Share

CHAPTER 23: NAKATAGONG DIYAMANTE

“Oo,” sambit ni Heneral Cleo.

“Tama ka nga. Sobrang taas ng potensyal nila sa paggamit ng mahika. Nakita ko na rin sila noon, pero ngayon ko lang talaga sila nakita ng malapitan,” wika ni Steban.

Kakaunting salamangkero lang ang may kakayahang sumukat ng lakas ng isang indibiduwal at isa na rito si Steban. Kaya niyang makita kung anong klaseng mahika ang tinataglay ng isang nilalang at kung gaano kataas ang kanilang potensyal.

“Ano sa tingin mo Steban? Ipapasok mo na ba sila sa iyong paaralan?” tanong ng Heneral.

“Bukas mismo ay ipapasok ko na sila. Bukas na ang simula ng mga pagsusulit para sa mga bagong salamangkero na papasok sa paaralan ko kaya makakaabot pa kayo,” ani ni Steban.

“Mabuti na lang pala ay sinama kita.”

Binalot ng saya at interes ang mata ni Steban. Mula sa aming mga katawan ay lumalabas ang iba’t-ibang kulay ng awra na naidudulot ng aming mga mahika. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaliliwanag na awra na tanging siya lang ang nakakakita.

Hindi namin mainti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status