MasukBuong gabi, hindi nakatulog si Arah.
Paulit-ulit niyang tinitigan ang marriage contract na nasa harapan niya habang tahimik ang buong kwarto. Parang bawat pahina nito ay unti-unting sumisikip sa dibdib niya. Marriage Agreement. Hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na magpapakasal siya— hindi dahil sa pagmamahal— kundi dahil sa kahihiyan. Napapikit siya habang mahigpit na hawak ang tiyan niya. Kung hindi siya buntis… hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi siya iniwan ni Adrian… hindi siya mapupunta sa sitwasyong kailangan niyang pakasalan ang kuya nito. Unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi niya alam kung sino ba talaga ang niluluksa niya. Ang relasyon nila ni Adrian? O ang pangarap niyang simpleng buhay at masayang pamilya? Mahina ang katok sa pinto. “Arah?” tawag ng kanyang inamula sa labas. “Pwede bang pumasok?” Mabilis niyang pinunasan ang luha niya. “Opo…” Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Almira. Pagod ang mukha nito. Halatang ilang araw nang hindi nakakatulog nang maayos. Napatingin ito agad sa kontrata sa kama. “So… totoo nga?” mahina nitong tanong. Napayuko si Arah. “Opo.” Tahimik na umupo ang ina niya sa tabi niya. “Anong sabi mo?” Hindi agad siya nakasagot. “Kaya mo bang pakasalan ang lalaking hindi mo mahal?” Parang may humigpit agad sa dibdib niya. Hindi niya alam. Hindi niya talaga alam. “Ma…” nanginginig niyang sabi, “natatakot po ako.” Unti-unting lumambot ang mukha ng ina niya. Sa unang pagkakataon matapos malaman ang pagbubuntis niya— mukhang hindi galit ang kaharap niya. Kundi isang ina lang na naaawa sa anak. “Hindi madali ang sitwasyon mo,” mahinang sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya. “Pero mas mahirap ang buhay ng batang lalaki kung lalaki siyang walang pangalan.” Napapikit si Arah. Masakit marinig iyon. Pero totoo. “Galit ang papa mo,” dagdag nito. “Pero gusto lang niyang protektahan ka.” “Protection ba ’to, Ma?” mahina niyang tanong. “O pagtatago?” Tahimik si Almira. Dahil kahit ito— alam ang sagot. Kinabukasan, mas mabigat pa ang hangin sa bahay. Tahimik silang kumakain ng almusal. “At ano pa hinihintay mo?” malamig na tanong ng kanyang ama. Napatingin si Arah dito. “Pa…” “Anong choice meron ka?” putol nito. “Kapag tumanggi ka, ano sasabihin ng mga tao?” Humigpit ang hawak niya sa baso. “Pero kasal po ’to…” “At least may pangalan ang anak mo!” madiing sagot nito. “At hindi ka magiging kahihiyan ng pamilya!” Napayuko si Arah. Parang bawat salita ng ama niya ay unti-unting dumudurog sa kanya. “Hindi mo ba naiisip future ng bata?” dagdag pa nito. “O mas iniisip mo pa rin yang Adrian na tumakas sayo?” Parang may tumusok sa puso niya. Hindi na siya sumagot. Kasi kahit anong pilit niya— masakit pa rin. Masakit pa ring tanggapin na iniwan siya ng lalaking minahal niya. At ngayon— ibang lalaki ang sasalo sa responsibilidad na tinakbuhan nito. “Ano ba gusto mo mangyari?” galit na tanong ng ama niya. “Hintayin mong bumalik si Adrian habang sinisira ka ng mga tao?!” Tahimik. Napakatahimik. Hanggang sa dahan-dahang pumikit si Arah. At doon niya naramdaman— wala na talaga siyang choice. Pagdating ng hapon, muli siyang bumalik sa Axion Prime Holdings. Tahimik siyang pinapasok sa executive floor. Pagbukas ng pinto ng opisina ni Edison— naroon na naman