LOGINKinabukasan, pagbaba ni Arah mula sa hagdan, bitbit si Leo, natigilan siya sa may foyer. Nakita niya si Edison na handa na para sa trabaho, naka-suit at mukhang nagmamadali. Sa tabi nito ay si Kate. Hindi man lang lumingon si Edison sa hagdan para hanapin siya o kahit mag-iwan ng kahit anong mensahe. Sa halip, abala si Kate sa pag-aayos ng necktie ni Edison—isang simpleng kilos na sa paningin ni Arah ay isang malaking paglapastangan sa kaniyang presensya. "You always mess up your tie, Edison," ani Kate sa boses na punung-puno ng paglalambing. "Parang noong nasa kolehiyo tayo, kailangan mo talaga ako para magmukha kang presentable. Hindi ka pa rin nagbabago, palagi kang kailangan ng gabay."Tumawa si Edison, isang masayang tawa na hindi kailanman narinig ni Arah sa nakalipas na mga araw. "Salamat, Kate."Hindi man lang naisip ni Edison na tumingin sa paligid o magpaalam kay Arah bago lumabas ng pinto. Para bang sa presensya ni Kate, naging invisible na si Arah at ang kanilang anak
Ang bawat oras na lumilipas sa loob ng mansyon ay tila isang mabagal at masakit na pagbitay para kay Arah. Ang mansyong dati ay puno ng pag-asa at unti-unting paghilom ay biglang napuno ng mga alaalang hindi sa kaniya nagmula. Sa loob ng silid ni Leo, pinilit ni Arah na maging normal, pinilit niyang tumawa sa bawat kwento ng anak habang inaayos ang mga action figures nito sa sahig, ngunit ang kaniyang isipan ay nananatili sa labas—sa kusina, sa sala, sa bawat sulok kung saan naroroon sina Edison at Kate.Alam niyang may nararamdaman pa rin siya kay Edison. Ang kaniyang puso ay hindi marunong magsinungaling; bawat pintig nito ay pangalan ng lalaki ang binabanggit. Ngunit dahil sa presensya ni Kate, pinili ni Arah na maging matatag at maingat. Ayaw niyang maging desperada. Sa kaniyang isipan, ang dignidad ang tanging sandata niya laban sa hindi tiyak na bukas.Nang sumapit ang oras ng tanghalian, sinalubong siya ni Edison ng isang mainit at mapag-imbitang tingin. Hinalikan nito ang k
Ang sikat ng araw na tumatagos sa mamahaling kurtina ng silid ang gumising kay Arah. Bahagya siyang gumalaw, umaasang mararamdaman pa rin ang init at bigat ng braso ni Edison sa kaniyang tabi—ang braso na kagabi lamang ay mahigpit na humahawak sa kaniya, ang braso na nagsisilbing proteksyon niya laban sa lahat ng sakit ng mundo. Ngunit ang kaniyang kamay ay dumapo lamang sa malamig at bakanteng espasyo ng kama.Ang lamig ng kama ay tila nawala ang lahat ng sensasyon ng gabi—ang mga halik na puno ng pangako, ang mga bulong ng pagmamahal, at ang seguridad na akala niya ay tuluyan na niyang nakamit. Napabangon si Arah nang mabilis, hinahanap ang presensya ng lalaki, ngunit ang silid ay tahimik. Tanging ang pabango ni Edison ang naiwan sa hangin, isang paalala na totoo ang nangyari, ngunit tila napakalayo na nito sa kasalukuyan.Dala ng kaba at ang mga tanong na hindi pa nasasagot, mabilis na nag-ayos si Arah. Bumaba siya sa malawak na hagdan, ang kaniyang mga paa ay walang ingay na lu
Ang gabi ay tila huminto sa pag-ikot. Sa loob ng malawak at marangyang silid, tanging ang tunog ng mabibigat nilang paghinga at ang mahinang lagitik ng kama ang bumasag sa katahimikan. Ang bawat sulok ng silid ay saksi sa pagtatagpo ng dalawang pusong matagal na nagkahiwalay, dalawang kaluluwang muling naghanap ng tahanan sa isa’t isa.Nang magsimulang tumugon ang mga labi ni Arah, wala nang pag-aalinlangan sa mga kilos ni Edison. Sa isang mabilis na pagkilos, binuhat niya si Arah papunta sa silid ni Edison, na tila ba isang kayamanang natagpuan muli pagkatapos ng mahabang panahon. Awtomatikong umikot ang mga binti ni Arah sa bewang ni Edison, isang natural na reaksyon ng kaniyang katawan na sabik na sabik sa init ng lalaki. Kahit na patungo sila sa silid, hindi nila pinutol ang kanilang paglalapat ng labi—isang halik na puno ng pagsisisi, pangungulila, at masidhing pagnanasa.Pagdating sa kama, sabay silang humiga, at ang palad ni Edison ay marahang humahagod sa bawat kurba ng hit
