Share

Chapter 6

   

    Sa isang malaking abandonadong warehouse kami dumeretso ni Sir Aidan. Sa hindi malamang dahilan kinakabahan ako dahil kuta ito ng mga sindikatong walang kaluluwa. Sa akin ay walang problema kaya ko ang sarili pero si Sir Aidan natatakot ako para dito. 

   Bago bumaba ng sasakyan kinuha ko muna ang pang disguise ko naglagay ako ng wig, salamin tapos sinuot ang sumbrero at facemask na rin ako na may butas ang parteng ilong saka bibig. 

     Sabay lang din kaming bumaba ni Sir. Naging alisto naman ako. 

    “Sir, I don't have a good hunch here, No matter what happens, Don't leave my side and be alert Sir.” Seryoso kong turan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi isa, hindi dalawa..marami sila.

    “I will Iha.” Sagot nito kaya tumango ako. 

   Ilang sandali pa may sumalubong sa amin na mga armadong lalaki. 

    “Ikaw ba si Mr. Saavedra?” Tanong ng lalaking nasa gitna. 

    “Yes.” 

    “Tara sa loob kanina kapa hinihintay ni Boss.” 

   Tumango naman si Sir Aidan saka naglakad na. Sumunod naman ako dito habang nakikiramdam sa mga lalaking nasa likod namin. 

   Habang naglalakad kami papasok ay pasimple kong ginagala ang tingin sa paligid. Lahat ng madadaanan naming tao ay kakaiba kung makatingin lalo na kay Sir Aidan. Hanggang sa tumigil kami sa isang itim na pinto, pinag buksan naman kami ng lalaking bantay saka pumasok sa loob. 

    Natigilan ako ng bahagya ng makilala ang lalaking nakaupo sa gitna. Shit! Don't tell me siya ang katagpo ni Sir Aidan! Lumihis ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa gilid ni Franco Salvador. Damn! Si Seji Ishida ang Assassin ng Phantom! So, dito ang misyon ng gagong Ishida na ito? O, ito na ang bagong amo nito?

   Napakuyom ako ng kamao. Kilala ko si Franco Salvador isa siya sa may galit sa WCO at sa akin. Habang si Ishida naman ang kakumpetensyan ko. Hinahangad ng lalaki na maging pinaka magaling na Assassin sa buong pilipinas pero ang gago hindi naman ako matalo talo sa sparring. Mainit ang dugo nito sa akin. 

   Good thing sinunod ko ang sinabi ni Sir Aidan na mag disguise din at nag change ako ng pormahan ngayon. Kung hindi siguradong napaaway na ako dahil susugudin ako ng Ishida na iyan. Walang nilulugar o santo ang lalaki..Kahit hindi pa nila nakikita ang totoong mukha ko, kabisado naman nila ang galaw at pormahan ko. 

   Mukhang hindi naman nila ako nakilala dahil walang karea-reaksyon ang mga mukha nito maliban na lang na nakatingin sila sa amin. 

    “You're finally here. Sitdown. By the way sino pala iyang kasama mo, Aidan?” Nakangising tanong ni Salvador. 

    “It's none of your business, Salvador. Now let's proceed to our business here.” Malamig na sagot naman ni Sir Aidan. Woah! Ibang iba ang awra ngayon nito. 

   Humalakhak naman si Salvador. 

   “Fine, masyado namang mainit ang ulo mo. Nagtatanong lang naman ako.” Sabay sindi ng sigarilyo nito. Tahimik lang naman akong nakamasid. 

   “Bakit pala dito mo ako pinapunta? Ang usapan natin ay sa underground.” Muling tanong ni Sir. 

   “Well, may gusto akong ipagawa sa ‘yo kaya dito kita pinapunta. May ipapasok akong droga na manggagaling sa Zambales. Gusto kong gawan mo iyon ng paraan at dito padaungin ang barko sa pier na ito. So, negotiate to the boss here.” 

   Tsk, sabi na! 

