PAGKARATING sa mansyon dumeretso sa kanyang opisina si Sir Aidan at ako naman ay dumeretso sa aking kwarto. Maliligo at magpapahinga muna ako dahil mamaya simula na ng totoong trabaho ko.
Matapos makapag freshen up ay pabaksak akong nahiga sa aking kama. Biglang bumalik sa aking isip ang pinag-usapan namin ni Sir Aidan. Mukhang hindi lang ang anak nito ang kailangan kong bantayan pati ito. Siguradong babalikan siya ni Salvador para pumayag sa gusto nito.
Hay, ang hirap naman kasing kumilos na katulong ang role. Kung naging bodyguard lang sana ako. Tsk.
Dala ng pag-iisip ay unti-unti na akong hinatak ng antok. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ng sunod sunod na katok. Pupungas pungas akong bumangon, napansin kong madilim na ang buong kwarto. Luh, gabi na pala—Shit! napahaba ang tulog ko.
Patalon akong bumaba ng kama saka dumeretso sa pinto. Pagbukas na pagbukas ko ang walang emosyon na mukha ni Lucien ang bumungad sa akin.
“S-Sir.” Mahina kong anas dahil kakagising ko lang, Hindi pa ako nakakapag hilamos at toothbrush e.
“It's already 6:30 in the evening pero nandito ka sa kwarto mo and..mukhang kakagising mo lang? Seriously, Ms. Hermosa? Katulong ka ba talaga dito o bisita? Tsk! Prepare my dinner sa dining area ako kakain.”
Sabay talikod nito at pasok sa kanyang silid. Napansin kong nakasuot pa ito ng suit means kakauwi lang. Pero sandali, ano daw? Tila ako nahimasmasan ng mawala na ito sa aking paningin.
Shit! prepare dinner daw? Oo nga pala! Sana may luto ng pagkain para maghahain na lang ako. Kung wala pa patay ako nito, hindi ako marunong magluto.
Dali-dali kong sinarado ang pinto ng kwarto ko saka namili ng damit na terno. Ayoko magsuot ng maid uniform no! Napag usapan na rin naman namin ni Sir Aidan ang tungkol sa bagay na ito e.
Kahit simpleng pambahay lang daw ang isuot ko ay ayos na. Matapos makapag ayos ng sarili patakbo akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina.
“M-manang nakapag luto na po kayo ng dinner?” Hinihingal kong tanong. Nilingon naman ako nito saka tinanguan.
“Oo Iha, katatapos lang. Sige na at paghandaan mona ng makakain ang señiorito.”
Tumango naman ako at nakahinga ng maluwag. Buti na lang tapos na si Manang makapag luto. Kung hindi naku, kakain ng sunog na itlog ang lalaking ‘yun.
Masaya akong naghain ng pagkain ng señiorito. Sakto ng matapos ako ay siyang sulpot nito. Walang emosyon itong naupo tapos tinignan ang pagkain saka nagsimula ng maglagay sa kanyang plato. Inferness ang fresh fresh nitong tignan sa suot na white shirt at pajama na black.
Nakangiti lang naman ako habang nakamasid dito. Akala ko ay hindi niya magugustuhan ang pagkain na nakahain e. Nakaka-ilang subo na ito ng mapatigil saka ako taas kilay na binalingan. Umayos naman ako ng tayo baka may iuutos na.
“What are you doing? Hindi mo ba alam na nakakailang kumain kapag may nakatingin?” Masungit nitong turan.
“Huh?” Napakurap kurap ako.
“Tsk, hindi ko alam kung saan kang lupalop nakuha ni Daddy. Umalis ka nga! Doon ka sa kusina, Hindi ako makakain ng maayos sa ‘yo. Tss, Napaka slow at tanga mo.”
Unti-unting nawala ang ngiti ko at napalitan ng pag iinit ng dugo. Gago to ah! Sinabihan akong slow at tanga?