ito. Malamig. Tahimik. Kontrolado. Parang walang kahit anong emosyon. Parang hindi kasal ang pinag-uusapan nila. Napatingin ito sa kanya. “Have you decided?” Humigpit ang kapit ni Arah sa bag niya. At sa ilang segundong katahimikan— parang tuluyan nang nawala ang dating buhay niya. “Opo,” mahina niyang sabi. Tahimik si Edison. “Pipirmahan ko na po.” Walang emosyon itong tumango. Parang expected na nito ang sagot niya. Dahan-dahan siyang umupo sa harap nito habang nanginginig ang kamay. At nang hawakan niya ang ballpen— parang may kung anong tuluyang nabasag sa loob niya. Arah Cervantes. Ilang segundo niyang tinitigan ang pangalan niya sa papel. Bago niya tuluyang pinirmahan. Pagkatapos niyang magsulat— parang may bahagi ng sarili niya ang naiwan doon. Tahimik lang si Edison habang pinapanood siya. Pagkatapos ay kinuha nito ang kontrata at pumirma rin. Diretso. Sigurado. Parang simpleng business deal lang. At baka para dito— iyon lang talaga iyon. “Civil wedding will be tomorrow,” sabi nito. Nanlamig siya. “Bukas agad?” “The longer we wait, the bigger the issue becomes.” Tahimik siyang tumango. Wala na siyang lakas makipagtalo. Kinabukasan— simple lang ang naging kasal nila. Walang engrandeng venue. Walang romantic music. Walang masayang atmosphere. Nasa loob lang sila ng isang private function room kasama ang ilang abogado, judge, at piling tao mula sa pamilya nila. Tahimik si Arah habang nakasuot ng simpleng puting dress. Hindi niya naramdaman na bride siya. Pakiramdam niya— isa lang siyang taong nakikipagkasundo sa kapalaran. Samantalang si Edison— nakatayo lang sa harap. Naka-black suit. Malamig pa rin ang ekspresyon. Parang walang kahit anong kayang gumalaw sa emosyon nito. Habang nagsasalita ang judge— unti-unting nanlalabo ang paningin ni Arah. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod… o dahil tuluyan nang bumabagsak ang mundo niya. “Do you, Edison Avelino, take Arah Cervantes as your lawful wife?” “I do.” Diretso. Walang pag-aalinlangan. At nang siya naman ang tinanong— halos hindi niya mailabas ang boses niya. “Do you, Arah Cervantes, take Edison Avelino as your lawful husband?” Napapikit siya. Saglit niyang naalala si Adrian. Ang lalaking pinangarap niyang makatuluyan. Ang lalaking nangakong babalik. At ang lalaking unang sumira sa puso niya. Unti-unting tumulo ang luha niya. “I… do.” At sa dalawang salitang iyon— tuluyan nang nagbago ang buong buhay niya. Pagkatapos ng kasal, tahimik silang lumabas ng function room. Walang holding hands. Walang sweetness. Walang pagmamahal. Magkatabi sila— pero parang napakalayo pa rin. Pagpasok nila sa elevator, mabigat ang katahimikan. Hanggang sa biglang nagsalita si Edison. “From now on, you’ll move into my penthouse.” Napatingin siya rito. “Tonight?” “Yes.” Diretso. Parang wala siyang choice. At totoo naman. Wala nga. “Tungkol sa rules natin,” dagdag nito, “you’ll have your own room. Hindi kita gagalawin kung ayaw mo.” Bahagyang nanlaki ang mata ni Arah. Hindi niya alam kung bakit— pero kahit papaano, gumaan nang konti ang pakiramdam niya. “This marriage is only for protection,” malamig na dagdag ni Edison. “Nothing more.” Mas lalong sumikip ang dibdib niya sa salitang iyon. Protection. Kontrata. Responsibilidad. Lahat meron— maliban sa pagmamahal. Tahimik siyang napatingin sa wedding ring sa daliri niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Mrs. Avelino na siya ngayon. Asawa ng kuya ng dating boyfriend niya. At kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili niya na pansamantala lang ito— hindi niya maalis ang kaba sa dibdib niya. Dahil pakiramdam niya… ang kasalang ito— hindi magiging ganoon kasimple.Ang katahimikan ng madaling araw sa Bonifacio Global City ay naging pansamantalang kalasag nina Arah at Leo mula sa nagbabadyang unos. Sa loob ng marangyang condominium unit, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang marahang paghinga ng natutulog na bata ang naririnig. Pumasok si Julian mula sa balkonahe matapos ang kaniyang lihim na pakikipag-usap sa kaniyang Boss. Natagpuan niya si Arah na nakatayo malapit sa p***o ng silid ni Leo, nakasandal sa pader habang matatag na nakakapit sa kaniyang ibabang tiyan. Bakas pa rin ang pamumutla sa mukha nito, ngunit ang kaniyang mga mata ay gising na gising—puno ng determinasyong hindi kayang patayin ng pisikal na sakit. "Arah, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" mahinang tanong ni Julian upang hindi magising ang bata. "Kailangan mo ng lakas. Ilang oras na lang at sasapit na ang umaga. Nakalapag na ang eroplano ni Edison sa Maynila." Humarap sa kaniya si Arah, isang tipid at malamig na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. "Paano ako maka
Binalot ng nakatutuling ingay ng mga alon ang dalampasigan ng Palawan, ngunit para kay Edison, ang tanging naririnig niya ay ang paulit-ulit na boses ni Teresa sa kaniyang isip. Kinuha niya si Leo. Wala na ang bata.Ang buhangin na nakasapo sa kaniyang mga palad ay tila naging kasing bigat ng semento. Ang gabi na binalot ng dilim ay lalong nagpadilim sa kaniyang mundo. Lahat ng pagod, ang puyat, ang milyong-milyong pisong ginastos niya para sa mga imbestigador, at ang pagmamadali niyang marating ang islang ito ay naging isang malaking biroi. Habang hinahabol niya para makita si Arah sa Palawan, ang totoong ay nasa kaniyang sariling mansyon sa Maynila si Arah—kinukuha ang kanilang anak."Sir Edison!"Mabilis na lumapit si Gabriel at hinawakan ang siko ni Edison upang alalayan itong tumayo. Ang imbestigador ay bakas din ang gulat sa mukha matapos marinig ang bahagi ng sigaw ng kaniyang amo sa telepono. "Sir, anong nangyari? Kailangan nating kumilos."Dahan-dahang itinaas ni Edison
Hindi na napigilan ni Leo ang kaniyang sarili. Binitawan ng bata ang hawak nitong laruan at mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Arah. Ang kaniyang maliliit na bisig ay mahigpit na pumalupot sa baywang ng kaniyang ina, habang ang mga luha na matagal nitong kinimkim ay tuluyan nang umagos.Napasandal si Arah sa gilid ng pinto. Ang biglaang pagbangga ni Leo sa kaniyang katawan ay nagdulot ng matinding kuryente ng sakit sa kaniyang ibabang tiyan—isang paalala na ang tahi mula sa kaniyang emergency Cesarian section ay sariwa pa at hindi pa tuluyang naghihilom. Napakagat-labi si Arah, pinalipas ang ilang segundong hininga upang hindi mabuwal, ngunit mas nanaig ang kaniyang pagiging ina. Lumuhod siya, maingat na iniwasan ang kaniyang sugat, at niyakap nang napakahigpit ang kaniyang anak."Mommy... Sabi ni Daddy hahanapin ka niya... Sabi niya babalik ka," hikbi ng bata, isinusubsob ang mukha sa balikat ni Arah. "Huwag mo na po akong iiwan, Mommy. Natatakot po ako rito mag-isa."
