Share

6

Author: LORNA1997
last update publish date: 2025-12-10 15:49:03

Ysa

Natapos ang hapunan nang maayos at matiwasay, walang muling nagbanggit pa tungkol sa boyfriend, kasal, at apo. Nakahinga ako nang maluwag.

"Have you already opened my gift for you?" tanong ni Kuya Devryck sa akin. Umiling ako; tinatamad pa akong magbukas ng mga regalo. Pagod na rin ako kaka-entertain ng mga bisita kanina.

"Where is it? Where did you put it? Buksan na natin?" Ngumiti ako at agad na iginiya si Kuya Ryck papasok sa loob kung saan ang mga gift na para sa akin.

"Open it," utos niya na agad ko namang sinunod. Nagulat ako nang makita ang laman: ang pinakabagong model ng iPhone, kasama ang smart watch at ang pinakabagong earpods. Ayaw kong magkwenta dahil baka himatayin ako.

"Kuya, this is too much. Ang mahal-mahal kaya nito," manghang-mangha kong sabi.

"Hindi naman. Huwag kang mag-alala, galing sa bulsa ko 'yan. Sa malinis na paraan 'yan galing," nakangiting sagot niya sa akin. Kilala siya bilang isang matapat na pulitiko, kaya naman naniniwala ako sa sinabi niya.

"Salamat talaga, Kuya. I super duper love it," sabi ko na ikinatuwa niya. Nakaupo kaming dalawa sa sofa. Sobrang natutuwa ako sa regalo niya. Dalawang taon na rin akong hindi nagpapalit ng telepono dahil maayos pa naman ang dati kong gamit. Kaya ngayon sobrang saya ko na may bago na akong phone.

"Try it," sabi niya. Excited naman na binuksan at sinet-up ko ang bagong phone. Pagkatapos, inilipat ko ang aking mga contacts.

"Thank you ulit, Kuya!" masayang sabi ko.

"Don't mention it," tipid na sagot niya, na may kasamang ngiti. Bihira lamang siyang magsalita lalo na kapag ako ang kausap. Kaya naman espesyal ang bawat ngiti at salita niya para sa akin ngayon.

Hindi na rin naman iyon masama lalo na sa uri ng trabaho niya, kailangan talaga niyang maging seryoso. Siya lang yata ang kilalang alkalde na sobrang gwapo at artistahin. Karamihan sa mga alkalde na kilala ko ay matatanda na at may pamilya na; ang iba ay namuti na lang ang buhok dahil sa paglilingkod.

Naisip ko na siguro'y binoto siya ng mga kababaihan sa bayan dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napatawa ako sa naisip ko.

Natapos ang gabi na puno ng saya ang bahay lalo na ako. Pumunta ang Kuya Devryck ko, ang mga kaibigan ko. Hanggang sa isa isa na ang mga ito na nagpa-alam. Ang pinakahuli ay sina Kuya Devryck at ang lolo nito.

"Sigurado po kayo na uuwi kayo? Mukhang mga lasing na po yata kayo, lo," saad ko na ikinatawa lang naman ni Lolo Luciano.

"Wag kang mag-alala, malakas pa naman itong Kuya Devryck mo, mataas rin ang tolerance sa alcohol kaya nasisiguro kong ligtas kaming makakauwi. Isa pa may driver naman kami, nandun pa sa loob nanliligaw yata sa mayor-doma ninyo dito sa bahay," biro pa nito.

Wala na akong nagawa nang magpaalam na ang mga ito. Ngunit bago ang mga ito umalis ay nakita kong naglakad palapit sa akin si Kuya Devryck. "Happy birthday again," sabi nito at binigyan ako ng mabilisang halik sa pisngi na ikina-init ng puso ko at ikinapula ng aking pisngi. "We're going," bulong nito bago ang mga ito nawala sa harapan ko.

Nakatulalang pumasok ako sa loob ng bahay. Namangha pa ang aking lolo ng makita niya ako na parang wala sa sarili.

"Apo, okay ka lang ba?" tumango lang ako sa lolo ko, bago maglakad papasok sa loob ng aking kwarto.

“Ahhhhhhh!!!!” Agad akong napatili. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa isang halik na iginawad sa akin ni Kuya Devryck.

"Hinalikan niya ako pisngi..." mahina kong bulong, habang patuloy pa rin sa malakas na pagtibok ang puso ko. pagkatapos ay napatili ulit ako. Saka lamang ako napatigil ng biglang tumunog ng sunod-sunod ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa bulsa at tiningnan. Nakita ko na ang group-chat-call namin nila Chloe and Lea ang nandoon. Agad ko itong sinagot.

"Gosh! What happened to you, gurl? Bakit parang nangangamatis na sa pagkapula ang pisngi mo?" It was Chloe.

"Oo nga, bakit nga ba namumula 'yang chikabels mo, ha?" sigunda naman ng isa kong kaibigan na si Lea.

Nahihiya naman na napahawak ako sa sarili kong pisngi. ‘God, bakit ba naman ganito? Wala naman ang ganito sa akin noon kapag hinahalikan ako ng Kuya Devryck ko sa pisngi. Pero bakit ngayon parang kakaiba? Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko mapangalanan.’

"Ewan ko, basta, ang weird ng feeling ko ngayon," sagot ko sa mga kaibigan ko. "Parang ang bilis ng tibok ng puso ko," dagdag ko pa.

"Hala, baka may sakit ka na sa puso?" sagot ni Chloe.

"Oo nga, kawawa ka naman," sigunda naman ni Lea.

"Mga baliw! Hindi ba pwedeng..." nabitin sa ere ang sasabihin ko. Nakita ko na naghihintay ang mga kaibigan ko sa sasabihin ko.

"Pwedeng ano?" naiinip na tanong ni Lea. "Dali na, may pa bitin ka pang nalalaman eh,"

"Oo nga!" segunda na naman ni Chloe.

"Wala. Wala 'yon," sagot ko na lamang. Ayaw kong sabihin ang totoong dahil baka makantyawan ako ng mga ito. Hindi pa naman matahimik ang mga bibig ng mga ‘yun, lalo na kapag may mga nasasagap silang balita. At panigurado na kapag sinabi ko ang nangyari kung bakit namumula ang pisngi ko ay baka hindi ako tantanan ng mga ito. Baka hindi ako patulugin kaka-interview.

"Ang kj mo naman!" sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Napangiwi naman ako. Tumingin ako sa aking relo at nakita ko ang oras na medyo late na. Kailangan ko pang mag halt bath bago matulog.

"Oh sige na, usap na lang ulit tayo sa school. Matutulog na ako, at baka ma-late ako bukas sa pagpasok." saad ko.

"Sige, pero tandaan mong may utang ka sa amin. Wag mong kakalimutan, naiintindihan mo?" napatango na lang ako sa kakulitan ng aking mga kaibigan.

"Bye beshy-bushy! Good night!" sabay na sabi nina Lea at Chloe. Napailing na lang ako. Mukhang wala akong kawala kapag nagkita-kita kami.

Pagkatapos kong maligo, ay saka lamang ako nahiga sa kama. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng marinig ko ang pag vibrate ng cellphone. Kinuha ko ito, at binuksan. Napatili na naman ako sa kilig ng makita ko ang message ni Kuya Devryck.

[From Kuya Devryck: Good night and happy birthday again.]

'Yon ang message nito na sinalihan pa ng hearts emojis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    56-2

    Third Person POV "HELLO, sino ‘to?" sagot ng nasa kabilang linya. “Hi bro, it’s me Devryck,” Ni-loud speaker niya ang phone ng asawa para marinig nito ang boses ni Neil. "Oh, hi, bakit ka napatawag? At bakit ibang number ang gamit mo?" "Just want to clarify something, bro. Ayoko kasing nagseselos ang asawa ko." Nakatanggap siya ng mahinang kurot mula sa asawa niya.. "Oh, so number pala ito ng asawa mo?" “Yeah, napagkamalan kasing baba–” napatigil si Devryck sa pagsasalita ng takpan ng asawa niya ang kanyang bibig. “Don’t say anything, kung gusto mong umuwi sa bahay kasama ako.” banta nito ngunit pabulong lamang. “Hello, bro, are you still there?” Marahan niyang inalis ang kamay ng asawa niya. Napangiti siya bago sumagot. "It was nothing bro. Gusto ko lang malaman kung naka-uwi ba kayo ng safe?" "Oh, yeah. Nakauwi naman ng maayos. Dinumog nga agad kami ng mga chikiting namin dito. Ayan, ayaw ng lumayo sa mommy nila." “That’s good to hear, bro. Anyway, magpapaalam na ak

