MasukChapter 32Sydney’s POVMasaya akong pinagmamasdan ang mga bata habang nagkukulitan sila. Para silang mga ibong matagal na nakulong sa hawla at ngayon ay malayang nakakalipad. Walang iniisip na problema, walang iniindang responsibilidad. Ang mahalaga lamang sa kanila ay ang kasalukuyang sandali—ang tawanan, ang laro, at ang mga taong kasama nila.Nakaupo kaming lahat sa sala habang nagkukuwentuhan. Ang mga bata naman ay paikot-ikot sa amin, minsan nakikisali sa usapan, minsan nagbibiruan sa isa’t isa. Nakakatuwang panoorin kung gaano sila kakomportable sa mga nakatatanda. Walang takot, walang alinlangan. Malaya nilang nasasabi ang gusto nilang sabihin.“Ninong, dito na ba talaga kami titira?” tanong ng isa sa mga bata habang nakatingala kay Brandon.Tumango lamang si Brandon at ngumiti.“Oo. Dito na muna kayo. At bukas, papasok na kayo sa eskwelahan. Magpakabait kayo doon ha?”“Opo!” sabay-sabay nilang sagot.Napangiti ako. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ni Brandon
Chapter 31Sydney’s POVNapatingin ako sa bintana nang makarinig ako ng masayang tawanan ng mga bata.Noong una ay hindi ko iyon pinansin. Akala ko ay mga batang naglalaro lamang sa kabilang kalye. Ngunit habang tumatagal, lalo kong naririnig ang kanilang hagikhikan at masasayang sigawan.Parang nakakahawa ang saya nila.Kaya naman lumapit ako sa bintana at sumilip.Tatlong bata ang nakita ko.Isang batang lalaki na mukhang siyam o sampung taong gulang at dalawang mas maliliit na bata na marahil ay nasa anim o pitong taong gulang lamang.Naghahabulan sila sa tapat ng bahay ni Brandon.Pawisan.Magugulo ang buhok.Pero walang bahid ng problema sa kanilang mga mukha.Tawang-tawa sila habang tumatakbo.Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.Nakakainggit silang panoorin.Napakasimple ng kaligayahan nila.Maya-maya ay may tumawag sa kanila.“Hoy, dahan-dahan!”Napalingon ako sa direksyon ng boses.At doon ko siya nakita.Isang babae.Halos kasing-edad ko lamang.Simple ang kasuotan niya.
Chapter 30Brandon’s POV“Sasama ka na rin doon, Ana.”“Sige. Pero paano kaya ang mga bata?”“Papatulungan kita. May nakita akong malapit na elementary school doon.”“Sige, ikaw ang bahala.”Napangiti si Ana habang tumatango. Kita ko sa mga mata niya ang halong pananabik at pag-aalala bilang isang ina. Hindi naman biro ang ilipat ang buong pamilya sa ibang lugar, lalo na kung nasanay na sila sa buhay sa Maynila.Pero para sa akin, ito ang pinakamagandang desisyon.Mas nagustuhan ko na kasi sa Antipolo. Sariwa ang hangin, mas tahimik, at higit sa lahat, malapit ito kina Sydney. Isa pa, madalas nang hindi nakakauwi si Allan sa bahay dahil sa dami ng ipinagagawa ko sa kanya sa kumpanya. Halos sa opisina na siya natutulog kung minsan.Naaawa rin ako kay Ana.Kahit gaano kaganda ang mansyon ko sa Maynila, wala pa ring saysay iyon kung mag-isa niyang hinaharap ang bawat araw habang wala ang asawa niya.Maayos naman ang kalagayan nila doon. Hindi sila nagkukulang sa anumang bagay. Pero iba p
Chapter 29Sydney's POV“So how was your exam, Mayee?”“Okay lang po, mukhang pasado naman,” natatawang sinabi niya sa akin habang naglalagay ng mga pinggan sa mesa.“Talaga? Mukhang pasado naman?”“Opo. Kung hindi pasado, kasalanan na ng examiner iyon.”Napatawa ako.“Aba, may confidence.”“Hindi po confidence, Ate. Dasal po.”“Magkaiba ba iyon?”“Kapag exam po, hindi.”Pareho kaming natawa.“Ah, Mayee,” bigla kong naalala. “I met Brandon's assistant, Allan. Do you know him?”“Si Allan po?”“Oo. Sabi niya, nakatira raw siya diyan sa tapat.”“Pero hindi ko pa siya nakita before.”Napaisip siya sandali.“Ah, si Allan po iyong medyo negrito at mukhang nasunog sa araw?”Napatawa ako.“Oo, siya nga.”“Nakilala mo na ba siya dati?” tanong ko.“Ah, ano po… parang nakita ko na siyang kausap ni Sir Brandon. Narinig ko rin iyong pangalan niya.”“He looks familiar kasi eh. I thought I met him somewhere.”“Saan naman Ate?”“I don't know. Pero parang I know him.”“Naku, Ate,” natatawang sabi ni M
Chapter 28Sydney’s POVKaraniwan nang nagkikita kami ni Brandon sa labas ng bahay namin. Minsan habang nagjo-jogging ako sa umaga, minsan naman kapag naglalakad ako sa hapon para magpahangin. May mga pagkakataon ding nagtatagpo kami sa tapat ng gate habang paalis siya papunta sa opisina.Hindi ko alam kung bakit, pero sa bawat pagkikita namin ay tila may kung anong unti-unting nagbabago sa loob ko.Parang mas nagiging magaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.Mas madali akong ngumiti.Mas madali akong huminga.At higit sa lahat, mas madali kong nakakalimutan na may malaking bahagi ng buhay ko ang hindi ko pa rin maalala.Pero kahit ganoon, maingat pa rin ako.Sobra.Takot pa rin akong magtiwala nang lubusan.Takot akong magpapasok ng panibagong tao sa buhay ko dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag bumalik na ang mga alaala ko.Paano kung magbago ang lahat?Paano kung may mga bagay akong malaman na sisira sa katahimikang unti-unti kong binubuo?Kaya kahit gusto kong
Chapter 27Sydney’s POVNagdesisyon na akong bumalik nang regular sa opisina.Sa nakalipas na mga buwan, marami nang nangyari sa kumpanya. Lumaki ang operasyon, dumami ang projects, at higit sa lahat, may mga bagong investors na pumasok.Masaya ako dahil senyales iyon na nagtitiwala sila sa direksyon ng kumpanya.Ngunit kasabay ng paglaki ay ang mas malaking responsibilidad.Kailangan kong masiguro na maayos ang lahat.Lalo na ngayong hindi na lamang pangalan ko ang nakataya kundi pati ang pera at tiwala ng ibang tao.Humiling din ang ilan sa mga investors ng sarili nilang executive rooms para sa kanilang meetings at monitoring.Mabilis kong ipinarenovate ang ilang bakanteng opisina.Bagong pintura.Bagong kagamitan.Mas maayos na security system.Sa loob lamang ng ilang linggo ay halos parang bagong kumpanya ang buong floor.At ngayon, oras na para personal kong bantayan ang lahat.“Halika na Mayee, aalis na tayo.”“Sige Ate. Kukunin ko lang uniform ko.”“Okay. Just hurry up.”Narini
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lum
Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kon
Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang
Chapter 1:Sydney Panganiban POVNagsaayos ako ng isang malaking party. Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin. Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakaka







