Home / Romance / MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW / CHAPTER THREE [BLACK, NO SUGAR, LIKE YOUR SOUL]

Share

CHAPTER THREE [BLACK, NO SUGAR, LIKE YOUR SOUL]

Author: Bryll McTerr
last update publish date: 2026-04-30 12:37:07

FIRST MONDAY of the month, first day rin ni Vesper bilang official secretary ng lalaking hindi na sana niya gustong makita ulit. Yes, she’s talking about Mayor Kane Ynares.

All thanks to her Dad.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Vesper habang nakaharap sa kanyang full-length mirror. To be fair to her Dad, she could have say no nang sabihin nitong umuwi siya sa Pilipinas para lang gawing secretary ni Kane. But she didn't. She wanted to but she didn't.

Kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang harapin ang multo ng kanyang nakaraan para tuluyan na siyang makausad.

Nine goddamn years — that long. Pilit niyang pinaniniwala ang sarili na okay na siya. That she's over him but when she saw him again after that freaking nine years – she knew. Alam niyang tama ang naging desisyon niya na umuwi sa Pilipinas.

She can't run forever. And she intends not to.

Pinasadahan ni Vesper ng tingin ang sarili niyang repleksiyon sa kaharap na salamin at nang makontento ay sumilay ang kakaibang ngiti sa isang sulok ng kanyang mga labi.

“Kane Ynares, here I come. Watch me settle the score between us, you old man.” makamandag ang tinig na usal niya habang sinusuklay ng mga daliri ang lagpas balikat na buhok na hinayaan lamang niyang nakabagsak.

Humakbang siya patungo sa kanyang kama at dinampot ang kulay itim na DeMillier tote bag pati na rin ang susi ng kotse niya.

Bago tuluyang lumabas ng kanyang silid ay muling sinulyapan ni Vesper ang sarili sa salamin.

“Ah, perfect, Vesper! Just perfect for your first day as Mayor Kane’s secretary.” aniya sa sarili bago tuluyang humakbang patungo sa pinto.

Dapat ay nasa city hall na siya ng alas otso at may labinlimang minuto pa siya bago ang eksaktong oras. Malapit lang naman ang city hall. Halos ten minutes drive lang mula sa bahay nila.

Nang makarating sa ibaba ay tuloy-tuloy na lumabas si Vesper at nilandas ang daan patungo sa driveway. Ngunit habang naglalakad ay bigla siyang napatigil nang mahagip ng kanyang paningin ang puno ng santol. She flinched. Her eyes squinted.

Mas malaki at mataas na ang punong santol ngayon pero naroon pa rin ang swing.

Natigilan si Vesper. Wala sa loob na napatitig siya sa swing. Hindi kagaya ng santol ay ganon pa rin ang itsura niyon. It looks well-maintained. Bago ang pinturang puti. Parang walang nangyari.

Kumunot ang noo niya. How come? Gawa sa malapad na tabla ang swing at makapal na lubid tila bagong palit.

Tila wala sa sariling humakbang si Vesper palapit sa swing. Umangat ang kamay niya para haplusin ang lubid na nakatali roon ngunit nang may mga alaalang sumingit sa kanyang isipan ay tila napapasong kaagad niya iyong binitawan.

She steps back. The cherry pendant at her throat suddenly felt cold. Her hands were shaking. Not from jetlag that she had yesterday from a sixteen hour flight.

But from the memories that she's been trying to bury for nine years.

What is she doing?

Humigpit ang hawak niya sa tangan na bag.

Vesper shook her head and turned around. Nagmamadali siyang humakbang palayo sa swing at dumiretso sa kanyang sasakyan at kaagad na sumakay. Pahagis niyang ipinatong sa passenger side ang dalang bag saka huminga ng malalim.

“Vesper, Vesper, Vesper…” mahinang usal niya bago tuluyang binuhay ang makina ng sasakyan.

Hindi na niya muling tiningnan ang puno ng santol.

Eksaktong alas otso nang makarating si Vesper sa city hall ng San Agustin. Tinitigan niya ang may kalakihang gusali na nasa kanyang harapan at bahagyang napangiti.

Malaki na ang ipinagbago ng San Agustin kumpara noong huli niyang nasilayan ang lugar. It looks better this time, she admits. Mas maunlad, mas progresibo. Mas marami na siyang nakitang kilalang establishments na nadaan nila kahapon nang sunduin siya ni Kane sa airport.

And speaking of Kane. Seems like the guy is doing the job better than she’s expecting, huh. Sabagay, magaling naman talaga ang lalaki. Isa iyon sa nagustuhan niya dito noon.

