Share

CHAPTER 3

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-05-09 18:59:09

Tatlong araw mula nang pumunta sila sa mansion ng mga Avelino.

Tatlong araw ding walang paramdam si Adrian.

Walang tawag.

Walang message.

At habang lumilipas ang bawat araw—mas lalo lang nababasag si Arah.

Tahimik siyang nakaupo sa jeep habang mahigpit na yakap ang bag niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi ni Edison.

“Maghintay muna kayo.”

Pero hanggang kailan?

Hanggang kailan siya mabubuhay sa takot at kahihiyan?

Napahawak siya sa tiyan niya.

Maaga pa ang pagbubuntis niya, pero ramdam na ramdam niya ang bigat nito.

Hindi dahil sa bata—

kundi dahil sa responsibilidad.

Sa takot.

Sa pag-iisa.

Pagdating niya sa Axion Prime Holdings, agad niyang naramdaman ang kakaibang tingin ng mga tao.

Hindi iyon normal.

Parang may mali.

Habang naglalakad siya papasok sa marketing department, unti-unti niyang naririnig ang mga bulungan.

“Siya ’yun, ’di ba?”

“Buntis daw.”

“Iniwan ng boyfriend.”

“Kawawa naman…”

“Pero kasalanan niya rin.”

Parang unti-unting nawalan ng hangin sa paligid.

Humigpit ang kapit niya sa bag.

Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit nanginginig na ang mga tuhod niya.

Pagpasok niya sa department nila, agad natahimik ang paligid.

At iyon ang mas masakit.

Mas gugustuhin pa niyang harapan siyang laitin kaysa iyong tititigan siya na parang marumi.

“Arah…”

Napalingon siya kay Karen, isa sa pinakamalapit niyang katrabaho at  naging kaibigan niya na. 

May pag-aalala sa mukha nito habang mabilis siyang nilapitan.

“Okay ka lang?”

Piliting ngumiti si Arah.

“O-okay lang…”

“Hindi okay ang mukha mo,” bulong ni Karen. “Ano bang nangyayari? Totoo ba ’yung kumakalat?”

Hindi agad nakasagot si Arah.

“Anong kumakalat?” mahina niyang tanong.

Nag-aalangan si Karen bago sumagot.

“May nakakita raw kasi sa’yo sa OB clinic noong isang araw…”

Nanlamig si Arah.

Naalala niya agad.

Dalawang araw ang nakalipas nang pumunta siya sa clinic para magpa-check up mag-isa.

Naka-face mask siya noon. Nakayuko. Tahimik.

Akala niya walang makakakilala sa kanya.

“Yung cousin daw ni Macy from accounting nagtatrabaho sa clinic,” mahinang dagdag ni Karen. “Nakilala ka raw.”

Parang may humigpit sa dibdib ni Arah.

Kaya pala.

Kaya pala alam ng lahat.

“Then kumalat na raw na buntis ka,” sabi ni Karen. “Tapos may nakakita pa raw na umiiyak ka sa labas ng clinic na walang kasama lalaki.”

Napapikit si Arah.

Hindi niya namalayang may nakakakita pala sa kanya habang wasak na wasak siya noon.

“Who’s the father?” mahinang tanong ni Karen.

Napayuko si Arah.

“Si Adrian.”

Nanlaki ang mata ni Karen.

“Boyfriend mo? Nasaan siya?”

Tahimik.

At doon naintindihan ng kaibigan niya ang lahat.

“Iniwan ka?” halos hindi makapaniwalang tanong nito.

Unti-unting namuo ang luha sa mata ni Arah.

Hindi na niya kailangang sumagot.

“Grabe naman ’yon…” bulong ni Karen.

Bago pa makapagsalita si Arah—

biglang bumukas ang pinto ng department.

At agad natahimik ang lahat.

Pumasok ang HR manager nila kasama ang dalawang staff.

“Everyone, conference room. Now.”

Nagkatinginan ang mga empleyado.

Halatang nagulat.

Maging si Karen ay nagtaka.

“May problem ba?”

“Just go,” seryosong sagot ng HR.

Lalong kinabahan si Arah.

Habang naglalakad sila papunta sa conference room, ramdam niya ang mga tingin ng mga tao sa kanya.

Parang lahat sila may alam.

Parang lahat sila may iniisip.

At noong makapasok sila—

doon niya nakita ang dahilan kung bakit sobrang tahimik ng buong opisina.

May lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng conference room.

Naka-black suit.

Nakatalikod.