Ang mga araw sa loob ng mansyon ay tila naging isang payapa. Si Leo, sa kaniyang murang edad, ay mabilis na nakabawi. Sa tulong ng mga specialist at ang patuloy na pagtutok ni Edison, ang dati’y maputlang bata ay unti-unti nang nagkakaroon ng sigla. Ang pinakamaganda sa lahat ay ang namumuong koneksyon sa pagitan nina Leo at Edison.Isang hapon, habang naglalakad sila sa hardin, pinaupo ni Edison si Leo sa isang bench. Hinawakan niya ang maliliit na kamay nito. "Leo, may gusto sana akong sabihin sa 'yo," panimula niya, puno ng kaba. "Alam ko, matagal tayong hindi nagkasama. Pero sana malaman mo, ako ang Daddy mo. Ako ang amang laging nandiyan kahit hindi mo ako nakikita."Tiningnan siya ni Leo nang maigi, ang mga mata ay puno ng inosenteng pangungulila sa ama. "Daddy?" simpleng sambit ni Leo, sabay yakap nang mahigpit. Pero biglang humiwalay ang bata at pinagmasdan ang mukha ni Edison."Daddy, bakit po ang laki ng ilong mo?" tanong ni Leo sabay tusok sa ilong ng ama.Napakamot sa
Paglabas ni Arah sa kaniyang silid, agad niyang nakita ang mga medical staff na tahimik na kumikilos. Bawat isa sa kanila ay may dalang chart o kagamitan. Sila ay mga propesyonal, mabilis, at hindi nakikipag-usap nang higit sa kinakailangan. Ramdam ni Arah na siya ay isang panauhin sa sarili niyang mundo—isang taong pinoprotektahan, ngunit hindi malaya.Naglakad siya patungo sa room, ang lugar kung saan nadoon si Leo. Sa bawat hakbang, naririnig niya ang tunog ng kaniyang sariling talampakan sa makintab na sahig. Pagbukas niya ng pinto, naabutan niya si Edison. Ang lalaki ay nakaupo sa tabi ng kama ni Leo, suot ang isang casual na puting polo, ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pagod na hindi kayang burahin ng kahit anong yaman.Si Edison ay hindi nakatingin sa kaniya; ang kaniyang buong atensyon ay nakapako sa bata. Hinahawakan niya ang kamay ni Leo, at marahan niyang hinahaplos ang buhok nito. Sa sandaling iyon, hindi siya ang bilyonaryong kinatatakutan ng lahat sa boardroom. Siy
Ang bawat segundo matapos marinig ang balita tungkol sa biglaang pagbabalik ni Adrian mula sa Amerika ay tila naging isang taon para kay Arah. Habang nagmamadaling magpalit ng pormal na kasuotan si Edison sa loob ng kanilang silid, nanatili siyang nakayuko sa gitna ng malawak na sala, yakap ang ka
Kinabukasan matapos ang marangyang gabi ng Grand Gala, ang mga larawan nina Edison at Arah ang naging pangunahing laman ng mga pahayagan, social media, at mga prestihiyosong business magazines sa buong bansa. Ang balita tungkol sa pagbubuntis ng asawa ng makapangyarihang CEO at ang pag-usbong ng ba
Ang malawak na bulwagan ng hotel ballroom ay tila binalot ng isang mabigat at nakakabinging katahimikan matapos bitawan ni Edison ang kaniyang anunsyo. Ang salitang "tagapagmana" ay umalingawngaw sa pandinig ng mga board members, mga investors, at mga mamamahayag na mabilis na nagsisulat at nag-aag
Pinanood ni Edison ang bawat hakbang ni Arah papalapit sa kaniyang mesa. Ang folder na hawak ng babae ay bahagyang umuurong sa kaniyang dibdib, tila ginagawa itong pananggalang laban sa kaniya. Sa kabila ng pagpipilit ni Arah na magmukhang pormal, hindi nakaligtas sa matalas na mata ng CEO ang pamum







