KALALABAS PA LANG namin ng airport pero mukhang kabado na agad si Roma. Ako rin naman, e.
A week after that video call and preparing everything we needed, we flew back here in the Philippines. Gusto sana kaming samahan ni Tita Korina pero kailangan siya ni Sydney ngayon dahil nagkalabuan na naman ito at ang asawa at nababahala si tita sapagkat iyong mga bata ang naiipit. She was currently helping them to settle their issues.
She offered to bring with us Ate Lotlot to chaperone us, but I politely declined. I explained to tita that my parents would not like that idea. Iba kasi sila mag-isip. Kapag nagdala kami ng kasama ay sigurado akong gagamitin nina tatay iyon laban sa amin. They would surely argue that we shouldn't have kids in the first place if we will just let someone else take care of them. They will assess our reasons and motivation if they align with our actions. They like it more when it's personal.
I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡
TAHIMIK KAMING LAHAT sa hapag nang maghapunan. Ramdam at pansin ko ring kabado si Roma sa tabi ko habang kumakain kami. Nauna nang kumain sa amin ang mga bata kaya kaming mga matatanda na lamang ang naiwan. “Roma, kumain ka pa, anak. Marami itong niluto kong adobo. Nasabi kasi ni Julie na paborito mo raw ito,” pagbasag ni nanay sa katahimikan sabay abot kay Roma ng mangkok no'n. “Thank you po, tita,” Roma politely replied and got it from her. Si tatay naman ay kanina pa walang imik kahit na noong pagdala at pagpasok niya sa kwarto namin nang dating kuna ni Gino nang matapos niya itong kumpunihin para sa kambal. Sobrang bigat ng tensyon sa dining area lalo na dahil ang laking tao ni tatay at halatang-halatang iyong pinipigilan niyang emosyon. Inabot ko ang mangkok ng pinakbet at inilapit iyon kay tatay. “Tay, paborito niyo po ‘to, ‘di ba? Ako po nagluto niyan.”
NAGING MAGANDA ANG tulog at gising ko pagkatapos kong maibahagi sa pamilya ko ang mga kinikimkim ko at mapag-usapan namin ang mga iyon. I'm happier, more positive, and relieved now. I can really start anew now without sad thoughts, silent cries, and an unmended broken heart. Pakiramdam ko ay naging malaya ako at talagang tunay na masaya. Hindi na rin pinilit pa ni tatay ang kasal namin ni Roma. He understood my stand and respected Roma's decision as well. Katunayan ay nasa tabi ko ang ama ng mga anak ko at sitting pretty sa may patio dining table namin habang humihigop ng kape niya. Hindi na siya takot at kabado, hindi gaya no'ng unang pagdating namin dito. Si tatay ang nagbubuhat kay Maki habang pinapaarawan ito samantalang na kay nanay naman si Mari. Kasama rin nila ang mga pamangkin ko. Sina Jillian at Ate Julia naman ay nasa kusina at naghahanda pa ng almusal namin. I wanted to help pero sabi nila a
WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under eighteen years old. Reader discretion is advised. Please heed my warning. TUMATAKBO ANG BISIKLETANG sinasakyan namin ni Roma sa kahabaan ng daan pauwi sa amin nang biglang kumulog nang malakas at kumidlat. Hindi nagtagal ay umambon na rin. “Bish, it's raining!” “Oo, saglit lang. Malapit na tayo sa waiting shed,” sabi ko sa kanya. Mas binilisan ko pa ang pagpepedal hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na pasilungan — ang waiting shed. Tiyempong pagbuhos ng ulan ay nakapasok na kami sa loob. Mabuti na lang talaga at may ilaw din doon na mula sa isang bumbilya kaya hindi kami mangangapa na dalawa sa dilim. “Nabasa ka ba?” nag-aalalang tanong ko kay Roma. Iyong buhok niya ay basa niya kaya sinuklay niya iyon papunta sa likod gamit ang mahahaba
WALA NA SI Roma sa tabi ko pagkagising ko. I was already wearing an oversized plain shirt also. Wala pa rin akong pang-ibaba, but my thighs were fully and carefully covered with the duvet. Natitiyak kong si Roma ang may gawa nito. Marahil ay nag-aalala siyang baka mahuli kami ng pamilya ko sa naging ayos namin kagabi kaya binihisan na niya ako habang tulog pa ako saka kinumutan nang maayos. Pansin kong wala na rin ang kambal sa kuna nila kaya tumayo na ako at lumapit sa may kabinet para kumuha ng salawal at ekstrang pajama. Sinuklay ko rin saglit ang magulong buhok ko gamit ang mga daliri ko. Pagkatapos ay niligpit at inayos ko muna ang kama namin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Gising na ako pero lumilipad pa rin iyong isip ko sa nangyari sa amin ni Roma kagabi. We had sex before but that was part of the setup we agreed on. Ang nangyari sa amin kahapon ay labas doon at lalo nang walang kinalaman doon. Sabik na sabi