Pero kahit nakaupo lang—

ramdam agad ang presensya nito.

Mabigat.

Malamig.

Mapanganib.

At nang dahan-dahan itong tumayo at humarap—

nanlamig ang buong katawan ni Arah.

Edison.

Napatigil siya sa paghinga.

Bakit nandito siya?

Napansin din siya nito agad.

Diretso itong tumingin sa kanya.

Malamig pa rin ang ekspresyon.

Pero hindi inaalis ang tingin.

Nagbulungan ang mga empleyado.

“Si Sir Edison ’yan…”

“Bakit nandito si CEO?”

“Akala ko nasa America siya?”

CEO?

Parang may sumabog sa isip ni Arah.

Napalingon siya kay Karen.

“Anong CEO…?”

Nagulat ito.

“Ha? Hindi mo alam?”

Mas lalo siyang kinabahan.

“Siya ang CEO ng Axion Prime Holdings.”

Parang biglang umikot ang mundo ni Arah.

Hindi siya makahinga.

Hindi siya makapagsalita.

Si Edison…

ang CEO ng kumpanyang pinapasukan niya?

At ngayon—

nakatingin ito sa kanya habang tahimik ang buong conference room.

“Good morning,” malamig na sabi ni Edison.

Agad natahimik lahat.

“This meeting will be brief.”

Diretso ang boses nito.

Walang emosyon.

Pero bawat salita ay mabigat.

“There are rumors spreading inside the company involving one of our employees.”

Parang humigpit ang dibdib ni Arah.

Nararamdaman na niya kung saan papunta ito.

“At ayokong makarinig ng kahit anong personal attacks, gossip, or harassment inside my company.”

Nagkatinginan ang mga empleyado.

“Anyone caught spreading malicious rumors will be terminated immediately.”

Nanlamig ang conference room.

Walang makapagsalita.

At pagkatapos—

dahan-dahang tumingin si Edison kay Arah.

Diretso.

“At tungkol sa issue…”

Halos tumigil ang tibok ng puso niya.

Tahimik muna si Edison bago malamig na nagsalita.

“The child she’s carrying is mine.”

Parang may sumabog sa buong conference room.

“What?!”

“Sir Edison?!”

“Oh my God…”

Nanigas si Arah.

Parang nawalan siya ng pandinig.

Hindi siya makahinga.

Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya.

Dahan-dahan siyang napatingin kay Edison.

Pero kalmado lang ito.

Parang normal lang ang sinabi nito.

Parang walang buhay na nasisira sa bawat salitang binibitawan niya.

“Sir…” gulat na gulat na sabi ng HR manager.

“She is under my protection,” malamig na dagdag ni Edison. “And I don’t want anyone disrespecting the future mother of my child.”

Tuluyang natahimik ang lahat.

Pati si Karen ay hindi makapaniwala.

Samantalang si Arah—

parang mawawalan na ng lakas sa kinatatayuan niya.

Hindi niya maintindihan.

Bakit?

Bakit ginagawa ito ni Edison?

Bakit niya inaako ang batang hindi naman kanya?

At mas lalong hindi niya maintindihan—

kung bakit habang nakatingin siya rito—

parang wala man lang itong balak bawiin ang sinabi niya.

“Meeting dismissed,” malamig na sabi ni Edison.

Unti-unting nagsilabasan ang mga empleyado habang bulung-bulungan pa rin.

Hindi pa rin makagalaw si Arah.

Hanggang sa maiwan silang dalawa sa conference room.

Tahimik.

Mabigat.

At doon niya tuluyang hinarap si Edison.

“Bakit mo ginawa ’yon?” nanginginig niyang tanong.

Tahimik lang si Edison habang inaayos ang cuff ng suot nitong suit.

“Because your situation is getting out of control.”

“Pero bakit kailangan mong magsinungaling?” umiiyak niyang sabi. “Hindi naman ikaw ang ama!”

Dahan-dahang napatingin si Edison sa kanya.

Malamig pa rin ang mukha nito.

Pero matalim ang tingin.

“Hindi ko ginagawa ito para iligtas ka,” malamig na sabi ni Edison. “Ginagawa ko ito dahil ayokong sirain ng kapatid ko ang pangalan ng pamilya namin.”

Napayuko si Arah.

“Pero bakit kailangan mong akuin ang bata?”

“Dahil ayaw ni Adrian na panagutan yan dinadala mo, nagaaral pa daw siya sa America.” diretsong sagot nito. “At habang wala siya, may kailangang sumalo sa gulong iniwan niya.”