“Miss Del Valle?"

Napatigil sa pagmamasid sa paligid si Vesper nang makarinig siya ng boses ng isang babae mula sa kanyang likuran.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap at kaagad na umangat ang kilay niya nang mabistahan ang itsura ng dalawang babaeng nakatayo, ilang dipa ang layo mula sa kanya.

Heavy makeup, rebonded hair, two very judging pairs of eyes, and ah — not to body shame but yeah. They’re oversized.

" Yes?” untag ni Vesper sa dalawa.

Ngumiti ang dalawang babae kay Vesper saka feeling close na humakbang palapit.

“Ikaw ang bagong sekretarya ni Mayor? In fairness, maganda ka.” puno ng malisya na sabi ng isang babae. May hawak itong kape na nakalagay sa paper cup.

She got that from the bento coffee, she assumed.

"Saka, saka kaano-ano mo si Congressman Del Valle?” usyusera naman na tanong ng isang naninilaw ang katawan dahil sa mga alahas na suot nito.

Bahagyang nalukot ang anyo ni Vesper dahil sa mga narinig ngunit kaagad din siyang nakabawi. Matamis siyang ngumiti sa dalawa bago sumagot.

Oh, how she hates gals like these two.

"I'm pretty, yes of course. I know that.” sagot niya sa unang babae saka tiningnan ang kasama nito. "And oh, that old man is my Dad." matamis ang ngiti na aniya rito bago tuluyang tumalikod at kumikembot ang balakang na naglakad patungo sa entrance ng city hall.

Yes, her Dad was the former congressman of San Agustin. Five years ago ay tuluyan nag-retire bilang politician ang kanyang ama at nagfocus na sa kanilang negosyo.

"Ah, so nepo baby ka.” turan ng isa sa dalawang babae na mabilis sumunod kay Vesper.

Nalukot ang ilong ni Vesper. Really? Hindi ba siya titigilan ng mga ito?

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at hindi na pinansin ang dalawa. Lumilikha ng ingay ang tunog ng takong ng suot niyang heels kaya napapatingin sa kanya ang lahat ng nasa loob ng city hall pero walang pakialam si Vesper. Pansin din niya na may nagbubulungan pero deadma lang sa kanya.

She's Vesper Del Valle and she doesn't care about everyone talking about her.

At para mas makuha pa ang atensiyon ng lahat ay mas lalo pa niyang pinatunog ang takong ng suot niyang Jimmy Choo black pointed heels habang umaakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. May elevator naman pero feel niyang maghagdan na lang.

Habang umaakyat ay iisa lang ang laman ng isipan ni Vesper.

‘Mayor Kane Ynares, I'm going to turn your world upsidedown.’

KATATAPOS LANG ng flag ceremony at kapapasok lang din ni Kane sa kanyang opisina. Nasulyapan niya ang bakanteng upuan sa maliit na cubicle na nasa loob lang ng kanyang opisina at nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang wala pa roon si Vesper.

Umupo siya sa kanyang swivel chair saka dinampot ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang working table. Pinindot-pindot niya iyon at binuksan ang text message sa kanya ni Roman, isang linggo bago pa man tuluyang nakabalik ng bansa si Vesper.

[Train her, Kane. She’s better than you think she is. Just a little bratty. Ayaw magtake ng bar exam. She listens to you, remember?]

‘She listens to you…’ ulit ng isipan ni Kane sa huling bahagi ng text ni Roman.

Kane sarcastically chuckled. She listened to him nine years ago when he told her to stop her delusion. And look where it took them.

Kumuyom ang isang palad ni Kane na nakapatong sa kanyang hita. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tila pagod na pagod na sumandal sa kanyang upuan. Damn, it's the beginning of the week at ito siya, kasisimula pa lang ng araw ay tila kunsumidong-kunsumido na.

Bigla siyang naupaunat ng upo nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. No knocks. It's just her, entering his office like she owns the world.

Muling nagsalpukan ang mga kilay ni Kane nang makita ang bagong dating. Kaagad niyang pinasadahan ng tingin ang kabuoan nito.

She walked in wearing black!

Deep V-neck black satin blouse na nakatupi ang manggas hanggang siko. Maluwag iyon at nakabukas ang tatlong butones na nag-expose ng cleavage nito kaya kitang-kita ni Kane ang nunal nito sa pagitan ng dibdib.

Kane flinched at the sight. Sexy pero hindi bastusin.

Sunod na tiningnan ni Kane ay ang pang-ibaba ni Vesper. Damn, but he's having a habit of cataloging her clothes now.

