Share

3

Penulis: LORNA1997
last update Tanggal publikasi: 2025-12-03 21:05:12

Devryck

"Apo? Kumusta ang San Antonio? Narinig ko ang mga papuri nila at mga magagandang bagay tungkol sa'yo, at ipinagmamalaki kitang tawaging apo," bati ni Lolo Luciano, na puno ng pagmamalaki sa kanyang boses. Siya si Don Luciano Marcov, dating gobernador, isang mahusay at makatarungang pulitiko, at siya ang role model ko. Siya ang nagturo sa akin ng lahat tungkol sa pulitika.

"Lo, you taught me well, remember?" sabi ko, nakatingin sa aking lolo. Nasa library kami, pinag-uusapan ang mga plano ko para sa San Antonio. Palagi kong kinukonsulta si Lolo dahil mas marami siyang karanasan sa pulitika.

"I just taught you, but you poured your heart into it, my grandson. You're the captain of your own life. Everything you do is a result of your dedication and love for your town. So all the praise goes to you, my grandson," proud na sabi ni Lolo.

"Thank you, Lo. Anyway, tinanggihan ko nga pala ang alok ng isang malaking kompanya ngayon. Gusto nilang magtayo ng isang malaking factory dito sa bayan, malapit sa ilog. Hindi ko tinanggap. Kilala ang San Antonio sa ganda ng paligid at sa kalinisan ng tubig sa ilog. Alam kong kung pinayagan ko sila, madudumihan ang ilog, na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig at hanapbuhay ng mga mangingisda. Hindi ko kayang isakripisyo ang kalusugan at kabuhayan ng aking mga nasasakupan para lamang sa pera. Maaari tayong umasenso nang hindi sinisira ang ating kapaligiran. Ayokong sisihin ng mga tao dahil sa maling desisyon ko," paliwanag ko. "Ang San Antonio ay kilala sa mga taniman ng palay at mga magagandang tanawin. Agrikultura at eco-tourism ang balak kong ituon, Lolo. Mas malaking kita ang papasok sa bayan, at mas marami akong matutulungan; mas madadagdagan ang mga scholarship para sa mga mag-aaral," pagtatapos ko. Gusto ko lang marinig ang opinyon at mungkahi ng aking lolo.

"Mabuti iyan, Apo. Tama ang desisyon mo. Ang pagkakaisa ng komunidad ay mas mahalaga kaysa sa pansamantalang kita. Kung tutulungan mo ang mga residente na maghanap ng ibang paraan ng kabuhayan, mas magiging matatag ang San Antonio. Suportahan mo ang mga lokal na negosyo, at hikayatin ang pagtutulungan sa pagitan ng mga tao. Iyan ang tunay na pag-unlad. Magaling ka, Apo! Buti na lang at nagtitiwala sa'yo ang mga tao," sabi ni Lolo.

"I have no regrets pushing you into politics. You truly have a heart for the people," sang-ayon ni Lolo. Siya ang inspirasyon ko, lalo na noong nagsisimula pa lang ako. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto ko: maging katulad ni Lolo. Tinuruan niya ako kung paano makihalubilo sa mga tao at kung paano magsalita sa harap ng madaming tao. Palagi niya akong pinapaalalahanan ng tunay na kahulugan ng empathy. Natutunan kong ilagay ang sarili ko sa kalagayan ng iba. Dahil dito, nag-aral ako ng Law sa University of the Philippines Diliman at nagtapos nang may Latin Honors at nanguna sa bar exam. Pagkatapos kong magsilbi bilang isang public attorney, pumasok ako sa pulitika para mas madaling makatulong sa mga tao. Nanalo ako sa local election laban sa incumbent mayor.

"We need to attract tourists. The more appealing the promotion, the better. My IT team is already working on a website and F******k page about tourism in San Antonio. I hope this works. I've been working overtime; I really hope my plans succeed," sabi ko habang humihigop ng wine.

"Talk to your friends; they're well-known in the industry and sports. Why not give them a tour here? They can take pictures and upload them on their social media accounts. That's an easier way to promote — and it won’t cost anything," suggest ni Lolo. Ang talino talaga ni Lolo. Bakit hindi ko naisip 'yon agad? Siguro masyado lang akong busy sa trabaho.

"That's a great idea, Lo. Don't worry; I'll take your advice. I'll talk to them," sabi ko. Malapit nang umuwi ang mga kaibigan ko, maliban sa isa na nasa Malaysia.

“Apo,” napatigil ako sa pag-inom ng wine at tumingin kay Lolo. “Baka naman sa sobrang paglilingkod mo sa bayan ay hindi ka na makapag-asawa niyan. Devryck, gusto ko pang makita kang mag-asawa at magka-anak. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Natawa na lang ako sa sinabi ni Lolo. Lagi kasi niyang sinisingit at binabanggit iyon kapag nag-uusap kami.

"Ilang apo ho ba ang gusto ninyo mula sa akin, Lolo?" biro ko para gumaan ang usapan.

"Bakit apo, ibibigay mo ba sa akin kapag sinabi ko na lima ang gusto kong maging Apo, sayo?” Tumawa si Lolo. “Isa pa paano mo ibibigay ang mga apo na gusto ko kung wala ka pang asawa? Hindi ka ba natatakot na baka lumagpas ka nalang sa kalendaryo ng hindi pa nakakapag-asawa?”

"Lolo, kung mawala man ako sa kalendaryo, may card pa naman ng Bingo. Hanggang 75 iyon," natatawang sagot ko na inilingan lamang ni Lolo.

"Devryck, hindi ako nagbibiro,” babala niya.

"Alam ko po ‘yun, Lo,” sagot ko. “May napupusuan na po ako pero masyado pa siyang bata sa ngayon,” saad ko at may naglalarong ngiti sa mga labi ko.

“Siguraduhin mo lang, apo. Piliin mo ang babaeng talagang mamahalin ka at maipagmamalaki mo. Gusto ko ng disenteng babae para sa'yo, tulad ng Lola at Nanay mo. 'Yung kaya mong ipakilala kahit kanino," sabi ni Lolo. Mataas talaga ang standards niya pagdating sa mga babae. “Pero kung gusto mo….” Huminto si Lolo, napatingin naman ulit ako sa kanya. “May alam akong desente na babae na alam kong babagay sayo, apo.”

Hindi ko mapigilang mapaisip. Sa totoo lang ayaw ko sa ideya ni Lolo kung sino man ang tinutukoy niya.

“Close kayo ng batang si Ysa, tama ba?” Agad akong tumango at kinabahan. “Desente ‘yun na bata, panigurado na bagay siya sayo apo. Isa pa, kaibigan ko ang lolo niya, kaya kung sakaling siya ang aasawahin mo ay panigurado akong magiging maayos ang lahat.”

Agad akong napa-ubo sa sinabi ni Lolo. Hindi ko akalain na babanggitin niya si Ysa, ang batang itinuturing akong kuya at parang tunay na kapatid. Kilala ko si Ysa, noon pa man. Maganda ang batang ‘yon, ngunit alam kong hindi kami pwede. Malapit na akong lumagpas sa kalendaryo, at si Ysa ay bente uno anyos pa lamang. Bukod doon, ayaw kong sirain ang kabataan nito kung sakali mang si Ysa ang gusto ni Lolo para sa akin.

“Lo, bata pa po si Ysa. Hindi po kami bagay dahil malapit na po akong lumagpas sa kalendaryo. Isa pa po, ayaw ko pong masira ang kanyang kabataan kung sakaling siya nga po ang piliin ninyo para sa akin,” mahinahon kong paliwanag kay Lolo.

Napakunot naman ang noo ni Don Luciano. “Bakit naman masisira ang kabataan ng batang si Ysa kung sakali man kayong dalawa ang magkatuluyan?”

