เข้าสู่ระบบTahimik rin ang buong sala pagkatapos ng putok. Nasa sahig pa rin ang kumikinang na hikaw ni Ivy na butas sa gitna, umuusok pa ng kaunti ang butas ng bala at amoy pulbura pa ang buong sala. Si Ivy mismo, buhat-buhat na ng dalawang katulong papunta sa sofa, namumutla at hindi pa rin nagkakamalay, nanginginig ang labi sa takot. Ang mga bisita, hindi makapaniwala sa nakita, lahat nakatitig sa akin na parang nakakita ng multo.
Si Heneral Lucian Montenegro, nakatayo pa rin sa harap ko. Hindi siya lumayo kahit isang pulgada. Nakatitig pa rin siya sa akin, malalim, parang binabasa ang kaluluwa ko. Hindi takot, hindi galit, kundi humahanga. At sa gitna ng katahimikan na yon na halos marinig mo ang pagbagsak ng karayom, biglang bumukas ang malaking p***o ng mansyon at dumating si Marco. Kasama si Thalia, huli na dumating dahil galing pa sa hotel. Naka-bestida si Thalia ng pula, hapit na hapit sa katawan, halos lumabas ang dibdib at hita, amoy mamahaling pabango na masakit sa ilong. Hawak niya ang braso ni Marco na parang siya ang asawa at ako ang kabit na nakikisilong lang sa bahay. Si Marco naman, nakangiti, lasing sa alak at sa yabang, hindi alam ang nangyari sa loob, hindi alam na binaril ko ang hikaw ng kapatid niya. Anong nangyari dito? Bakit may nahimatay? May dugo ba? May namatay ba? sigaw ni Marco nang makita si Ivy sa sofa na namumutla. Sino bumaril? Sino ang may hawak ng baril? Arriane, huwag mong isiping marunong kang bumaril ay hahanga na ako sayo at magbabago ang isip ko na hindi pakasalan si Thalia, sabi ni Marco nang malakas para marinig ni Heneral at ng lahat ng bisita. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Thalia, ipinapakita sa lahat na siya ang pinili niya at hindi ako. Huwag kang magkamali, nais ko lang na maunawaan mo na ang pagbaril hindi iyon talento. Laruan lang yan ng mga lalaki. Isa ka pa ring walang kwentang babae! Tumingin ako sa kanya. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagluto para sa kanya ng paborito niyang sinigang kahit napapaso ang kamay ko, naglaba ng damit niyang may pabango ng ibang babae na si Thalia, nagtiis sa lait ng pamilya niya na tawagin akong ampon at patay gutom, naglinis ng bahay na hindi naman akin. Gusto mo bang payagan kitang makasama si Thalia? Kung tutuusin ayaw kong makisama sa magkasintahang walang hiya at walang delikadesa, sagot ko, kalmado pero nanginginig ang boses sa galit na matagal ko nang tinatago. Hindi na ako umiyak. Naubos na ang luha ko tatlong taon na ang nakalipas nung unang beses ko silang nahuli sa kwarto namin. Mag-divorce tayo. Mula ngayon, tahakin niyo ang inyong sariling landas, at tatahakin ko ang akin. Wala na akong pakialam sa inyo. Pagod na pagod na ako sa pamilyang ito. Nagulat ang lahat sa sinabi ko, parang sumabog ang pangalawang bomba sa sala. Si Ginang Maressa, ang biyanan ko, napaatras at nabitawan ang hawak na baso ng champagne. Nabasag ang baso sa sahig at tumalsik ang bubog, pero walang pumansin. Bakit hindi? Pinapayagan ang diborsyo sa panahon ng kalayaan, saad ko, nilakasan ko ang boses para marinig ni Lola Conching at ng lahat ng bisitang mapanghusga. Batas na yan ngayon sa Pilipinas. Hindi na panahon ng mga Kastila na kailangang magtiis ng babae habang buhay kahit niloloko na at sinasaktan na sa sarili niyang pamamahay. Pero wala pang babaeng