High-waisted wide-leg trouser at black leather tote bag. Tiyak ni Kane na mamahalin. Black pointed heels na sigurado siyang kasing expensive din ng bag nito. Ngunit ang mas higit na nakatawag sa pansin niya ay ang kawalan ng suot na alahas ni Vesper.

Well, maliban sa suot nitong k'wentas. Napatitig si Kane sa pendant na nakalawit doon. Against all black is a small silver cherry. The only soft thing left on her, he assumed. The last piece from nine years ago. His birthday gift when she turned 15. He remembers buying it at the gas station way back. She wanted cherry candy, so he bought her a necklace instead.

Malinaw pa sa kanya kung paanong humaba ang nguso nito nang iabot niya rito ang k'wentas sa halip na candy pero kaagad din namang ngumiti nang siya mismo ang nagkabit niyon sa leeg nito. Ang sabi pa niya noon ay mas mabuting k'wentas na lang kesa candy para iwas cavity.

His hands clinched. What is she trying to portray?

Nag-angat ng paningin si Kane at tiningnan ang itsura ni Vesper. Kagaya kahapon nang sunduin niya ito sa airport ay magulo rin ang buhok nito. Inaamin naman niyang bagay iyon dito.

Biglang nag-iba ang amoy ng paligid ng kanyang opisina. Suminghot si Kane at sandaling napapikit. She smells like citrus just like from nine years. Napalunok siya ng laway nang suklay-suklayin nito ng mga daliri ang buhok sa bandang tuktok.

Oh, hell but how would it feel to run his hand on her hair?

Umigting ang mga panga ni Kane sa kanyang iniisip. Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang hindi magandang ideyang iyon.

"Ugh! San Agustin's heat is heating like hell..."

Dinig ni Kane na reklamo ng babae. Kalmado ang tinig nito pero hindi pa rin naitago ang nararamdamang inis.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Kane para sa isang pigil na ngiti. And yeah, still the same Vesper who hates the heat of San Agustin. Ngunit kaagad ding nawala ang ngiti niya nang may maalala.

The Vesper that he used to know from nine years would've whined at him while asking for ice cream but the Vesper now is different — far different from what he remembered. She wasn't the same anymore.

Biglang tumingin sa kanya si Vesper. Nahigit ni Kane ang kanyang paghinga.

" Good morning, Mayor." nakangiting bati ni Vesper sa kalmadong tinig.

"Good morning," labas sa ilong na ganting bati ni Kane.

Ipinatong ni Vesper ang bag nito sa ibabaw ng working table nito saka muling ibinalik ang pansin sa kanya.

"I got you something," ani ni Vesper sabay hakbang palapit sa kanya.

Napatingin si Kane sa kamay nitong may hawak na plastic cup. May tatak iyon ng mamahaling coffee shop na nasa kabilang bahagi lang city hall.

Huminto si Vesper sa mismong tapat ng mesa niya saka bahagyang dumukwang para magpantay ang paningin nila. Ibinaba nito ang hawak na kape sa mesa niya saka siya tinitigan ng deritso sa kanyang mga mata.

Kumuyom ang mga palad ni Kane na nakapatong sa kanyang mesa. Damn but she's invading his privacy. And damn that loose button satin blouse that she's wearing. Hindi niya tuloy alam kung sasalubungin ba niya ang tingin nito o titig siya sa cherry pendant na tila tuksong pasayaw-sayaw sa pagitan ng dibdib nito habang nakabitin sa leeg.

Oh, he's doomed! Kane hurriedly took his gaze away at the sight and chose to focus on Vesper's face.

Napakaganda nito. Bilugan pero may kaliitang mga mata, matangos na ilong, kurbadong kilay at mga labing mapupula.

Oh, Jesus! She's driving him crazy.

Kane's eyes snapped.

"What's that?" malamig ang tinig na untag ni Kane sa babae.

Gusto niyang alisin sa mukha nito ang kanyang paningin pero hindi niya magawa.

“Black," mahina ang tinig na sabi ni Vesper habang tinatapik ang takip ng plastic cup gamit ang isa nitong daliri na ang kuko ay may pinturang pula. She wasn't smiling. Her eyes were locked into his like she's watching his reaction. "No sugar." dugtong nito bago tumayo ng tuwid at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.

"Vesper," nalilitong turan ni Kane.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa babaeng pinuno lang naman ang ilong niya ng amoy ng shampoo nito na humalo sa aroma ng kape.

Vesper smiled at him. Venomous.

