ログインKung dati'y kapag may ganitong sitwasyon, tumatalukbong lang ako ng kumot. Niyayakap si Lexie nang mahigpit. Nilalabanan ang takot nang mag-isa. Tahimik na humihikbi habang dala-dala ang panginginig ng katawan.Ngayon, hindi ako makapaniwala na may kasama na ako.Nakatulog ako sa bisig ni Axel noong gabing iyon. I can't believe that I felt at peace in his warm arms.Nagising ako sa pagsilay ng sikat ng araw sa pagitan ng mga kurtina.Bahagya akong napapikit dahil sa liwanag. Ilang segundo muna akong nanatiling nakahiga bago ko tuluyang napagtanto na may kung anong mainit at mabigat na nakapalibot sa katawan ko.Napatigil ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Napalingon ako kay Axel. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakasandal ang ulo sa gilid ng kama. Nakapikit ang mga mata niya at bahagyang magulo ang buhok.Napatingin ako sa mga bisig niyang nakapalibot pa rin sa akin. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa baywang ko, tila ba takot na takot siyang mabitawan ako.B
I thought I was going to calm down.Ngunit nang magising ako sa lakas ng kulog, napatalukbong ako.Nadako ang tingin ko sa bintana. Bagama't may kurtina na nakaharang, kitang-kita roon ang liwanag ng kidlat na panandaliang nagpapaliwanag sa buong silid.Napapikit ako nang mariin nang muling kumulog.Malakas.Napayakap ako sa kumot habang pilit na pinapakalma ang sarili ko."It's just thunder," bulong ko sa sarili.Pero parang hindi nakikinig ang katawan ko sa sinasabi ng isip ko.Muli akong napatingin sa bintana nang marinig ang patuloy na pagbuhos ng ulan. Mas malakas na ito ngayon kaysa kanina, at halos natatabunan na ng ingay nito ang lahat ng tunog sa loob ng silid.I still remember how this phobia started.Sa bawat kulog, ramdam ko ang pamamawis ng katawan ko. Sinabayan pa ng takot na bumabalot sa katawan ko ang malakas na pagpatak ng ulan.Naalala ko kung paano ako tumakbo sa gitna ng malakas na ulan at kulog para maprotektahan ko ang anak ko sa kapahamakan.Sa kamay ng ina ni A
Ibaon ang dapat kalimutan. Ngunit paano ko maibaon sa limot lahat ang mga nararamdaman at alaala ko kay Axel kung siya naman itong todo paramdam sa akin.Siguro'y paraan niya ito para pahirapan ako. Pahirapan akong makalimutan siya.Hindi madali. Hindi na nga naging madali noong nawalan ako ng balita sa kaniya sa loob ng dalawang taon. Mas lalo pang humirap ngayon dahil nandito siya. Nararamdaman at nakikita ko ang presensya niya.Tahimik akong nanonood kay Axel habang inilalatag niya ang foam sa sahig. Inayos niya ang bedsheet sa ibabaw nito habang kinakarga ko si Lexie at sinusubukang patulugin.Upang maalis ang atensyon ko kay Axel, binuksan ko na lamang ang TV habang pinapatulog ang anak ko.Balita agad ang bumungad sa akin sa telebisyon.“Good evening, everyone. We would like to inform the public that a heavy rainfall is expected in several areas over the next few days. According to the latest weather forecast, a developing weather disturbance may bring continuous rain, strong wi
I almost forgot how to breathe properly. Nagpakawala ako ng marahas na paghinga nang mapagtanto kong pinipigilan ko na ang paghinga ko.Natahimik ako. Nawalan ako ng sasabihin. I don't even know what to say. Kaya ang ginawa ko, mas pinili kong itikom ang bibig ko. Natatakot akong magsalita ngayon. Kasi baka kapag maibuka ko ang labi ko ay alam kong bigla akong bibigay.Tahimik akong kumakain. Ramdam ko naman ang paninitig niya sa akin, tila hinihintay ang magiging sagot ko o reaksyon. But I remained poker-faced. I made sure that he wouldn't read any of my emotions.I heard his deep sigh.Naikagat ko ang ibabang labi ko nang lagyan niya muli ng ulam ang pagkain ko. Doon ko rin napagtanto na mas marami ang ulam ko kaysa sa kanin.Maybe because I'm here in the USA.Madalang na kaming kumain ng kanin mula nang makatuntong ako rito sa ibang bansa. Puro mga tinapay, pasta, sandwich, at iba pang pagkain ang madalas kong kinakain.Noon, hindi ko maisip na masasanay ako nang walang kanin. Pero
"Umupo ka na. Ilagay mo lang rito si Lexie sa kuna. Itatabi ko lang siya sa atin," wika ni Axel nang matapos sa pagluluto.Napatango ako. Nilagay ko ang anak namin sa kuna. Mabuti naman at hindi umiyak si Lexie dahil nilagyan agad ni Axel ng pinggan at kutsara ang bata para laruin niya ito.Tahimik akong umupo sa upuan na ipinaghila niya para sa akin. Tinulak niya ang kuna palapit sa hapag namin.Pinanood ko siyang tumungo sa kusina at pagbalik ay may dala siyang mangkok na may ulam. Inayos niya ang mga plato at kanin sa lamesa.Gustuhin ko mang tumulong, alam kong hindi niya rin ako papayagan.Umupo siya sa harap ko at sinandukan ako ng pagkain. Tahimik ako habang tinititigan siya. Parang may humahaplos sa puso ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya.At bakit niya ba ginagawa ito?Ngunit natatakot akong tanungin sa kaniya ito. Natatakot ako sa magiging sagot. Natatakot ako na baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Natatakot akong umasa.Napasimangot ako nang maisip na ganito rin b
Una kong naramdaman ay ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko, hanggang sa mahila ako ng antok.Nagising ako na magaan na ang pakiramdam ko. Kinapkap ko ang kamay ko sa katabi ko, ngunit napadilat ako nang unan lang ang tanging nakapkap ko.Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong wala na si Lexie. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong walang katao-tao.Wala si Lexie at Axel!Mabilis akong tumayo. Ni wala na sa isip ko ang mag-ayos. Ramdam ko ang pamamawis ng buong katawan ko sa kabila ng lamig na nararamdaman ko.Halos matalisod ako sa pagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan.Ramdam na ramdam ko ang init ng mga mata ko. Tahip-tahip ang kaba ko. Para akong nawawala sa sarili sa iniisip kong baka kinuha na ni Axel ang anak ko!Kilala ko si Axel. Hindi siya ganoon.Pero malay ko ba?Dalawang taon na rin ang nakalipas. Maraming nagbago.Baka naisip niyang kunin sa akin ang anak ko.Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, bigla kong naamoy ang