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    56-1

    Third Person POV “APO, KUMUSTA? Bakit di mo pa isinama pagbaba ang asawa mo dito?” salubong ng Lola ni Ysa kay Devryck. “Galit po, la. Nagselos po yata. Nung huling tawag po kasi niya ay nasa shower ako; tama naman pong dinalaw ako ng aking kaklase noong kolehiyo sa suite kung saan ako nag--s-stay. Kasama po ni Niel ang kanyang asawa. Pag tawag po ni Ysa ay si Vaness po ang nakasagot. Akala po yata ng asawa ko ay babae ko. Kaya po iyon, galit na galit sa akin.” ‘di maiwasang mangiti ni Devryck habang nagkukuwento. Mabigat sa pakiramdam na umiiyak ang asawa niya, oo, pero sa naisip niyang nagseselos ito ay malaking bagay iyon sa puso niya. “I tried to explain, yet she didn’t want to listen. Hinayaan ko na po muna at baka po lalo pang magalit sa akin pag pinilit ko pa. Bababa din naman po iyon kapag kumalma na.” “Aba ’y selosa pala ang apo ko. Manang-mana sa Lola.” tumatawang sabi ni Lolo Roman. Kaya naman napuno ng tawanan ang buong salas. “Sa labas na lang po ako. Hihintayin ko

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    55

    Third Person POV ISANG LINGGO na ang lumipas buhat nang umalis si Devryck, pero para na niyang gustong hilahin ang araw para bumilis. Though always niyang nakakausap ang asawa niya, nararamdaman pa rin niya ang kawalan. Lalo na sa gabi, nagigising na lang siya na hinahanap ang init ng yakap nito sa kanya. Namimiss na rin niya ang pag-aasikaso nito sa kanya bago siya pumasok sa umaga, at ang pag-iintindi nito sa kanya sa hapag. Kailangan niyang tiisin ang isa pang linggo na wala ito; mas magiging mahigpit pa naman ang linggong ito, bawal na ang phone sa session hall. Nakapag-sabi na naman siya sa asawa niya; naiintindihan naman daw siya nito.Hindi talaga niya alam kung ano ang ginawa niya sa nakaraang buhay niya, para biyayaan siya ng ganitong kaganda at kasayang buhay.Naging busy siya sa linggong ito; hindi na nga minsan siya nakakatawag sa asawa niya. Kaya every morning ay nagte-text na agad siya dito, at humihingi na rin ng paumanhin. Iyon ang routine niya sa unang tatlong araw n

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    54

    Third Person POVWALANG HUMPAY na pagtunog ng kanyang cellphone ang gumising sa kanya. Nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Si Devryck ang tumatawag, pero hindi niya sinagot. Isi-set niya ang kanyang phone sa silent mode. Ayaw niyang makausap ito; ilang ulit pa niyang nakita ang pag-ilaw ng kanyang phone bago pa iyon tumigil. Hindi pa siya handang kausapin ito dahil baka humagulhol lang siya ng iyak pagkarinig pa lang niya ng boses nito.“Apo, bumaba ka muna dito. Kakain na.” tawag ng lola niya. Iniwan niya ang cellphone niya sa kama at madaling bumaba.“Apo, may problema ba kayong mag-asawa?” tanong ng Lolo niya.“Wala po.”“Bakit daw hindi mo sinasagot ang tawag niya?”Napatingin siya sa kanyang Lolo saglit bago mag-iwas ng tingin. ‘Nakakainis, siya pa talaga ang may ganang magsumbong sa lolo ko!’“Nakatulog po ako, Lo. Mamaya ko na lang po siya kakausapin. Busy naman po iyon.” sagot niya. Buti na lang ay di na ang mga ito nag-usisa pa.“Sa kwarto na lang po ako; magpapahinga na p