“Basta po Lo, isipin na lang po natin na hindi kami bagay sa isa’t-isa ni Ysa,” sabi ko.

“Ikaw ang bahala, pero sayang naman kung mapupunta ang batang ‘yun sa ibang lalaki. Maganda, matalino, mabait, halos nasa kanya na ang lahat. Panigurado, kung sino man ang magiging asawa niya in the future ay magiging proud,” sabi ni Lolo, na may kaunting lungkot sa tinig niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    7

    Third Person POV Kinabukasan maagang nagising si Ysa upang makapag-handa para sa kanyang klase. Hindi pa rin niya makalimutan ang halik ni Vander sa pisngi niya kagabi. Napailing siya. ‘Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi naman ako nagkakagusto kay Kuya Devryck, di ba? Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nakikita o naiisip ko ang nangyari?’ tanong niya sa kanyang sarili. Napabuntong-hininga nalang si Ysa. Bumangon siya sa kanyang kama at dumeretso sa banyo. Naghanda siya para sa kanyang klase. Nang matapos siyang maligo at magbihis, lumabas na siya ng kwarto, naabutan niya pa sa lamesa ang kanyang lolo na nagkakape. "Magandang umaga, lo," bati niya sa lolo niya. “Magandang umaga rin, apo, kamusta nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” “Okay naman po, lo.” magalang na sagot niya rito. “Mabuti naman kung ganun, halika na at maupo para makapag almusal ka bago ka pumasok sa skwelahan.” Tumango siya sa lolo niya, at umupo na sa upuan. “Gising ka na pala apo, kamu

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    6

    YsaNatapos ang hapunan nang maayos at matiwasay, walang muling nagbanggit pa tungkol sa boyfriend, kasal, at apo. Nakahinga ako nang maluwag."Have you already opened my gift for you?" tanong ni Kuya Devryck sa akin. Umiling ako; tinatamad pa akong magbukas ng mga regalo. Pagod na rin ako kaka-entertain ng mga bisita kanina."Where is it? Where did you put it? Buksan na natin?" Ngumiti ako at agad na iginiya si Kuya Ryck papasok sa loob kung saan ang mga gift na para sa akin. "Open it," utos niya na agad ko namang sinunod. Nagulat ako nang makita ang laman: ang pinakabagong model ng iPhone, kasama ang smart watch at ang pinakabagong earpods. Ayaw kong magkwenta dahil baka himatayin ako."Kuya, this is too much. Ang mahal-mahal kaya nito," manghang-mangha kong sabi."Hindi naman. Huwag kang mag-alala, galing sa bulsa ko 'yan. Sa malinis na paraan 'yan galing," nakangiting sagot niya sa akin. Kilala siya bilang isang matapat na pulitiko, kaya naman naniniwala ako sa sinabi niya."Sala

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    5

    YsaToday is my eighteenth birthday. Ang wish ko lang ay isang simpleng salu-salo kasama ang family ko pati na rin ang mga friends ko. Umuwi ang mga Tito at Tita ko, kasama nila si Kuya Rave. Halos mapuno na ang isang sulok sa sala sa sobrang daming dumating na regalo. Dumating din si Kuya Benji kasama ang kapatid nitong si Kuya Vance."Happy eighteenth birthday, ganda. Here's my gift for you," sabay abot sa akin ng isang paper bag galing sa isang sikat na designer."Here's my gift for you." Walang emosyong turan ni Kuya Vance, ito yata ang taong mabibilang mo lang ang ngiti. Palagi na lang itong seryoso sa buhay. Kahit yata kilitiin mo ito, di man lang mag-iiba ang expression niya. I just smiled at him."Ito nga pala, pinapaabot ni Devryck. Di raw siya makakarating, alam mo naman yun... Dedicated masyado sa bayan," sabay abot ni Kuya Benji ng isang may kalakihan na kahon. Kuya Devryck is Kuya Benjie's friend. We saw and talked to each other multiple times already, lalo na kapag may m