   “What? Alam mong hindi ako nakikipag negotiate kung hindi miyembro ng underground at tungkol sa droga. Ibang usapan ang dito, Salvador. Hindi ko ito hawak.” Seryosong turan ni Sir Aidan. Bigla namang sumeryoso si Franco at matalim na tumingin sa lalaki. 

   “Sinusuway mo na ako Aidan? Wala akong pakialam kung hindi mo ito hawak. Dito ka magaling kaya gawin mo! Kung tutuusin nga may kasalanan ka pa nga sa akin. Delayed ang mga kargamentong ko! Hindi mo ba alam na napapahiya ako sa mga kliyente? Umasa sila na ganitong araw ang dating pero hindi naman dumating!”  Galit na bulyaw nito. 

    Boss na boss ang datingan ni Salvador, tsk pero kapag kapwa niya boss ang kausap parang maamong tupa. Duwag naman. Kinakaya-kaya niya si Sir Aidan kasi mas mataas siya. What a jerk. 

    “About that hindi mo naman sinabi sa akin agad ang tungkol sa bagay na iyan kaya natagalan. Nagkaroon tuloy ng problema sa customs. Next time abisuhan mo muna ako para alam ko.” 

  “So? Kasalanan ko pa? Hindi ba't trabaho mo naman ‘yan?” 

   Hindi naman umimik si Sir Aidan at napailing na lang. 

  “Ngayon para makabawi ka, makipag negosasyon ka.” 

   “Alam mong kapag drugs din ang pinag uusapan ay hindi ako masyadong nakikipag negosasyon. Hanggang sa armas lang ako at ibang kargamento.” 

   “C'mon Aidan! Ngayon lang naman ito pambawi sa ginawa mo. Alam mong kapag sa ganitong paraan ikaw lang ang inaasahan ko at makakatulong sa akin.” 

   “It's not my problem, Salvador. Hindi kona trabaho iyan. I only negotiate with the underground bosses. And your request are different matter.” Mariin at seryosong turan ni Sir Aidan. Nakakalokong ngumisi naman si Salvador.

    “Uh-huh? I think it will be a problem for you too if you don't follow me. You know me very well Saavedra.” 

    Dahil sa sinabi ni Salvador ay napaayos ako ng upo. May hint! Mukhang iba ang ibig sabihin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag kuyom ng kamao ni Sir Aidan. Mukhang tama nga ang hinala niya. Now, kailangan ko makakuha ng ebedensya na tama ang hinala namin.

   “Don't threaten me Salvador, I did my job for you and your shipment will be arrived today..If you don't have anything else to say, We are leaving. Let's go Hermosa.” Tahimik naman akong tumayo saka sumunod kay Sir Aidan. 

  Pero bago ‘yun hindi nakaligtas sa akin ang nakakatakot na ngisi ni Salvador kay Sir Aidan. 

  Nang makasakay sa kotse ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Sir Aidan, humarap naman ako dito. 

    “Sir, ayos lang ba kayo?” Nag-aalala kong tanong. Knowing Salvador siguradong may gagawin iyon para mapapayag si Sir Aidan sa nais nito. 

   “Yeah, pasensya kana Iha. Hindi ko lang gusto ang ginagawa ni Salvador sa akin. Hay, Gusto ko ng umalis sa organisasyon at magbagong buhay pero hindi na maari ito na ang buhay ko ngayon. Mahirap ng makawala sa masilamuot na buhay na ito. Kaya Iha, gawin mo ang lahat para bantayan ang aking anak. Siya na lang ang meron ako at ayokong madamay ito sa gulong pinasok ko.” Sincere na turan nito. Tumango naman ako. 

    “H'wag kayong mag alala Sir, akong bahala kay Lucien. Babantayan ko siya at poprotektahan sa abot ng makakaya ko para sa inyo.” 

   Isang ngiti naman ang bumalatay sa labi ng matanda. Naiintindihan ko si Sir Aidan. Ngayon gagawin ko ang misyon ko para sa ama ni Lucien dahil kitang kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki. 

*******

     

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status