gumawa niyan sa pamilya Reyes! Sa angkan natin walang gumagawa niyan! sigaw ng tita ni Marco, si Tita Coring. Kahihiyan yan sa angkan! Kapag ginawa mo yan, itatakwil ka ng lahat! Wala kang pupuntahan! Mamamalimos ka sa kalsada! Edi ako ang magiging una, sagot ko, ngumiti ako nang mapakla at mapait na ngiti na matagal ko nang gustong gawin. Ako ang unang babae na hindi magpapakatanga para sa pamilyang ito na puro pera lang ang habol sa akin. Arriane, huwag kang padalos-dalos, sabi ng lola ni Marco, lumapit siya at hinawakan ang tungkod niya nang mahigpit. Pagtatawanan ka lang ng mga tao! Saan ka pupunta? Wala kang pera! Wala kang pamilya! Patay na ang tatay mo! Wala ka nang babalikan! Nang dalhin ni Marco ang kabit niya rito sa bahay at sampalin ang dangal ko bilang asawa sa harap ng lahat, bakit hindi kayo natakot na pagtawanan ako? sagot ko. Bumalik lahat ng sakit, lahat ng gabi na umiiyak ako mag-isa sa kusina. Yung gabing umuwi si Marco at si Thalia at pinatulog sila sa mismong kwarto namin habang ako sa sala lang natulog sa sahig na malamig. Kung siya ang mahal mo, pakasalan mo, sabi ko, tinaas ko ang noo ko at hindi na yumuko. Makipag-divorce ka at ligawan mo siya nang legal. Huwag yung kabit lang na tinatago sa hotel. Sige, mag-divorce tayo! Arriane, ikaw ang may gusto ng divorce! Huwag kang babalik at sisihin akong walang utang na loob! Wala kang makukuhang piso sa akin kahit singko! Palalayasin kitang hubad! sigaw ni Marco, parang bata na nagtatampo at umiiyak na, hawak pa rin ang kamay ni Thalia na ngayo'y nakangiti nang malaki. Marco, tumigil ka! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Baliw ka ba? sigaw ng lola niya, biglang kinabahan at hinampas ang sahig ng tungkod. Sa kanya lang nakasalalay ang pamumuhay ng pamilya, hindi pwedeng maghiwalay kayo! Ang dote niya! Ang lupa ng Montenegro na nasa pangalan niya na sampung ektarya! Kapag nag-divorce kayo, mawawala lahat at magiging pulubi tayo! Pero huli na ang lahat. Narinig na ni Heneral Lucian ang lahat ng baho ng pamilya Reyes. Tumingin si Heneral kay Marco, malamig, parang tumitingin sa isang patay na tao na ililibing na bukas. Tapos na ba kayo sa drama ninyo? tanong ng Heneral. Isang tanong lang, pero lahat natahimik at napaluhod halos sa takot. Lola, inay, desidido na ako, huwag ninyo akong pakialaman, sabi ni Marco, hindi pa rin niya naiintindihan ang ginagawa niya. At doon ako ngumiti. Ngiting malaya. Ngiting unang beses kong naramdaman sa loob ng tatlong taon na parang nakawala ako sa kulungan.Nasa kampo sina Arraine habang Ng sasanay at ang mga sundalong sasanayin niya. Pagbaril, karate, at kung paano mag baril sa sampung metro Ang layo . kaalaman sa militar ang ituturo niya. Ramdam ng lahat na iba si Arraine. Hindi siya puro salita lang.Isang machine gun ang pinaputok ni Arraine sa target paper. Asintado agad ito. Gitnang-gitna ang tama. Natuwa ang mga estudyante. Nagpalakpakan sila. Hindi nila akalain na ganun kagaling ang isang babae humawak ng baril.Binaba niya ang baril niya at gusto niyang bumaril din ang mga ito. Gusto niyang sila naman ang sumubok.Sige, ihanda. Isa, dalawa, tatlo, sigaw niya. Hawakan ng maayos, utos niya. Huwag kayong kabahan.Habang abala ang lahat sa pagsasanay, biglang may sumigaw mula sa likuran nila.Arraine! sigaw ni Thalia.Lumingon ang lahat. Nandoon si Thalia, kasama si Marco. Galit ang mukha ni Thalia.Anong karapatan mong pagbawalan kami, asik nito, na gamitin ang bagong baril? Pareho lang tayo ng posisyon.Pareho tayong bagong tagapa
