THIRD PERSON POV Lahat ng sulok ng buong bahay ay pinasuri ni Hugo. May mga CCTV na nakatago sa loob at labas ng bahay, kaya mabilis na nakita ng mga pulis at imbestigador kung sino ang taong pumasok sa loob. Malaki ang pangangatawan ng lalaki, matangkad, at may itsura rin. Pero hindi nila alam kung ano ang pakay ng taong pumasok sa bahay nila. Sinuri rin nila nang maigi kung may nawala ba n mga gamit, pero wala namang nawala at lahat ay nasa ayos pa. Hindi nila nakita ang ginawa ng lalaki kay Cathy dahil sinira nito ang CCTV camera na nakatutok sa direksyon nila. Parang alam rin ng lalaki kung saan nakalagay ang ibang CCTV camera, pero hindi pa rin siya nakaligtas dahil may mga nakatagong CCTV sa buong bahay. "Alam niyo na ang gagawin. Make sure to follow the directions kung saan sila dumaan. Lahat ng dinaanan, sundan niyo. Walang titigil hangga't 'di nahahanap ang taong 'yon," utos ng kaibigan ni Hugo na si Xander sa mga tauhan na nasa kabilang linya. "Ikaw na ang bahala k
VERONICA Natulala ako at hindi ko ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya. May alam ba siya tungkol sa kontrata namin ni Hugo? Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit. "Bata ka pa, Veronica. Marami pang lalaki ang darating sa buhay mo. You're beautiful, young, independent—hindi bagay sa'yo ang mag-asawa agad, lalo na’t malaki ang agwat ng edad ninyong dalawa." She said in a firm yet gentle voice. Hindi ko alam kung concerned ba or being mean. She's just being straightforward and I like it, however, I won't allow her to just talk to me like that. Pinamukha lang talaga niya sa akin na gusto niya pa rin si Hugo at siya dapat ang nasa posisyon ko ngayon. Venice, alam na namin ni Hugo sikreto mo. "Yeah. Malaki talaga agwat namin ni Hugo, pero wala naman sa agwat ng edad ang pagmamahal, as long as nasa tamang edad ka na." Walang takot ko namang sagot sa kanya. I heard her sighed but I didn't mind. Taas-kilay naman niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. “I know
VERONICAUMALIS ako ng venue na masama ang loob. Ang sakit sa dibdib na ako pa ang masama sa mga mata nila. Nag-aalala lang naman ako pero bakit napasama pa ako sa ginawa ko? Hindi ko mapigilan ang bigat ng dibdib ko. Masama talaga ang loob ko sa mga kapatid ko. Hindi nila ako nakikita, palagi na lang si Vhea. Bahala na sila sa mga buhay nila.“Babe?" Mahinahon at malambing na tawag ni Hugo sa akin pagpasok niya ng kotse. Nagtagpo ang mga mata namin akaya mas lalo tuloy akong naging emosyonal at humahagulgol na. Mabilis naman niya akong niyakap at marahan na tinapik-tapik ang likod ko na para bang nagpapatulog siya ng bata. “Ang bigat ng dibdib ko. Para bang hindi ako sanay sa kanila na ganyan naman palagi ang trato nila sa akin." Para akong nagsusumbong sa asawa ko. “Shh.. I believe in you, Babe. Sorry that you have a family who's one sided,” pabulong na wika ni Hugo habang nakayakap pa rin.“Mahalaga nandito ka. Uwi na lang tayo," ani ko.Tuluyan na nga namin nilisan ang lugar.
THIRD PERSON POVGALIT na sinugod ni Vhea ang Ate Veronica niya ng dalhin nito ang mga pulis upang arestuhin si David. Nagkakagulo na rin sa venue kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Galit na pinagsasampal ni Vhea ang Ate Veronica niya, pero bago paman lumala ang lahat ay agad ng pumagitna ni Hugo upang protektahan ang kanyang asawa. Galit na sumisigaw si Vhea habang umiiyak. Pinaalis na rin nila ang mga bisita, at ang naiwan na lang ay ang mga magulang at kapatid ni Veronica. “Paanong hindi namin ‘to alam, Veronica? Sinadya mo ba talaga na gawin ang bagay na ‘yon sa araw mismo ng kasal ni Vhea, para hindi matuloy ang kasal? Ang sama mo talagang kapatid," bulyaw ni Vince. Nanlaki naman ang mga mata ni Veronica dahil hindi niya inaasahan ang sasabihin ng kanyang Kuya sa kanya. Biglang sumikip ang kanyang dibdib at nasaktan pero pilit niyang tinatatagan ang sarili dahil ayaw niyang ipakita sa mga ito na apektado siya. Paano nasasabi ng kanyang kapatid ang mga salitang ‘yon sa ka
THIRD PERSON POV Agad na pina-imbestigahan ng mag-asawa ang nangyari, ngunit wala silang nakuhang impormasyon o kahit na anong lead. Pero hindi pa rin tumigil si Hugo sa paghahanap dahil gusto niyang managot ang taong nasa likod ng pananakot sa kanyang asawa. Nakakatakot ang aura ni Hugo kapag kaharap ang ibang tao, pero parang asong kumakaway ang buntot kapag kasama ang asawa niya. Iba si Hugo kapag galit. “Boss, nakuha na namin ang pinaimbestigahan mo tungkol kay Venice. And the CCTV shows this,” seryosong wika ni Coleman habang pinapakita ang laptop kung saan naroon ang cctv records ng kumpanya.Kunot ang noo ni Hugo habang maiging pinapanood ang record kung saan makikita ang isang babae na pumasok sa kanyang opisina na para bang alam na alam nito ang pasikot-sikot ng kwarto. Malutong na mura ang pinakawalan ni Hugo na ang babae na minsan ay minahal niya noon ay stalker na niya ngayon. “Coleman, investigate her. Baka iisang tao lang din ang may gawa sa pananakot sa asawa ko,
HUGO Hindi pa tapos ang meeting ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa. Napa-taas ang kilay ko nang makita ko kung sino ang tumatawag, kaya agad ko itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. Lahat ng employees ko ay gulat na napatingin sa akin. I just looked at them and gave them a sign to keep going. Hindi ko binababa ang tawag at nakinig lang sa sinabi niya. I smiled dahil finally ay pumayag na rin siya sa balak ko dati sa taong nambastos sa asawa ko. Pinalagpas ko ‘yon dahil sa kagustuhan ni Veronica, but this time ay gusto na niya ‘tong malayo sa pamilya niya, lalo na sa kapatid niya. “Noted, Babe!" I said, and unconsciously smiled. Sabay-sabay naman na lumingon ang mga empleyado ko at puno ng pagtataka ang mga mukha nila. “Eyes in front and focus!" may awtoridad na salita ni Coleman. Tinanguhan ko s'ya dahil kahit hindi ko sabihin ay alam na niya agad ang gagawin. Hindi na nagsalita si Veronica mula sa kabilang linya, pero hindi ko pa rin I ina