Meet Zhakiya Sevilla. . .
Bumungad kay Maxine ang pangalan ng kaniyang kapatid. Agad niyang binuksan ang mensahe nito at binasa; Hindi ko na kaya, Ate, ayoko na maging pasanin mo pa ako. Ayoko ng mahirapan ka, mas mabuti na lang na mawala na ako. Kasunod ng mensaheng iyon ay isang larawan nito na hawak ang isang bote ng sleeping pills na malakas ng epekto na kapag nasobrahan nito ay maaring ikamatay. Binalot ng matinding pag-alala at kaba ang dibdib ni Maxine para sa kaniyang kapatid. Si Zhakiya ang pinagkukunan niya ng lakas upang maging matatag, hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni LV nang makita na tinakasan ng kulay ang magandang mukha ni Maxine. Agad na nagbaba ng tingin si LV sa screen ng cellphone nito na hawak ng nanginginig na kamay ni Maxine. Malutong na napamura sa isipan si LV nang makita ang mensahe na iyon. Nag-angat ng tingin si Maxine kay LV na nanggigilid ang mga luha. “H-hindi siya nagbibiro. . . Ilang beses na siyang nagtangkang magpakamatay.” “Fuck
Sa R-P Company. . . Agad na binabaan ni LV ng cellphone si Maxine nang mapansin na bumukas ang pinto ng opisina at bumungad sa kaniya si Renzi. Nang dumapo kay Renzi ang mata ni LV, agad na itinaas ni Renzi ang isa niyang palad habang nakaukit sa gwapo nitong mukha ang mapang-asar na ngiti habang naglalakad papalapit sa table desk ni LV. “Seems the boss hitting with someone at work hour.” Bahagya pang tumawa si Renzi. Mas lalo pang naiinis si LV sa tinuran ni Renzi. Hindi siya nanliligaw at wala siyang nililigawan! “What brought you here, bro?” Ibinato ni LV sa ibabaw ng desk ang cellphone at sumandal sa kaniyang swivel chair bago tiningnan ng malamig si Renzi. “What's your business here?” Muling tanong ni LV. Itinuro ni Renzi ang cellphone ni LV. “Is that Miss Maxine Sevilla you’re just talking right now?” Bahagyang umukit sa mukha ni LV ang gulat nang marinig ang pangalan ni Maxine mula kay Renzi. Walang natatandaan si LV na nababangit sa mga ito tungkol kay Maxine at sa
Walang katok-katok na binuksan ni Iris ang opisina ni Maxine. Mas lalong nagdilim nag mukha ni Iris nang bumungad sa kaniya si Maxine na nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kaniya. “Si Rabin ba ang nagbigay sa'yo ng mga bulaklak?!” Diritsahang tanong ni Iris. Nagsalubong ang kilay ni Maxine at pinukol ng masamang tingin si Iris nang mapagtanto na issue na naman nito ang mga bulaklak na natanggap niya. “Nagpapatawa ka ba, Iris?” Umirap si Maxine. “Hindi ka nga mabigyan ng bulaklak ng boyfriend mo tapos iisipin mo na bibigyan niya ako ng sandamakmak? Walang kakayahan ang boyfriend mo na bumili ng mga mamahaling bulaklak na iyon.” Namula ang mukha ni Iris at kumuyom ang kamao. Sakto naman ang pagdating ni Rabin kaya narinig rin nito ang pang-iinsulto ni Maxine. “Anong sinabi mo?” Bakas sa tono ni Rabin ang galit. “Wala kang karapatan na insultuhin ang boyfriend ko!” Pagtatanggol ni Iris. Natatawa talaga si Maxine na ipinagmamayabang sa kaniya ni Iris na boyfriend nito si Rabin
Kinabukasan... Sa Sevilla Hospital, Abala si Max sa pag-scoll sa kaniyang Instagràm habang naglalakad papasok sa Hospital. “Ang swerte naman niya!” “Siya ba 'yon?” “Oo! Huwag ka ngang maingay!” Bulongan ng tatlong nurse na nadaanan ni Max. Bawat makasalubong niya—nurse o doctor ay binabati siya bagay na ipinagtataka niya. ‘Ngayon lang ba nila napagtanto na anak ako ng may-ari nitong hospital?’ Sa isip ni Max. Panay ang tingin sa kaniya ng mga nadadaanan niya pagkatapos ay magbubulongan dahilan para kutuban siya. Inilagay ni Max ang phone sa loob ng bag bago nagmamadaling tinungo ang kaniyang opisina. Agad siyang natigilan ng makita ang kumpulan sa labas ng kaniyang opisina. Karamihan doon ay nurse, may mga doktor at ilang bantay ng pasyente. “Anong meron?” Tanong niya sa kaniyang sarili. “Excuse me? Padaan, padaan...” Hinawi niya ang mga taong naroon upang makadaan siya. Nang makarating sa bungad ng kaniyang opisina, napaawang ang labi ni Max at nanlaki ang kaniyang mga
Pagsapit ng alas singko ay agad na lumabas ng Sevilla Hospital ng magkaibigan na si Max at Shandy.“Mauna na ako sa'yo, Shan!” Pinindot niya ang remote ng kaniyang sasakyan. “Gusto ko sanang tumambay sa condo mo pero nakapangako ako kay Mommy na magdi-dinner kami sa labas.” Sumimangot ito.Tumunog ang phone ni Max sa loob ng kaniyang bag, kinuha niya 'yon nang makita na ang unknown number ulit 'yon. Sumilip si Shandy at nag-hugis 'o' ang labi nito. Napabuntong hininga na lamang si Max nang nagkatitigan sila ng kaibigan.“Pagkatapos ka niyang pahirapan ng dalawang linggo at tinanggihan, bigla-biglang tatawag na mag-aaya ng kasal? Marami pang ibang paraan para maisalba ang hospital. Huwag mong pansinin 'yan! At kung talagang mapilit siya, kailangan niyang pahirapan!”Pinatay ni Max ang kaniyang phone bago ibinalik sa bag. “Gusto ko ng magpahinga, Shan. Ikamusta mo na lang ako kay Tita.” “Okay! Mag-iingat ka!” Yumakap si Shandy kay Max. “Ikaw rin.” Nagbeso sila.“Basta, ipangako mo na
• • • TWO YEARS LATER • • • Nagmamadaling bumaba ng taxi si Zaharah Rosemaxine, yakap-yakap ang sandamakmak na folder na naglalaman ng mga dokumento. Mula ng lokohin siya ng kaniyang nobyo ay hindi niya nais pang tawagin siya sa pangalang Zaharah, at masyado namang mahaba ang Rosemaxine kaya naman mas pinaikli 'yon dahilan para tawagin siyang Max. Nasa harapan niya ang nakapagandang gusali at napakatayog niyon. Kitang-kita rin mula sa kinatatayuan niya ang mga letrang; ‘R-P COMPANY’ “Oh my god...” Usal niya nang mapagtanto na 'yon na naman ang aakyatin. Dala-dala niya ang mga dokumento upang ihatid sa opisina ng binatang ginawa siyang sekretarya ng araw na 'yon. Walang iba kundi si LV Rutherford! Ang totoo niyan, kaniyang kinamumuhian ang binata dahil sa mga pinagagawa nito sa kaniya. Labag man sa loob niya ngunit wala siyang mapagpipilian kundi sumunod dito dahil siya ang may kailangan. Dalawang linggo niya ng kinukumbinse si LV na pakasalan siya upang maisalba ang Sevilla h