"Black, no sugar. Like your soul." ulit nito bago tuluyang tumalikod at humakbang patungo sa mesa nito. Lumilikha ng ingay ang tunog ng takong ng sapatos nito habang naglalakad.

Umigting ang mga panga ni Kane. Tiningnan niya ang plastic cup na may lamang kape at napahilot na lamang siya sa sariling noo nang makita ang sticky note na nakadikit doon. May drawing itong smiley.

"Vesper-"

"You're welcome, Mayor. Time to work."

Napanganga si Kane. Did she just dismiss him? He cursed in silence.

'Damn you, Roman! And damn me more!’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY-FIVE[LOST]

    KASALUKUYANG NASA LOOB ng kanyang opisina si Congressman Miguel Sarmiento at tahimik na nakatutok ang mga mata sa nakabukas na TV. Pormal nang idineklara ng comelec ang pagkapanalo ni Kane Ynares bilang bagong congressman ng San Agustin. And it was a landslide win, for Jude’s sake! Sa kabila ng mga isyung ibinato nila sa lalaki ay ito pa rin ang pinili ng San Agustin. Why?Twenty-eight percent…Paulit-ulit na binasa ni Miguel Sarmiento ang numerong naka-flash sa TV. Ganoon kababa ang nakuha niyang boto. Miguel gripped on the side of his desk until his knuckles turned white. Magulo ang kanyang buhok habang ang suot na necktie ay hindi na rin nakatali ng maayos. Nanlalalim din ang kanyang mga mata, patunay ang kawalan nito ng ng maayos na tulog.Sa pinto naman ay nakatayo ang kanyang campaign manager at nag-aalingangang nagsalita.“Sir, final tally’s in. We lost in twelve towns that we won last term. Even in four towns and your own town, Sir, we almost lost them.”Hindi kaagad sumagot

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY-FOUR[LANDSLIDE WIN]

    EKSAKTONG ALAS SINGKO ng hapon nang tuluyang matapos ang botohan at alas sais naman nang magsimula ang pagbibilang ng boto. And it’s been an hour since the vote counting started… “Early count is 61% na si Mayor Kane.” masayang bungad ng isa sa mga staff ni Kane na papasok sa loob ng headquarters. Hawak nito sa isang kamay ang cellphone. Kasalukuyang naroon din sa headquarters si Kane katabi si Vesper na abala naman sa kaharap na portable stove at nonstick pan. Doon kasi nila dinala ang mga pinami para habang naghihintay ng resulta ng botohan ay may pinagkaka-abalahan sila. Ngumisi si Leon na full support din kay Kane. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. “It’s over…” aniya kay Kane habang ngumunguya ng karneng may kasamang kimchi at lettuce. Sumandal naman sa kanyang upuan si Mrs. Ynares habang hawak sa kamay ang tasang may lamang umuusok na tsaa. “The city chose. San Agustin has a new congressman now.” aniya bago sumimsim ng tsaa. Hinawakan naman ni Vesper ang kamay ni Kan

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY-THREE[I TOLD YOU]

    SA KABILA NG SUNOD-SUNOD na isyung hinarap ni Kane ay hindi pa rin naapektohan ang karisma niya sa mga tao. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta at hindi bumaba ang kanyang ratings sa mga survey.Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang eleksiyon…Maaga pa lang ay nakahanda na ang lahat. Mula sa mga watchers ng bawat partido, mga gurong magbabantay at mga pulis na nakakalat para masigurong ligtas ang magiging election.Kasalukuyang nasa loob ng headquarters si kane kasama si Vesper. Naroon din si Mrs. Ynares na maaga pa lang ay bumoto na para hindi siya sumabay sa buhos ng mga botante. Nangako ring darating ang mga magulang ni Vesper mamayang hapon.Sa isang sulok ay nakatayo si Vesper na nakasuot ng simpleng jeans, plain white shirt at sneakers naman ang sapin sa paa. Nakatali lamang ang kanyang buhok sa likod.“Nervous?” malambing ang tinig na tanong ni Kane sa nobya pagkatapos niya itong lapitan. Yumakap siya sa likuran ni Vesper at ipinatong ang kanyang baba

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY-TWO[GOOD RIDDANCE]