Sandali itong tumahimik bago muling nagsalita.

“At dahil kapag hinayaan kong yurakan ka ng mga tao sa kumpanyang hawak ko… mas malaking problema iyon para sa akin.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 145

    ​Tinitigan ni Gabriel si Brenda nang may kasamang bahagyang pagtaas ng kaniyang isang kilay. Inayos niya ang kaniyang salamin sa mata bago kinuha ang baso mula sa tray. ​"Salamat, Brenda," maikling tugon ni Gabriel sa kaniyang pormal na tono, ngunit may bahagyang lambot na hindi na niya maitatago matapos ang limang taong pagsasama sa ilalim ng iisang bubong. "Ngunit pakiusap, alisin mo ang pagtawag sa akin ng 'Mr. Sungit' sa harap nina Sir Edison at Ma'am Arah." ​"Aba, bakit naman?" ganti ni Brenda habang nakahawak sa kaniyang baywang at ngumiti nang nakaloloko. "Eh sa iyon naman talaga ang nababagay sa 'yo! Ilang taon na kitang nakikita rito sa mansyon, pero ni minsan hindi ko pa nakikitang nagulo 'yang kurbata mo o tumawa ka nang malakas. Para kang walking calculator!" ​Natawa nang malakas si Edison habang pinalilibutan ng kaniyang braso ang balikat ni Arah. "Hayaan mo na, Gabriel. Sanay na kami sa inyong dalawa. At saka, sa totoo lang, kapag wala si Brenda rito sa mansyon, mas

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 144

    ​Tumingin siya sa di-kalayuan kung saan masayang tumatawa si Arah habang inaalalayan ang anim na taong gulang na si Amihan na magbigay ng mga laruan at libro sa iba pang mga batang nakalinya. Si Leo naman ay nakatayo sa tabi ng kaniyang ina, maingat na iniaabot ang mga kahon ng pagkain sa mga nakakatandang bata.​Walang galit, walang pait, at wala ring anumang uri ng galak na naramdaman si Edison sa natanggap na balita tungkol sa pagpanaw ni Kate. Ang natira na lamang sa kaniyang puso ay isang malalim na pagtanggap at respeto sa kapalaran—na ang bawat masamang gawa at matinding kasalanan ay may katapat na pormal at likas na kabayaran sa ilalim ng batas ng tao at ng Maykapal.​"Salamat sa balita, Gabriel," marahang at tapat na sagot ni Edison. "Asikasuhin mo na mailagay siya sa isang maayos at disenteng libingan. Ayaw kong may maiwang anumang hindi natatapos na usapin, utang, o galit sa mundong ito."​"Naiintindihan ko po, Sir Edison. Ako na po ang bahala sa lahat ng papeles at proseso

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 143

    ​Lumipas ang limang taon.​Sa loob ng kalahating dekada, ang Axion Prime ay mas lalo pang lumago at naging isa sa pinakamalalaking at pinaka-impluwensyal na korporasyon sa buong Asya. Ang mga proyektong dating pangarap lamang ay naging matagumpay na reyalidad, at ang pangalang Avelino ay tuluyan nang umukit ng sariling marka sa mundo ng negosyo. Sa ilalim ng matalinong pamumuno ni Edison, na patuloy na ginagabayan ng husay, sipag, at karunungan ni Gabriel bilang kaniyang Executive Vice President at pinakatapat na kanang kamay, naging simbolo ng tagumpay, katarungan, at mataas na integridad ang buong pamilya at kumpanya.​Si Arah naman ay hindi rin nagpahuli sa pagbuo ng sarili niyang legacy. Naging abala siya sa kaniyang itinayong pormal na pundasyon—ang Amihan Hope Foundation—isang advocacy organization na nagbibigay ng libreng pagkain, ligtas na tirahan, kalidad na edukasyon, at legal na proteksyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso, pamamaslang, at human trafficking. Ang dusa at

