Mag-log inMIKYLA POV “Saan ka galing?” walang emosyon na tanong niya sa akin. At alam ko na kapag ganito siya…alam kong galit siya. Sabagay, kitang kita naman iyun sa awra niya. “A-Arif... nandito ka?” kinakabahan kong tanong. Pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Siguro naman, hindi niya ako sasaktan diba? First time palang naman akong inumaga, este tinanghali ng uwi kaya sure ako na maiintindihan niya naman siguro ako. “Bahay ko ito. Dito ako nakatira, at natural na dito ako uuwi.” seryoso pero malamig ang tono ng boses na sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway dahil sa kaba. “Bakit? Parang nagulat ka sa presensya ko? May ginawa ka bang hindi kaaya-aya kaya parang guilty ka ngayun?” muli niyang tanong sa akin. Sunod-sunod naman akong umilng. “Hi-hindi! Wala…wala…” kinakabahan kong sagot. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawalan ng hangin ang paligid. “Saan ka galing?” muling tanong niya. Sa pagkakataon na ito, mas mababa ang boses niya. Mas m
MIKYLA POV “MIKAY, sandali! Ihahatid na kita!” Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Joda mula sa likuran ko. Kahit pakiramdam ko ay puputok na ang ulo ko sa sobrang sakit, napilitan pa rin akong lumingon at harapin siya. Namumungay ang mga mata ko dahil sa puyat at matinding kirot na nararamdaman ko. Ngunit sa kabila noon, napansin kong kakaiba ang ekspresyon sa mukha ni Joda. Para siyang may gustong sabihin ngunit hindi niya magawang ilabas. “Salamat, Joda,” mahina kong sagot. Tipid siyang ngumiti bago niya ako inakay palabas ng bahay ni Karla. Bahay nga ito ni Karla. At kung ano man ang nangyari kagabi... mamaya ko na lang aalamin. Kailangan ko kasi talagang unahin ang pag-uwi ko sa mansion. Sa ngayon, bukod sa masakit kong ulo at bahagyang pagkahilo, wala naman akong kakaibang nararamdaman. Wala akong sugat. Wala akong nararamdamang sakit sa katawan. Kaya siguro... ayos lang ako. Tahimik kaming naglakad palabas hanggang sa makarating sa motor
MIKYLA POV "MIKYLA, may problema ba?" Kunot-noong tanong ni Pinky nang mapansin niya ang bigla kong pagiging balisa. Kanina lang ay nakikitawa pa ako sa kanila, pero ngayon ay hindi na ako mapakali. Mabilis akong napailing at pinilit na ngumiti. "Wala. Walang problema," sagot ko, kahit ramdam kong nanginginig ang boses ko. "Enjoy lang kayo, guys. May tatawagan lang ako." Hindi na ako naghintay ng anumang tanong mula sa kanila. Agad kong dinampot ang cellphone ko at mabilis na lumabas ng bar. Kailangan kong makausap si Arif. Baka mamaya, totohanin niya ang sinabi niya na ipapahanap niya ako sa kanyang mga tauhan. Nag-uumpisa pa lang akong nag-enjoy na kasama ang mga kaibigan ko. Paglabas ko ng bar ay saka ko lang napansin ang malakas na ulan. Bumungad sa akin ang malamig na hangin at mga patak ng tubig na agad dumampi sa aking balat. Napayakap ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nilalamig, hindi dahil sa ulan kundi dahil sa kaba na bumabalot sa buong pagk
MIKYLA POV Hindi ko tuloy malaman kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag. Ngunit sa huli, nagpasya na rin akong sagutin iyon. Alam ko kasing hindi ako titigilan ni Arif. Isa pa, kapag binalewala ko ang tawag niya, tiyak akong gagawa at gagawa siya ng paraan para mahanap ako. At iyon ang hindi puwede! "Hello, Arif?" seryoso kong sagot matapos pindutin ang answer button ng cellphone. "Mikyla, where are you? Nandito na ako sa bahay at sinabi ng mga kasambahay at mga guwardiya na umalis ka raw?" agad niyang tanong. Sa boses ni Arif, ramdam ko ang matinding pagkadismaya at pag-aalala. "Arif, nabobored ako kaya umalis muna ako. Pero huwag kang mag-alala, bago mag-umaga, babalik din naman ako," seryoso kong sagot. "Mikyla, alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Inaasahan ni Lolo na sabay tayong darating sa family dinner." Sa pagkakataong iyon, halatang galit na siya. Para bang ako pa ang sinisisi niya kung bakit hindi ako nakadalo sa naturang hapunan. "Ang tagal kasi. Nabored
MIKYLA POV Para bang may humigpit na kamay sa aking dibdib. Ilang segundo akong natigilan habang nakatitig lamang sa cellphone. May bahagi ng isip kong gustong huwag na iyong sagutin. Ngunit alam kong hindi rin siya titigil hangga't hindi ko sinasagot ang tawag. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang pindutin ang answer button. "Hello?" malamig kong sambit. Agad kong narinig ang mababang tinig ni Arif mula sa kabilang linya. "Mikyla... where are you?" Hindi naman ako nakasagot. Lalo na at hindi ko din naman malaman kung ano ang sasabihin ko dito kay Arif eh. "Bakit wala ka sa kwartong inilaan para sa iyo?" muling tanong ni Arif mula sa kabilang linya. Ramdam ko kung gaano kaseryoso ang boses niya. Hindi ko mapigilan ang mariin na maipikit ang aking mga mata at kasabay noon ay muli na namang bumalik sa aking alaala ang eksenang nasaksihan ko kanina. Si Arif at Olga at ang chukchakan ng dalawa! Muli ko na namang naramdaman ang biglang paninikip ng aking dibdib. Pagk
MIKYLA POV Ramdam ko ang matinding panginginig ng aking mga tuhod nang tuluyan akong makapasok sa Room 808. Mabigat ang bawat hakbang ko, para bang may nakadagan na napakalaking bato sa aking dibdib. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Tulala akong napaupo sa gilid ng kama. Nanlalabo ang aking paningin habang pasimple kong pinupunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kasakit ang aking nararamdaman. Sa totoo lang, wala naman akong karapatan, hindi ba? Ano ngayon kung nakikipagrelasyon si Arif sa ibang babae? Wala na dapat akong pakialam doon. Kasal man kami, sa papel lamang iyon. Isa lamang iyong kasunduang walang halong pagmamahal. Hindi naman ako ang babaeng minahal niya mula pa noong una. Isa pa, lalaki siya. May mga pangangailangan siyang hindi ko kayang ibigay. Kaya hindi ako dapat umasta na para bang nasasaktan. Hindi ako dapat umiyak. Hindi ako dapat magselo
MIKYLA POV Agad kong sinilip ang screen. At halos mapapikit ako nang makita ang pangalan ng tumatawag. Mommy Femmy. Ang aking biyanan. Dali-dali kong sinagot ang tawag. "Hello po, Mom." "Mikyla... kumusta ka?" seryoso ang boses na wika niya. Hindi ko maiwasang kabahan. Sa loob ng naka
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut







