Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER TWENTY-NINE

Share

CHAPTER TWENTY-NINE

last update Last Updated: 2025-10-03 10:40:02

THIRD PERSON:

“Anak, nakakagulat naman ang amo mong iyon,” ani Aling Carmen habang papasok sila sa loob ng bahay. “Walang kaarte-arte, kahit halatang sanay siya sa marangyang buhay.”

Napangiti si Mira at bahagyang tumango. “Sabi ko naman po sa inyo, Nay, mabait siya. Kahit noong una, paran masungit siya, pero habang tumatagal, iba pala ang ugali. Hindi niya ako tinitingnan na parang alalay lang.”

Huminto si Aling Carmen sandali at tinitigan ang anak, bago ngumiti nang malapad. “Kung tutuusin, anak, maswerte ka rin. Hindi lahat ng amo, ganyan ang asal. Yung iba, kahit kapwa tao nila, tingin nila mababa kapag wala kang pera. Pero si Doña Celestine… iba. Ramdam kong may malasakit siya sayo.”

Bahagyang napayuko si Mira, marahang kumapit sa braso ng ina. “Oo nga po, Nay. Kaya parang… kahit nakakapanibago, mas gumagaan yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya.”

Napansin ni Aling Carmen ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak, na para bang may iniingatang paghanga at respeto kay Doña Celesti
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY-ONE

    THIRD PERSON:Pagdating ni Dominic sa mansyon, sinalubong siya ng katahimikan. Unusual iyon para sa malaking sala ng kanilang bahay na kadalasang puno ng ilaw at alingawngaw ng boses ng mga katulong. Napatigil siya nang makita ang kanyang ina—nakaupo, nakataas ang kilay, at nakapulupot ang mga braso na para bang matagal nang naghihintay sa kanya. Iba ang awra ng mukha nito—seryoso, matalim, at halatang mainit pa sa pinagdaanang usapan.Nakatayo naman sa gilid ang kanyang ama, hawak pa ang tasa ng kape, tila kakagaling lang sa isang diskusyon kasama ang ginang.“Mom? Dad?” tawag ni Dominic, medyo nag-aalangan habang naglalakad papasok sa sala.“Buti naman at dumating ka na, Dominic,” baling ni Mr. Lim, malamig ang tono ngunit may bahid ng pagod.“Bakit, Dad? Anong nangyayari? Mukhang napaka-seryoso niyo naman ata ni Mom.” Pabiro pa niyang tanong, sinusubukan gawing magaan ang atmosphere, saka siya lumapit sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Ngunit nanatiling tahimik si Doña Cele

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY

    THIRD PERSON:“Bilang bahagi ng Hospitality Showcase, ipapakita natin sa VIP guests ang aming mga best-sellers—mula sa masasarap na appetizer, main courses, hanggang sa dessert. Sa ganitong paraan, hindi lang nila matitikman ang ganda ng hotel amenities, kundi pati ang culinary excellence na tanging La Tavola lang ang makapagbibigay,” paliwanag ng head chef, na isang half Italian, half filipino, habang pinapatingin ang buong management team sa eleganteng layout ng menu at presentation ng mga pagkain.Isa-isa niyang ipinakita ang ilan sa mga specialty ng restaurant: ang handmade gnocchi na may creamy truffle sauce, risotto na may seafood at saffron, wood-fired Margherita at Quattro Formaggi pizza, at ang tagaytay-inspired tiramisu. Ipinakita rin niya ang iba pang dishes—mga antipasti platter na puno ng prosciutto, mozzarella, at sun-dried tomatoes, pati na ang selection ng mga fresh salads at artisan bread.“Lahat ng ito ay inihahanda ng aming skilled chefs, gamit ang sariwang sangkap a