    SA LOOB NG study room sa mansion ng mga Del Valle sa Quezon City ay kausap ni Mr. Del Valle ang ina ni Kane. Nakabukas ang speaker ng telepono habang sila ay seryosong nag-uusap. “It’s about time, Roman,” ani ni Mrs. Ynares sa kabilang linya. Sumandal ang ama ni Vesper sa swivel chair at binuklat ang hawak na folder na naglalaman ng mga dokomentong pinirmahan nila pareho ng ina ni Kane. “We’ve been waiting, Celeste. Are you sure? Once we announce this… no turning back.” “The Montemayors cut all twelve billion pesos, Roman. The Ynares Corp’s stock is at an all-time low. Kane is out there telling our employees ‘we will finish the projecst with or without them’. He’s fighting with nothing but his name. So now we give him more than his name. We give him our name too.” Tumango-tango si Mr. Del Valle na tila ba kaharap lamang niya ang kausap. “Then let’s do it. Ynares-Del Valle Alliance. Effective immediately.” “Thank you, Roman…” “No big deal, Celeste. This is for our children's

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY-ONE[PULL OUT]

    [Just in. Montemayor Group has officially terminated all business partnerships with Ynares Corporation, effective immediately. CEO Madam Amara Montemayor cited ‘breach of contract and damage to family reputation’ after Mayor Kane Ynares confirmed his relationship with Vesper Del Valle.]Ito ang isa sa mga balitang laman sa business world nang araw na iyon. Business magazines, newspapers, radio, and television. At sa kasalukuyan ay mayroong presscon si Mrs. Montemayor sa mismong harap ng Montemayor Corp.“We, the Montemayor Group, have ended all joint ventures with Ynares Corporation. Ports. Logistics. Housing projects are all suspended. We cannot continue working with a partner who breaks promises in public and dishonors agreements made in good faith. Our comapny deserves someone who keeps their word.” malamig ang tinig an sabi ni Mrs. Ynares. Walang bakas ng kahit na anong emosyon sa anyo niya habang nakapalibot sa kanya ang mga reporters mula sa iba’t-ibang sangay ng news field.

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIXTY[ALLIANCE]

    “COME IN…” turan ni Mrs. Ynares nang makarinig ng tatlong sunod-sunod na katok. Naroon siya sa loob ng kanyang study room at may binabasang business proposal. Dahan-dahang bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang isang kasambahay. “Madam, may bisita po kayo.”Kumunot ang noo ni Mrs. Ynares. Wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw lalo na’t pasado alas tres na ng hapon. “Sino? If it isn't important, pakisabi na wala ako.” aniya bago ibinalik ang atensiyon sa binabasa.“Eh, Madam, sina Mr. and Mrs. Del Valle daw sila." napapakamot sa ulo na sagot ng kasambahay. Natigilan si Mrs. Ynares. Ibinaba niya ang hawak na business proposal at napatitig sa kasambahay. " Come again?” kunot ang noo na tanong niya. “Mommy at Daddy daw po sila ni Miss Vesper, Madam.”Hindi kaagad nakapagsalita si Mrs. Ynares. “Ah, Madam, patutuluyin ko po ba sila?" Napatingin si Mrs. Ynares sa kasambahay pagkuwa’y tumango."Let them in. Pakihatid na lang sila dito sa study room. Then

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER FIFTY-FOUR[I CHOSE YOU]

    KASALUKUYANG NAKAUPO sa couch si Kane katabi si Vesper nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ibinaba niya ang hawak na basong may lamang alak saka tiningnan ang screen ng cellphone.“It’s mom…” aniya kay Vesper na tumango lang bilang tugon. Naroon sila sa bahay ng mga Del Valle sa San Agustin a

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER THIRTY[UNLESS HE SAYS TO]

    PANGATLONG ARAW NA NG KAMPANYA at kasalukuyang nasa bahay ng mga Ynares si Vesper. Doon nila napagpasyahang magkita ni Kane dahil doon natulog ang lalaki.Vesper dropped by to bring papers for Kane’s speech for that same day. She was in the living room, setting down a foldes on the coffee table. Hi

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SEVEN [BLACK, NO SUGAR. NO POLO!]

    “SHIT, MAYOR! I — shit!” tarantang turan ni Vesper na kaagad binitawan ang hawak na French press. Mabilis niyang inabot ang paper towel saka nagmamadaling pinunasan ang nabasang polo ni Kane. “I didn’t mean to– let me—” Hinawakan ni Kane ang kamay ni Vesper, madiin. He wasn't hurting her. He j

  • MR. MAYOR, I'M LEGAL NOW    CHAPTER SIX [YOUR COFFEE, I MADE IT]

    It's day two since Vesper started working as Kane’s secretary and so far, so good. She's surviving the challenge, thank goodness!Kasalukuyang nasa loob ng hindi kalakihang pantry si Vesper na kanugnog lang ng Mayor’s office. Kasya lang yata ang limang tao doon kung magsasabay ng pasok kaso wala na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status