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    4

    Devryck Hindi na lamang ako kumibo. Napagtanto kong gusto talaga ni Lolo si Ysa para sa akin, ngunit wala rin namang mali sa sinabi ko. Bata pa ito at alam kong marami pang mga pangarap si Ysa sa buhay.“Lo, aalis na po ako.” Paalam ko na lamang. Mukhang wala naman na kaming ibang pag-uusapan pa kaya mas mabuti na umuwi na lamang ako. Malapit na rin kasing mag-gabi.“Mag-iingat ka, apo. Daanan mo ang mama mo, paniguradong may ipapadala siyang pagkain sa ’yo bago ka umalis.” Tumango lamang ako at lumabas na ng library ni Lolo.Dumeretso ako sa kitchen, at hindi nga nagkamali si Lolo dahil nasa kitchen nga si Mama na may niluluto. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang makita rin doon si Ysa na kausap niya. Bahagyang nagulat pa si Ysa ng mapalingon ito sa akin, at bahagyang namula pa ang pisngi nito. “Oh, anak, nandyan ka na pala. Tapos na ba kayo mag usap ng lolo mo?” tanong ni Mama ng mapansin niya ako.“Yes, ma,” maikling sagot ko.“Siya nga pala, sasabay ka bang kumain ng hapunan sa

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    3

    Devryck "Apo? Kumusta ang San Antonio? Narinig ko ang mga papuri nila at mga magagandang bagay tungkol sa'yo, at ipinagmamalaki kitang tawaging apo," bati ni Lolo Luciano, na puno ng pagmamalaki sa kanyang boses. Siya si Don Luciano Marcov, dating gobernador, isang mahusay at makatarungang pulitiko, at siya ang role model ko. Siya ang nagturo sa akin ng lahat tungkol sa pulitika."Lo, you taught me well, remember?" sabi ko, nakatingin sa aking lolo. Nasa library kami, pinag-uusapan ang mga plano ko para sa San Antonio. Palagi kong kinukonsulta si Lolo dahil mas marami siyang karanasan sa pulitika."I just taught you, but you poured your heart into it, my grandson. You're the captain of your own life. Everything you do is a result of your dedication and love for your town. So all the praise goes to you, my grandson," proud na sabi ni Lolo."Thank you, Lo. Anyway, tinanggihan ko nga pala ang alok ng isang malaking kompanya ngayon. Gusto nilang magtayo ng isang malaking factory dito sa

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    2

    Ysa"Oh my god!!" sigaw ng isang babae sa gilid namin kaya napalingon ako. "Hoy! Ikaw, pandak!" Tawag niya kay Lea. Taas-noo namang hinarap ni Lea ang babae."Anong problema mo, bruha?!" Nagtawanan ang ibang classmates namin. Lumalabas talaga ang katarayan ni Lea lalo na kapag inunahan siya."Bakit ka nakikipag-usap sa boyfriend ko?!" maangas na tanong nung babae."Hoy ka rin!! Di ko kilala yang jowa mo, at wala akong time para alamin pa. At bakit ko naman siya kakausapin, aber?" sagot ni Lea."Wag ka nang magdeny, nakita ko kayong nagtatawanan kanina sa hallway! Nagkatinginan pa kayo!" sunod-sunod na sabi nung babae."Ahh, si Jerico pala ang boyfriend mo?" sabi ni Lea, sa babae sabay haglapak ng tawa. "Gusto mong malaman kung bakit ko siya kausap?” saad ni Lea. “Dahil tinuturuan ko siya sa Math! Bobo ‘yang boyfriend mo, eh! Pasabi, ha? Mag-aral siya nang mabuti para naman hindi namin sya karga sa mga projects namin!" Gigil na gigil na sabi ni Lea."Lea, enough," sabi ko at tumayo pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status