“Pwede mo namang deretsuhin ang gusto mong sabihin sa akin, Hindi mo ako kailangan sabihan ng slow at tanga. Oo, katulong ako dito pero ‘wag na ‘wag mo akong pagsasalitaan ng kung ano! Kung gusto mo palang wala ako dito, sana dineretsa mo! Hindi ‘yung may padali kapa! Dyan kana nga!——Mabulunan ka sana.”
Sabay talikod ko at lakad patungo sa kusina.
“What? ano ‘yung huling sinabi mo?” Pahabol na sigaw nito pero dedma. Bahala siya sa buhay niya. Gagong ‘yun siya na nga ang inasikaso at nasa gilid lang naman ako at naghihintay ng i-uutos niya tapos sinabihan pa akong tanga at slow. Ngudngod ko siya sa kinakain niya e.
Sa kusina ako namalagi habang kumakain ng hapunan, Nakipag usap lang ako sa ibang katulong. Hinayaan ko lang mag isa ang amo ko doon sa dining area iyon naman ang gusto niya. Nang alam kong tapos na ito kumain saka lang ako bumalik doon para ligpitin ang pinag kainan nito.
Nang matapos kong maligpit ang pinagkainan umakyat na rin ako para magpahinga. Bukas kasi ay maaga akong gigising para mag-asikaso ng pagkain at babaunin ng Lucien na ‘yun. Iyon ang isa sa utos ni Sir Aidan. Syempre si Manang pa rin ang magluluto baka ihagis pa sa akin ng amo kong pinaglihi sa sama ng loob kapag nakita niyang sunog ang kakainin niyang lunch.
Bukas na ang simula ng pagbabantay ko kay Lucien. Sasama ako kung saan man ito pupunta dahil ako ang personal maid nito. Alam na rin naman ng lalaki ang trabaho ko dahil nasabi na sa kanya ni Sir Aidan. Wala naman siyang magagawa dahil iyon ang utos ng kanyang ama.
Pabaksak akong nahiga sa kama saka napabuntong hininga. Ano kayang gagawin ko sa kompanya bukas ng mga Saavedra? Mukhang boring ang araw ko bukas dahil tatambay lang ako doon. Ano ba naman kasing misyon ito.
******
KINABUKASAN alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ako. Syempre hindi mawawala ang routine kong jogging sa umaga. Pagkatapos ko makapag ehersisyo ay mabilis akong naligo at dumeretso sa kusina para tumulong kela manang.
Habang humihigop ng kape ay nakikinig ako sa mga binibilin nito sa akin. Calderetang buto-buto ang niluto nitong lunch dahil iyon daw ang isa sa paborito ng señiorito nila na ulam.
“Alam mo, Iha. Pabor ako sa ginawa ni Senyor Aidan na maging personal maid ka ni Señiorito. Ang batang iyon pinapabayaan na ang sarili sa pagkain. Minsan ay isang beses na lang iyon kumain kung hindi naman ay wala pang kinakain. Puro kape lang ang hinihingi. Hindi lang ‘yun Iha, Mahilig din si Señiorito na mag bar. Doon niya binubuhos ang stress at pagod sa pag inom ng alak. Hays, Ilang beses ko ng pinagsasabihan ang batang ‘yun kaso hindi makinig-kinig sa akin. Laging nakatuon sa business nila kaya pati pagkain kinaliligtaan. Ikaw ng bahala sa kanya ha? Lagi mong ipaalala ang pagkain saka ang vitamins na ibibigay ko sa ‘yo. Saka kung maaari paiwasin mo muna sa alak.”
Mahabang turan ni Manang. Aba'y ibang klase rin ang Lucien na ‘yon. Dapat pakamatay na lang siya. Gano'n din naman pala ginagawa niya. Pinapahirapan pa ang sarili.
“H'wag kayong mag-alala manang akong bahala kay Sir Lucien.” Sagot ko. Kahit ayaw ko pakealamanan ang ginagawa nito pero ang trabaho ko dito ay bantayan siya at hindi mapahamak. Kaligtasan nito ang mahalaga kaya kahit maging baby sitter pa ako ay keri lang.
Binalingan naman ako nito saka matamis na nginitian.