Pagkauwi nina Marco at Thalia sa bahay ng mga Reyes, agad na bumalot ang mabigat na katahimikan sa buong kabahayan. Hindi pa man sila nakakaupo ay ramdam na ramdam na ang galit na nangingibabaw sa hangin.Sobrang galit si Lola Conching kay Arraine. Agad nitong hinampas ang tungkod nito sa sahig, at ang malakas na tunog niyon ay umalingawngaw sa buong sala. Hindi ito makapaniwala na si Arraine pala ay may sariling kasosyo sa negosyo.Ano, sigaw nito, nanginginig ang boses sa galit. Ang Arraine na iyon, nakikipag-negosyo pala sa mga dayuhan, saad ng matanda, habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa poot.Ang matanda ay hindi lamang galit, nasaktan din ito sa pride. Sa buong buhay niya, siya ang nasusunod sa pamilya Reyes. Siya ang nagdidikta kung sino ang karapat-dapat at kung sino ang hindi. Ngunit ngayong gabi, sa harap ng napakaraming tao, si Arraine ang naging bida. Si Arraine ang pinag-usapan, at si Arraine ang pinuri. Para kay Lola Conching, iyon ay isang malaking kahihiyan na hi
Nasa taas sila ng terrace at tanaw na tanaw nila ang buong bulwagan sa baba. Kitang-kita ang mga bisitang nagkakasiyahan, nag-uusap at nagtatawanan habang may hawak na baso ng alak. Ang mga ilaw ay kumikislap, ang musika ay marahang tumutugtog, at ang hangin ay mabigat sa tensyon. Sa terrace ay naroon sila Heneral Velasco, Marco, at si Thalia, kasama si David na nakikipagtagayan sa kanila. Alam ng bawat isa na hindi ito basta simpleng inuman lang dahil may mahalagang usapan na magaganap."Tagay!" aniya ni Marco at ininom ang laman ng baso nito kahit halata ang tensyon sa mukha niya."Heneral Velasco," saad ni David sa ama ni Heneral Lucian, maingat ang boses niya. "Ang dalawa mong tauhan ay bihasa sa mga armas, hindi ba?" panimula nito sa usapan."Sila?" tugon ng matandang Heneral habang sumisimsim ng alak. "Ang mga nakapag-aral sa ibang bansa." Sila ang pinakamagagaling na mayroon kami at hindi basta-basta ang kanilang pinagdaanan."Ginoong David," saad ng Heneral, "kung papayag kayo
Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong
Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong
Pagkalabas ni Arraine sa baba, agad na nakuha ng malambing na tunog ng piano ang atensyon niya.Nakaupo si Thalia sa harap ng puting piano sa gitna ng bulwagan. Nakasuot ito ng eleganteng bistida, nakangiti, at tila sanay na sanay sa atensyon ng lahat. Bawat pagpindot niya sa mga tecla ay sinusundan ng papuri mula sa mga bisita.Ang galing talaga ni Thalia. Hindi nakakagulat na siya ang paborito sa pamilya.Napakaganda ng piyesa niya. Parang anghel ang tumutugtog.Halos lahat ng bisita ay nakapaligid sa kanya, nakikinig at humahanga. May ilan pang kumukuha ng video at larawan, na para bang isang concert ang kanilang pinapanood.Hindi pa man nakakalapit si Arraine ay agad na siyang nakita ni Ivy. Mabilis itong lumapit at hinarangan ang daan niya.Arraine, huwag mong isipin na dahil lang sa maganda ang bistida mo ay malalamangan mo na ang karisma ni Ate Thalia, wika ni Ivy na may halong pang-iinsulto.Napatingin si Arraine sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Alam niyang simula pa lang it







