Share

CHAPTER FIFTEEN

HAPON na ng maisipan kong umahon at tumigil sa pagbababad sa sapa. Masayang-masaya akong makitang nag-eenjoy si Angelo kasama ni Jolo na naghaharutan sa tubig. 

"Oh aba'y bakit umahon kana apo? Ayaw mo na ba maligo?" agad akong napalingon nang marinig ang boses ni nanay Leoning. Tipid akong napangiti at mabilis na naglakad patungo rito. 

"Ayoko na po, medyo nilalamig na din po kasi ako 'nay. At saka nagugutom po ako ulit. Kakain na po muna ako," sagot ko at agad nang nagpunta sa mesa 'di kalayuan. Binuksan ko ang nakatakip na pansit at kumuha ng kaunti doon at nilagay sa plato ko. 

Kumakain na ako nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at mukha ni nanay Leoning ang nakita ko. Agad ko siyang nginitian at inalok ng pagkain ngunit tinanggihan niya lamang ito. 

"Shella?" 

Kahit may laman ang bibig ay nilingon ko si nanay Leoning at tinanong. "Bakit po 'nay Leoning?" 

"Mukhang masaya naman si Jolo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status