FAZER LOGINVIENNA SOILE ZARIAH Masakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa sipa ni Tito kanina. Masakit din ang pisngi ko dahil sa mga sampal ni Tita. Pero mas masakit pa rin iyong katotohanang wala na ang ipon ko. Kaya ko pa sigurong tanggapin at tiisin ang sakit ng katawan ko. Kaysa sa paulit-ulit na maisip na wala na ang perang pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan. “Hoy…” mabilis kong inangat ang aking tingin pagkarinig ko ng boses ni Mira. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya. "Kung malapit lang talaga dito ang bahay ng tiyahin mo, naku...baka pagbubusalan ko sila ng bibig. Lalo na iyong pinsan mo na mabaho ang kili-kili, pero feeling maganda pa rin," nanggigigil niyang sambit. Maya-maya pa ay inilapat niya sa pisnge ko ang isang telang bumabalot sa yelo. Nang maramdaman ko iyon sa pisnge ko ay napaigik ako sa sakit. "Pati 'yong tatay mo. Kahit kailan walang ginawang tama. Bakit pa k
ELIEZER LAURENT ZARAGOSAI had barely stepped inside my house when one of my men approached me. He was standing near the living room, his expression unusually serious.Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.“Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?” tanong ko sabay umupo sa single sofa.He straightened.“Sir…”I stopped walking.“What is it, Milo?" He hesitated for a second before finally speaking.“Umalis po si Ma’am Soile sa bahay ng tiyahin at tiyuhin niya." I froze.My eyebrows immediately furrowed.“She left?”I repeated the words as if I needed to make sure that I had heard him correctly.“Yes, Sir. In exact words—naglayas po siya. Nakita ko siyang may dala-dalang malaking bagahe." My jaw tightened.“When?”“Two hours ago, Sir." Aniya."Dalawang oras na pala, pero hindi mo sinabi kaagad sa 'kin?" seryoso kong saad at muli siyang napalunok."I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo agad nabalitaan dahil nasa meeting pa po kayo. At inaalam ko rin po muna kung ano ang eksaktong n
VIENNA SOILE ZARIAH“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi.”Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak. “Umalis ka nga sa harapan ko!!!" Hinila ko pa rin ang alkansya.“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”“Ang kulit mo!”Bigla akong itinulak ni Tito.Napaatras ako. Pero bago pa man ako tuluyang makabawi, naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tagiliran ko.“Ahh!”Napasinghap ako.Agad kong napahawak ang magkabilang kamay ko sa tiyan ko nang bumagsak ako sa sahig.Nanlalabo ang paningin ko. Para bang biglang nawala ang lakas sa buong katawan ko.Napakuyom ako habang pilit na humihinga.“Gusto mo pang kunin?”Narinig ko ang boses ni Tita Marites.Pero hindi ko na siya matingnan.Nakakapit lang ako sa tiyan ko habang naka
VIENNA SOILE ZARIAH'S POV Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko lang sanang dumiretso sa kwarto. Pagod na ako. Mentally. Emotionally. Physically. At higit sa lahat, gusto ko munang mapag-isa. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Dahil pagpasok ko pa lang sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Tita Marites. “Finally.” Napahinto ako. Nasa sala siya kasama sina Clarisse at Carlo. Pareho silang nakatingin sa akin. At base sa mga mukha nila, alam kong may panibagong problema na naman. “Bakit po?” tanong ko habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. Tumayo si Tita Marites. “May pera ka ba?” Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Pera,” ulit niya. “May pera ka ba?” “Bakit?” “Dahil kailangan namin. Kaya ibigay mona sa 'kin kung meron," walanghiyang sambit nito, na para bang nagta-trabaho ako para bigyan sila ng pera. Parang obligasyon kong ibigay sa kanila ang kinikita ko. Kahit na halos sobra-sobra na ang ibinigay namin ni Mama sa kanila para rito sa bahay. Napabunto
VIENNA SOILE ZARIAH'S POV “Girl, may sasabihin ka pa ba?” Napatingin ako kay Mira. “Huh?” “Kanina ka pa parang may iniisip.” Napangiti ako nang pilit. “Wala lang 'yon. Iniisip ko lang kung papaano ulit ako makikipag-usap mamaya sa mga tao sa bahay pag-uwi ko," pagsisinungaling ko. “Talaga?" may pagdududa pa rin niyang tanong. Tumango ako lang ako bilang sagot. At mabuti na lamang ay hindi na niya ako kunulit pa. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hi, Mira. May asawa na ako. Ano 'yon? Baka himatayin siya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. At habang iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kasal namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako rito. May bagong message. At nang bumukas ang screen, mabilis na napasilip si Mira. Hindi niya nabasa ang message, dahil hindi naman pa naman iyon nabuksan. Pero nakita niya ang pangalan ng nagpadala. "Delivery
ELIEZER LAURENT ZARAGOZA'S POV “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka lumipat dito sa university namin." Napatingin ako kay Professor Adrian habang nakasandal siya sa gilid ng mesa ko. Nasa faculty lounge kami, kasama ang ilan pang professors. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat—may nagbabasa ng papers, may nagkakape, habang ang iba naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan. At ako? Tahimik lang na umiinom ng kape sa mesa ko. “Oo nga no.” Sumingit si Professor Helena mula sa kabilang mesa. “You were already teaching at a private university, right?” Tumango ako. “I was.” “Then why transfer here? Balita ko ay maganda naman daw doon," dagdag niya. Napatingin sa akin ang ilan. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong. Pero hindi ko rin maaaring sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko maaaring sabihin na may isang partikular na estudyante sa university na ito ay asawa ko. At lalong hindi ko maaaring sabihin na ang estudyanteng iyon ay si Vienna Soile Zariah. “Gusto k