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    53

    Third Person POV PAGGISING NIYA kinaumagahan ay wala na ito, yet his scent lingered on her nostrils. Yakap niya ang unan nito na may cover ng isa nitong t-shirt. Mukhang pinaliguan nito iyon ng kanyang cologne. May nakita pa siyang note sa may bedside table. ‘Take care, wait for me. I’m gonna miss you, love. —Your handsome husband.’ Nagbihis na siya at bumaba. “Manang Regina, anong oras po umalis ang asawa ko?” “Kaninang alas-singko, ineng. Hindi pa ba tumatawag sa iyo?” umiling na lang siya; seven pa lang naman, baka may inaayos pa ito. “Nag-almusal po ba ang asawa ko bago siya umalis?” “Nagkape lang ang asawa mo, ineng.” “Uy!! Si Mayora, miss na agad si Mayor.” panunukso pa nitong si Ate Jona sa kanya. “Uy, masasanay ka rin. Sa umpisa lang ganyan, pero sa susunod ay okay na. Hamo, maganda yang record ni Mayor.” nginitian na lang niya ito. “Naku, Ysa anak, mag-almusal ka na at pihado namang mamaya ay tatawag na ang asawa mo.” Parang nagdilang-anghel si Manang Regina; tama

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    52

    Third Person POVLINGGO NG tanghali ay inayos na niya lahat ng dadalahin ni Devryck sa seminar nito sa Davao.“Love, ilang damit ang dadalhin mo para mailagay ko na.” tanong niya. Sabi kasi nito ay duffle bag lang daw ang dadalahin nito. Pumwesto ito sa kanyang likuran at tsaka yumakap.“Five shirts or polos will do, then a couple of pants. Doon na lang ako bibili ng iba pa.” pinigilan na siya nito sa kanyang ginagawa. “Tama na iyan. Ayokong mapagod ka kakahanda mo ng mga dadalhin ko.” he said softly, his voice laced with tenderness and concern, pulling her closer. Ang kamay nito ay dumadapo na naman sa kung saan-saan. His palms reached for her mounds and squeezed it; hindi niya mapigilang mapa-igik sa sakit noon.“Ouch, love.” he stopped, napabaling siya dito. He looked shocked. Parang gusto nitong sabihin na 'anong ginawa kong masama.' “Love, masakit. My breasts are tender now. I just have my period today.” mukha itong nalugi, habang nakatingin sa kanya.“Speak English.” napatawa na

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    4

    Devryck Hindi na lamang ako kumibo. Napagtanto kong gusto talaga ni Lolo si Ysa para sa akin, ngunit wala rin namang mali sa sinabi ko. Bata pa ito at alam kong marami pang mga pangarap si Ysa sa buhay. “Lo, aalis na po ako.” Paalam ko na lamang. Mukhang wala naman na kaming ibang pag-uusapan pa

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    3

    Devryck "Apo? Kumusta ang San Antonio? Narinig ko ang mga papuri nila at mga magagandang bagay tungkol sa'yo, at ipinagmamalaki kitang tawaging apo," bati ni Lolo Luciano, na puno ng pagmamalaki sa kanyang boses. Siya si Don Luciano Marcov, dating gobernador, isang mahusay at makatarungang pulitik

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    2

    Ysa "Oh my god!!" sigaw ng isang babae sa gilid namin kaya napalingon ako. "Hoy! Ikaw, pandak!" Tawag niya kay Lea. Taas-noo namang hinarap ni Lea ang babae. "Anong problema mo, bruha?!" Nagtawanan ang ibang classmates namin. Lumalabas talaga ang katarayan ni Lea lalo na kapag inunahan siya. "B

  • MAYOR DEVRYCK MARCOV    1

    Ysa "Girl, bakit ka pinatawag ni Principal last week?" bungad ni Lea, pagkababa ko pa lang ng bag ko. Nasa school garden kami, may ilang minutes pa before mag-start ang first class namin. "Wala lang 'yon, Lea. May inutos lang," sagot ko. Di pa rin ako maka-move on sa mga nangyari last week. Kausap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status