Habang ang pribadong eroplano ni Edison Monteverde ay bumabasag sa makakapal na ulap patungong Palawan, isang pampasaherong flight naman ang pabalik ng Maynila. Sa loob ng eroplanong iyon, magkatabing nakaupo sina Arah at Julian.Nakatitig si Arah sa bintana, pinapanood ang unti-unting pagliit ng mga isla ng Palawan kung saan naiwan ang pinakamalaking pighati ng kaniyang buhay—ang kaniyang pumanaw na sanggol. Ang kaniyang mukha ay blangko, walang kahit anong emosyon, ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay may naglalagablab na apoy. Isang linggo matapos ang kaniyang emergency Cesarian section at pagkakakoma, pinilit niyang magpalakas. Hindi para sa sarili, kundi para sa nag-iisang dahilan kung bakit nananatili pa siyang humihinga sa mundong ito: si Leo."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Arah?" mahinang tanong ni Julian, binabasag ang katahimikan sa pagitan nila. "Masyado pang maaga. Sariwa pa ang tahi mo, at ayon sa huling ulat ng mga tauhan ko, mahigpit pa rin ang seguridad sa pa
Ang pribadong silid sa ospital sa Palawan ay muling binalot ng isang nakabibinging katahimikan matapos mailabas ni Julian ang mga dokumento ng kamatayan ng sanggol. Si Arah ay nanatiling nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa kawalan. Wala nang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata, dahil tila natuyo na ang lahat ng balon ng emosyon sa kaniyang katawan matapos ang isang linggong pagkakakoma. Ang hapdi ng tahi sa kaniyang ibabang tiyan mula sa emergency Cesarian section ay hindi man lang niya pinapansin; mas matindi ang hapdi ng kawalan na nararamdaman niya sa kaniyang sinapupunan at sa kaniyang puso." Arah," basag ni Julian sa katahimikan, habang maingat na inilalapit ang isang basong tubig. "Kailangan mo nang uminom. Sabi ng doktor, masyado pang mahina ang katawan mo . Kung hindi ka pa magpapalakas, baka bumuka ang mga tahi mo at magkaroon muli ng komplikasyon."Dahan-dahang binalingan ni Arah si Julian. Ang kaniyang tingin ay napakalamig—isang t
Wala pa sa kaniyang kabuwanan si Arah, ngunit ang matinding stress, ang gabi-gabing pag-iyak dahil sa pangungulila kay Leo, at ang takot sa kaniyang nakaraan ay nagbunga ng maagang pag-labor. Ang kaniyang tiyan ay naninigas, at ang bawat hininga niya ay parang hinuhugot mula sa kaniyang lalamunan."Arah! Huminga ka nang malalim, parating na ang ambulansya!" Ang boses na iyon ay mula kay Julian."Julian... ang anak ko... masakit... hindi ko kaya..." umiiyak na pagsusumamo ni Arah habang nakakapit nang mahigpit sa braso nito. Ang kaniyang mga binti ay binalot na ng malamig na pawis, at ang dugo ay nagsimula nang dumaloy, isang senyales na nanganganib ang kaniyang dinadala.Nang makarating sila sa pinakamalapit na pribadong ospital sa lungsod, mabilis na isinugod si Arah sa Emergency Room. Ang mga doktor ay nagkakagulo. Ang kaniyang vital signs ay mabilis na bumababa, at ang tibok ng puso ng sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan ay unti-unti nang humihina."Kailangan natin siyang
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tanging tunog lang ng makina habang mahigpit na nakahawak si Arah sa bag niya. Katabi niya ang kanyang ina sa likod, habang nasa driver’s seat ang ama niyang si Kapitan Ernesto. Walang nagsasalita. Pero ramdam niya ang galit. Ramdam niya ang kahih
Two weeks na nakalipas mula nang huling pag-uusap nila ni Adrian. Maaga pa lang, gising na si Arah.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil hindi siya pinatulog ng sakit.Buong linggo, paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Adrian—parang sirang plaka na hindi tumitigil.“Hindi pwede.”
Malakas ang ulan.Hindi na ito basta patak lang—parang galit na galit ang langit, sabay-sabay bumabagsak ang tubig sa bubong ng sasakyan. Malalakas na hampas, parang bawat patak ay may dalang bigat na hindi maipaliwanag. Dumudulas ang tubig sa windshield, tinatakpan ang malinaw na daan—parang eksak
Hindi pa rin makapaniwala si Arah sa nangyari sa conference room.Buong araw siyang halos hindi makagalaw sa desk niya habang paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Edison.“The child she’s carrying is mine.”Parang hanggang ngayon, naririnig pa rin niya iyon.At mas lalong hindi niya