“Salamat Iha, masungit man minsan ang señiorito pero mabait talaga ang batang ‘yon kaya pagpasensyahan muna ha? Tatagal din ay masasanay rin kayo sa isa't isa. Siguro dahil sa bigat ng trabaho na naka-atas sa kanya kaya nabuburyo na sa buhay at ganon na ito kung magsungit.”
Nakakaintindi naman akong tumango sa matanda. Sabagay baka dahil sa pasan na trabaho sa kanilang negosyo ay stress na stress na nga ito or sobra lang talagang magseryoso dahil ayaw niya mapahiya sa ama. Pero hindi uubra sa akin ang ugaling meron siya no! Hindi ako tatablan ng kasungitan at kayabangan nito.
Matapos namin mag chikahan ni Manang ay naghain na ako sa mahabang lamesa dahil ano mang oras bababa na ang señiorito. Pagbalik sa kusina ay inayos ko naman ang baunan kung saan ko ilalagay ang pananghalian ng aking boss. Naghiwa rin ako ng mangga at apple. Para atleast merong pang tanggal umay saka kailangan nito ng prutas. Kumuha din ako ng ubas saka orange para pandagdag.
May nakita pa akong chocolate moist sa ref kaya nag slice din ako ng dalawa, syempre dessert ni señiorito. Isa lang talaga ang para sa lalaki dahil sa akin ang isa. Nag baon din kaya ako ng lunch mahirap na baka hindi ako pakainin ng Lucien na ‘yun e. Kaya kailangan handa.
Dalawang lunch box ang inayos ko special nga lang ‘yung sa amo ko dahil may mga prutas pa akong nilagay. Matapos kong ma-ready ang lahat ay lumabas na ako ng kusina bitbit ang mga ito. Sa sala na lang ako maghihintay baka iwanan ako e.
Naabutan ko sila Sir Aidan na nag-aalmusal. Tumigil ako saglit saka bahagyang yumuko para mag bigay galang.
“Goodmorning Sir Aidan, Goodmorning Sir Lucien.”
“Goodmorning din Iha, nagbreakfast kana?” Nakangiting tanong ni Sir Aidan. Ngumiti rin ako pabalik, ewan ko pero magaan ang loob ko dito. Hindi ko magawang mag sungit siguro dahil alam ko ang totoo at naiintindihan ko ito.
“Katatapos lang po Sir.”
“Ganon ba? Hmm, saan ang punta mo niyan?”
“Sa sala po doon ko po hihintayin si Sir Lucien.”
“Oh, Oo nga pala ngayon ang unang araw na sasama ka sa kanya sa opisina.” Tumango naman ako.
Sabay kaming napatingin kay Lucien ng tumikhim ito tapos nagsalita.
“Seryoso ka ba talaga Dad na papasamahin mo sa akin ang maid na ‘yan? Babantayan talaga niya ako?” Malamig nitong turan.
“Yes, son. Kailangan ka niya samahan at bantayan kung saan ka man magpunta bilang update sa akin. Kailangan mong laging paalalahanan kumain sa tamang oras at inumin ang mga vitamins mo. Wag mong hintayin na bumigay na lang ang katawan mo dahil pinapabayaan mona.” Seryosong sagot naman ni Sir Aidan.
“Tsk, ginagawa mo akong bata Dad, Nasa tamang edad na ako pero may nakabuntot pa sa akin na katulong. Paano kapag pumunta ako ng Bar? Ng business meeting kasama din siya?”
“Of course, personal maid mo siya. Para sa ‘yo din naman ang ginagawa ko. Kapag may business meeting naman alam ni Ms. Hermosa kung anong gagawin niya kaya ‘wag kang mag-alalala.”
Hindi na kumibo si Lucien pero kitang kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kutsara. Nagkibit balikat na lang ako saka magalang na nagpaalam.
Ginagawa ko lang kung anong trabaho ko kaya pasensyahan kami ng Lucien na yun. Magalit man siya wala na siyang magagawa.
Naupo ako sa single sofa at doon hinintay matapos ang amo ko.
Makalipas ang ilang minuto, napatayo na ako sa kinauupuan ko ng makitang nakasimangot na lumabas ng dining area si Lucien. Nang magtagpo ang aming mga mata ay matalim ako nitong tinignan bago nagsalita.
“Let's go.” Malamig na sambit nito saka nauna ng maglakad.
Napakasungit talaga. Napapailing na lang akong sumunod dito dala-dala ang lunch namin.
Nasa passenger seat ako nakaupo habang tahimik naman sa backseat ang amo kong pinaglihi sa sama ng loob. Patingin tingin lang ako sa labas ng biglang magsalita si Lucien.
“Hermosa, mamaya pupunta tayo ng Bar kapag natapos ang office hour. Gusto kong dumistansya ka at ‘wag akong susundan ng susundan. Wag mo rin akong papakialaman, Naiintindihan mo?” Lumingon naman ako saka ngumisi.
“Areglado Sir.”
“Good.” Sagot nito sabay baling sa labas ng bintana. Umayos na ako ng upo habang lihim na napapangiti.
Hindi ako mangengealam kung wala namang kahina-hinala sa paligid pero kung meron mangengealam ako dahil iyon ang totoo kong misyon. At wala siyang magagawa doon.
*****
ILANG BUWAN ANG LUMIPAS Mas naging tahimik at mapayapa ang buhay ni Louise. Sa kabila ng pagiging bahagi pa rin ng Wolfgang mas siniguro na nitong may linya ang kanyang mga misyon—hindi na para sa paghihiganti, kundi para sa katarungan. Saka masaya siya dahil sa mga nagdaan na taon, nabigyan niya din ng hustisya ang kanyang ina. Ito naman talaga ang dahilan niya bakit pinasok niya ang pagiging assassin. Binalik niya ang kanyang dating routine, sa umaga ay busy ito sa kanyang business at kapag gabi naman ay pagiging assassin nito. ****** SA GARDEN – LOUISE’S BIRTHDAY Setyembre. Ang hangin ay malamig pero banayad—tila yakap ng kalikasan. Ang hardin ay tinakpan ng mga ilaw mula sa daan-daang fairy lights, kumikislap na parang mga bituin. May isang simpleng toldang puti na may mga sheer curtains na bahagyang sumasayaw sa hangin. Ang bawat mesa ay may pulang bulaklak—paborito ni Louise, Isang eleganteng off-white silk dress ang suot niya. Ang buhok niya’y naka-hal
SA SALA NG MANSION – KINA LOUISE Mag-isang nakaupo si Lucien sa malaking sofa. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Malungkot siyang ngumiti, tanggap na uuwi na naman siyang bigo ngayong gabi. Tatayo na sana siya nang marinig niya ang isang mahinang tikhim mula sa likuran. Napalingon siya agad. Nanlaki ang mata niya. Nakatayo si Louise, seryoso ang mukha, nakataas ang kilay at naka-halukipkip. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. “L-Louise…” nauutal niyang tawag. Tumikhim ulit si Louise. “Lucien, ito na ang huling punta mo rito. Itigil mo na ‘to. Naiintindihan mo?”Natigilan si Lucien. Nanlamig ang palad. “W-What do you mean? May nagawa ba ako? Handa naman akong maghintay—” Umiling si Louise. “What I mean is... tigilan mo na ang araw-araw mong pagpunta rito tapos galing ka pa sa trabaho mo. Hindi mo kailangang pagurin ng sobra ang sarili mo.” “H-Hindi ko kailangan...?” lutang na anas si Lucien. Ngumiti si Louise. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yon kasi... pinap
Ilang sandali lang ang lumipas pumasok ang doktor at mga nurse, sinuri agad ang vital signs ng dalaga habang si Lucien ay nakatayo sa gilid, hindi pa rin mapakali sa tuwa. Saglit lamang ang eksaminasyon, at agad na tiniyak ng doktor na bagama’t mahina pa si Louise, positibo ang resulta. Hindi nagtagal, isa-isa nang dumating ang mga taong matagal na ring nagbantay at nagdasal para sa paggising niya. Si Night, tahimik na pumasok. Diretso ang tingin sa kama ni Louise pero halatang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Masaya siyang gising na ang kasamahan. Si Sapphire, nakasuot pa ng jacket, napatakip ng bibig habang pinipigilan ang iyak. Si Blade at Gunner ay sumunod, parehong seryoso ngunit ramdam ang gaan ng loob. Tumango sila kay Lucien, at saka lumapit kay Louise, para kahit paano ay masilayan ang kanilang kasamang matagal nilang inalala at kamustahin ang pakiramdam nito. Huling dumating ang kuya ni Louise. Pagkapasok pa lang, ay agad niyang tinungo ang kama ng kapat
