalikan!" Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig. Tatlong taon. Tatlong taon ko siyang hindi nakita. Tatlong taon na ang bawat gabi ko ay parang kulang dahil hindi ko na siya nakasalamuha ulit sa basurahang iyon. “Sigurado ho ba kayo, Nay? Baka ho iba ang narinig niyo at—” “Siguradong sigurado ako, anak!” putol na naman niya sa akin. Sakto namang may narinig kaming malalakas na tunog ng mga turutot na sinasabayan ng m
Dito sa baryo San Lazaro, may paniniwala sila na nagmula pa sa mga yumaong matatanda, na ang manananggal daw ay hindi naman talaga mukhang nakakatakot sa umaga. Sila raw ‘yung mga babaeng may mala-porselanang balat, mahabang buhok na kasing-itim ng gabi, at katawang sobrang sexy. Sa madaling salita, ubod ng ganda. At sa madaling salita ulit, ang babaeng tulad ni Marikit ay isang manananggal. **** MARIKIT'S POV Malamig ang simoy ng hangin, pero mas malamig ang titig ng mga kapitbahay namin. Nandito kami ngayon ni Inay sa palengke para ibenta kay Mang Kanor ang mga boteng naipon sa bahay. Dapat sana ay mamayang hatinggabi pa pero kailangang-kailangan na kasi namin ng pera. May lagnat ang bunso kong kapatid at kahit isang paracetamol na muna ang maibili namin para sa kaniya. "Marikit, huwag mo na silang nililingon," bulong ni Inay habang hila-hila ako palayo sa kumpol ng mga chismosang kanina pa nagkukrus pagkakita sa amin. "Ang sasama kasi ng tingin nila sa atin. Wala naman tayon