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:“Anak, nakakagulat naman ang amo mong iyon,” ani Aling Carmen habang papasok sila sa loob ng bahay. “Walang kaarte-arte, kahit halatang sanay siya sa marangyang buhay.”Napangiti si Mira at bahagyang tumango. “Sabi ko naman po sa inyo, Nay, mabait siya. Kahit noong una, paran masungit siya, pero habang tumatagal, iba pala ang ugali. Hindi niya ako tinitingnan na parang alalay lang.”Huminto si Aling Carmen sandali at tinitigan ang anak, bago ngumiti nang malapad. “Kung tutuusin, anak, maswerte ka rin. Hindi lahat ng amo, ganyan ang asal. Yung iba, kahit kapwa tao nila, tingin nila mababa kapag wala kang pera. Pero si Doña Celestine… iba. Ramdam kong may malasakit siya sayo.”Bahagyang napayuko si Mira, marahang kumapit sa braso ng ina. “Oo nga po, Nay. Kaya parang… kahit nakakapanibago, mas gumagaan yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya.”Napansin ni Aling Carmen ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak, na para bang may iniingatang paghanga at respeto kay Doña Celesti

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng mahabang oras ng pamimili, dinala naman siya ni Doña Celestine sa isang mamahaling Italian restaurant. Sa unang tingin pa lang ni Mira sa loob, agad siyang napatigil—ang mga gintong chandelier na nakasabit, ang mamahaling carpet, at ang malalaking painting sa dingding ay halos hindi nagkakalayo sa pagka-elegante ng resto na dati niyang pinagtatrabahuhan. Ngunit may malaking pagkakaiba: doon, siya ang naglilingkod; dito, siya ang pinaglilingkuran.Nakasunod siya sa ginang habang inihahatid sila ng waiter sa kanilang reserved table. Pagkaupo, agad lumapit ang mga staff, sabay-sabay na maayos ang kilos—parang ritwal ng karangyaan. Isa-isang nilalatag sa kanilang harapan ang mga plato, baso, at kubyertos, at maya-maya’y dumating na rin ang iba’t ibang pagkain.Naamoy ni Mira ang nakakagutom na aroma ng pasta na may halong herbs, ang mainit na tinapay na may butter, at ang rich na sauce ng pizza na nilapag sa gitna ng mesa. Napakuyom siya ng palad at napakapit s

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nasa kabilang boutique na sila, ngunit halata pa rin ang bahagyang inis ng ginang. Agad namang nagbago ang kanyang mood nang mapansin niya ang magalang na pagbati at maayos na paglapit sa kanila. Sa sandaling iyon, pinaupo na sila ng mga staff, at ramdam ang maingat na pag-aasikaso sa bawat galaw nila.Abala si Doña Celestine sa pagpili ng mga damit. Nakaupo siya sa upuan habang isa-isang ipinapakita ng mga staff ang mga naggagandahang disenyo. May ngiti sa labi ng ginang, at halata ang respeto at paggalang ng lahat sa loob ng boutique. Ang mga ilaw ay malambot at kumikinang sa mga mamahaling tela, habang ang mga shelves at racks ay maayos na nakaayos, na para bang bawat piraso ay isang alahas na ipinagmamalaki.Kung sa naunang pinuntahan nila ay mahigpit ang seguridad at tila may kayabangan ang mga empleyado, dito nama’y ibang-iba ang hangin. Malumanay, magiliw, at halos may halong pag-aalaga ang paglapit ng mga staff sa kanila. Halos nararamdaman ni Mira ang katahimikan

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SIX

    THIRD PERSON: Unang hakbang pa lang ni Mira sa loob ng engrandeng department store ay tila nanikip na ang kanyang dibdib. Kumikinang ang bawat sulok—mula sa malalaking chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa sahig na parang salamin kung saan malinaw na nakikita ang kanyang repleksyon. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin, dahil sa bawat gilid ay nakahilera ang mga mamahaling damit, sapatos, at bag na tanging sa mga magasin niya lang dati nakikita. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. Para bang bawat segundo ay natatakot siyang may mahawakan o masagi at baka biglang mapresyuhan ng hindi niya kayang bayaran. Hindi ito ordinaryong lugar para sa kanya—ito ang mundo ng mga taong sanay sa karangyaan. Ngunit sa tabi niya, si Doña Celestine ay naglakad na parang reyna sa sariling palasyo. Maayos ang tindig, may kumpiyansa sa bawat galaw, at halos sabay-sabay ang pagbibigay-galang ng mga staff na agad yumuyuko at bumabati. “Good morning, Doña Celestine!” halos sabay-sabay na bat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status