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 142

    ​Mabilis na lumipas ang apat na buwan. Sa loob ng Avelino Mansion, ang bawat araw ay napuno ng saya at panibagong pag-asa. Tuluyan nang naghilom ang mga sugat ng nakaraan at napalitan ito ng matatag na samahan ng pamilya.​Naging napakalaking tulong ni Brenda sa loob ng mansyon. Dahil sa maayos na sahod at tulong ng pamilya Avelino, matagumpay na nakarekober ang ina ni Brenda sa Antique mula sa operasyon nito. Dahil dalaga pa at walang sariling pamilya, ibinuhos ni Brenda ang kaniyang buong panahon sa pag-aalaga kay Amihan. Ngunit sa kabila nito, may isang taong hindi pa rin lubos na komportable sa kaniyang presencia—si Gabriel.​Bilang kanang kamay ni Edison na sanay sa matinding pagiingat at seguridad, inis pa rin si Gabriel kay Brenda. Hindi niya maitago ang pagkairita tuwing nakikita ito, dahil hindi mawala sa isip niya ang ginawa nitong pagkakamali noon at kung paanong napakabilis nitong pinagkatiwalaan nina Arah at Edison para maging pormal na yaya ni Amihan.​Ngayong araw, ang

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 141

    ​Maliwanag ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Avelino Mansion. Sa loob ng malawak na silid-kainan, nagtitipon ang buong pamilya para sa isang tahimik at masayang almusal—isang eksenang kaytagal na pinangarap ni Arah noong mga panahong balot pa ng pighati ang kaniyang buhay.​Sa kabisera ng mahabang mesang gawa sa mamahaling mahogany, nakaupo si Edison habang nagbabasa ng pahayagan at paminsan-minsan ay humihigop ng kaniyang mainit na kape. Sa kaniyang kabilang tabi, nakaupo si Arah na nakatitig sa kaniyang panganay na anak na si Leo habang masayang kumakain ng kaniyang pancakes.​Sa hindi kalayuan sa kanilang mesa, nakatayo si Brenda Morales, nakasuot ng malinis at pormal na uniporme ng yaya. Hawak nito ang maliit na bote ng gatas habang maingat na pinapainom ang walong buwang gulang na si Amihan, na payapang nakakarga sa kaniyang mga bisig.​"Amihan, dahan-dahan lang sa pag-inom..." marahang pabulong ni Brenda sa sanggol, ang kaniyang boses ay puno ng pambihirang

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   Chapter 140

    ​Matapos salubungin ang kanilang dalawang anak at maramdaman ang kakaibang kagalakan sa muling pagkabuo ng kanilang tahanan, pumasok sina Edison at Arah sa study room kasama si Gabriel. Nakakarga pa rin ni Arah si Amihan na ngayon ay payapang nakasandal sa kaniyang dibdib, habang si Leo naman ay nakaupo sa malambot na sofa habang tahimik na naglalaro sa kaniyang maliit na toy car.​Tumingin si Edison kay Gabriel na kasalukuyang nag-aayos ng mga folder sa mesa. "Gabriel, kumusta ang lagay ng mga legal papers kay Brenda Morales sa Antique? Nasimulan na ba ng pulisya at ng legal team ang paghahain ng pormal na demanda laban sa kaniya?"​"Opo, Sir Edison," pormal na sagot ni Gabriel. "Nasa ilalim pa rin siya ng kustodiya ng mga awtoridad sa Antique. Bagaman nakikipagtulungan siya, itutuloy pa rin ng piskalya ang kasong Child Trafficking at Kidnapping laban sa kaniya ayon sa pamantayan ng batas—"​"Tigilan niyo ang kaso laban kay Brenda."​Napahinto si Gabriel sa kaniyang pagsasalita. Bali

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 5

    Buong gabi, hindi nakatulog si Arah.Paulit-ulit niyang tinitigan ang marriage contract na nasa harapan niya habang tahimik ang buong kwarto.Parang bawat pahina nito ay unti-unting sumisikip sa dibdib niya.Marriage Agreement.Hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na magpapakasal siya—

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 4

    Hindi pa rin makapaniwala si Arah sa nangyari sa conference room.Buong araw siyang halos hindi makagalaw sa desk niya habang paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Edison.“The child she’s carrying is mine.”Parang hanggang ngayon, naririnig pa rin niya iyon.At mas lalong hindi niya

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   CHAPTER 2

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tanging tunog lang ng makina habang mahigpit na nakahawak si Arah sa bag niya. Katabi niya ang kanyang ina sa likod, habang nasa driver’s seat ang ama niyang si Kapitan Ernesto. Walang nagsasalita. Pero ramdam niya ang galit. Ramdam niya ang kahih

  • MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER   PROLOGUE

    Malakas ang ulan.Hindi na ito basta patak lang—parang galit na galit ang langit, sabay-sabay bumabagsak ang tubig sa bubong ng sasakyan. Malalakas na hampas, parang bawat patak ay may dalang bigat na hindi maipaliwanag. Dumudulas ang tubig sa windshield, tinatakpan ang malinaw na daan—parang eksak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status