Nagmadaling umuwi si Lucien. Pagpasok sa loob ng bahay ay natigilan siya ng may taong naghihintay sa kanya. May nakaupo sa sala. “Crystal…” mahina at puno ng gulat na sambit ni Lucien. Nangilid ang luha sa mata ng babae, at agad itong tumayo nang makita siya. Buhat noong araw ng kanilang dapat sanang kasal, ngayon lang niya muling nakita si Crystal. Ang babaeng ilang buwan niyang pinaniwalaang mahal niya—dahil sa mga ala-alang binura ng aksidente. Tahimik ang paligid. Mabigat ang hangin. Nagsalita si Crystal, nanginginig ang tinig. “C-Can we talk, Lu?” Sandaling pumikit si Lucien. Bumuntong-hininga. Saka dahan-dahang tumango tapos lumakad palapit at umupo sa tapat ng dalaga. “What happened?" nanginginig na tanong ni Crystal. “Why did you leave me on our wedding day? What happens now? Don’t you know how humiliated I was that day? It hurt so much, Lucien…” Dama ni Lucien ang bigat sa tinig nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lahat ng ito—dahil ayaw na niyang ita
MEANWHILEOPERATION ROOM (Third point of view) Mabilis ang galaw ng mga doktor at nurse sa loob ng emergency operating room. Tumutunog ang mga monitor—isang paalala na bawat segundo ay nasa kritikal. “BP 70 over 40. Pulse is weak!” sigaw ng nurse habang nakatingin sa monitor. “Transfuse two more units of O-negative—now!” utos ng lead surgeon habang patuloy sa pag-opera. Naka-bukas ang tiyan ni Red, habang ang mga kamay ng mga doktor ay patuloy na nilalabanan ang kamatayan ng dalaga. “May liver laceration, grade four! Suture, suture! Clamp that bleeder!” Habang pinipilit isalba ang kanyang atay at bahagi ng bituka, napuno ng tensyon ang silid. Pawis na pawis ang buong team, halatang ilang beses nang humarap sa ganitong sitwasyon—pero iba ito. Ramdam ang bigat. “Patient’s going into shock! Start dopamine drip—now!” Makalipas ang ilang oras.. “Vitals stabilizing... we’re past the critical stage,” bulong ng isa sa mga doktor. Halos sabay sabay nakahinga ng malu
SA HOSPITAL – OPERATION ROOMMabilis ang galaw ng mga doktor. Maraming dugo ang na-transfuse kay Red. Pinipilit isalba ang atay at bahagi ng bituka na napinsala sa tama ng bala at saksak. Outside the operating room naroon sina Sapphire, Night, Blade, at Gunner—puno ng pag-aalala. “Hindi siya pwedeng mamatay… hindi ganito dapat matapos.” Mahinang sabi ni Blade habang nagpapabalik balik sa paglakad. “Pinatay niya si Salvador. Tinapos niya si Ishida. Pero kapalit halos ng sarili niyang buhay.” Mahinang sabi din ni Gunner habang nakatingin sa pinto ng operating room. Si Sapphire naman ay kasalukuyang tinatawagan si Thunder para ibalita ang nangyari at papuntahin sa hospital, ********* Church Courtyard | Wedding of Crystal and Lucien Ang haring araw ay unti-unting lumulubog, at ang liwanag nito ay bumabalot sa eleganteng hardin kung saan ginaganap ang kasal nina Crystal at Lucien. Nakaayos ang lahat—mga bulaklak, musika, at mga abay na isa-isang naglalakad sa gitna ng aisle. Ma