IT'S BEEN WEEKS since we returned overseas and left Philippines. Halos seven months na rin ang kambal. In fact, they can now crawl and roll, sit on their own, and reach and clasp objects using their hands. Mari was laughing cutely as she speedily crawled towards me because Roma was playfully chasing her. Nasa may baby floor mat kaming apat at naglalaro. It was our play time. It was weekend, and Roma would usually spend it with the twins. The lying Maki beside me rolled before crawling, too. Nagkabanggaan tuloy sila ni Mari kaya kaagad namin silang pinaghiwalay ni Roma bago sila magkasabay na umiyak dahil sa naging impact nang banggaan nila. “Hush now, sweetie. It was an accident. Hindi sinasadya ng brother mo ‘yon. Tahan na, okay,” alu ni Roma kay Mari. Pagbaling ko naman kay Maki ay natigil na siya sa kaiiyak at nginitian ako saka sinampulan pa nang napaka-cute niyang tawa at pam-baby
MAAGA AKONG PUMUNTA sa kompanya ni Roma upang kausapin si Prince. Nagpaalam ako kay Tita Korina na pupunta muna rito pagdating niya sa tiny house kanina para sa kanyang daily visit sa kambal. Ang problema ko nga lang ay kay Roma naman ako hindi nagpaalam sa gagawin. Kakausapin ko na lang siya mamaya pagkatapos kong malaman ang totoong nangyari kagabi mula kay Prince. Gusto kong gumawa ng paraan para magkaayos silang dalawa. Bumagal ang lakad ni Prince nang mabungaran niya akong naghihintay sa labas ng department nila. I smiled at him. Seryoso lang siya hanggang sa napagdesisyunan niyang lumiko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Mas pinili niyang hindi ako pansinin. “Prince, can I have a minute with you?” tanong ko sa kanya habang sinusundan at bahagyang hinahabol siya. “What do you still want from me, Julie?” mahina man ay madiing tanong niya nang hindi pa rin ako binabalingan. “Gusto
ROMA AND I both promised that we will not keep our individual troubles, problems, and plans from each other so that we can really work as a team. We both saw that as means to function as parents and partners in raising the twins and in building our modern unconventional family. This was why he disclosed to me that Prince was resigning from his company. Napahinto ako sa paghihiwa ng bawang dahil sa sinabi niya at gulat na agad namang napakunot-noo sa pagkabahala paglingon ko sa kanya. He was playing with the twins at our small living room. “Really? I mean, why would he resign?” Napabuntong-hininga naman siya bago nagkwento. “He said it's for the best. Mas madali raw naming matatanggap ang nangyari kapag malayo na kami sa isa't isa gaya nang dati.” “And you're fine with that?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. “That's life, Julie. You take the blow and move on. Sig
Ciao, everyone! (◍•ᴗ•◍)♡ Allow me to take this opportunity to extend my heartfelt gratitude to all of you for reading and supporting this story. In all honesty, this was my first try on romance genre because I am actually more on speculative fiction (fantasy, supernatural, and sci-fi). Just like how I always craft my stories, I also want this to become informative, and I really do hope that you have learned something from Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2). It was always my dream and goal to write something under Queer Theory since the day I stumbled upon it in one of my Filipino Literature subjects in college (and Gender and Society as well). I want to prove that writing about the LGBTQ+ Community is not only limited to boy's love and girl's love because it actually encompasses a lot. It can tackle about one's gender and sexuality crisis, a tale of a modern family, and the struggles that come along with it. I felt like there's so much we still have not talked about sex